Kabanata 1
Panay ang subo ni Dani kahit wala naman siyang nalalasahan sa pagkain niya. Sino ba naman ang magaganahang kumain kapag ang usapan ay patungkol sa mga bagay na nakakawala ng ganang kumain? At kahit wala siyang ganang kumain ay pilit niyang sinusubo ang pagkain niya. Sa ganitong paraan, hindi niya maririnig ang pinagsasasabi ng mga magulang niya dahil mas nangingibabaw ang tunog ng kanyang pagnguya, mabuti na lamang at salad ang nakahain.
"Danielle!" Napalundag siya kasama na rin ang plato niya nang biglang hampasin ng ama niya ang table, mabuti na lang at hindi nabasag dahil gawa lang ito sa glass. Dahan-dahang nagtaas ng ulo si Dani at sinalubong ang galit na titig ng kanyang ama.
"Hayaan mo na ang bata, bente anyos na siya. It's her time to choose what she wants to do. I don't want her to live like her sister Danilo." Sabat naman ng nanay niya na ngayon lang din magsalita para sa kanya.
"Hindi maaari, sino ang magmamana lahat ng pinaghirapan natin kung hindi siya? May iba ba tayong mga anak Ellie?" May galit sa tono ng kanyang ama.
Gusto man ni Dani na magbingi-bingihan, hindi pa rin niya matatakasan ang plano ng kanyang ama. Gusto man niyang magpakalayo-layo kung saan masaya siya sa kanyang buhay at matupad ang kanyang mga pangarap pero mahigpit siyang nakakulong sa kapangyarihan ng ama niya.
"Pagkatapos ng graduation mo, ipapakasal kita sa anak ng mga Zamora." Parang tumigil ang mundo ni Dani sa sinabi ng ama. Hindi pa ba sapat ang mag-aral siya ng Business Management at itakwil ang pangarap niyang mahing pianista? Itataya na rin ba niya ang buong buhay niya?
Pati ang nanay niya ay gulat din pero hindi ito makapagprotesta sa sinabi ng asawa. Ganyan naman ang nanay niya, wala rin naman itong nagawa nang ipaasawa ng ama ang ate niya sa anak ng best friend nito. Hindi niya inaasahan na gagawin din iyo sa kanya ng ama. Parang habang tumatagal ay hindi na niya makita ang nga tunay niyang magulang, ang tatay niyang kinukuwentuhan siya bago matulog noong bata pa siya at ang nanay niyang nagluluto palagi ng paborito niyang pagkain.
"May boyfriend po ako papa at mahal na mahal ko siya." Pagsisnungaling ni Dani na ikinagulat ng kanyang mga magulang.
"Kailan pa, bakit hindi mo siya ipinakilala sa amin. Wala akong natatandaan na nagpaalam sa amin!" Nanginig siya sa takot dahil tila mas lalo lang nagalit ang kanyang ama.
"Matanda na ako papa at hindi sa lahat ng desisyon ko sa buhay ang kailangan ko ng permiso mo." Binalit siya ng takot nang biglang nanahimik ang ama niya at napalingon ito sa kanya na nanginginig sa galit.
"Ano'ng sabi mo? Wala kang res—" Napapikit na lang si Dani at hinintay na tumama ang kamay ng ama. Kung sakaling sasaktan siya nito ay ito na ang unang pagkakataon na sasaktan siya ng ama. Simula nung bata siya, para siyang babasaging lucky item ng kanyang ama.
"Huwag mong saktan ang anak ko Danilo!" Humarang ang ina niya bago pa man siya masampal ng ama.
"Umalis ka diyan Ellie at tuturuan ko ng leksiyon ang anak mo, masyado ng na-spoil at hindi marunong makinig ng utos."
"Tama na Danilo, hindi ka pa ba kuntento sa yaman ng mga Gomez?" Sumbat ng ina niya na ikinatigil ng ama. Naupo ito at napahilamos sa kanyang pala. Niyakap naman ito ng asawa at hinagod sa likod para pakalmahin. Nanatiling hindi makagalaw sa kanyang upuan si Dani sa gulat at takot. Para siyang tinakasan ng kanyang kaluluwa.
"Dalhin na muna kita sa kuwarto mo Dani." Mabuti na lang at dumating si Glyn, ang kaibigan-personal maid niya. Kanina pa ito nasa tabi at nanonood sa nangyari. Gusto man niyang lumapit para ipagtanggol rin ang kaibigan-amo ay hindi niya magawa dahil baka patalsikin pa siya sa kanyang trabaho.
"Matulog at magpahinga ka muna, dadalhan na lang kita ng pagkain mo rito." Tumango siya sa kaibigan at agad na nagtalukbong sa kumot.
Nalala niya ang sinabi niyang kasinungalingan kanina. Ano ang gagawin niya kapag tatanungin siya ng mga magulang tungkol sa boyfriend na tinutukoy niya at malamang wala naman talaga siyang boyfriend. Ever since ipinanganak siya ay wala pa siyang nagiging boyfriend, paano siya makakahanap ng ihaharap sa mga magulang niya? Ayaw pa niyang maikasal, marami pa siyang mga pangarap na kailangang tuparin at tsaka, wala pa siya sa tamang edad para ikasal.
