Chapter 8

2764 Words
ISANG ORAS NA ang nakakalipas mula ng umakyat si Samantha sa kanyang silid pero hindi pa din siya makatulog. Hindi niya alam kung tama bang makaramdam siya ng selos kahit nakikita niya kay Angela na wala naman itong masamang intensyon o natatakot siya na baka muling mahulog ang loob ni Alex kay Angela. Nagulat siya nang tumunog ang kanyang selpon, nakita niya na merong mensahe galing kay Alex. From: Alex Hi Baby Girl, sorry ngayon ko lang nabasa ang text mo. Are you still awake? Hindi niya alam kung sasagot ba siya o magpapanggap na lang siyang tulog. Muling tumunog ang kanyang selpon, nakatanggap uli siya ng mensahe mula kay Alex. From: Alex I know your not okay baby girl. Hindi na niya naiwasan na tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung naluluha siya sa saya dahil nararamdaman pa din nito na hindi siya okay o naluluha siya dahil nalulungkot siya dahil alam nitong hindi siya okay pero parang wala itong ginagawa. Muli na namang tumunog ang kanyang selpon pero ngayon ay tumatawag na ito. Alam ba niya na gising pa ako? Uminom muna siya ng tubig at tumikhim bago sagutin ang tawag. “Hello” mahinang sabi niya. “Are you crying?” nagulat siya sa biglaang tanong nito. “No, bakit mo nasabi?” mas pinilit niya na maging normal ang boses niya. “Baby Girl, I know your not okay” Nakagat niya ang kanyang ibabang labi para pigilan ang pagluha. “I’m not okay kasi pagod talaga ako, sobrang daming ginagawa ngayon sa trabaho” sagot nito. Narinig niya ang pag buntong hininga nito sa kabilang linya. “Let’s talk tomorrow, dinner date tayo bukas, okay?” “Okay” maikling sagot niya. “I love you Sam” “I love you” —————— —————— DAHIL SA PUYAT ay hindi na siya pumasok ng umaga, pagkatanghalian na lang siya pupunta sa restaurant Pinuntahan niys ang kanyang ama na alam niyang nasa Study Room nito kapag umaga. Kumatok muna siya bago binuksan ang pintuan. “Dad?” “Come in Samantha” sagot ng kanyang ama. Sinara din niya ang pinto nang tuluyan na siyang makapasok, umupo siya sa upuan na nasa tapat ng lamesa ng kanyang ama. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. “Dad, may nasabi ba sa’yo si Nanay tungkol kay Tatay?” tanong niya dito na hindi nasagot noong isang araw. “Honestly Hija, wala akong alam tungkol sa Tatay mo. Noong panahon na hinahanap namin si Susan ay nalaman namin na nakatira sila sa Laguna, hanggang doon lang ang alam ko dahil kusa ng lumuwas ng Manila si Susan para makita si Aimee. Hindi din kami nakapag-usap dahil alam kong may pamilya na siya kaya hindi ko na siya ginulo pa” tumigil ang kanyang ama para ayusin ang pagkaka-upo nito. “Nalaman ko na lang noon na sinasaktan pala ng Tatay mo si Susan at doon na ako nagsimulang suyuin uli si Susan. Nagbakasali akong makita siya sa bahay ampunan at hindi nga ako nagkamali na doon ko kayo nakita. Muli niyang tinuloy ang pagpapatayo ng bahay ampunan. Wala siyang binanggit tungkol sa Tatay mo, siguro dahil iniiwasan niya na ding alalahanin iyon” mahabang sagot nito. Napabuntong hininga siya. “Hindi ko na alam kung saan pa ako pwedeng pumunta para hanapin si Tatay” “You really want to see him?” “Yes Dad” “Hindi ka na ba masaya dito?” Nagulat siya sa tanong ng kanyang ama, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. “Hindi naman sa ganon Dad…” alanganing sagot niya. “…pakiramdam ko lang kasi may kulang sa akin, parang nakakramdam ako ng lungkot ng hindi ko maintindihan at nagbabakasakali na baka si Tatay ang sagot sa kulang na nararamdaman ko” mahinang sagot niya. “At gusto ko lang magkaroon ng totoong pamilya” nahihiyang sabi niya. “What do you mean?” “Alam naman natin Dad kung ano ako sa bahay na’to, hindi naman talaga ako part ng family na’to. Gusto ko lang mahanap ang sarili kong pamilya” “Don’t worry Samantha, I understand” nakangiting sabi ng kanyang ama. Magsasalita pa sana siya nang biglang may kumatok sa pinto at sumilip si Angela. “Opps, sorry po, nag-uusap po pala kayo” nakangiting sabi ni Angela. “It’s okay Hija, may kailangan ka ba?” “Gumawa po ako ng meryenda para sa inyo Tito…” pumasok ito at inilapag ang tray sa lamesa ng kanyang ama. “…napadami po kasi ang gawa ko kaya I decided na bigyan ko po kayo, masarap po yan, favorite din po ni Alex yan” sabi nito habang inaayos ang dalang pagkain. “Really? Favorite ni Alex to?” tanong ng kanyang ama. “Yes po Tito, noong nasa US pa siya, lagi siyang nagre-request nito” sagot nito “Samantha, try it also” nagulat siya nang bigla siyang alukin ni Angela. Umiling iling naman siya. “Thank you Angela, kailangan ko na ding mag-asikaso kasi papasok na din ako” nakangiting sabi niya. “Ow! Sayang naman hindi mo matitikman to” nakangusong sabi nito. “It’s okay, maybe some other time” “Okay” sabi lang ni Angela. “Marunong ka bang magluto?” tanong ng kanyang ama na halatang nasasarapan sa pagkaing dala ni Angela. “Yes po Tito, sobrang hilig kong magluto. Feeling ko mas magugustuhan ako ng mga boys kapag marunong magluto e” natatawang sabi nito. “Buti hindi tumaba si Alex noong nasa US pa siya” “Naku Tito, muntik nang tumaba yun noong nag-stay siya ng 1 month sa condo ko” Dahil nasasaktan na naman siya sa naririnig niya ay umalis na siya nang hindi nagpapaalam sa kanyang ama dahil abala na ito sa pagkain at pakikipagusap kay Angela. Dumeretso siya sa kanyang silid at doon na lang nagpalipas ng oras hanggang sa tawagan siya ni Rebecca para sunduin siya. Dahil meron silang lakad mamaya ni Alex ay sinabi nito na si Rebecca na ang maghahatid sa kanya sa opisina at si Alex naman ang susundo sa kanya mamayang uwian para hindi na siya magdala ng sasakyan. —————— —————— “HI LOISA” BATI niya sa kanyang kaibigan nang makarating sa opisina. “Hi Samantha, bakit parang ang lungkot mo ngayon?” bati sa kanya ni Loisa. Bumuntong hininga siya bago sumagot. “Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon” “Akala ko nga hindi ka papasok ngayon” “Kailangan e” nakangiting sabi niya. “I’ll bring you coffee, alam kong vitamins mo yun” nakangiting sabi nito. Bahagyang ngiti lang ang naibigay niya dito. “Thanks Loisa” sabi niya at dumeretso na sa kanyang opisina. Agad siyang dumeretso sa kanyang upuan at nagsimulang magtrabaho. Mga ilang minuto lang ay nakarinig na siya ng katok sa kanyang opisina. “Come in” “Here’s your coffee” nakangiting sabi nito. “Thanks Loisa” sagot niya pero hindi siya nakatingin dito dahil abala sa kanyang ginagawa. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang kaibigan. “Seriously Samantha, are you okay?” tanong nito. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at napatingin dito. “What did you mean?” nagtatakang tanong niya. “Samantha, bata pa lang tayo magkakilala na tayo. Alam kong hindi ka okay, alam kong may bumabagabag sa’yo” seryosong sabi nito. Nararamdaman niya na anumang oras ay babagsak ang kanyang mga luha kaya agad siyang humigop ng kape para hindi matuloy ang pagbagsak ng mga iyon. “I don’t know Loisa, I feel so alone these past few days. Feeling ko wala akong kasama kahit na alam kong andyan lang kayo sa paligid ko” malungkot na sabi niya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Samantha, hindi ko alam kung ano ang tunay mong nararamdaman at alam kong alam mo kung bakit mo nararamdaman ang bagay na ‘yan, pero nakikita kong hindi ka pa handang magkwento kaya irerespeto ko yun. Pero please, kapag hindi mo na kaya, andito lang ako, andito lang kaming mga kaibigan mo, andyan lang ang Daddy mo, at andyan lang si