Underground Gamble

1121 Words
[Zyra's POV] "You're having your lunch together!" Tumigil ako sa pagsubo at napalingon sa nagsalita. "Danilyn, come here!" Pinaypay ni Tita Liesse si Danilyn para panoorin kami. "They look sweet, don't they?" Liesse even cupped her own cheeks while watching us in adoration. Danilyn entered the scene and she immediately eyed me suspiciously. What? Kumakain lang kami! "Wanna join us?" Pagyaya ko pero mabilis na umiling si Liesse. "It's fine, enjoy!" Aniya bago hinila si Danilyn papasok ng bahay. "They look good together!" "Suviske is just playing around, Liesse, kilala mo ang isang 'yun." Hindi ko maiwasang mapangisi nung marinig ang pinag-uusapan nila. Am I just playing? Come on, I'm having lunch with my slave in the garden! "You look good on that dress." Napatingin ako sa suot kong white puffy dress at tumaas ang sulok ng labi ko sa kanyang compliment. Pumangalumbaba ako at pinanood siyang kumain. I haven't finished my plate halfway while Castiel's mouth is stuffed with food. Panay pa ang sulyap sa pinggan ko na parang ewan. "You eat like a beggar. Pinapagutuman ka ba ng mga magulang mo? I doubt so." I said as I pushed my plate towards him. "Your foods here are great– Ehem!" Nabulunan pa ito kaya natatarantang kinuha niya ang tubig sa kanyang gilid. Napa-face palm na lang ako dahil sa nangyari sa kanya. Paanong hindi mabubulunan eh sobrang puno ang bibig. "Foods here are great? You can literally afford to dine in a five-star restaurant." He finished his water and cleared his throat before answering, "Well, dito kasi takot ang mga kusinera ninyo na baka sunugin mo sila." Lumapad ang ngisi ko sa kanyang sagot. May pagkapilyo rin kahit na overly innocent siya. I like it. "Maaga tayong aalis mamaya." "Mga anong oras?" "Six," tipid kong sagot habang nalilibang siyang pinapanood sa pag-ubos ng chopsuey at fried chicken. The meal is not that luxurious if I think of it but Castiel eats as if once in a lifetime lang niya matitikman ang mga ganitong ulam when he can literally request foods like this every day. . "Let's have dinner," pagyaya ni Danilyn pagkababa namin ni Castiel. "Sa labas na kami kakain," sagot ko at tumalikod na habang hila-hila si Castiel sa braso. Hayy, freedome at last! Gosh, parang mamamatay ako rito sa boredom. Pagkatapos mag-lunch ay naglaro ako nang mag-isa ng chess sa room since Castiel doesn't know how to play. "What have you been up to in the last six hours?" I asked him habang papalabas kami ng bahay. "Sleep," tipid niyang sagot at kumibit-balikat. "Pero natulog ka na before tayong mag-lunch." "Kulang eh. Hindi ako sanay na magpuyat–" Bahagya siyang natigilan nung sa wakas ay makalabas kami ng gate. Lumilinga-linga siya bago tumingin muli sa akin na mukhang naguguluhan. "Where's your car?" "Magco-commute tayo. Tara na." Nauna na akong naglakad at naiwan siyang naguguluhan pa rin. "P-pero bakit?" Paghabol niya sa akin. "Lay low muna kasi tayo," sagot ko at kinindatan siya. . Two rides ang kinakailangan bago kami makapunta sa pupuntahan namin. Sa una ay nag-bus kami and Castiel looked so amused especially when the conductor went to us to get our payment. "Kailan ka pa natutong mag-commute?" Tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe. "Elementary," humihikab kong sagot. Nung makasakay kami ng jeep ay para akong batang-ina kasama ang spoiled niyang anak. He's way worse than my brother. Panay linga niya sa bintana na nadidisturbo ang ibang pasahero at kung umaabot naman ng bayad ay pinipilit niyang abutin kahit sobrang layo. "Umayos ka nga," suway ko sabay hampas sa kandungan niya. "Eh may nagpapaabot eh." "Iaabot din naman ng ibang pasahero hanggang umabot sa driver, para kang shunga." Malapit alas otso na nung dumating kami sa isang maliit na barangay. Madilim ang paligid dahil iilang poste lang ang gumagana. Pumasok kami ni Castiel sa isang masikip na kanto at hawak-hawak niya ang kamay ko na parang paslit. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa lamig ng kanyang kamay. "You're scared of the dark?" "I'm scared of unfamiliar places." "What about sa pagpunta mo sa casino? Hindi ka natakot?" "I may be scared of unfamiliar places but I'll still go, nonetheless. Takot ako sa madaming bagay pero hindi ibig sabihin nun ay iiwasan ko na. It's a matter of choices. If I give in to my phobia of unfamiliar places, then maybe... I'll just die without seeing how the world truly looks like." Tahimik akong napayuko at binagalan ang paglalakad. I want Castiel to absorb the atmosphere first. If bibiglain lalo na't madilim, baka kabahan siya. Unti-unting lumawag ang pagkakahawak niya sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakayuko siya at parang pinapakiramdaman ang nilalakaran namin. He's innocent, too innocent. He's not that manly except for his physique. Malaki ang pangangatawan niya pero mahinhin gumalaw at sobrang linis siya kung manamit... parang bata. "Zyra... what... what are we doing here?" Hindi ko namamalayan na nakarating na pala kami dahil sa sobrang pagtitig ko sa kanya. Lumiwanag ang mukha niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa isang bahay. Napaharap ako at napangiti dahil sa sobrang dami ng tao na nagtutumpukan sa labas ng isang bahay. "Maglalaro nga. Tara!" Hinila ko siya at dali-daling naglakad papalapit sa bahay. "Lay down!" "Oy! Magsilagay kayo sa pot, mga walang hiya!" "Anong sado? Labasan tayo ng pera, tol!" Nakiraan ako sa mga nagtutumpukan at doon ko nakita na merong apat na mesa para sa mga naglalaro ng pusoy, isa sa pusoy dos, apat sa tong-its, at dalawa sa mahjong. Sobrang ingay at karamihan sa mga tao ay lasing na. "Dito ka maglalaro?" Bulong ni Castiel sa akin habang nakikisiksik din. "Oo pero may gagawin muna tayo bago maglaro." Lumapit kami sa bahay at mula sa entrada ay may mga magkapamilya na nagtutumpukan habang nag-uusap nang masinsinan. "Magandang gabi," pagbati ko at napatingin sila sa akin. Apat sila. Ang isa ay matandang babae at ang kausap niya'y mukhang anak niya dahil sa hawig nila. May dalawang lalaking tiyak kong anak din ng matanda na nasa 30's ang edad. "Nakiraan lang po kami at nais lang sana naming magbigay ng kaonting tulong." Sabi ko sabay sabot sa kanila ng manipis na sobreng kulay puti. Naramdaman ko si Castiel na sumilip sa loob ng bahay tsaka napakamot sa kanyang ulo. "Naku, maraming salamat!" "Walang ano man po." I slightly bowed my head before walking away. Hinila ko pa si Castiel dahil bahagyang nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. "Ba't may kabaong sa loob?" "Where do you think we are? Idiot." Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa lamay?" "Malamang!" "But I thought you would play underground gambles?" "Yes and this is my own underground gamble. Yung binigay ko pantulong, entrance fee natin 'yun para makalaro."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD