NAGISING SI SAMANTHA ng alanganing oras dahil nakaramdam siya ng uhaw kaya bumaba siya sa kusina para kumuha ng tubig. Nagulat siya nang makita si Alex na nasa hapag kainan at umiimon ng alak, hindi niya alam kung ngingitian niya ba ito o dederetso sa kusina para makabalik agad sa kanyang silid. “Hi Beautiful Sister” pang-aasar ng bati nito nang makita siya. Napakunot noo siya dahil sa sinabi nito, alam niyang may tama na ito ng alak dahil halata na ang pamumula ng mga pisngi nito. Sa halip na pansinin ay dumeresto na lang siya sa kusina para makakuha agad ng tubig. Nagulat na lang siya nang mapansin niyang nasa likod na niya si Alex. “Are you avoiding me my beautiful sister?” pang aasar na tanong nito. “Alex, lasing ka na” “So? Porket lasing ako hindi mo na ako papansinin, kapat

