“SAM, I KNOW your not okay. Kitang kita ko iyon sa mga mata mo” Kasalukuyan silang nasa beranda ng mansyon, naghanda ng kape at tinapay si Alex para sa kanilang dalawa. “I’m okay Alex, medyo stress lang ako these past few days kasi wala akong makuhang impormasyon tungkol sa Tatay ko” wala pa din emosyon na sagot niya. Ayaw sana niyang pagbigyan si Alex dahil parang wala siyang ganang kausapin ito pero pumayag pa din siya para makamusta niya din ito. Narinig niya ang pag buntong hininga nito. “Matapos ko lang ang lahat ng presentation ko, promise na ako ang gagawa ng paraan para mahanap natin ang Tatay mo” Bahagya siyang ngumiti. “Okay Alex, hintayin ko yung araw na iyon” Mula sa gilid ng mata niya ay napansin niyang tumayo ito at pumwesto sa harap niya. “Sam, hindi mo na ako ti

