Theo's POV
Matapos ang nangyari sa pagitan ni Cassandra at Terry, lumabas ng bahay si Terry matapos siyang kausapin ni Mommyla at alam ko kung saan siya makikita. Gusto kong bigyan siya ng space but s**t! I can't help thinking. Pano kung umalis nga siya? Pano kung pumunta siya kay Kyle at doon nalang siya tumira? Pano ako?
"Sa'n ka pupunta?" tanong sa 'kin ni Cassandra. She's trying to stop me but I don't care cause I wanna talk with Terry. I wanna ask apologies with everything they did.
"You don't care at all!" Nagsasalubong ang kilay ko ng inalis ko ang kamay niya sa braso ko.
Wala akong pakialam kay Cassandra. Hindi na siya yung babaeng nakilala ko. Hindi na siya yung Cassandra na minahal ko.
Agad akong tumakbo papunta sa seaside kung saan kami unang nagkakilala. Do'n yung unang araw na nakilala ko siya bilang Thea. Nagpanggap siya at naniwala ako, akala ko yun na ang una't huling araw na makikita ko siya pero hindi ko alam na ganito ang magiging papel niya sa buhay ko. Hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam pano pahihintuin ang oras para lang makasama ko siya ng mas matagal. Ilang araw nalang, ilang araw nalang mawawala na siya. Ilang araw nalang, masasaktan na naman ako.
"Terry...." Napalingon siya sa 'kin ng dahan-dahan na may luha sa kanyang mga mata.
"Theo naman e! Lumayo ka muna sa 'kin kahit ngayon lang...." nagpipigil siya ng luha sa kanyang mata.
"Terry, mag-usap naman tayo! Hayaan mong humingi ako ng tawad sa lahat..." hindi lang siya umimik at patuloy na umiyak.
"Terry, alam kong---alam kong hindi lang ako ang nahihirapan... Lahat tayo..." humikbi pa ito sa pag-iyak.
"Ang hindi ko lang naman maintindihan, bakit nila pinagpipilitan ang mga bagay-bagay? Hindi ba pwedeng hayaan nalang nila ako? Wala naman akong ibang ginagawa, tapos pinagpipilitan pa nila na mahal kita? Theo, hindi e. Hindi kita mahal! At hindi kita mamahalin!"
Aray.
Biglang may tumusok sa puso ko na para bang sa isang tusok, nabasag agad ang puso ko.
"Terry...."
"Diba Theo? Tapos ikaw! Napakaimposible naman na magkagusto ka sa isang babaeng mula sa lumang panahon, isang 'cheap' na tinutukoy niyo, isang babaeng walang kaalam-alam sa mga nangyayari, isang babae na wala sa kalingkingan ng Cassandrang yun... Sabihin mo nga sa 'kin Theo, Tama ba ako?" Nakatanaw ito sa kalangitan habang bahagyang natatawa kahit na umiiyak. Ang agos ng mga luha sa kanyang mata ay patuloy lamang ang pag-agas.
"Terry hindi..."
"HINDI?! HAHAHAHA NAKAKATAWA KA NAMAN!" Natatawa ito na may lungkot sa mukha. Pinalo niya ang balikat ko at nagkunwareng natatawa kahit na may luha ang kanyang mata.
"You are different, unique and much better......"
"Theo! Wag mo na akong lokohin! Magpakatotoo ka! Pano mo makikilala ang sarili mo kung nagsisinungaling ka? Sa panahon niyo ngayon? Kung hindi maganda, walang laban. Kung hindi mayaman, inaapi.... Kung hindi ka palaban, mahina ka... Kung hindi ka maganda o hindi mo nakuha at naabot ang standard ng iba, wala... Hindi ka mamahalin!" Tugon nito. "Nakakatawa diba? Kaya hindi na ako magtataka kung hindi ko mahahanap ang relo, bahala na! Kasi ang daya e..." Pinunas nito ang luha niya't pilit na ngumiti.
"May nagmamahal sayo Terry... Si Kyle...." pati ako, Mahal kita. Tumawa lang siya.
"Si Kyle?! Sana nga totoo. Kasi..." She paused. She wiped her tears again, patuloy na umaagos ang mga luha niya.
"Kasi?"
"I'm starting to love him...." Sa binitawan niyang salita ako mas lalong napaluha. Masaya ako, masaya ako na mahal na niya si Kyle. Pero sa sarili ko ba, masaya ako? Nasaktan ako. Pero I'm not selfish. I want her to be happy too at matagpuan ang relo.
Hindi niya alam na alam ko ang misyon niya. Dalawa lang sila ni Mommyla ang nakakaalam. But because I read it, nalaman ko at nabasa ko ang lahat.
"Si-Sige.... Again, sorry for what happened" Tumalikod na ako at huminga ng malalim. Sana bukas, mamaya o ngayon pagkaalis ko, wala na yung sakit. Kasi masakit yung mga narinig ko.
Bumalik na ako sa bahay at doon nagmukmok. Dumaretso ako sa kusina para kumuha ng alcohol, gusto kong maglasing para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Nakita ako ni Cassandra pero inirapan ko lang siya.
"Maglalasing ka?"
"Who cares?" I exclaimed. Pakialamera kahit kailan.
" Me! Theo I care!" saad nito. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"THEO!" sigaw nito.
"SHARE MO LANG?" tumingin lang siya sa kin ng masama at nagpatuloy na ako paglalakad papuntang kwarto.
Pagkarating ko sa kwarto, umupo ako at napasabunot muna ng buhok bago binuksan ang bote ng alak.
[ Ipikit mo man ang yong mata di parin naman mag iiba nabalutan ang puot ang puso mo ]
"Miss may problema ba? Why are you looking at me?" Unang tanong na binitawan ko. Unang salita na sana hindi ko nalang binitawan para hindi nalang kita nakilala.
"Miss tinatanong kita!" napatanong ulit ako nang hindi ka sumagot. Sana pala, hindi nalang ako nagkainteres na kilalanin ka.
[Tila malimit kang ngumiti ngayon di ka rin naman ganyan noon naubusan ang t***k ang puso mo ]
Nang dahil kay Cassandra, natakot akong magmahal muli. Hindi ko naman inakala na darating ka pero ang mas masakit mahal kita at mamahalin mo ko pabalik pero misyon mo lang pala. Kailangan mong hanapin ang relo para makabalik ka. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal muli matapos ang nadama ko kay Cass, Pero Terry? Bakit ka nandito, nasasaktan na naman ako. Pwede bang mahalin nalang kita dahil mahal kita, hindi yung mamahalin kita para mahalin mo ko't makabalik ka sa panahon kung saan ka nagmula?
[Kulang naba ang mga ulap sa langit at buwan di kana babalik sa lilim ng ulan ]
Kung kaya ko lang na tumaya ulit, ginawa ko na. Pero yung sakit at nakaraan na naranasan ko, laging nagpapaalala sa kin na wag ng umulit.
[Sa bawat saglit handang masaktan kahit di mo alam subukang muli at pagbigyan ang ating nakaraan kahit di mona alam]
Pwede bang ibalik natin yung unang araw na nakilala kita? Na sana sa araw na yun nilampasan nalang sana kita. Baka sakaling hindi na kita nakilala. Pero kahit lampasan kita, 'di ko inakala na iisang bahay lang ang titirahan natin na mas lalong nagdikit sa 'ting dalawa.
[ Ipikit mona ang yong mata ang nakaraan ay limutin na umasang di kana mawawala sadyang malimit kang ngumiti ngayun minahal kita mula noon ibalik na ang t***k ng puso mo]
Pwede bang manatili ka nalang? Pwede bang ako nalang? Alam kong naging mahina ako sa part na hinayaan kitang mahulog sa kanya. Hindi naman sa pagiging selfish pero Terry, mas mabuti na yun para di ako masaktan. Pero bakit ganon? Sa tuwing ko kayo, ako naman yung nahihirapan? Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayong masaya kasi ako, ako dapat yun e. Ako dapat ang minamahal mo.
[ Kulang naba ang mga ulap sa langit at buwan di kana babalik sa lilim ng ulan ]
Terry? Akin ka nalang. Ako nalang! Tatanggapin ko kahit masaktan.
[Sa bawat saglit handang masaktan kahit di mo alam subukang muli at pagbigyan ang ating nakaraan kahit di mona alam
Kahit dimo na Alam]
Pero, may malaki parin akong katanungan. Kaya mo kaya akong mahalin? E sa lahat ng ginawa ko, kasungitan lang ang napakita ko!
[Kahit di mona...
Sa bawat saglit handang masaktan kahit di mo alam subukang muli at pagbigyan ang ating nakaraan kahit di mona alam
kahit di mona alam
Kahit di mona alam ]
Sana alam mong hindi lang ikaw ang nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon natin.
[kahit di mona alam kahit dimo na
kahit dimo na
Kahit dimo na Alam]
Nasasaktan din ako ng hindi mo alam, Terry.
"Theo?!" Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang pumasok sa loob si Cassandra. Nahihilo na ako at nakakaramdam ng kalasingan. Pero kaya ko pa naman.
"Umalis ka dito Cassandra!" pagtaboy ko sa kanya. Nang mapansin kong wala nang laman agad ang alak na dala ko, tumayo at lumabas ng kwarto kahit na nasa pinto si Cass. Nilagpasan ko lang siya.
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka naglalasing?" Galit na galit na tanong nito.
"Because of you!" saad ko dito at dinuro siya bago ako bumaba para kumuha ulit ng maiinom.
"HAHAHA Nakakatawa naman yun!" rinig ko ang tawa ni Terry. Kaya napalingon ako at nandoon na naman si Kyle.
"HAHAHAHAA OO! TAPOS NAHULOG YUNG CELLPHONE NIYA SA TUBIG!" Ang lalakas ng boses nila. Bahay niyo 'to?
" Theo?" puna sa 'kin ni Terry. Tumayo ito inamoy ako.
"Uy! Pare!" Pagiwang-giwang na ako kung tumayo pero hindi ako lasing.
"What happened bro?" nagtataka nitong tanong. What happened? Hahaha well, nagdudusa lang naman ako. Or pwede rin naman na advance akong nagcelebrate ng pagmamahalan nila.
"Nothing. Sige lang! Magpakasaya kayo!" Hindi lang sila umimik. What's going on? Bakit? Naaawa sila sa 'kin? Hahaha mukha ba akong kaawa-awa?
"By the way, next time... Dalhin mo na ang gamit mo dito! Dito ka na tumira total laging papunta dito ang nguso mo ha? Okay! Bro! Ingatan mo 'tong si Terry! Kasi sasapakin kita paghindi mo iningatan!" tinapik-tapik ko pa ang balikat niya.
"Bro, lasing ka lang!" Ani niya. Natawa lang ako sa kanya.
"Sino lasing? Ako? HAHAHAHA Hindi! Ganyan lang talaga ako maglakad toinkkks!" I waved my hand at naglakad papuntang kusina't kumuha ng alak at bumalik din sa taas.
Nang nakarating ako sa taas, tumingin ako sa baba kung saan sila naroon.
"Hoy! Sana all mahal!"sabay tawa at bumalik sa loob ng kwarto. At nando'n pa rin si Cass.
Ano na namang ginagawa niya dito? Hindi pa ba talaga siya nakakaget-over? Tss!
" Theo..." Nang makapasok ako sa loob at agad niyang nilock ang pinto at lumapit sa 'kin.
Nahihilo ako kaya pumikit lang ako. Bahala siya diyan!
"Please. Let me show how I love you!" Hinawakan niya ang ulo ko at nilalapit sa leeg niya.
"Cassandra? Stop!" I sighed. Pagsasamantalahan niya yung kalasingan ko.
"Theo please! Just now..." she whispered. She started kissing my neck. And sinusubukan niyang m itaas ang damit ko pero pinipigilan ko ang kamay niya at nilalayo ko ang sarili ko sa kanya.
