Napangisi niya nang madaanan ang silid ng dalaga na malapit lang sa kwarto niya. Hindi niya alam kung ano naisipan niya at inilipat niya ang dalaga roon. Marahil gusto lang niya palagi malapit sa kanya. Bumukas ang pinto nito at bumungad ang dalaga. Agad na ngumiti ito. "Good morning!" bati nito. "Morning," aniya. "Ang sarap matulog sa kama ang sobra laki!" He smiled. "That's good.." Agad na inabot niya ang siko nito para alalayan sa pagbaba ng hagdanan at lumipat yun sa beywang ng dalaga. Nahihiyang ngiti ang ipinukol nito sa kanya. "Oscar,"pagsalubong ni Mary. Napatingin ito sa braso niya na nasa beywang ng dalaga. "Ikaw pala,Mary.."casual niya bati rito. May pagtataka ito sa mga mata. "Uhm,iwan ko muna kayo,tulungan ko si Nanang maghanda ng almusal.." "Alright," hinapit n

