Chapter 4: The Call

1826 Words
Bandang 8 na ako nakarating ng school 30 minutes pa bago mag start ang meeting kaya pumunta muna ako ng canteen at bumili ng donut. Sana naman mamaya umuwi na sila nanay nakakamiss mag meryenda tuwing hapon. Tinext ko naman agad si mitch kaninang madaling araw para sabihing hindi matutuloy Ang half day class. Whole day na talagang walang pasok Hindi ko nakita si Aleng Dolor sa canteen sabi ni ate nene (cashier) nagkasakit daw "Oo eh kaya hindi siya nakapasok, nag text siya kanina ako nalang daw bahala dito kasi may lagnat siya ngayon" Bahagya naman akong napanguso. Ano ba yan walang libreng kape hehehe "Ganun ba? Sana naman alagaan na siya ng anak niya" "Sana nga, oh eto na yung donut mo bakit ka pumasok eh walang pasok ngayon ah?" Busy si Ate nene sa pag re-refill ng ibang tinapay pero nakikipag tsismisan pa din. "Ssg officer ako ate eh kailangan daw mag meeting ngayon para sa gaganapin na nutrition month next week" tumango tango naman siya. Eto na siguro ang hudyat para umalis ako dahil busy si Ate. Nagpaalam na ako sa kanya dahil ayaw ko naman maka istorbo sa trabaho niya. Naglakad lakad muna ako sa soccer field ang kaibahan lang ngayon ay wala ng mga mag jowang nag haharutan. Napabuntong hininga nalang ako, ang hirap talaga pag iisa lang yung kaibigan mo. Mabait naman ako siguro? Sabi ni kuya ang sama ko daw mukha daw akong si Clara sa Mara clara. Naubos ko na ang donut at 8:30 na mag sta-start na siguro ang meeting. Tinapon ko na sa basurahan ang wrapper ng donut, syempre bait bata ata ako no! Ganun nalang ang kaba ko nung nakarating ako sa meeting room at si Andy palang ang tao. Nginitian niya ako pero hindi ko alam kung paano mag ri response. Parang napako ako sa kinatatayuan. Naka polo shirt lang siya at jeans pero ang lakas pa din ng dating idagdag mo pa ang golden brown niyang buhok na medyo may pagka curly at ang mga labi niya na palaging nakangiti. Hbanag tinititigan ko siya naalala ko lang yung senaryong nakita kahapon;senaryong pilit kong kinakalimutan. Sa tuwing maalala ko yun sumasakit lang ang dibdib ko. 20 minutes na di pa din dumadating ang mga ibang officers, 20 minutes na din kaming tahimik ni Andy. Napapanis na laway ko huehueee.  AWKWARD! "Kahapon anong oras ka umuwi?" Bahagya naman akong natigilan nung nagsalita siya. Nilinga linga ko muna ang paligid. Sinisigurado lang kung ako kausap niya "A-ako ba kausap mo?" Gusto kong kurutin ang kili-kili ko. 'ANG SHUNGA MO NAMAN RONIAN SINO PA BA ANG TAO DITO' Ayaw ko lang mag assume no mahirap na! "Oo hehehe" kinamot niya ang ilong niya parang nahihiya. Cute, wag ka namang ganyan Andy! Nag mo-move on na nga yung tao nagpapacute ka pa. "6 na siguro. B-bakit?" Bwisit. Ba't ba ako nauutal. Ronian mag move on ka na ha may girlfriend na yan. Bahagya siyang tumango "Sa main gate ka ba dumaan? May nakita ka ba kahapon?"  Bigla akong nanlamig sa tinanong niya. Nakita niya ba ako kahapon? Pakiramdam ko naririnig niya na ang heartbeat ko sa sobrang kaba ang lakas ng kabog. Hindi ko na siya nasagot dahil biglang nag ring ang cellphone ko. Wala din naman akong planong sagotin siya Hue! Save by the bell. Akala ko si Mitch ang tumatawag pero nagtaka naman ako 'unknown number' kasi ang nakalagay. Wala namang ibang nakakaalam ng number ko bukod kay Nanay, kuya at Mitch. "Hello?" Hininga lang ang naririnig ko "Hello." Hindi pa din siya nagsasalita. Puro hangin lang talaga "Hello!" Grrr nambibwisit ata to eh "Hoy! Ano bang trip mo?" Napalakas ata ang boses ko kasi lumingon sa direksyon ko si Andy. Nakakahiya Nagpaalam muna ako na lalabas para sagutin ang tawag. "Kung hindi ka magsasalita ibababa ko na to!" Napipikon na ako dito ha baka prank call lang walang magawa sa buhay. Ibababa ko na sana nang bigla siyang nagsalita. "Ronnie Tumulakaka." Bigla akong kinilabutan sa pagtawag niya palang sa pangalan ko, kinakilabutan din ako sa apelyido ko. Sorry tatay JoJo huhuhu. "SINO TO?! BAKIT MO ALAM ANG PANGALAN KO?!!"  "Ronnie! Ako to si natoy na mahal na mahal ka" nakarinig ako ng pagsinghal sa kabilang linya. "Tss. akin na nga wala kang kwenta kausap!" "Boss babae pala tong @$+_($3+dj" "Kung gusto mong maligtas ang buhay ng kaibigan mo pumunta ka bukas sa likod ng school. 4pm sharp" bigla niyang binaba ang telepono kaya hindi na ako naka protesta At sino naman siya para sundin ko?! Wala siyang karapatan. Ni hindi ko nga siya kilala at sure akong nasa mabuting kamay ngayon si mitch siya lang naman ang kaibigan ko kaya hindi na dapat akong mabahala pa. Oo hindi ako pupunta bukas baka nantitrip lang. *Toot From: 09231------- Siguraduhin mo lang na pupunta ka nasa 'yo ang pag asa ng kaibigan mo *Insert picture of mitch here* Sent 8:55 Kinakabahan ako sa message niya. Bakit alam niya ang pic ni mitch!? Kung si Mitch man to at nantitrip lang--- hindi masyadong impossible kung ganun. Bukas ko nalang malalaman kung makikipag kita ako sa caller. Sana hindi yun m******s huhuhu. Aksidente akong napasigaw may humawak kasi sa balikat ko "Sorry kung nagulat kita mag sta-start na kasi ang meeting" si sophie lang pala. "Okay lang, tara na" Nang nakabalik na kami sa meeting room Hindi na ako nag abala pang tignan si Andy, duh nag mo-move on na nga ako diba? Nagkunware lang akong may sinusulat. "So ayon na guys basta gawin natin ang best natin sa nutrition month ha, wag natin bibiguin ang Mayor" Paliwanag ni April—hindi ko pa din makalimutan yung nasaksihan ko sa bandang likod ng school. Ang inosenteng si April ay may tinatago palang kulo. Naks pwede na akong sumali sa journalism club neto heheh. Speaking of club! Bakit wala pa kayang club hunting ngayon June na ah?! Baka pag katapos ng nutrition month siguro. Nagsulat si Andy sa white board "Ibigay lang natin ang best natin" nag si tanguan kami sa sinabi niya. Papalapit na talaga ang nutrition month pupunta ang mayor. Hindi ko pa siya nakikita sa personal. Natapos na kami sa pagmi-meeting namin. Para akong lantang gulay na naglalakad sa kalsada. ANG INIT KAYA! nasa kaligitnaan ako ng pagrereklamo bigla nalang may lumapit na bata at kinalabit ako. "Ate payong daw" binigyan niya ako ng super cute na payong. Color pink ito na may Sophia the firstna design. "Sino nagpapabigay?" Tinuro niya ang direksyon kung saan may naanigan akong nakatayo. Naka hoodie siya.  Seryoso?! Sa ganitong kainit na araw mag ho-hoodie siya? Sino siya si Robinhood? Pero hindi ko na siya nahabol ng tingin ng bigla itong nawala. Kung sino ka man hulog ka ng langit dahil mamamatay na nga talaga ako sa init. Tinignan ko naman ang bata "sabihin mo salamat" nagsimula na akong maglakad pero hindi pa din umaalis ang bata. Naka sampung hakbang naman ako pero sinusundan pa din ako ng bata "bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Sabi nung mama pag binigyan kita payong bigyan mo daw ako sandaan" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Akala ko libre to biwisit.! Sandaan? Ngi! Isang linggong baon ko na yun eh. Dahil naawa naman ako sa bata binigyan ko siya ng 50 pesos.! Aba malaki na yan no! 50 percent na yan. Pero Hindi pa din nakuntento ang bata at sinusundan pa din ako. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao. Ibinuka niya ang mga kamay niya at tinuro ito "Kulang 50" aba!?  "Bata hindi pa pedeng pag usapan natin to hehehe" naguguluhan lamang niya akong tinignan. "Kulang 50" para matapos na ang lahat binigay ko na sa kanya ang gusto niya. Pahamak na Sophia the first akala ko pa naman magandang loob iyong taong yun. Mukhang mawawalan ako ng 1 week allowance neto ah! Ayos lang Friday na naman din bukas. Napabuntong hininga nalang ako, iisipin ko nalang na pandagdag iyon sa pagkain nila. Nakarating na ako sa bahay at nadatnan kong naka hilata si kuya sa maliit naming sofa. Sino ang magkakasakit ang katawan bukas? Edi si HOSEPINO! Ang laki laki ng katawan sa sofa matutulog. Gigisingin ko sana si kuya kaso pinigilan ako ni nanay "Napagod yan, hayaan mo nalang" Tinulungan ko nalang si nanay sa pagluluto ng tanghalian, wala daw silang labahin ngayon kaya nakauwi sila. Mas okay na nga to pag ako lang kasi mag isa s bahay sobrang lungkot. "Nay, malapit na ang nutrition month hindi ba kayo pupunta ni kuya?" Kada taon kasi pumupunta sila nanay pag may mga program sa school. Palagi nga niyang sinasabi na proud daw siya saakin kahit na kaunti lang naman yung natutulong ko sa ma officers. Pero last year hindi siya nakapunta, masyado na kasing busy si nanay lalo na't dagsa ang mga labahin at malapit na din ako mag college. "Pasensya na nak ha kung hindi ako makapunta" agaran naman akong umiling  "Ano ka ba nay ayos lang no! Atsaka malaki na din ako, hindi naman ako katulad dati, malaki na ako ngayon nay"  Kahit na mag isa lang si nanay sa pag-aalaga samin ni kuya hindi naman siya nagkulang, Hindi niya pinaramdam saamin na nalulungkot siya. Noong magkasakit nga si kuya at sinumpong ng lagnat, malakas ang ulan noon at kailangan na uminom ng gamot. Sinulong talaga ni nanay ang ulan para makabili ng gamot kaya kinabukasan siya naman nagkasakit. Ang ending ako ang naging nurse nila. Pati din nung namatay si tatay jojo hindi siya nagpakita na umiyak kaya galit na galit ako sa kanya nun' kasi hindi man lang siya nalungkot sa pagkawala ni tatay pero matapos malibing ni tatay palagi ko ng naririnig si nanay sa kwarto niya umiiyak. Kinabukasan ngingiti siya ulit at pinapalakas ang loob namin ni kuya kahit siya mismo lugmok na lugmok na. Saaming tatlo pala si nanay ang pinaka nasaktan sa pagkawala ni tatay, dahil bukod sa nawalan siya ng asawa—nawalan rin siya ng katuwang sa buhay. Magmula noong araw na yun pinangako ko kay nanay na magpapakabait ako at mag aaral ng maayos. "Ronian bakit ka umiiyak?" Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Napaka iyakin ko talaga kaya binubully ako ni HOSEPINO na uhugin at iyakin eh! Iniling ko lang ang ulo ko at niyakap siya "wala nay, namiss lang kita" bahagya naman siyang natawa. Oo na ako na weird! "Grabe ka dalawang araw nga lang kami nawala ni kuya mo miss agad" kahit isang minuto pa yan nay mamimiss at mamimiss ko talaga kayo. Ang corny ko na! "Ano na namang kadramahan to bunsoy?" Inakbayan ako ni kuya at hinila palayo kay nanay. Nanakal siya, Actually. Dinidikit pa niya yung kili-kili niya sa ulo ko, YUCK. "Hosepino ang baho mo pramis before mo ako akbayan maligo ka please" kunyare ko naman siyang inirapan at tinulak tulak papuntang banyo. Nahihiya lang talaga ako nahuli niya pa ako sa kadramahan. "Okay na yung maasim kaysa sa iyakin" pinanliitan ko siya ng mata "Anong konek?" Tumawa siya ng malakas. Seryoso? Anong nakakatawa? "Whatever." This time totoo na talaga ang pag irap ko sa kanya. "O! Tama na yan baka magsuntukan na kayo. Maligo ka na Jose bago ka kumain" Kahit gaano pa kalungkot ang buhay ko dahil nawalan ako ng isang bitwin sa buhay may mga natitira pa rin namang bitwin para gabayan ako lagi—at yun ay si nanay at kuya. Tay jo, miss na kita. At kung darating man ang araw na makita ko ang totoo kong tatay ikaw pa din ang number 1 tatay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD