Ang awkward kung hindi namin babatiin ang isa't isa, kaya kahit alam kong ayaw ni Jino ay hinila ko pa rin ito palapit sa boss ko. "I almost didn't recognize you, if it wasn't for your husband standing next to you." Iyon agad ang sinabi ni sir Kael nang makalapit kami sa isa't isa, tumingin pa nga ito saglit kay Jino ng banggitin ang salitang asawa bago binalik ang tingin sa akin. "Grabe naman sa halos hindi makilala, sir. Para naglugay lang ng buhok eh." Natatawang sagot ko. I don't think the make up did something to alter my I look completely para hindi niya makilala. Natawa din ito sa sinagot ko. Parang ang awkward naman kung magpapaalam agad ako after ng isang palitan ng salita. "Anong ginagawa mo dito sir? Siguro may date ka no?" Sa panunukso ko nalang dinaan na mapahaba ng kont

