Chapter 6: Real Intention

2608 Words
AAaaAaaa sana panaginip na lang yun eh! Bakit ba ako pumasok sa ganitong gulo. Ayoko na HELP!!!! "Problema mo? sinasabunutan mo buhok mo pa mental na kaya kita." Kanina pa pala ako tinitignan ni mitch pero lutang talaga ako eh di ko alam kung saang lupalop ng planeta ko nilagay ang utak ko. "Wala! Pero ikaw ha naalala ko pa kahapon. Naalala ko pa kung paano mo ako pinagpalit sa pagkain mo bahala ka diyan di kita kakausapin FO na tayo" Nandito kami sa library ngayon bukod sa mga nag-aaral eh as usual favorite tambayan ng mga mag jowa. "OA neto sorry na minsan lang kaya ako makabaon ng ganun kadami pareho kahapon" bigla naman ako nakonsensya sa pang aaway sa kanya kaya tumahimik nalang ako kunsabagay palagi kasing binibigay ni mitch yung baon niya sa mga kapatid niya kung minsan nga pamasahe nalang yung ipambibili niya ng recess minsan eh. "Ay girl! Anong nangyari pala kahapon balita ko dinala ka daw sa building 2 ah buti't nakalabas ka pa ng buhay" Binatukan ko siya pero mahina lang baka umalog ang utak maging kalog na talaga eh, seryoso kaibigan ko ba talaga ang isang to? "Ewan ko sayo" nagpatuloy na kami sa binabasa namin binigyan kasi kami ng teacher namin sa English ng two hours para magbasa dahil magkakaroon sila ng faculty meeting. Bukod sa mga masisipag na estudyante ay kami lang ang pumasok ng library yung iba gumagala lang sa campus buti nalang napilit ko si Mitch dito sa Lib eh pero ang binabasa niya ay 'Ang matsing at ang pagong' Paboritong paborito niya daw yun simula pagkabata kaya kahit ilang re-read daw niya di daw siya mag sasawa. Hindi pa natatapos ang two hours namin pero kumukulog na tiyan ni Mitch, patay gutom talaga kakakain lang namin kanina eh. "Dahil mabait ka namang kaibigan ako na manlilibre sa'yo" alam ko kasing kalahati ng baon niya binigay niya sa mga kapatid niya at yung kalahati naman savings daw in the near future. Halos mayakap na niya ako sa sobrang saya PG talaga kung mag aaway kami magta-tampohan pagkain lang sapat na Tsk. Pinauna ko na si Mitch sa canteen at binigyan nalang siya ng pera dahil nakita ko di kalayuan si slendy papunta saakin tinatawag niya ako kaya imbes na makaagaw ng atensiyon eh ako nalang ang kusang lumapit sa kanya. "Anong problema mo slenderman" tinaasan niya ako ng kilay, naks naman ang sungit ah bigwasan ko to eh. Kailangan ko pa talagang tumingala para makausap siya ano ba yan todo effort pa akong tingalain ang tipaklong na to. "Tinatawag ka ni boss" may kinuha siya radio sa bulsa niya. "Nakita ko na siya" may nagsalita naman sa kabilang linya ng 'ROGER' Ano ba namang trip ng mga taong to? Uso cellphone haler? Unang naglakad si Slendy himala wala yung nga troupes niya at siya lang mag isa medyo may itsura naman si Slendy siya yung geeky type of person eh hula ko mahilig to sa electronics or computers baka gamer din to. At kailan pa ako nahilig manghula aber? Nakasunod lang ako sa kanya, sa likodan ng school kami dumaan kung saan ko nabisto si April na nakikipag momol sa taga building 2. Apat na palapag ang building 2 mas maliit ito compared sa usual buildings ng University pero buong section D lang kaya ang pumapasok doon may kanya kanya nga silang kwarto if I'm not mistaken yun lang ang tanging nabasa ko sa School Paper confidential daw kasi ang iba kaya di pwedeng ilabas publicly. Nakarating na kami sa classroom nila ngayon ko lang ito na appreciate sobrang ganda ang kaso lang eh nakakatakot. may teacher pa kayang nagtuturo dito? Kung ako siguro magiging teacher nila mag ri-resign talaga ako. Pagpasok namin sa loob ay dim ang light kaya medyo masakit sa mata ko, ay oo nga pala kailangan ko ng magpalit ng salamin. As usual, prente na namang nakaupo ang kanilang leader na feeling member