
Kailangan ng pera ni Blair para mabayaran ang utang ng pamilya nila at para na rin maipagamot ang Nanay niyang may Cancer, kaya kahit labag sa kalooban niyang mawalay sa pamilya ay kinailangan niyang magpunta sa Grimsby City upang maghanap ng trabaho na may malaking sahod. Unang araw pa lamang niya sa Grimsby ay kamalasan na kaagad ang naranasan niya at nagsunud-sunod iyon. Nagalit sa kaniya ang isang customer dahil sa natabig niya ang kapeng iniinom nito. Dala ng inis ng customer sa kanya ay iniharang niya ang paa sa daraanan niya kaya naman natapon ang kape sa isa pang customer na lalaki na agad nagsisisigaw at nagtititili. Nasisante siya dahil doon. Tatlong linggo ang lumipas, habang naglalakad kahit na walang patutunguhan, ay may nakita siyang kakaibang poster na nakaagaw ng pansin niya. Nilapitan niya iyon at binasa at ganoon na lamang ang gulat at pagkaexcite niya nang makitang malaki ang magiging sahod sa trabahong papasukan niya.
Nagpunta siya sa lugar kung saan mag-a-apply at agad naman siyang natanggap. Nang tanungin niya kung anong trabaho iyon ay ganoon na lamang ang gulat niya nang malamang ang trabaho niya ay ang magpanggap siyang girlfriend ng isang tao.
Mas lalo pa siyang nagulat nang makita ang taong pagsisilbihan at magiging boyfriend niya kunwari… walang iba kundi ang lalaking aksidenteng natapunan niya ng kape at nasira ang laptop.