Naupo siya at agad na naglog-in sa sss account niya. Kailangan niyang makahanap ng magpapanggap na boyfriend niya para maiwasang ikasal sa taong hindi niya kilala. Nagscroll siya sa mga profiles ng mga lalaking nasa mutual friends niya, dapat hindi kilala ng mga magulang niya o sinuman sa buong Tarlac. Dapat malayo sa Luzon, pwede sa Manila hanggang Mindanao.
Mabilis na lumipas ang oras at hindi niya namalayang magtatanghali na pala. Umabot na siya sa apat na oras na nakababad sa f*******: pero wala siyang makitang pumapasa sa taste niya. Maya-maya pa ay bumalik na si Glyn na may dalang tray ng pagkain. Napansin din agad nito ang ginagawa niya at agad na tumabi sa kanya.
"Bakit ka pa kasi nagsinungaling kina tito at tita, paano ka na makakahanap ng boyfriend kung bukas o mamaya bigla nilang sasabihin na gusto nilang makita ang boyfriend mo?" Nag-aalalang sabi ng kaibigan. Napanguso na lang din siya sa katangahan niya at nagpatuloy sa pag-stalk ng mga profiles.
"May alam akong app na puwede mong paghanapan ng boyfriend Dan." Napatingin siya sa kaibigan ng wala sa oras. Napangisi naman ng nakakaloko si Glyn tsaka inagaw ang phone niya. Pumunta ito sa app store tsaka nag-install ng application na hindi niya alam kung ano. Ilang minuto pa ang lumipas ay na-open na ito.
"Fill out mo muna yan para sa profile mo." Ibinalik ni Glyn sa kanya ang cellphone niya at agad niyang sinagot ang mga hinihinging impormasyon.
"Kailangan pa ba ng profile picture?" Napangiti si Glyn sa kanya sabay agaw muli ng cellphone.
"Picturan kita, basta manatalili kang ganyan. Smile!" Sinubukan niyang agawin sa kaibigan ang cellphone niya pero mabilis siya nitong nakunan.
"O diba, ang cute mo diyan?" Ipinakita nito ang kuha niya. Nakangiti siya habang nakalahad ang kamay niya sa gawi ng camera. Maganda nga ang pagkakakuha ng kaibigan pero hindi siya confident na maglagay pa ng sariling picture sa profile niya, nakakahiya.
"Huwag kang mag-alala, inupload ko na siya. Maghanap ka na lang ng natitipuhan mong lalaki tsaka mo iclick ang rent." Turo ni Glyn.
"Ano'ng rent, bakit hindi follow or add friend?" Nalilitong tanong ni Dani. f*******: lang naman kasing social media platform ang ginagamit niya. Old fashion na kung old pero wala tapaga siyang time para magbabad sa internet, ngayon lang din naman siya magtagal ng more than one hour.
"Nakalimutan kong ipaliwanag. Magrerent ka ng boyfriend which means na kada irerent mo sila, magbabayad ka depende sa haba ng time na kailangan mo siya. Nandiyan naman sa description, kapag 24 hours ay 10,000, kapag 12 hours ay 5,000, kapag 6 hours ay 3,000." Basa ni Glyn. Nanlaki ang mata ni Dani sa mahal ng bayad. Afford naman niya ito pero, masyado nakan yatang mahal ang bayad sa mga lalaking ito.
"Mayayaman na siguro ang mgat ito no, Glyn?" Tanong niya sa kaibigan ma mabilis na napailing.
"Actually, hindi nila nakikiha ng buo ang bayad sa kanila kasi siyempre nakiiihati pa rin ang may hawak sa kanila. Thay makes what they are doing legal." Paliwanag naman nito. Napatango-tango na lang si Dani.
Bumalik na lang siya sa pinagkakaabalahan niya at inisa-isa ang mga profiles ng nagguwaguwapuhang lalaki. Gusto tuloy niyang irent sila sabay-sabay. No boyfriend since birth si Dani pero normal naman na humanga siya sa mga kalalakihan at nangangarap rin siyang magkaboyfriend. Sadyang mataas lang din ang standard niya sa mga lalaki. Maraming mga lalaki na guwapo nga pero bukod sa bobo, masama rin ang ugali.
Napatigil sa pag-scroll si Dani nang makakita siya ng naiibang profile picture. Imbes na mukha ay picture ng violin ang nakalagay. Agad-agad niya itong binuksan at binasa ang profile information.
LEVI JACOBSON
Studied at The Jiulliard School
Finished Bachelor of Music
"You want me to sing for you? Rent me now"
Napangiti si Dani sa nabasa. Bukod sa humanga siya may-ari ng profile ay naiiinggit rin siya rito. Nakapag-aral ito sa best school for music at nakapagtapos rin ito.
"Mukhang classical musician Dan. Ayon sa sabi-sabi, hindi raw romantic ang mga yan. Pero rent lang naman kaya bahala ka." Inirapan niya ang kaibigan sabay click sa rent button. Napa-unat siya sabay tapon ng cellphone niya sa kama. Gutom na rin siya kaya agad siyang kumain, kanina pa naman nakahain ang pagkain niya at paniguradong nanlamig na ito. Puno siya ng ganang kumain nang tanghaling iyon, hindi rin niya maipaliwanag kung bakit hindi mawala-wala ang ngiti niya.