ng f4 pero ang kaibahan ngayon may nakakandong na babae sa kanya and holy sh— they are making out in front of me what the? Tinakpan ko ang mga mata ko yuck! My virgin eyes. Kaya ba niya ako pinadala dito para magpanood ng live ew! Gusto kong masuka pero tinawag ni slendy ang attention ng boss niya kaya tumigil ang dalawa sa kanilang paghahalikan. Siniko siko ako na slendy pero imbis na braso ang masiko yung ulo ko yung nasiko niya. Hindi ko naman kasalanan na ang tangkad niya no! "Tapos na pwede mo ng tanggalin ang kamay mo" tinanggal ko nga ang nakatakip sa mata at wala na yung babaeng nakakandong sa kanya. Umalis na si slendy para bigyan daw kami ng space at time ni bossing niya yuck! Kasalukuyan niyang binubuksan ang pack ng cigarettes sinindinhan Niya ito at nagbuga sa harapan ko ng usok. Gago to ah paano kung may asthma ako parang tanga ah, "Ano ba makakakuha ako ng sakit niyan eh " pilit kong pinapalayo ang mga usok na lumalapit saakin. Sana all habulin ng usok. Pinatay niya yung sigarilyo niya sa ash tray pansin ko ding naka sando na lang siya ngayon mukhang naantala ko pa ung making out session nila nung sexy na babae na yun ah. "About the deal i want you to start your part" what the? Ako lang ba yung gagalaw dito ang daya naman! "Anong—hoy lalaking di ko alam kung anong anyo ng species ka pero ang aga naman ata," He rolled his eyes as if he was irritated about my existence. "So gusto mong gawin yung part mo sa gabi?" Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at biglaang lumapit saakin. He held my chin up "You know we can do more things in night" Tinabig ko yung kamay niyang nakahawak sa baba ko "MANYAK!" Tumawa siya ng tumawa, mamatay ka sana kakatawa. Padabog siyang umupo sa armchair niya. "ASA KA!" he stared at me from head to toe "Di kita type." Aba! Gago talaga to ah sarap ingudngod yung nguso sa kalabaw ni aleng Tess na kapitbahay namin sa probinsiya. Gusto ko ng pumasok sa next subject ko baka ma late pa ako. 1 hour nalang naman at uwian na in short last subject na namin. "Ano bang gagawin ko?" Umakto naman siyang nagiisip kung may isip pa ba to, "Base sa nakalap kong information tuwing hapon nagkikita sa swimming area si Andy at Sophie kaya gusto kong sundan mo sila" Kung makapag utos to parang isa ako sa mga alagad niya. "Ayoko bahala ka diyan" kinuha ko na ang bag and about to walk out. "Okay pero ibibigay ko sa communication department confession of love mo para kay Andy so simple" grr! Is he trying to box me? "Sige na! Oo na!" Nilingon niya ako pero di talaga mawala sa mukha niya yung ngiting nakakaloko sarap tanggalin ng pagmumukha nito eh! "Anong oo na?" "f**k you!" I was about to open the door pero naka lock ito. "Okay what position" Ashdhdhs-- gusto kong magmura ng sobra sobra dahil sa lalaking to gusto ko siyang bigwasan gusto ko siyang ihulog sa kumukulong mantika at gawing chicharon tapos ipapakain ko kay mitch. Kinalma ko muna ang sarili ko kahit ang lapit lapit ng mukha niya saakin, i tried to clear my throat before speaking. "I will keep an eye on them" Malambing kong pagkakasabi He grinned boyishly, sobrang nakakapikon gusto ko na talagang itaas ang middle finger ko. "Good girl" he tapped my head as if I'm a dog, dog is cuter though. "Pwede bang buksan mo tong pinto" Walang pagda-dalawang isip niyang binuksan ang pinto but before i went outside, tinapon ko muna yung ballpen ko sa kanya wala akong makitang ibang pwedeng ipantapon eh, Habang naglalakad sa pasilyo ng building 2 puro naghahalikan ang nakikita ko may ibang nag iinoman parang mini party, pilit akong nakikisiksik sa mga tao para makalabas ng building and at last nakalabas na nga ako. Pagkarating ko sa classroom eh nagsimula na ang science discussion namin fck! Ang terror pa naman ng