PAGKALIPAS NG ISANG BUWAN. “Bakit ba ngayon ka lang, alam mo naman na 1pm ang schedule natin sa OB” “Marami akong ginagawa sa opisina kaya please lang wag ka ng maingay” “Whatever Alex, hindi mo man lang inisip ang magiging anak natin” Aminado si Alex na isang buwan ng malamig ang pakikitungo niya kay Angela dahil isa ito sa naging dahilan kung bakit niya nasaktan si Samantha. Kahit na alam niyang magkapatid sila ay hindi pa din nawawala ang pagmamahal niya para dito, alam niyang mali na pero hindi nagbago ang nararamdaman niya dito. Mas gusto niyang manatili sa kanyang opisina para magtrabaho o kaya ay tumuloy sa kanyang condo dahil sa tuwing nasa mansyon siya ay si Samantha ang lagi niyang naalala. Madalas na din silang magsagutan ni Angela kaya minsan ay iniiwasan niya din ito.