"Cassandra just please?! Stay away from me.." saad ko sabay nilalayo ang kanyang katawan.
Pinatayo niya ako at tinulak sa kama. Sinusubukan kong tumayo pero pinipigilan niya ako.
She want to kiss me on my lips pero ayoko, hindi ako gano'ng lalaki. Alam kong medyo lasing na ako pero hindi ko gagawing excuse yun para mabastos ng babae.
"Theo sige na!" She whispered again at pilit na nilalapit ang kanyang katawan sa 'kin. Pinipigilan ko pa din siya. Bahala na! Ayokong may mangyari sa 'min.
"Cassandra stop!" I shouted. Napatigil siya at umupo sa tabi ko.
"Theo hirap na hirap na ako! Bakit ba?!" Singhal nito at nagsimula na namang umiyak.
"Cassandra, respect yourself as a woman! You wanna show me how you love me? Then do it in other way! Not like this...." tugon ko sa kanya.
"Ang sabihin mo, si Terry na naman ang iniisip mo!"
"Pano kung sabihin kong oo?" Nagulat ako ng sampalin niya ako. I felt my jaw fell.
"See?!" Humihikbi siya sa pag-iyak at gigil na gigil na siya.
"CASSANDRA! YOU CAN'T BLAME ME!" sinampal niya ulit ako. Alam kong nasasaktan siya pero alam kong hindi siya basta-bastang papayag na maagaw ako ng iba.
"YAN ANG TUNAY NA RASON KUNG BAKIT 'DI MO AKO MAPANSIN-PANSIN! DAHIL SA TERRY NA YAN!" sigaw niya.
"MAHAL KITA, AT PINILIT KONG SINABI SA SARILI KO NA IKAW NALANG. PERO SI TERRY, MAS KARAPATDAPAT SIYANG MAHALIN!" sigaw ko sa kanya. Patuloy lang ito sa pag-iyak at napapahilamosng mukha niya.
"Anong gusto mo? Eto gusto mo? I won't let you to do this... Ako ang dapat na sayo Theo! Ako! At hindi ang isang cheap girl na yun!" Tinuro ko ang pinto at napabuntong-hinga siya.
"You can't change my mind... I will do everything para makuha siya from Kyle! Hindi na ako papayag na hindi ko maipaglaban ang nararamdaman ko!" agad siyang tumakbo palabas ng pinto.
Terry, handa na akong sabihin ang nararamdaman ko sayo. Handa akong masaktan, maging masaya lang tayo at mahanap mo na ang relo mo. Kahit sandali lang, kahit sa kunting pagkakataon lang makasama kita at maramdaman mo kung gano kita kamahal.
Cassandra's POV
"AAAAAAAAHHHH!!!! I HATE YOU TERRY! I HATE YOU b***h!!!!" I shouted. Hinagis ko ang mga bagay na makikita ko sa loob ng silid ko.
"HINDI AKO PAPAYAG NA MAKUHA MO SIYA SA GANITONG PARAAN LANG! HINDI AKO PAPAYAAAAAAG!" hinagis ako ang picture frame na malapit sa 'kin.
"Hayop ka Terry?! Nawala lang ako, pero alam kong hindi pa nawawala ang pagmamahal niya sa 'kin at hindi ako papayag na ikaw ang magiging rason para hindi niya ako balikan! Itaga mo yan sa bato Terry! Hindi kita titigilan!" nag-uusok na ang tenga ko sa galit. Gusto ko siyang sugurin at sampalin ng paulit-ulit para maramdaman niya ang sakit ng mga sinabi ni Theo!
Gusto kong isipin na lasing lang siya pero hindi! Masakit pa din. Kaya I won't let them both be happy. Gaganti ako sayo Terry tandaan mo yan! Hindi ako papayag na ginaganito mo ako.
Ikaw palagi ang tama? Sige! Pagbibigyan kita ngayon.
"AAAAARGHHHH!" sigaw ko sabay hagis ng flower vase sa pader. Kulang pa yan to release anger and pain na pinaghalo-halo sa loob ng dibdib ko.
Hindi ako nagkamali, malandi ka talaga!