teacher namin na ito. "And why are you late in my class Tumulakaka?" Palaging nakataas ang kilay, tsek! Kalat na lipstick, tsek! Buhaghag na hair, tsek! Sana hindi nalang ako pumasok sa subject na ito eh, pagagalitan na sana ako ni Ms. Maldita pero biglang tumayo si Andy. "With all due respect Ma'am, pero kaya po na late sa subject niyo si Ronnie kasi inutusan ko po siyang icheck ang papers sa Officer's Desk" Straightforward na pagkakasabi ni Andy hindi mo talaga makikitang gawa gawa niya lang yung pinagsasabi niya. Pinaupo na ako upuan ko and i faced Andy to thank him silently. Nakokonsensya tuloy ako at nakipag deal pa ako sa demonyo, esh! He smiled back at parang sasabog na yung puso ko sa sobrang kilig. Natapos na ang klase at hindi ako napagalitan ng teacher namin thanks for saving Andy, bakit kaya may mga teacher na sobrang sungit. Pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin ay nilapitan ko si Andy. "Andy, thank you for saving me kanina ha" hindi pa din mawala yung mga ngiti niya bakit ba ang bait ng lalaking to parang soft boy di katulad ng iba doon. Erase, Erase, bakit ko ba yun iniisip. "Ronnie" kanina pa pala nagsasalita si andy pero hindi ko napansin dahil sa kalutangan. "Huh...uh? Ano?" "Sabi it's okay pero bakit ka nga ba nalate?" Patay, di ako marunong magsinungaling ano nga ba pwede alibi? "RONIAN!" It was Mitch "BILISAN MO NATATAE NA AKO" napa face palm nalang ako wala talagang preso bunganga ng babaeng to no, Pero thanks nalang sa kanya di ako makakapagsinungaling kay Andy. I excused my self to him masyado na kasing perwisyo ang bunganga ng kaibigan ko kailangan ng patumbahin. Nakalabas na ako ng room at kinaladkad niya ako papuntang C.R nasa labas ako ng cubicle niya at rinig na rinig ko ang paglalabas niya ng sama ng loob. I knock the door "hoy ano ba kasing kinain mo?" Tanging daing at panghihingi ng tulong ang maririnig mo sa kanya kaya nagpaalam nalang akong bumili ng diatabs. Baka sinawsaw niya na naman yung fishball niya sa babaran ng sandok. Pagkarating ko sa CR eh at last! Tapos na din siya at naghihilamos na ew, "Gaga naghugas ako ng kamay" ay halata ba sa mukha ko yung pandidiri? "Inumin mo nga ito kung ano ano kasing kinakain mo eh" she sighed in relief yung mukha niya parang sumabak sa giyera. Natapos na kami sa bakbakan sa C.R at uuwi na sana pero naalala ko yung mission na dapat kong gawin nasa main gate na kami ngayon and it's 4:20 maaga kaming nakauwi ngayon pero hindi ako. "Mitch una ka nalang umuwi" She gave me a puzzled look. "May important lang na gagawin hehe sige na una ka na babye labyosomuch~" hindi na siya naka angal pa dahil tumakbo na ako palayo. Pumunta ako sa Swimming area nag tago sa gilid ng basurahan at makailang sandali pa nakarinig ako ng mga yabag. "Paano kung may makakita saatin?" I never seen sophie with an anxious face, ngayon lang. Nasanay ako sa nakangiting sophie same thing with Andy. "Wala, don't worry wala naman tayong ginagawa eh" Andy sounds calm after all Wait? He's not worried if someone sees them? "Ginugulo ka pa din ba niya?" Inilapit ni Andy ang mukha niya kay Sophie and they are almost kissing para akong nawalan ng hininga sa nakikita ko. Masakit? Oo. "Hindi na" I think they were really inlove with each other, biglang umurong ang luha ko nang matisod ako sa lata sa gilid ng basurahan, tinignan nila ang direksiyon kung saan ako nagtatago. Mamatay na talaga ako dito. Papalapit na si Andy saakin pero may humila sa kamay ko, tumakbo kami sa likod ng pool area at may isang pool doon bukod pa dun corner na kaya wala kaming  pagtataguan. Kinaladkad ako ni manyak sa ilalim ng pool makalipas ang ilang minuto nakita namin sina Sophie at Andy pero hindi na ako makahinga. Pinikit ko nalang ang mata pero nakaramdam ako ng init sa aking mga labi. He is giving me an air makalipas ang ilang segundo umalis na sina Andy at Sophie kaya kapwa kami hinihingal ni manyak na umahon sa pool. Isa sa pinakamatatag na bagay na nakilala ko sa balat na lupa ay ang aking glasses hindi ko na talaga to papalitan. "Bilisan mo ngang tumayo" hindi ko siya sinagot wala ako sa mood makipag argumento sa kanya. "Tsk naman oh" nilagay niya yung jacket niyang sobrang sa likod ko. Pero nakabawas naman yun sa lamig dahil sobrang nipis ng blouse ko eh. Tahimik lang akong sumama sa kanya nakarating kami sa pinaka mataas na part ng building, rooftop. Pinanood ko ang paglubog ng araw and the it hit me, "HINALIKAN MO BA AKO KANINA?" He covered his ears grabe di naman ganun kalakas ang boses ko. "I was just giving you air baka kung mamatay ka pa ako pa yung may kasalanan" napabuntong hininga nalang ako kunsabagay dapat nga magpasalamat pa ako eh. Bumalik ako sa panonood ng sunset nang may nakapa ako sa bulsa ng jacket ni manyak. Basa pa iyon pero mabilis naman tumuyo binasa ko ang unang paragraph 'sophie, it's been a month since we last talked why are keep on ignoring me—' "Wag ka ngang makialam ng hindi iyo" Parang nagulat ata siya na nabasa ko iyon shucks! Kaya pala desperado siyang pabagsakin si Andy dahil crush niya si sophie. "Nagsalita ang magaling" i crossed ny arms around my chest. "May gusto ka pala sa anak ng mayor ah!" Biglaan naman siyang namutla sa tanong ko.          "Hindi ibig sabihin na nagbibigay ako ng letter eh automatically love letter na yun palibhasa ikaw kasi puro love letter naiisip " he's raising his voice so i know the he is lying.  "Wag kang mag alala wala akong pagsasabihan kahit si slendy" may hawak siyang beer at hindi ko alam kung saan niya yun nakuha, angas pala ng rooftop na to gandang mag picnic dito ah. "Who's slendy?" "Yung matangkad." Tumawa siya ng bahagya bago uminom ulit ng beer pag nalasing to hindi ko na kargo ang lalaking to ah' "Ah, His name is Drake" cool ng name ah pero masungit nga lang. "Eh ikaw anong pangalan mo?" Kumuha ulit siya ng can ng beer hindi naman ata malakas ang tama ng beer na yun o baka sanay na siyang uminom sa klase ba naman ng paligid niya. "Clyden Sy" huh ano daw? "Hide and seek?" Eh yun yung pagkakadinig ko eh. "CLYDEN! SY!" "Gago to ah! Di mo naman kailangan sumigaw!" Pero masaya ako nalaman ko na din ang pangalan ng manyak na to. "Lasing ka na ba?" Mag 5:30 na baka hinahanap na ako ni nanay sobrang dami naman ng ininom ng ugok na to broken ata kanina nung nakita namin si Andy at Sophie. "Tipsy *hik lang" pero nung sinabi niya yun bigla siyang nawalan ng malay sabi ko nga kanina hindi ko na kargo to bahala na siya sa Buhay niya isa pa teritoryo niya naman to eh kaya magiging ayos lang siya. Kinuha ko na ang bag at wallet ko saka nag shortcut sa likuran ng school kung saan kami dumaan ni Slendy este—drake kanina. Pagkarating ko sa bahay nagluluto na ng hapunan si nanay si kuya naman nanonood ng TV they did not criticize me for being late nagpaalam naman ako kanina male-late ako ng uwi dahil magtatanggal kami ng decorations pero nalinis na pala yun ng mga janitors kahapon. Lagot! Di ko pala nasasauli yung jacket ni Clyden pero bahala na tinatamad ako mag sauli ng gamit sa kanya masakit pa nha yung puso ko eh, di pa nga ako nag confess may iba na pala si Andy but not confirmed. Sinuntok ko ulo ko, so umaasa ka girl? Hindi naman. Eh anong ibig mong sabihing hindi confirmed eh nakita mo na ngang maghahalikan sila diba at haler officer ka din kung sakaling maging kayo ni Andy di din pwede no! Hindi naman magiging kami ah! AAaaAaaa para na akong timang kinakausap yung sarili ko. Should i stop admiring him? Or nah?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD