HI BABY SAM Hindi ko alam kung kelan ako magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa’yo ang totoo, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman mo ang totoo. Gusto ko lang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya kaya hindi ko magawang ipagtapat sa’yo, naging masaya naman tayo at nakita ko kung gaano ka kalapit sa Tatay Abel mo kaya nagdesisyon akong hindi na sabihin sayo ang totoo pero nang saktan tayo ng Tatay mo pakiramdam ko ay hindi na tayo magiging masaya kaya kailangan nating umiwas sa kanya. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ang lahat ng p*******t niya sa akin kaya mas magandang isulat ko na lang ang isang sekretong tinago namin. Hindi si Tatay Abel ang tunay mong ama kundi si Tonny Madrigal, nalaman ko lang na nagbunga ang pagmamahalan namin noong lumayo na ako sa