Alex” Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot nang marinig ang pangalan ng kanyang kasintahan. “Thank you Loisa” ang nasabi na lang niya dito. —————— —————— PAGKATAPOS NILANG MAGUSAP ay inabala na niya ang kanyang sarili sa trabaho. Buti na lang at marami talagang siyang gagawin dahil hindi na siya mahihirapang maghanap ng mga gagawin. Nang makaramdam siya ng pagod ay nag-inat inat muna siya. Nagulat siya ng mapansin ang oras, alas-dyes na ng gabi. Kanina pa umuwi Loisa at ang iba niyang empleyado pero siya ay naghihintay pa din kay Alex. Alam niya kung gaano ka-abala ang kanyang kasintahan ngayong buwan dahil sa mga presentation nito sa kumpanya kaya bihira na sila makalabas ngayon kaya natuwa siya nang sabihin nito na sa labas sila kakain ngayon. Lumabas muna siya para kumuha ng kape, muli siyang nagtrabaho habang hinihintay si Alex. Nang makaramdam siya ng gutom ay tumingin muli siya sa orasan, alas-onse na pero wala pa din si Alex. Tiningnan niya ang kanyang selpon pero walang mensahe mula dito, sinubukan niya itong tawagan pero walang sumasagot. Nagpasya na lang siyang umuwi kaya nagligpit na siya ng kanyang gamit. “Good evening po Ma’am, paano po kayo uuwi?” tanong ng guwardiya na nakatoka ngayong. “Maghihintay na lang ako ng taxi, may dumadaan naman dito medyo madalang nga lang” walang ganang sagot niya. “Pero Ma’am, gabi na, delikado kung mag-isa po kayo sa taxi” nag-aalalang tanong nito. “Okay lang po, makakauwi po ako ng maayos” nakangiting sabi niya dito at lumabas na siya ng kanyang restaurant. Halos labing limang minuto na siyang nakatayo sa labas pero wala pang dumadaan na sasakyan hanggang sa may humintong kotse sa tapat niya. “Samantha?” Nagulat siya nang makilala niya kung sino iyon. “Mike?” Lumapit ang guwardiya sa kanila at tinanong kung kilala niya ito na sinagot naman niya. Dahil sa nangyaring pag-kidnap sa kanya ay alisto na din ang mga kasamahan niya sa trabaho. Bumaba si Mike sa sasakyan. “What are doing here?” tanong nito ng makalapit sa kanya. “Waiting for the taxi?” patanong na sagot niya. “Hindi ko kasi dala yung sasakyan ngayon kaya magta-taxi na lang ako” pagsisinungaling niya. Binuksan nito ang pintuan sa passenger seat. “Hatid na kita” nakangiting sabi nito. “Pwede bang mag-dinner muna tayo?” aya niya dito. “What? Hindi ka pa nagdi-dinner?” gulat na tanong nito. Bahagyang ngumiti si Samantha. “Hindi pa e, hindi ko na kasi napansin ang oras” pagsisinungaling muli niya. “Okay sige kain na muna tayo bago kita hatid” nakangiting sabi nito. —————— —————— “THANK YOU MIKE ha, ingat ka pag-uwi” nakangiting paalam niya dito. “You’re welcome Samantha, magpahinga ka na din” nakangiti ding sabi nito. Lumakad na siya papasok ng mansyon. Nang makapasok siya ay nakita niya si Alex, Loisa, Andres, at kanyang ama na nasa sala. “Grabe ka naman mag-crave ng pagkain Angela, anong oras na nakapagluto ka pa” nakangiting sabi ni Loisa. “Ang sarap nito ha” sabi naman ni Andres. “Favorite yan ni Alex kaya nagluto ako, buti nga yan din ang cravings ko e” sabi ni Angela na katabi si Alex sa upuan. Nakita niya na nilalagyan pa nito ng pagkain si Alex sa hawak nitong pinggan. “Dad, buti nagising ka para matikman mo ang specialty ni Angela” nakangiting sabi ni Alex sa kanilang ama. “Natikman ko na’to kanina kaya nang sinabi niya na magluluto uli siya hinintay ko talaga ‘to” nakangiting sagot naman ng kanilang ama. Napansin lang siya ng mga ito nang tuluyan niyang sinara ang pintuan. Agad na lumapit si Alex sa kanya at niyakap siya. “Bakit ngayon ka lang Baby Girl, kanina pa ako nag-aalala sa’yo” Gusto niyang maiyak pero pinipigilan niyang bumagsak ang kanyang mga luha. “Nag-aalala? Don’t worry, I am always okay” may pagkasarkastikong sabi