Hindi ako pumunta sa likod ng school kung saan magkikita sana kami nung 'unknown caller' mahirap na no baka m******s yun at kidnapin ako!
Kasama ko din naman si mitch ngayon. Na wi-weirdohan na nga siya kung bakit palagi akong dumidikit sa kanya.
Kanina nung nag CR siya ako na talaga nag volunteer na samahan siya. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na may banta yung buhay niya baka mag freak out.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad pauwi ng bahay. Buti nalang wala ng pasok bukas, kasi nga sabado so ayun hindi na ako mag aalala sa damuhong ito.
"Hoy girl, crush mo ba ako kanina ka pa hawak ng hawak sa braso ko ah" agad ko namang binitawan ang braso niya para masapok siya.
"HOY! Mitchy Toledo mandiri ka nga sa pinagsasabi mo." Natatakot na nga ako para sa kanya ganyan pa siya saakin. Traydor na kaibigan.
Akala ko sasagot siya pero tinaasan niya lang ako ng kilay "May sinisikreto ka ba saakin" inihakbang niya ang mga paa niya habang ako naman ay unti unting umaatras.
"A-anong pinagsasabi mo?" Humakbang ulit siya kaya umaatras din ako.
"Hah! Oh diba nauutal ka ibig sabihin may tinatago ka! Kilalang kilala kita RonnieAnn Tumulakaka pati kulangot mo bilang na bilang ko na" Agad ko naman siyang tinulak sa sinabi niya at sinamaan ng tingin.
"Kakadiri ka mitch pramis!" Sinasamaan ko pa rin siya ng tingin pero tung damuhong to tawa lang ng tawa.
"Pero seryoso ano ngang problema?" Nag buntong hininga muna ako. Sana naman wag matakot tung babaitang to.
Pinakita ko sa kanya ang message ni 'unknown caller'
"may nagbabanta sa'yo—pati na saakin kaya todo dikit ako sayo kanina dahil plano ko talagang di pumunta baka kung ano pa gawin nung caller sakin no!" Ang mas nakakatakot talaga dito wala man lang siyang reaction at tinititigan lang ako.
Pero nagkamali ako---"HaaaaaaaAaAh?!?!!"
Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas ng boses niya talo pa niya yung palaka na nag iingay tuwing umuulan.
"Ang late naman ng reaction mo at pwede paki hinaan ang boses masisira ang eardrums ko ng wala sa oras eh" hindi ko maiwasan mag reklamo. Sa lakas talaga umaabot mula batanes hanggang julu. Okay waley!
Niyuyugyog niya ako hanggang sa muntik ng mahulog ang salamin ko sa mata.
"Seryoso ka?! Wahh! Ayaw ko pa madedo gagraduate pa ako't magkakaanak kailangan ko pa bumuo ng masayang pamilya! Bakit?! Hindi pa nga ako nagkakajowa tas may death threat pa?! Wahh ayaw ko pa mama--" tinakpan ko na ang bibig niya kung saan saan na napupunta.
"Gaga chill!" Muli na naman akong nag buntong hininga "kaya nga diba kailangan dumikit ka lang palagi sa akin, intendes?" Tumango tango naman siya ng ilang beses kaya nag mumukha na tuloy siyang timang lalo pa sa sobrang laking hair clip niya.
Daig pa niya yung kinder sa hairclip eh!
Nagpatuloy kami sa paglalakad pero alam kong kinakabahan siya. Mali talaga atang sinabi ko sa kanya, nakokonsensya tuloy ako.
"Wag kang mag alala Ronian di naman ako nagtatampo sayo basta ang intindihin mo muna ngayon ang nalalapit na nutrition month isipin mo dadating ang mayor kaya maghanda ka talaga" hala oo nga ang nutrition month.
