Umupo muna ako saglit sa cafeteria dahil may 15 minutes pa naman. Hanggang sa biglang sumulpot sa harapan ko si sir Kael. Kamuntik pa akong masamid sa iniinom kong lemonade dahil ang alam ko ay nasa business trip ito. Hindi ko alam na nakabalik na pala siya. At ang dami ng bakanteng upuan ay dito pa talaga ito nakiupo sa akin. Automatikong gumala ang mga mata ko sa paligid namin dahil baka mamaya ay may makakita nanaman at bigla akong harangin ulit. Pero huli na dahil ang una ko kaagad nakita ay si chef Bernadette at sa amin nakapukol ang matatalim nitong tingin. Hay nako, eto nanaman po tayo! "Sir Kael, nakakagulat ka naman." Pero ano pang magagawa ko? As if pwede kong ipagtabuyan tong boss ko at palipatin ng upuan. Hindi din naman pwedeng ako ang umalis dahil nakakaisang kagat palan

