Kabanata 1
Let me introduce myself. Ako si Callien Yendrinna Dawson 20 years old isang second year college sa Montereal University.
"Callien bilisan mo naman! Malelate na tayo." nakapameywang na sigaw sakin ni Hera
Maaga akong naulila sa mga magulang, bata pa lang ako nung mangyari ang insidenteng iyon na nagbigay ng bangungot sa buhay ko, nakita ng dalawang mata ko kung paano sila pinatay ng walang kalaban laban at dahil nga bata pa ako ng mga panahon na iyon ay wala akong nagawa para tulungan o iligtas sila. Pasalamat na lang ako at nakaligtas ako, hindi nila ako napatay dahil nagtago ako ng mabuti.
Simula ng mangyari ang trahedyang 'yon ay nagkaroon na ako ng trauma, ilang buwan din ang inabot bago ako makarecover at makausap ng maayos. Kinupkop ako ng pamilyang Hernandez, isa sila sa matalik na kaibigan ng mga magulang ko, noong una ay tumanggi pa ako dahil ayaw kung makadagdag alalahanin pa sa kanila pero sadyang mapilit ang bestfriend kung si Hera kaya sa huli pumayag na din ako. Tinuring nila akong tunay na pamilya at mama/papa na rin ang tawag ko sa mga magulang ng nito.
Simula ng tumungtong kami ng college ay malimit na lang kami umuwi sa kanilang bahay, binilhan kami ng mga magulang niya ng isang condo unit dito di kalayuan sa University na pinapasukan namin, pag umuwi pa kasi kami halos anim na oras ang aabutin ng byahe namin.
"Oo na oo na! Halata namang hindi ka excited noh?" irap ko rito
At kung tatanungin niyo kung paano ako nakapag aral? Iyon ay dahil sa perang iniwan sa akin ng mga magulang ko bago sila mamatay, meron akong pera sa bangko na pinagawa pa nila para magamit ko, pinagawa ito ng mga magulang ko para magsilbing savings ko daw noong mga panahong kompleto at masaya pa kaming magkakasama. Plano ko din sanang maghanap ng trabaho para kahit papaano ay madagdagan ang pera ko at hindi maubos ang iniwan nila para sa akin. Pero hindi pumayag ang mga Hernandez dahil ang gusto nila ay mag focus ako sa pag aaral muna at makagraduate sila na daw ang bahala sa ibang gastusin at allowance ko, noong una ay tumanggi ako dahil nahihiya na ako marami na silang naitulong sa akin kaya ayaw kung pati yun ay iaasa ko pa sa kanila pero mapilit sila mama kaya wala na din akong nagawa pa.
"Eh paano ang kupad mo kasi kumilos! Psh!" sagot nito habang inaayos ang bag
Kinuha ko na ang bag ko at nauna ng lumabas sa kanya habang siya ay agad ding sumunod.
Habang naglalakad kami papuntang sakayan ng nahagip ng mga mata ko ang isang matandang patawid sa kalsada, hindi niya namalayan na may isang sasakyan na papunta sa direksyon nito agad siyang tumakbo papunta sa matanda at mabilis na hinila ito pabalik para hindi masagasaan.
"Naku eneng maraming salamat." aniya ng matanda
"Walang anuman po lola, sa susunod po mag iingat kayo ha. Baka mapahamak kayo eh." sabi ko sabay lakad pabalik sa kaibigan kung mataman lang na nakatingin sa akin.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko, minsan nakakaramdam ako ng iba. Nagsimula lang ito pagtungtong ko ng labing walong taong gulang, pero hindi ko na lang binibigyang pansin.
"Grabe ka talagang babae ka! Salita ako ng salita dito tapos wala na pala akong kausap. Ang bilis mong mawala sa tabi ko." wika niya ng makabalik na ako sa tabi niya
"Ewan ko sayo, tara na! dakdak kapa ng dakdak diyan baka maiwan na tayo ng ng jeep at malate."
MONTEREAL UNIVERSITY
Nasa cafeteria kami ngayon dahil wala kaming klase sa unang subject namin kaya dito na kami dumiretso para kumain, hindi kasi kami nakapag almusal kanina dahil sa kakamadali ni Gianna.
"Omayyyy! Kyaaaaaahhhhh! Waaaaa! Paparating na sila!" tili ng isang babaeng nakaupo malapit sa pwesto namin
Nagsimula namang maging aligaga ang mga tao na nasa paligid namin yung iba nagpapaganda, naglalagay ng mga kulorete sa mukha at kung ano ano pa.
Tumingin naman ako sa kaibigan ko na busy na rin sa pag aayos ng mukha at buhok niya. "Anong nangyayari? Sinong parating?" tanong ko rito
Kyaaaaaa!! Nandiyan na ang Knights!! Papasok na sila!! sigaw naman ng isang bakla
Huh? Sino daw? Anong Knights? Meron ba nun?
