Mama Aida's POV
Kasalukuyan akong nasa sala ngayon kausap si Cassandra. Kinukwento nya yung mga ginagawa ni Theo. Yung hindi siya pinapansin at parang wala lang sa kanya ang ginagawa ni Cassandra. Ang sabi niya, lahat daw ng ginagawa niya parang bula lang, na pumuputok nalang na hindi napapansin. Sagabal daw si Terry sa lahat ng plano niya at lagi daw siyang sinasaktan ni Terry pag nakikita niyang nagiging sweet si Theo sa kanya.
Mabait na bata si Cassandra, mga bata pa lang sila ni Theo nakikitaan na namin na sila ang magkakatuluyan sa huli. Maganda, matalino at magalang na bata.
"Theo?!" tawag ko sa apo kong pababa ng hagdan.
"Yes Mommyla?" humihikab nitong sagot.
"Ano 'tong naririnig ko kay Cassandra?" his pale face are shown again.
"Ano na naman yan Cass?" nakapamewang niyang tanong kay Cass. Nakayuko lang siya at parang nagpapaawa kay Theo.
"Hindi mo ba naaappreciate yung effort niya? O baka naman----"
"Ano na naman? Wag niyong sabihin na si Terry. Mommyla? Paulit-ulit nalang ba? Sabi ko nga diba--- give me chance to think kasi hindi madali para sa 'kin yung kalimutan at magtiwala ulit!" tugon nito bago bumalik sa taas.
"Mommyla... Hayaan niyo nalang ho siya... Siguro nga, kailangan ko ng umalis dito...." What? No way. Hindi pwede. Nangako ako sa kaibigan ko na aalagaan ko siya tulad ng pag-aalaga ko kay Theo. At dapat, sila ang magkatuluyan sa huli.
"No Cassandra---you can't go! Dito ka lang! I will help you when it comes to Theo okay?" Nakayuko pa rin ito at naiiyak.
"Mommyla... Si Terry po kasi e.. parang nagiging hadlang sa mga plano ko para mapasakin si Theo! Tapos, sinasaktan niya pa ako..." she pouted her lips. Alam ko na mahal ni Cass si Theo.
Sila na yung naging magkaramay no'ng panahong nawala sa pag-iisip si Theo dahil sa magulang niya. At hindi ko hahayaan na maulit yun. Si Cassandra ang naging lakas niya at hindi pwede na maulit ang sakit na yun at kay Terry na, na aalis na din dito sa panahon namin.
"Don't worry, ako bahala kay Terry..." saad ko dito. Kakausapin ko lang naman si Terry na hindi niya pwedeng mahalin si Theo. Lalo na't ang misyon niya at dapat magmahal at mahalin, hindi ako papayag na gamitin niya ang apo ko.
Tumango lang si Cassandra. Tamang-tama naman na lumabas ng silid si Terry. Kaya inaya ko ito, sorry pero kailangan kong ipamukha sa kanya na si Cassandra ang bagay kay Theo at hindi siya.
"Terry!" agad din namang bumaba siya at nagtungo sa 'min. Napakahinhin talaga ng batang ito kaya't hindi na ako magtataka kung madami ang mahuhumaling sa kaniya. Hindi naman ako salungat sa puntong magmahalan sila ni Theo, ang iniiwasan ko lang... Ang masaktan ulit si Theo ng sobra dahil sa pag-alis ni Terry. Ilang araw nalang ang natitira, aalis na siya.
"Umupo ka dito! Ipapakilala ko sayo ng lubusan si Cassandra!" ngumiti ito at tumingin kay Cassandra na ngayo'y nakangiti.
"Gusto ko ba ng kape Terry? Ipagtitimpla kit--"
"Ay hindi na ho Ma'am! Nakakahiya!" Cassandra nodded.
"Terry? Alam mo naman siguro na si Cassandra yung first love ni Theo!" ngumiti siya ng taimtim at tumango. Pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri.
"Alam mo ba? Mga bata pa lang kami, pangarap na namin ng lola niya na sila ang magkatuluyan! Haha nakakatawa diba?" ngumiti lang siya sa 'kin. Cassandra is looking at me like she knows what I am doing.
"Tapos Terry, si Mommyla pa ang gumagawa ng paraan para magkaayos kami ni Theo. Kasi si Theo? Sobrang mapang-asar yan sa 'kin dati hahaha. Pero sweet yan pag siya yung nakagawa ng kasalanan! Isang kiss lang, okay na yun!" dagdag pa nito.
