Terry's POV Nakakapagod na. Gusto ko ng sumuko. Nandito kami ngayon sa bahay ni Kyle. Gusto ko munang lumayo mula sa kanila. Gusto ko munang kalimutan ang lahat kahit saglit lang. "Ayos ka lang?" Tanong ni Kyle na nasa pool ngayon, naliligo. Nasa gilid lang ako at nakaupo. Nakakapakalma naman pala ang tubig dito, malamig. "Oo naman. Gusto ko lang na magpahinga kahit saglit lang. Salamat at dito mo ko dinala...." Saad ko dito. Matapos kong nakipag-usap kay Theo kahapon, hindi ko na alam kung pano ako haharap sa kanya na buo yung mukha. Nakakahiya! "Walang anuman!" sagot niya. Tinataas baba ko lang ang aking mga paa't pinaglalaruan ang tubig. "Wala akong gagawing masama! Kakausapin ko lang si Kyl--" "Ma'am Cass hindi nga po nagpapapasok si sir Kyle!" Nagulat kaming dalawa ni Kyle ng

