Chapter 3: Who kissed him?

1606 Words
Maaga akong pumasok sa school pagkarating ko palang kakaunti palang ang mga tao kaya naglinis muna ako ng room. Kaunti lang naman ang dumi at basura dahil nalinis na iyon ng janitor kahapon. Hindi kami nagkasabay ni mitch ngayon dahil umabsent muna siya para alagaan si tito Artur ayaw man ni mitch na umabsent pero wala na siyang choice dahil walang magaalaga kay tito si ate fe naman kasi nagkasakit ang anak niya. Medyo tahimik pa ang room kaya lumabas muna ako para mag muni muni. Nasa likurang bahagi ako ng school kung saan matatagpuan ang puno ng mangga. May isang bench naman na naka pwesto sa ilalim ng puno. Feeling ko inabandona ang lugar na ito't di na napapakinabangan pa. Nilabas ko ang math notebook para sana mag review wala namang kaming gaganapin na test pero dahil sa terror na math teacher namin mahilig kasi Yung mang sorpresa---ng test. Nasa kalagitnaan ako ng pag re review nang makarinig ako ng weirdong ingay. Malapit iyon sa kinauupuan ko. Pinihit ko ang ulo ko at tinignan ang likod ng puno. "AHHHHH" OA na kung OA pero ang weird ng nakikita ko nag kakainan sila dalawa---nakakadiri. Hindi naman sa nakakadiri kasi nakakakita naman ako ng mga taong naghahalikan sa TV pero sobra na kasi yun kulang nalang higopin na nila ang isat isa. "Sh!t" rinig kong mura ng babae at--sheeett? April? Yung SSG vp namin? Bigla na lang lumapit yung lalaki saakin na kahigopan ni april. Dahil sa pagkataranta na baka masapak niya ako sumigaw ako ng sumigaw. "ANO NA NAMANG INGAY TO!!?" Rinig kong sabi ng lalaki--hindi kasi hindi naman bumunuka ang bibig niya kaya sure ako hindi siya ang nagsalita. May lumabas na isa ring lalaki galing sa gilid ng puno. Bakit hindi ko to napansin kanina? "Ano ba naman yan Jakes bakit dito ka pa kasi nakikipag landian may nakakita tuloy sa inyo" sabi nung lalaking galing sa gilid ng puno. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. April Jakes? Lalaki sa gilid ng puno? Bigla nalang tumakbo si April ng walang pasabi hindi din naman siya sinundan nung jakes. Grabe kung nasa TV pa ito malamang sinundan na ito ng male character. Tinignan ako nung lalaking galing sa gilid ng puno at nakakatakot ang mukha niya. Sa hindi malamang dahilan bigla akong nanlamig dahil sa paraan ng pag tinging niya saakin--galit huhu wala namang akong ginawa ehh. Dahil sa takot ko doon sa lalaki ay tumakbo nalang din ako katulad nung ginawa ni April. Nang makarating ako sa quadrangle ay nagsisimula ng mag linya ang mga estudyante. Lumapit nalang ako sa section namin. Hindi pa din mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Pati din yung nakakatakot na tingin nung lalaki. Aga Aga palang andami ng nangyayari sa buhay ko. Natapos na ang line at pumunta na kami sa kanya kanya naming classroom pilit kong iniwakli sa utak ko yung nangyari kani kanina lang dahil una sa lahat hindi ko naman nakita ang mga yun na nag line eh baka hindi yun taga dito. Pero pareho ng school uniform eh! O baka maligno? Pero nakahilakan ni april eh? Sh!t nakikipag halikan na ba si april sa maligno? Buong umaga okupado ang isip ko kaya dumating ang lunch natulog nalang ako. Medyo boring din kasi wala si mitch. Ang hirap talaga pag iisa lang yung kaibigan mo kahit nga noong nasa public school palang ako walang nakikipagkaibigan saakin. Nilalayoan nila ako na para bang may nakakahawang sakit. Siguro kasi pangit ako. Palaging sinasabi ni mama at Mitch na maganda ako pero pakiramdam ko naman Hindi. Grade 1 pa nga lang nabubully na ako dahil sa physical appearance ko eh. Buhaghag ang buhok palagi naman akong nagsusuklay pero ganun pa din kaya isang araw napagod na akong magsuklay. Maitim. Bakit ba pag dark color ibubully agad Natapos na ang araw wala namang magandang nangyari sa araw ko maliban nalang nung umaga pero hindi naman yun maganda para nga yung bangungot na pilit kong iniiwasan. Buong araw ko din hindi nakita si Andy sabi nila nag pa practice daw para sa darating na competition ngayong August. Malapit na din pala ang nutrition month tatlong linggo nalang. Iniligpit ko na ang gamit ko para uuwi na nang makasalubong ko si aleng dolor na hirap na hirap sa pagdadala ng pinagkainan ng mga teachers. Hula ko galing pa iyon ng fourth floor medyo may katandaan na din si aleng dolor kaya medyo nahihirapan na eto. "Tulungan na ho kita aleng dolor" pag pripresenta ko. "Salamat RoniAn" ngumiti lang ako kay aleng dolor. "Kamusta na ho yung ana niyo?" Palagi kasing nag ki kwento si ale patungkol sa anak niya na dito nag aaral ayaw niya rin namang pangalanan ewan ko ba pero naawa ako kay aleng dolor parang kimakahiya siya ng anak niya. Tsk, Kung malalaman ko lang kung sino ang anak niya humanda siya sakin. Ipamumukha ko sa kanya kung gaano siya ka swerte na may ina siyang palaging gumagabay sa kanya. "Ayos lang