Tumatango-tango lang si Terry sa 'min.
"Syempre naman! Pangarap kaya namin yun. At walang ibang pwedeng makasira sa pangarap na 'yon. Gusto pa naming makita si Cass at Theo na kinakasal!" Saad ko.
Terry's POV
"Hanngang ngayon, hindi pa rin nagbabago si Theo! Mahal na mahal pa rin si Cass yun nga lang... Natrauma na siya pero yung pagmamahal niya? Hindi yun nawawala!" Pinunas ni Mama Aida ang namumuong luha sa gilid ng mata niya.
Bakit ba nila sinasabi 'to? Kailangan ba talaga na alam ko 'to?
"Sandali lang ho--" Pagputol ko sa kanila. May nais lang akong itanong.
"Yes?" saad ni Cass.
"Bakit ho sinasabi niyo 'to? May pagsusulit ba mamaya!?" natawa lang silang dalawa.
"Ikaw talaga Terry! Hahaha!" Saad ni Mama Aida. Hindi naman biro yun e. Bakit nila sinasabi 'to? Para mainggit ako? Kung ganon man, hindi ako naiinggit.
"Bakit nga ho?" Tumingin sa 'kin si Cassandra na nakataas ang mga kilay.
"For you to know your limitations, cause Terry... Ikaw siguro yung dahilan kung bakit hindi ako napapansin ni Theo... Na kahit anong gawin ko, hindi na niya naappreciate ang meron ako at mga ginagawa ko..." At bakit naman ako ang may kasalanan? Ako na nga ang lumalayo sa kanila, ako pa din ang masama?
" Sandali lang ho Ma'am Cassandra, kung may problema po kayo ni Theo hindi ho ako kasama... Saka kung hindi ka man niya napapansin, hindi ko ho iyon kasalanan! Ikaw ho yung may problema at hindi ako..." mahinahon kong saad. Tama naman ako diba? Ako pa nga ang nagtutulak palayo kay Theo. Kasi hindi ko gusto na masaktan siya ulit tulad ng ginawa ni Cassandra.
"Saka Mommyla, pagsabihan mo nga siya! She's hurting me!" Hurting? Anong pinagsasabi niya?
"Yun nga Terry, bakit mo sinasaktan si Cass kapag nagiging sweet sila ni Theo?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. 'Ni hindi ko nga siya mahawakan e tapos sasaktan pa? Napakasinungaling!
"Sandali lang ho, kung yung tinutukoy niyong nasaktan ko siya--yun yung binuhusan niya ako ng sauce at pinagsalitaan ng hindi maganda! Pero yung sweet sila ni Theo? Wala ho akong pakialam kahit na langgamin sila at maubos ng mga langgam! Kasi hindi ho ako gano'ng tao! Kung may mapanakit man dito, ikaw yun Cassandra!" Turo ko sa kanya.
"Terry?" tawag sa 'kin ni Mama Aida.
"Mama Aida?! Alam ko pong wala po akong papel sa buhay niyo at alam ko rin po na mas mahal niyo si Cassandra kaya syempre kakampihan niyo siya... Pero hindi ho ba yun masakit para sa 'kin? Na nananahimik lang ho ako tapos ganito? Malalaman ko na galit na si Cassandra sa 'kin dahil sa tingin niya inaagaw ko si Theo? Ma, hindi ako gano'n! Tapos pagbibintangan niya ako na sinasaktan ko siya? Kahit tanungin niyo pa si Theo hindi ko yun ginagawa! Ayos lang sa 'kin kahit anong sabihin niya pero yung pagbibintangan niya ako ng mga bagay na hindi naman totoo? Hindi na yun tama!" saad ko dito. Ang daling tumagos sa puso ko yung sakit. Naiiyak na ako dahil sa ginagawa nila.
Bukod do'n, pinamumukha nila sa akin na hindi ako kamahal-mahal.
"Terry alam ko naman 'yon!" Saad ni Mama Aida. Ayoko din naman na nakikipagbangayan pero hindi ko na kaya.
"Ma? Ayaw ko po ng g**o. Sinubukan kong itago ang lahat, yung hirap na makipagsabayan sa kanila at iwasan ang mga taong dapat iwasan... At sa tingin ko po, tama lang na gawin ko 'to..Ma? Salamat sa pagkupkop sa 'kin. Kailangan ko na yatang umalis sa bahay na 'to!" tumayo ako at tumalikod.
"Anong aalis?!" napahinto ako nang pagtalikod ko ay naroon si Theo.
