LILITH'S POV "Kaya ko namang magluto eh." Buong araw kaming namasyal ni Jino, at hinuli ang paggogrocery, and now he's insisting that he's the one cooking dinner tonight. "Ayaw mo ba sa luto ko?" He pouted. Well, if I had to be honest, sigurado akong may sama ng loob ang manok na yun sa kabilang buhay knowing na naging minatamis na adobo siya. But I didn't have the heart to tell him na sobrang tamis ng chicken adobong niluto nya because he seems to be enjoying it. "Syempre gusto ko." At hanggang ngayon wala pa din akong lakas ng loob na sabihin sa kanya lalo pa at sobrang excited niya ng magprisentang magluto. "Ano bang lulutuin mo?" Wala namang problema kung prito lang ang mga niluluto ni Jino, but if it's more complex than that, siguro tulungan ko nalang siya. "I saw a recipe for b

