Chapter 7

1518 Words
KINABUKASAN AY SINIKAP ni Samantha na pumasok ng maaga dahil ayaw niyang maabutan si Angela at Alex sa hapag kainan kaya nagpahanda na lang siya ng agahan kay Manang Letty, dinala niya nalang iyon sa kanyang opisina. Nalaman niya kay Manang Letty na madaling araw na nakauwi si Alex at Angela, hindi naman na siya nagtanong tungkol sa kalagayan ni Angela dahil alam naman niyang hindi ito pababayaan ni Alex. Hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na mensahe mula kay Alex, gusto sana niyang tanungin ang kanyang kasintahan kung kamusta ito o kung kamusta si Angela pero hindi niya alam kung bakit wala siyang lakas ng loob para tanungin iyon o siguro ay naghihintay lang din siya na ito ang magkusang kumausap sa kanya. Pero hindi siya magpapaapekto sa nararamdaman niya, alam niyang normal lang ang selos na nararamdaman niya pero may tiwala siya kay Alex at panghahawakan niya ang tiwalang iyon. Nagpasya na lang siyang isubsob ang sarili sa pagtatrabaho dahil natambak din ang trabaho niya dahil sa pagalis niya kahapon. Hindi na niya napansin ang oras dahil sa dami ng kanyang ginagawa, buti na lang ay pinuntahan siya ni Loisa para sabihin na tanghalian na, pero sa halip na sumabay siya dito at nagpabili na lang siya ng pagkain sa kanyang kaibigan at sa opisina na siya kumain. Ngayon lang din niya nalaman na meron pala siyang kikitain na mga supplier at naka-schedule din ngayon ang pagpunta niyag sa construction site ng ikalawang branch ng restaurant. “You want coffee Samantha? Your spacing out” Nagulat siya nang magsalita si Loisa, sa kakaisip ng mga gagawin niya ay nakalimutan na niya na kausap niya ang kanyang kaibigan. “Sorry Loisa, may iniisip lang ako” “Tatay mo?” Tumango tango siya. “Yes, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap dahil pangalan lang ang nakuha sa bahay ampunan” “Don’t worry Samantha, tutulong din akong magtanong tanong sa mga dating namamahala sa bahay-ampunan, tutulong kami ni Andres” nakangiting sabi nito. Naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito dahil si Loisa at Andres ang mga nauna sa bahay-ampunan kaya kilala ng mga ito kung sino ang mga dating namamahala doon. “Thank you Loisa” nakangiting sabi niya dito. —————— —————— NAPABUNTONG HININGA MUNA si Samantha bago siya bumaba ng kanyang sasakyan, ramdam na ramdam niya ngayon ang pagod dahil sa meeting at ang pagpunta niya sa construction site. Pagkatapos nilang magusap ni Loisa kanina ay naghanda na din siya agad para sa pag-alis niya, gusto sanang sumama ni Loisa pero hindi na siya pumayag dahil alam niyang marami din itong ginagawa. At sa dami ng ginawa niya ay alas-onse na ng gabi siya nakauwi ng mansyon. Dahil sa pagod ay parang gusto na lang niyang dumeretso ng kanyang silid at matulog. Nang akmang aakyat na siya ay nakarinig siya ng mga taong nagtatawanan sa kanilang silid kainan, napasilip siya ng unti para malaman kung sino ang mga nandoon at nakita niya ang kanyang ama, si Loisa, si Angela, at si Alex na nakatabi kay Angela. Ngayon lang niya naalala na buong araw ay wala siyang natanggap na anumang mensahe mula sa kanyang kasintahan. Sa saya ng tawanan ng mga ito ay parang hindi na napansin ng mga ito na wala pa siya sa mansyon. Kitang kita niya ang kanyang kasintahan na masayang nakikipag-usap kay Angela. Iniiwas na iya ang kanyang paningin sa mga ito at akmang aakyat na nang bigla niyang narinig ang pangalan niya. “Samantha!” Napalingon siya at nakita niya si Andres na kakalabas lang mula sa kanilang silid kainan, napansin din niya na nakatingin na sa kanyang ang mga taong naroroon. Nagkatitigan sila ni Alex at nakita niya ang tila pag-aalala sa mukha nito at agad itong lumapit sa kanya. “Baby girl, bakit ngayon ka lang?” tanong nito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil tinanong siya nito o maiiyak siya dahil parang ngayon lang nito naalala na wala pa siya dahil dati ay tumatawag agad ito kapag alam nitong wala pa siya sa mansyon. Pinilit niyang ngumiti bago nagsalita. “Sorry, medyo busy lang ako sa work kaya ngayon lang ako nakauwi” “Are you okay?” Tumango tango siya. “Yes, I’m okay” nakangiti pa ding sagot niya. “Samantha, anak, mag-dinner ka muna dito” sabi naman ng kanyang ama mula