Theo's POV "Mukhang may naganap na kakaiba Theo ah?" puna ni Rex sa 'kin na kasalukuyang nagtitimpla ng kape. Nakatayo ito sa likod ni Kyle na nakaupo at nakatungtong ang isang paa sa mesa. "Bakit?!" Nakangiti kong tanong. Lumapit sa 'kin si Cris at tinapik ang balikat ko. "Bro? Tell us! Ano bang meron?ba't kanina ka pa nakangiti?" napatingin ako kay Kyle na halos hindi maguhit ang mukha. We're currently resting here at the coffee shop. After we woke up, nagkita-kita agad kaming apat dito. "Nothing! Maganda lang talaga ang tulog ko--" palusot ko dito. But the fact is, I still can't believe what happened last night. That was the best among all kisses I ever had. "Really?" seryusong tanong ni Kyle bago uminom ng kape. Tumango lang ako sa kanya "Bakit? May alam ka Kyle? HAHA! Alam niyo,

