NAGULAT SI SAMANTHA nang makita ang ayos ng rooftop ng condo, may mga bulaklak, may mga LED lights, at mga petals na nakakalat sa sahig, may mga pagkain din sa mini living area na napapalibutan ng candle light. Pamilyar sa kanya ang mga gamit, iyon din ang mga gamit na pinalagay niya para isurpresa ito sa pagtatapos ng presentasyon nito. Inalalayan siya ni Alex sa paglalakad hanggang sa makarating sa mini living area ng rooftop. Pinaghila din siya nito ng upuan bago ito umupo sa tapat niya. “Baby Girl, gusto kong bumawi sa katangahang ginawa ko sa’yo, gusto kong maging masaya ka uli kasama ako” sabi nito at iniabot sa kanya ang isang tumpok ng bulaklak. Naramdaman niya ang pagiging totoo nito, naramdaman niya na gusto talaga nitong bumawi sa kanya pero parang huli na para bumawi pagk