niya. “Bakit ngayon ka lang?” nakita niya ang pagiging seryoso nito nang bumitaw ito sa pagkakayakap. Nginisian niya ito, ayaw man niya itong sumbatan pero hindi niya mapigilan na maging sarkastiko dito. “Naghintay kasi ako sa isang tao na nagsabing may dinner kami” Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. “Oh s**t! Sam, I am sorry, nawala sa isip ko” sabi nito at hinawakan ang kanyang mga kamay. “Biglang tumawag sa akin si Angela dahil sumasakit ang tiyan niya kaya pumunta kami sa doctor niya, nagpabili din siya ng mga pagkain niya” paliwanag nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang narinig. “It’s okay Alex, mas importante pa din ang kaligtasan ni Angela at ng baby, don’t worry about me” “Samantha!” Napalingon siya sa pintuan at nakita niya si Mike na dala ang isang folder na pagmamay-ari niya. “Samantha, naiwan mo sa sasakyan” sabi nito na hinihingal, halatang tinakbo nito ang pagpasok sa mansyon. Lumapit siya dito para kunin ang folder. “Thank you Mike” nakangiting sabi niya. “Magkasama kayo?” nagtatakang tanong ni Alex. “Accidentally nakita ko siya sa tapat ng restaurant niya…” nakangiting sagot ni Mike. “…buti nga nakita ko siya e, kasi naghihintay siya ng taxi, e bihira lang ang taxi doon” sabi nito. Nakita niyang muli ang gulat sa mukha nito at agad siyang binalingan. “Why didn’t you call me?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “I did, pero walang sumasagot” walang reaskyong sagot niya. “Oh s**t! Nasa room pala yung phone ko” Dahil hindi na niya kayang makita ang pagsising reaksyon ni Alex ay humarap siya kay Mike. “Mike, thank you uli. Bawi na lang ako sa’yo next time” nakangiting sabi niya. “No worries Samantha, anything for you” nakangiti din ito sa kanya. “Alis na ako Bro” paalam nito kay Alex. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Alex kay Mike dahil nagsimula na siyang maglakad papunta sa sala. “Sam” hindi pa siya nakakalayo ng husto nang hawakan siya ni Alex sa kanyang braso. “Let’s talk please?” Pinilit niyang ngumiti dito. “Maybe next time, medyo pagod na talaga ako. Don’t worry I’m okay” sabi niya at hinawi ang kamay ng kanyang kasintahan. “Sam, please?” sabi nito pero hindi na niya ito hinarap pa. “Hi Samantha, baka pwede mo ng tikman ang pagkain na ginawa ko? Kanina kasi hindi mo natikman e” nakangiting sabi ni Angela. Lumapit naman siya sa pwesto ng mga ito para lang makipag-beso sa kanyang ama. “Thank you Angela, kakakain ko lang kasi. Siguro bukas na lang kung may matitira” “I doubt na may matitira, mukang mauubos ni Alex e” “It’s okay kung wala” pilit na ngiti pa ding sabi niya. Nararamdaman niya ang seryosong tinging sa kanya ni Loisa, Andres, at ng kanyang ama. “By the way, mauna na akong umakyat ha. Sobrang pagod talaga ako” paalam niya sa mga ito. Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito dahil malapit ng bumagsak ang kanyang mga luha. Pagdating niya sa may hagdanan ay nandoon si Alex at naghihintay sa kanya. “Hatid na kita sa room mo” sabi nito na seryoso pa ding nakatingin sa kanya. “No Alex, I can take care of myself. Wag mo na silang iwan” walang ganang sagot niya. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at umakyat na siya sa hagdan, pero naramdaman niya ang pagsunod ni Alex sa kanya. Pagtapat niya sa kanyang silid ay binuksan agad niya ang pinto para makapasok pero bigla siyang hinawakan ni Alex sa kanyang braso at iniharap siya nito. “Alex please, pagod na ako” hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. “I love you Sam” malumanay na sabi nito. “And I am sorry” Tumango tango lang siya dito at dahan-daha itong tinulak. Nang makalayo siya ay agad siyang pumasok sa silid at sinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD