"Nananadya ka bang talaga ha, Lilith?" Bumalik kay Eula ang atensyon ko ng muli itong nagsalita. "Hindi mo maagaw ang asawa ko, kaya pilit mong sinisira ang espesyal na araw naming dalawa!" Halos isigaw nito ang mga katagang iyon na para bang tinatawag ang atensyon ng mga bisita nila, pati na rin ng editorial teams na nagcocover ng kasal nito. Mabuti nalang at listo ang mga servers at security kaya may pumipigil sa paglapit ng mga bisita sa kinaroroonan namin at nanatili ang mga ito sa guest lane. "Please calm down, Mrs. Paladino. Nagkakamali ka ng iniisip. There must be a misunderstanding." Mahinahon kong sagot rito. "Misunderstanding? Misunderstanding bang matatawag ang itsura ng cake namin?" Muli nitong sigaw. "What's going on here?" Paglingon ko ay papalapit sa amin si chef Bernadet

