“SAAN KA NANGGALING Abel?” “Galing ako sa Laguna, matagal ko ng hinahanap si Sam pero hindi ko siya mahanap” Hindi makapaniwala si Samantha na nasa harapan na niya ang kanyang ama. Nagpapasalamat siya na ito na ang dumating dahil hindi na siya mahihirapan sa paghahanap dito. Ang laki ng pinayat nito at nararamdaman niya na parang may iniinda itong sakit. “Hinahanap ko din kayo Tatay” sabat niya sa dalawa. Kasalukyan silang kumakain ng tanghalian. Nang pauwi na siya mula sa hotel, dahil doon siya nagpalipas ng gabi ay nakita niya na merong isang lalaki na nasa labas ng mansyon na parang nagdadalawang isip kung tutuloy o hindi sa pagdo-doorbel sa mansyon. Nang makita niya ang mukha nito ay tila nagbalik ang alaalang nakalimutan niya, ang mukha ng kanyang ama. Agad siyang bumaba ng sasa