"Aalis ako Theo--" hinawakan niya ang balikat ko pero inalis ko din.
"Stay here Terry!" Saad ni Mama Aida.
"No Mommyla! Let her go!" Tugon ni Cassandra.
"Stop your mouth Cassandra! Walang aalis sa bahay na 'to! And you're just telling lies! Ikaw yung nananakit kay Terry at hindi siya!" Singhal ni Theo. Nagsisimula nang umagos ang mga luha ko.
"Theo paalisin mo na ako! Ayoko na!" nagpatuloy ako sa paglalakad pero pinigil niya ulit ako.
"Stop Terry!" napatigil ako at lumingon sa kanya na puno na ng luha ang mata ko.
"Bakit Theo?! Para masaktan ako? Para makita at maramdaman ko na wala akong halaga sa bahay na to? Na ang dulot ko lang g**o? Theo, hindi ako yung babaeng kayang dalhin ang sakit, yung mga pinapamukha nila--niyo sa 'kin! Alam kong madami na kayong naitulong pero yung ganito? Yung nagiging kawawa ako dahil sa mga maling akala? Hindi ko yun kaya!" nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng silid at inayos ang mga gamit ko.
Pero saan naman ako pupunta? Grrrr buhay nga naman oh! Kanino? Kay Kyle? E mas lalong gugulo jusko.
Biglang may kumatok ng pinto kaya agad kong pinunas ang mga luha ko.
"Terry?" huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
"Ma?" tugon ko bago bumalik sa kama at inayos ang mga damit ko.
"Anak, wag ka nang umalis! Nasanay na akong nandito ka..." hindi lang ako umimik. Hindi ko alam kung anong m sasabihin ko.
"Sorry kanina anak... Sana hindi ko na yun ginawa! Pinagsisisihan ko yun!" tumango lang ako at lumalabas na naman ang mga luha ko kaya pinupunasan ko.
" Alam mo naman diba na ayoko lang na masaktan ang apo ko. Ayokong masaktan siya ulit kaya't hangga't maari gagawin ko ang lahat para lang hindi ka niya mahalin..." tumingin ako sa kanya na puno ng sakit ang damdamin at mata ko.
"Mama Aida? Alam ko naman po yun e! Sa totoo lang po, hindi naman po ako takot para sa sarili ko.. takot ako na masaktan ko ang sino man... At pinipigilan ko ang sarili ko na magmahal lalo na't napamahal na ako... At si Theo? Hindi ko siya mamahalin kasi ayokong masaktan ko siya..." ang hirap pigilin ng sarili ko. Hirap na hirap akong magpanggap na wala akong nararamdaman.
"Dito ka nalang. Wag ka nang umalis!" niyakap niya ako kaya napahinto ako sa ginagawa ko.
"Si Cassandra po... Ayoko ng away!" Saad ko dito.
"Shhh ako na bahala sa kanya...kakausapin ko siya ha?" tumango lang ako niyakap siya pabalik.
Theo's POV
"Theo? Ano bang pinakain sayo ng Terry na yan?" tanong ni Cassandra habang hinahabol ako sa paglalakad ko. Kahit saan ako mapunta, sunod pa rin ng sunod.
"Can you just shut up you mouth?" naririndi na ako sa boses niya. Ayokong umalis si Terry okay!
"Paalisin mo nalang kasi si Terry! Total wala naman siyang halaga dito sa bahay! Asungot lang siy--"
"IKAW ANG UMALIS! DIBA?! IKAW ANG BUMALIK PARA MANGGULO, HINDI SI TERRY!" napatigil siya sa pagsasalita ng sabihin ko yun. Kung tutuuusin, may gusto ko pa siyang mawala kesa kay Terry. Bakit 'di nalang siya ang mawala? Para happy nalang?
"Ayun! So lumabas din ang lahat! Mas gusto mo si Terry kesa sa 'kin?"
"May sinabi ba ako?! Ang akin lang, bakit ba palaging si Terry ang sinisisi mo sa lahat? Kung hindi man kita pinapansin o binibigyang halaga, it's because you don't deserve me again!" saad ko dito.
"You're wrong Theo, kasi lahat gagawin ko, bumalik ka lang sa 'kin!" saad nito. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"In your face! It's better to love someone again that coming back on you!" she chuckled at sinampal ako ng napakalakas.
"How dare you! Sisiguraduhin ko na sa 'kin pa rin ang bagsak mo!" saad nito na halos nag-uusok na ang mga tenga bago ako iniwang mag-isa.