“SAM, ANAK, MAY bisita ka” “Wait lang Tatay, may tinatapos lang po ako” Alam na niya kung sino ang bisita niya dahil madalas na siyang puntahan ng mga ito. Kahit na tumutulong siya sa pananahi ng kanyang ama ay nagtatrabaho pa din siya para sa restaurant niya, kaya ngayon ay tinatapos niya ang mga reports na pinasa sa kanya ni Loisa kaninang umaga. Pagkatapos niya sa ginagawa niya ay agad siyang lumabas ng kanyang silid. Hindi tulad sa mansyon, ang silid niya dito ay maliit lang. Kung tutuusin ay pang-isang silid lang ang bahay na tinitirhan ng kanyang Tatay Abel pero dahil sumama siya dito ay hinati ang isang silid para sa kanya. “Napapadalas ang dalaw niyo dito ha, hindi kayo busy?” pangaasar niya sa kanyang mga bisita. “Syempre busy kami no, pero gusto ka naming makita” sagot ni