Agad ko naman hinampas ang kaibigan ko na hindi man lang pinansin ang tanong ko. "Hoy Heracyl Hernandez! Anong meron? At sinong Knights mga pinagsasabi nila?" tawag ko sa buong pangalan nito
Agad naman nanlaki ang kanyang mga mata na parang hindi makapaniwala sa tinanong ko. "Kailangan buong pangalan ko talaga? Psh! Pero seryoso ka? Hindi mo sila kilala?" tanong nito
"Sa tingin mo magtatanong pa ako kung kilala ko? Hindi ka naman shunga sa part na yan." pamimilosopo ko
Napanguso naman ito. Minsan talaga may pagkaisip bata din ito eh.
Maya maya pa ay biglang nagbukas ang pinto sa cafeteria at iniluwa nito ang tatlong gwapong lalaki at tatlong magagandang babae.
Napantingin ako sa paligid ng mapansin na halos lahat ng nandito ay nasa kanila ang atensyon mapababae, lalaki o bakla.
Anong meron sa mga to bakit ganito ang mga reaksyon ng mga tao dito. Oo gwapo at magaganda sila, pero yun lang naman ang nakikita ko wala namang kakaiba sa kanila. " isip ko
At dahil wala naman akong pakialam sa kanila kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Napansin kung bigla na lamang tumahimik ang paligid kaya inangat ko ang tingin ko para tingnan kung ano ang nangyari.
Nagulat na lang ako ng pag angat ng ulo ko ay nasa harap ko na ang anim na tinatawag nilang Knights. Nakatingin lang ito sa akin na parang sinusuri ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko at akmang susubo na ng kinakain ko ng bigla mawala sa harap ko ito. Kinuha ito ng isang lalaki.
Aba't papansin ang hinayupak!
"Akin na yan!" sigaw ko ngunit parang wala lang itong naririnig
"Akin na sabi yan eh." pag uulit ko pero hindi pa rin nito binabalik
Napatayo na ako sa sobrang inis. "Ano bang problema mo ha?"
"Wala naman akong problema, gusto ko lang makita ang babaeng na wala man lang pakialam sa presensiya namin, hindi tulad nila." sabay turo sa paligid.
"Oh eh ano ngayon? Bakit ko naman bibigyan ng atensyon ang mga katulad mo/niyo? Magkakapera ba ako pag ginawa ko yun? At sino kaba?" kako
Napasinghap naman ang mga taong nasa paligid namin na animo'y hindi makapaniwala sa mga sinabi ko, kahit ang mga kasama ng lalaking kausap ko ay nagulat.
"Hahahahahaha! Ano ba yan Klaev hindi man lang tinablan ng karisma mo." asar sa kanya ng lalaking kasama niya habang tumatawa pa ito
"Shut the f**k up Zachary Axer! At ikaw babae huwag mong inuubos ang pasensiya ko! Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo ha?" galit na saad nito
"Hindi! Kanina ko pa sinasabi na wala akong pakialam kung sino ka. Bingi kaba o sadyang tanga ka lang? Hindi makaintindi eh." panunuya nito
"At isa pa bakit ko naman pag aaksayahan ng oras ang isang katulad mo? May mapapala ba ako? Diba wala. So himbis na iniistorbo mo ang pagkain ko dito bakit hindi kana lang umalis kasama ang mga kaibigan mo." dagdag pa nito habang nakataas ang mga kilay
Mas lalong lumakas ang mga bulong bulungan sa paligid.
Akmang magsasalita pa sana yung tinatawag nilang Dark ng naunang magsalita ang isang babae na kasama nila "Hey Klaev! Stop it already, we need to go. Larryx is waiting."
Tiningnan ko ang babaeng nagsalita maganda ito pero parang nababalutan ito na kakaibang awra.
Agad naman silang umalis ng matapos sabihin iyon ng babae. Itutuloy ko na sana ang naudlot kung pagkain ng bigla naman akong hinila ng kaibigan ko palabas ng cafeteria at dinala sa garden.
"Hoy bruhang babae! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha? Bakit mo sinagot sagot si Klaev? Hindi mo alam kung anong g**o ang pinasok mo!" inalog alog pa nito ang mga balikat ko
Inalis ko naman ang mga kamay niya na umaalog sakin dahil sumasakit ang ulo ko sa ginagawa niya. "Tigilan mo nga yang ginagawa mo sakin! Sumasakit ang ulo ko eh. Deserve niya yun! Akala mo kung sino eh ang yabang yabang ng lalaking yun! At isa pa ako ang kaibigan mo rito bakit sa kanya kapa yata conern?" nakapameywang anas ko
Napaawang naman ang labi niya sa tinuran ko. "Seryoso ka talaga hindi mo sila kilala? Lalo na si Klaev hindi mo kilala?"
Binigyan ko naman ito ng tingin na 'Don't - state- the obvious'
"Siya lang naman si Klaev Frox Montereal ang anak ng may ari ng University nato!" wika niya na nakapagpaawang sa labi ko.
I'm died!