Terry's POV Umaga na ako nagising. Ang ganda ng tulog ko e, masarap ang hangin at ang mga hampas ng dagat sa mga buhangin at bato ay tila nagsisilbing musika sa aking tenga. Nagbanat ako ng buto bago lumabas sa kubo ko at dumungaw sa labas. Marami ng tao at marami na din ang naliligo. Agad akong nagbihis at kumain ng umagahan, nagsuot din ako ng swim suit pampatanggal init sa katawan pero nagdoble ako ng maluwag na Tshirt dahil maya-maya magpapainit din ako. Agad akong nagtungo sa beach bed na nakalagay sa tabi ng dagat. May payong na tumatabon sa ulo kaya dumapa ako doon nagpahinga. Ilang sandali lang dumating si Cassandra dala-dala ang lotion niya at buko niya. "Oh hi Terry! Look---you're so makaluma! Hindi mo ba alam na ang damit sa beach is bathing suit and not just a simple Tshirt?