naman siya nakita ko siya kani-kanina lang masayang nagki kwentohan sa kaibigan niya" sa totoo lang awang awa na ako kay aleng dolor hindi ko maisip kung magagawa ko ba yun kay nanay. "Kung asan siya masaya doon na din ako" bakas sa mukha na aleng dolor ang lungkot. Nakarating na kami sa cafeteria at nilagay ko na sa hugasan ang mga gamit na pinggan tinulungan ko muna si aleng dolor sa pagliligpit. "Una na ho ako aleng dolor" "Sandali lang ronian" pumasok muna si aleng dolor sa kusina at pagbalik niya ay may dala siyang kape. "Para sayo yan" tinanggap ko naman yung kapeng ibinigay niya. "Para sa anak ko sana yan kaso sabi niya ayaw niya daw sa mapapait na kape kaya sayo ko nalang ibibigay masasayang lang naman yan kung itatapon ko ako kasi mismo may gawa ng kape" mapaklang sabi ng ale. Nginitian ko lang siya at nagpaalam na. Anong klaseng tao ba talaga ang anak ni aleng dolor. Mas lalo tuloy ako na curious sa taong yun. Papalabas na sana ako ng school nang makita ko si Andy na may kausap na babae para silang nag aaway. Girlfriend niya ba iyon? Parang familiar yung babae pero hindi ko talaga mamukhaan dahil nakatalikod iyon saakin. Tinulak ni Andy ang babae sa pader at napasinghap nalang ako nang halikan niya ito. Gumanti din naman ng halik ang babae at kinawit niya ang kanyang mga braso sa leeg ni Andy. Hindi ko na nakakayanan ang nakikita ko kaya tumalikod nalang ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko napaiyak nalang ako sa sakit tumakbo na ako palabas ng gate at pumunta sa sakayan ng jeep. Hindi ko alintana ang mga taong pinagtitinginan ako. Masakit pala pero wala naman akong karapatan na magalit diba? Feel na feel ko ang pagdadrama lalo na noong unti unti na nawala ang mga pasahero pakiramdam ko tuloy nasa isang movie ako at ako ang bida na nahuli kong nag cheat yung boyfriend ko saakin Dahil sa kadramahan ko muntikan na tuloy akong lumagpas sa kalye namin. Pinahid ko nalang ang luha ko habang naglalakad sa kalsada binahing ko na ang dapat ibahing baka kasi pagdating ko sa bahay kung ano ano pa ang isipin ni nanay. Ano ba namang araw to oo puro nalang halikan ang nakikita ko. Nakarating ako sa bahay pero nakasarado ang ilaw at ganun pa din Ang itsura simula nung iwan ko kaninang umaga. Binuksan ko na ang ilaw sa sala at dumiretso nalang sa kwarto ko. Nag charge nalang ako ng cellphone at nag text si nanay. Hindi na naman daw siya makakauwi ngayon dahil umalis si Aleng Marites at si nanay naman ang nagbantay sa anak neto. Balak ko sanang i text si mitch para ikwento sa kanya ang nangyari ngayong araw at Ang sakit na nararamdaman ko pero ayaw ko namang mag alala siya saakin kaya sa huli napag desisyonan Kong umiyak nalang. Buti nalang solo ko ang bahay. OT din kasi si kuya ngayon. Hindi na ako nag abalang mag bihis ba buti nalang afternoon class kami bukas dahil may mag o occupy ng rooms namin sa umaga pwede akong umiyak ng umiyak ngayon mawawala din naman siguro ang maga ng mata ko. Mag a-alas diyes na hindi pa din ako makatulog siguro dahil sa sakit ng ulo o sa sakit ng puso ko. Bumababa ako sa sala para uminom ng tubig nanunuyo na kasi ang lalamunan ko hindi pa din ako nakabihis hanggang ngayon suot ko pa din ang school uniform ko. Gusto ko ng kalimutan si Andy. Bukas sisikapin kong di siya pansinin. Nagbihis nalang ako ng damit saka pumasok uli sa kwarto gusto ko sanang umiyak kaso wala na akong luha baka maubos din tubig sa katawan ko lol. Hindi ako makatulog kaya naisipan ko nalang buksan ang photo album namin na nasa cabinet lang malapit sa bedside table ko kung saan ang study area ko din. Inisa isa kong tignan ang bawat picture na nakadikit sa photo album yung iba masyado ng naluluma. Napangiti naman ako ng makita ko ang picture namin ni tatay JoJo. Nakaupo si tatay habang ako naman katabi ko siya sa gilid ko naman ay gitara, siguro nasa 10 years old pa ako dito. Sinarado ko nalang ang photo album dahil sa bawat pagtingin ko sa mga litrato namimiss ko lang lalo si tatay. Hindi ko man siya totoong tatay hindi niya naman ako tinuring na iba, minahal niya kami ni kuya ng buongbuo kaya sobrang lungkot ko noong kinuha siya saamin. Sandaling tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'yun naka charge pa pala pero full battery na. From: MITCHLAKINOO Ehe ehe pwede na ako pumasok bukas naka discharge na din si tatay sa hospital miss na kita juk lang. Seen. 10:45 To: MITCHLAKINOO -naks naman kikiligin na sana ako oh! Pakikamusta nalang ako kay tito sorry hindi ako nakadalaw kanina :< Sent. 10:46 hindi na nakapag reply si mitch kaya hinayaan ko nalang pagod na pagod yun pero excited pa din mag aral. Hindi ko nga din maintindihan ang ibang studyante na katulad namin eh. Kami gustong gusto mag aral habang Yung iba pati pag bangon tinatamad pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD