"Dito na rin po kayo matulog,Nanang Cora!" aniya. Hindi niya inaasahan na ililipat siya ni Oscar ng kwarto. "Ysai,hirap na ko magpanig-panaog pa sa hagdanan at isa pa hindi ka ba natutuwa dahil nandito ka?" may panunukso nito sabi. Tinutulungan siya nito maglipat ng mga damit niya sa closet. "Natutuwa pero bakit niya pa ko nilipat dito?" "Hay naku,Ysai! Sablay ka lang hindi ka manhid!" Sumimangot siya pero sa kaloob-looban niya ay labis ang saya at kilig. "Sa tingin niyo po magiging kami ni Señor?" "Hmm..hindi ka naman niya pagtutuunan ng ganito atensyon kung hindi ka niya gusto ,Ysai..ikaw lang ang babae binigyan niya ng atensyon!" Nakagat niya ang pang-ibaba labi ,sabi ni Oscar,na gusto siya nito. "Ngayon malapit na kayo ni Señor,mag-iingat ka pa din sa Mary na yun,sigurado na

