Theo's POV "Sigurado kang ayos ka na?" Saad ko kay Terry na ngayo'y nag-aayos ng gamit. Kinabukasan, uuwi na kami. Malalim na ang gabi kaya napagpasyahan kong kamustahin siya. Eto ang naabutan ko. "Katulad mo, sasabihin kong ayos lang ako kahit na yung totoo ang sakit pa rin!" Saad nito na may namumuo na namang luha sa mata niya. "Alam ko. Kasi niloko ka, niloko ako!" "Bakit sila gano'n?" Humihikbi na naman nitong tanong habang nagtutupi ng damit. "Terry, alam Kong matatag ka! Ikaw yung nagturo sa 'kin na maging matatag!" tumingin lang ito sa 'kin at mapaklang ngumiti. "Ang daya 'no? Kasi, naging totoo ka naman pero hindi pa rin maiwasan na lokohin ka. Alam mo yun? Yung akala mo totoo sila sayo kasi totoo ka naman pero hindi pala..." pinupunasan niya ang mga luha niya. Alam ko na nas