Makalipas ang limang araw and finally nutrition month na wala na namang nanggugulo na caller at nasa mabuting kalagayan na naman si Mitch kaya tama ang hinala kong prank call lang yun baga isa sa mga classmates kong pinag t-tripan ako nagpatuloy kami sa pagdi-disenyo ng stage at pati na din ng buonv campus expected na bongga ang nutrition month namin dahil masisipag ang mga officers eh excluding 'ME!'
Natapos na ang lahat sa paghahanda at ang mga bisita nalang ang hinihintay pati ang special guest na daddy ni Sophie sabi nila pagkatapos daw ng program magkakaroon daw ng Victory Party na for sure puro gulay ang handaan nutrition month nga eh.
Dumating na si Mayor agad naman siyang sinalubong ni Sophie at kinabitan ng bulaklak sa leeg bilang pag welcome sa kanya, ang mga members ng dance org ay kanya kanyang pasikatan pati ang nag tu-tugtog ng drums and Lyre magarbo ang kasuotan ng Mayor 'yun ang unang mapapansin sa kanya pati ang kanyang paglakad ay binabantayan ng mga tao.
Ewan ko nalang kung matalisod siya diba kung ako siguro maglalakad sa harap ng madaming tao matatalisod talaga ako.
Kanya kanyang palakpakan ang mga tao sa pagtatapos ng opening speech ng aming principal sobrang daming tao ang dumalo sa main event ng nutrition month kaya nakaka proud as a member of SSG officers sobrang nakaka overwhelm. Charot langs ang OA ko naman naupo kaming mga officers sa pinaka harap ng stage nagsimula na ang pasikatan ng sayawan.
Tinawag kami ng aming principal para pormal na magpakilala sa Mayor hindi sana ako pupunta dahil representative lang naman ako eh, hindi naman ako gaano kaimportante pero chance na 'to magpapasalamat din ako sa scholarship na binigay niya saakin although I'm not sure if he'll recognize me.
Unang nagpakilala si Andy dahil siya nga naman ang President nasa tabi lang lagi ng mayor si Sophie parang na i-intimidate ako sa facial expression ni Mayor ah nakakatakot na ewan.
Ako ang pinakahuli...
"Go... goodmorning... goodmorning po"
I did my best to be polite pero hindi talaga maitago sa boses ko ang panginginig nito.
And to my surprise he laugh heatedly kung naririnig ko siguro ang boses ko ngayon para akong nag ka hyperthermia sa panginginig sobrang lamig na nga ng kamay ko eh.
"There's no need to be nervous at all Ronian" Sophie with her gentle smile.
"Right dad?" The mayor nodded sa paraan ng pag ngiti at pag salita niya parang may humahaplos sa puso ko pero hindi ko alam kung ano.
"What's your name hija? You look familiar" medyo nabawas bawasan na ang kaba ko kaya I'm sure hindi na nanginginig pakinggan.
"Ronie Ann Tumulakaka po sir I'm one of your scholars" His smile vanished
"What is your name again?" Akala ko galit siya saakin dahil bigla siyang naging seryoso
"Ronie Ann po" he didn't answer me pero nginitian niya naman ako kaya nagpaalam nalang akong aalis muna dahil ang totoo hindi ako makahinga doon
Pagkababa ko sa stage ay nakasalubong ko si Andy nakangiti pa din siya. kailan mo ba ako magugustuhan Andy gusto ko siyang tanungin about sa letter pero masyado din naman kaming busy ngayon para atupagin pa.
Hindi ako napansin ni Andy dahil may kausap siya sa phone kaya dumiretso ako sa canteen dahil makikipagkita ako kay mitch nagutom din kaya ako kakahintay sa mga bisita hindi din naman na ako kakailanganin sa program kaya imbes na tumambay doon at mabored mabuti pang kumain nalang ako ang saya ko nga ngayon dahil malaki laki ang binigay ni nanay na allowance madami dami yung mabibili kong pag kain YEY!
Pagkarating na pagkarating ko sa canteen s***h convenient store ay nakita kong nilalaklakan ni Mitch yung chuckie at donut hula ko malaki laki din labada ni Tita kaya madami din nabibili ni Mitch.
"Baka mabilaukan ka ha" hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa pagla laklak ng pagkain niya habang ako naman ay namimili ng junk foods at chocolate drink.
Paminsan minsan lang naman to kaya lubus lubusin na sayang naman ang moment.
Matapos makapagbayad ay palabas na sana kami ni Mitch kaso may pumasok na mukhang siga sinipa pa nila yung glass door tsk! HAMBOG! Masyado naman silang old school kung feeling nila sa sarili eh f4
Prente silang lumakad at lumingo lingo. May umakyat sa stage na lalaki matangkad nga masyado namang payat kulang nalang mabalian na siya ng buto kung mahanginan eh.
Di ko sinasadyang tumawa sa naiisip ko. Aalis na sana kami nung magsalita ang payat.
"SINONG NAKAKAKILALA KAY RONNIE TUMULAKAKA DITO!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang banggitin nila ang pangalan ko magsasalita sana si Mitch pero hinila ko siya patago sa mga naglalakihang junk foods.
Panirang kaibigan may plano atang ilaglag ako.
"Shh mitch baka sila yung tumawag saaking nagbabanta ng buhay natin kaya shh ka lang" pabulong na sigaw ko, hindi ko din alam kung paano yun naging possible eh.
"WALA BA?! MAGBIBILANG AKO HANGGANG SAMPU KUNG HINDI NIYO ILALABAS SI RONNIE TUMULAKAKA ALAM NIYO NA ANG KABAYARAN"
Nagsisimula na siyang magbilang kaya dahan dahan din kaming lumalabas sa pwesto namin para tumakbo papuntang exit pero sa kamalas malasang panahon naapakan ko yung sintas ko.
Nahulog lahat ng pinamili kong junk foods buti nalang talaga nailagay ko sa bag yung iba pati chocolate drink.
Naka walong bilang na ang lalaking payat nang magtaas ng kamay ang isang estudyante na hula ko taga Communication Dept.
"Siya! SIYA! si Ronnie Ann Tumulakaka" anak ng— pahamak naman oh!
"HOY IKAW! IKAW NA NAKA EYE GLASSES NA MAY BANGS IKAW BA SI TUMULAKAKA?" oo ako nga pwede ba hinaan mo boses mo payat payat, lakas naman ng boses.
"Oo ako" tumalon siya sa tinayuan niya kanina kaya sobra akong nagulat.
Dahan dahan akong tumayo habang nakataas ang dalawang kamay para akong nahuli sa krimeng hindi ko naman ginawa.
"Sumama ka saamin" pinal na sabi niya at naunang naglakad kasunod ang mga chaperon niyang may itsura nga pero nakikitaan naman ng pagka basag ulo.
Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kaya nilingon ako ni slendy yung lalaking payat.
"Sasama ka o sasama ka?" Sa sobrang pagkataranta sumama nalang ako sa kanila Tay Jo wag mo akong pabayaan.
Hindi ko na napansin si Mitch na nilalantakan pa din ang chuckie niya humanda ka saaking babaita ka.
Nakarating kami sa building 2 kung saan ang kinatatakutan ng mga estudyante dito sa campus.
Pumunta kami sa pinadulong parte ng building sa classroom D sa bawat nadaanan naming mga estudyante ay bumibigay ng daan todo yuko lang ako sana naman makalabas ako dito ng buhay.
At sa wakas nandito na kami sa classroom D puro vandal ang makikita sa loob ng classroom sobrang laki pero sobrang gulo although maayos naman ang mga upuan ang mga tao lang talaga ang magulo kanya kanyang tugtugan ang lakas ng music dinala ako ng payat sa lalaking prenteng nakaupo.
"Boss eto na yung order mo" anong pinagsasabi nito? Pizza lang?
Biglang tumigil ang music pati na din ang mga nanggugulo.
Iniwasiwas niya ang daliri niya sa ere na para bang nagpapaalis ang mga taga sunod.
Nagsilabasan naman ang lahat including slendy and troupes.
Nakikilala ko ang lalaking ito ah siya yung nakita ko sa likodan ng school. Yung natutulog.
"Ikaw pala si Ronnie" ang hambog ng tono nito ah sarap sapakin di joke lang teritoryo niya ito kaya shh lang dapat.
Tumayo siya sa kinauupuan niya normal na uniform lang naman ang suot niya pero naka bukas ang tatlong buttons kaya kitang kita ang sando sa loob.
Teka bakit ko ba to iniisip!
"Ikaw din yung nakatapon ng juice saakin" na corner niya ako sa may dingding gusto ko siyang sipain pero hindi ko alam kung ano ang naghihintay saakin sa labas kung lalabas ba akong buhay dito.
"At may gusto ka Andy?" Napatigil naman ako sa sinabi niya, paano niya nalaman? Nasagutan naman ang tanong ko he showed me a piece of paper and i recognize it, it's my letter to Andy.
Kukunin ko sana pero sadyang matangkad siya at tinaas sa ere ang papel.
"Akin na nga you're invading someone's privacy" ewan ko din kung saan ko napulot ang lakas ng loob ko ng pagsalitaan ko siya ng ganun.
"Ibigay ko kaya to sa communication dept. Para ma feature ka o di kaya ako nalang ang magbabasa nito para sa'yo?" Gusto ko ng maiyak sa sinasabi niya he is mocking me and i don't know why.
"Ano bang gusto mo" he stop on leaning towards me pero di pa din mawawala ang ngisi sa pagmumukha niyang sarap hampasin.
"Simple lang pabagsakin natin si Andy?" Wtf? Ano bang gusto niya kay Andy o baka gusto niya si Andy!
"A...anong ibig.. ibig mong sabihin" bakit nga ba ako nauutal sa lalaking ito gwapo nga masama naman ang ang ugali kaya hindi na siya gwapo.
"I know that you knew that there is something between Andy and Sophie" anong pinagsasabi ng lalaking ito?
"Nakita kita noong nakaraang araw, you saw Andy and Sophie kissing" ano? Si sophie yung kahalikan niya hindi ko alam pero biglang nanikip ang dibdib ko.
"Oo nakita ko lang na may kahalikan si Andy pero hindi ko alam na si Sophie yun"
Hindi ako makahinga sa bawat rebelasyong nalalaman ko ang sakit pala isiping may mahal siyang iba at yung ka kompetensya ko eh wala akong laban.
"Oh, at alam din na kapag nalaman to ng buong students sa university ay matatanggal sa pwesto si Andy" tumango ako ng bahagya.
"What's your point?"
"Simple! Kung matatanggal sa pwesto si Andy as SSG president ako ang papalit pagkatapos nun magiging sad si Andy and that's your time to comfort him!" Good idea pero hindi naman ako ganun kasama.
"No" he raised his eyebrows.
"Bakit? Simple simple ng gagawin mo eh! This is mutualism pareho tayong makaka benefit ayaw mo?" Ganda ng marketing strategy ah bentang benta.
"Ano bang gagawin ko diyan?" He smirked devilishly, parang kinakabahan ako sa pinasok ko ah gusto ko lang naman ng crushback.
"Tulungan mo lang akong makakuha ng evidence to prove to everyone that we are saying the truth" bakit nasama ako?
"Bakit hindi nalang ikaw gumawa total mukhang powerful ka naman eh saka may mga alagad ka"
"Ang slow mo naman! Eh ikaw mas malapit sa kanila dahil member ka ng SSG officers eh mukhang close din naman kayo ni sophie" I'll do my best, I'll try
"Deal?"
I sighed, sana talaga hindi na ako pumasok sa gulong to eh!
"Deal."