sa kanilang silid kainan. Binalingan niya ang kanyang ama. “Yes Dad, baba po ako magpapalit lang ako ng damit at ibababa ko lang ang gamit ko” nakangiti ding sagot niya dito. Nakita niya ang pagtango ng kanyang ama. Binaling muli niya ang tingin kay Alex na halata pa din ang pag-aalala sa mukha nito. “Akyat muna ako” Tumango-tango ito sa kanya. “I’ll wait you here” Ngumiti lang siya dito at tuluyan na siyang umakyat. Kahit nakatalikod ay nararamdaman pa din niya na nakatingin pa din sa kanya si Alex. Pagdating niya sa kanyang silid ay hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha, mga luha na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Gusto niya iyong pigilan pero hindi niya na napigilan pa. Ibinaba na lang niya ang kanyang gamit sa sahig at dumeretso na sa kanyang kama kahit hindi pa siya nakakapagpalit. —————— —————— NAGISING NA LANG si Samantha na kumakalam ang sikmura, bumangon siya at dumeretso sa banyo. Nang makita niya ang kanyang sarili sa salamin ay doon niya lang naalala na hindi pa siya naghahapunan, hindi na pala siya nakababa kanina dahil nakatulog na siya. Nang tingnan niya ang orasan, alas-dos na ng madaling araw. Kahit alanganing oras na ay naligo pa din siya para makapagpalit ng damit. Pagkatapos niyang mag-ayos ay inayos na din niya ang kanyang gamit na naiwan sa sahig. Kinuha niya ang kanyang selpon at nakita niya ang maraming missed call galing kay Alex. Binasa din niya ang mga mensaheng galing sa kanyang kasintahan. From: Alex Baby girl, where are you? I’m waiting here. From Alex: Bababa ka pa ba? From Alex: I think you are really tired. I hope you’re okay. Good night Baby girl, see you tomorrow. I Love You! Nakonsensiya siya dahil sa paghihintay sa kanya ni Alex kaya sumagot din siya dito kahit na alam niyang tulog na ito. To: Alex I’m sorry Baby, just woke up. Nakatulog na pala ako kanina. See you tomorrow. I love you. Pagkatapos niyang sumagot ay kinuha niya ang lagayan ng kanyang tubig at lumabas ng kanyang silid para kumuha ng tubig at pagkain. Nang malapit na siya sa kanilang silid kainan ay napansin niyang bukas ang ilaw doon at tila may kumakain pa. Naisip niya na si Manang Letty yun dahil madalas niyang naabutan ang kanilang kasama sa bahay ng gantong oras. Pero laking gulat niya nang makita nito si Angela at Alex. Nakaupo ito sa tabi ni Angela at nakaharap sa babae na parang pinagmamasdan niya ito habang kumakain. Nang maramdaman ni Alex ang kanyang presensiya ay agad itong tumayo at lumapit sa kanya. “Baby Girl, I thought your sleep na?” Pinilit niyang ngumiti dito. “Ahh! Oo, nakatulog na ako kanina. Sorry. Kagigising ko lang uli” “You want to eat? I’ll prepare food for you” Umiling-iling siya. “Wag na, kukuha lang ako ng tubig then akyat uli ako medyo inaantok pa ako” “Are you sure?” nag-aalalang tanong nito. “Yes” nakangiti pa din siya dito. Naglakad siya papuntang kusina, pero napatigil siya nang batiin siya ni Angela. “Hi Samantha” “Hi…” nakangiting bati niya dito. “Mukang may cravings ka na ha” “Oo nga e, naghahanap na ng pagkain si baby” sagot ni Angela habang kumakain pa din. “Sabi nila kapag ganun daw ibigay lang daw kung ano ang gusto ni Baby” “Yun nga din ang sabi ng OB namin e, kaya puro request ako ngayon kay Alex” sabi nito at tumingin kay Alex. Tumingin din siya kay Alex pero nagulat siya na sa kanya pala ito nakatingin at seryoso ang mukha nito. “Supportive naman si Alex, for sure magiging maayos ang paglilihi mo” binalingan niya uli ng tingin si Angela. Tumawa naman ito. “Mukha nga e” biglang nag-seryoso ang mukha ni Angela. “Sorry Samantha kung nahahati ang oras ni Alex sa’yo ha” seryosong sabi nito. “No Angela, don’t say sorry. I do understand at napag-usapan na namin ni Alex yun. Wag kang ma-stress ha? Baka maapektuhan si Baby” totoong ngiti ang binigay niya dito dahil ayaw talaga niyang maapektuhan ang batang dinadala nito. “Thank you Samantha, kaya mahal na mahal ka ni Alex e” Napalingon naman siya kay Alex na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa kanya. “Mauna na muna ako sa inyo ha, medyo inaantok pa talaga ako” paalam niya sa dalawa. Pagkatapos niyang makakuha ng tubig ay agad din siyang bumalik sa kanyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD