The One

1043 Words
[Zyra's POV] "So, that's how you play!" Nakaawang ang mga labing bulalas ni Castiel matapos kong ipaliwanag sa kanya ang mechanics ng laro. Akala ko talaga mananalo siya kanina. Damn! We were so close. Parang lumulutang ang isip niya kanina habang tumataya. Pigil na pigil ako sa sarili ko kanina na huwag siyang sabunutan dahil sa katangahang ipinamalas niya. "Now, I know." Tumatangong aniya habang nginunguya ang pinabili kong burgers. Nagdesisyon kaming mag-snacks muna sa labas ng casino na kung saan may mga benches at tables. Kaming dalawa lang ang naiwan. Ang mga tauhan ko ay binilinan kong maglibot-libot na muna. Mas preferred kong kasama si Castiel hindi lang dahil sa lapit ng agwat ng aming edad kundi dagdag na ring naaaliw ako sa katangahan niya. It's the first time I ever had a slave who is young as him. It pisses me off that he's innocent in these kind of things and at the same time, I'm also entertained. "What about... you become my assistant?" Tanong ko pero mukhang hindi niya ako narinig. He was so engrossed on the food he was eating... parang patay-gutom. "Hmm?" "Sa totoo lang, para kang kawawa. Sa sobrang yaman niyo, hindi ako naniniwalang nalilipasan ka ng gutom." "I'm not quite allowed to eat fast foods." "What do you mean by quite?" "My parents told me to eat healthy foods as much as I can but they never told me that I'm not allowed to eat... these kinds of foods. Masarap pala." And now, he's getting more interesting. "So, what do you say about being my assistant?" "Assistant? In what?" "The school year is about to start kaya hindi ako makakapunta sa iba't ibang casinos from out of town, so I need to stick with underground gambles for a while... and I need company." "What about your guards?" Napasimangot ako dahil sa narinig. Hindi yan ang response na hinihintay ko. "Nagrereklamo ka?" Hamon ko at tinaasan siya ng kilay. "Just asking... okay, pwede rin." My lips quickly formed into a wide smile. Sobrang natuwa ako sa sagot niya kaya binigay ko ang burgers at fries ko sa kanya. Namilog ang mga mata niya sa inakto ko. "Akin yan?" He asked while pointing at his own self. "Mauubos mo ba?" Parang mga bituin na kumislap ang kanyang mga mata na tumango bago kinuha sa mga kamay ko ang pagkain. Seriously? I've never seen someone so happy about eating burgers and fries... to think that he can literally afford everything in the world. I watched him as he satisfyingly eats his food. Pumangalumbaba ako at pinanood siya. Aliw na aliw ako dahil para siyang bata, he looks way cuter than my brother. Hayy, I missed him. I still remember how he stabbed me with a fork on my arm when he didn't like the spaghetti I made. "Sure ka bang ayaw mo na?" Tumango ako sa tanong niya nang hindi inaalis ang baba sa likuran ng aking palad. "Why? You only ate three fries." Kumurba ang labi ko sa kanyang sinabi. I find his tone and confused expression amusing. "You were so engrossed eating your food, paanong na-notice mo pa ang ginagawa ko?" "Why? Tatlo lang ba talaga nakain mo?" Nawala ang ngisi ko nung napakamot siya muli sa kanyang ulo. "Yeah, how did you know?" "I was just guessing, nakachamba lang." Agad na lumiwanag ang mukha ko sa responde niya. That's it! Hindi ko na siya hinayaang tapusin pa ang kanyang pagkain at mabilis ko siyang hinila papasok muli sa casino. . "So... ang gagawin mo ay mag-rely ka lang sa instincts mo. I already explained the mechanics to you kaya tiyak kong mapapadali lang 'to. Just remember, don't think too much... decide as fast as you can." Panay lang ang tango niya sa bawat salitang sinasabi ko. Nung matapos ako ay tinapik ko siya sa balikat at agad siyang umupo para maglaro. Naging tahimik ako buong laro. I watched patiently from a distant with crossed arms. Castiel took everything I said into account. I am quite impressed because of the luck he has. Buong laro ay tiyak kong pinipigilan niya ang sariling tumingin sa akin. I forbid him to do so. I want him to play in his own world, in his own pace. In winning, all you need is... to get lost. . "Suviske, saan kayo galing?" "It's Zyra nga kasi," inis na paratang ko sa mababang boses. Hindi ko sila pinansin na nakaabang sa entrance ng bahay. Even Castiel's parents were there. "Ba't sinama mo si Castiel sa mga lakad mo, Zyra?" Matinis na boses ni Danilyn ang nakapagpairap sa akin. Hinabol niya ako hanggang sa makapasok sa loob. "Suviske Zyra!" "What?" Naiinip na tanong ko bago ko siya hinarap. "Castiel is our guest, not one of your guards!" "Oh, he is actually my slave, Danilyn." "Uhh... Tita." Agad na lumipat ang aming mga mata kay Castiel na nakakamot naman sa ulong lumapit sa amin. "I actually kinda... signed up for this." "Oh," Danilyn's face softened after hearing Castiel's statement. Hindi na ako naghintay pa ng ibang senaryong magaganap at hinila ko na si Castiel paakyat. "Take some rest, you need it." I said as I pushed him inside his room. "Yeah, I was–" I slammed the door in front of his face before hurrying towards upstairs. I can't believe it. Dumoble ang pera ko dahil kay Castiel. Lahat ng mga natalo niya ay kanyang nabawi. I gained some money... and I didn't even played! Woah, that's a first time Tahimik kong pinanood ang mga tauhan ko na inayos ang mga bags sa kwarto. Hindi mawala ang ngisi sa aking mga labi dahil sa nangyari kanina. He really is the perfect slave... just the one that I've been looking for Pagsapit ng alas onse ng tanghali ay agad kong pinasok si Castiel sa kanyang kwarto nang hindi kumakatok. He sleeps like an animal His legs were spreaded widely and the blanket was only covering the lower part of his body. He's lying in a slant, yung ulo niya ay umaapaw na sa kama at ang bibig niya ay nakaawang pa. Lumapit ako sa kama niya tsaka napahalukipkip nung mapansin ang parang basa sa sahig at doon ko lang napansin ang laway niyang tumutulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD