“SO, this is how you party?” Binuksan nito ang pintuan ng kotse para makalabas siya. “Nice.”
“This is how my parents party.” Muli siya nitong pinasadahan ng tingin na ikinataas niya ng kilay. Pinasadahan din niya ito tingin, alam niyang gwapo si Ulysses. That can’t be questioned. Kaya nga kahit na sobrang hangin na nito ay hindi siya naiinis dahil totoo naman ang mga sinasabi nito. He’s handsome no doubt and really smart since he is a genius afterall.
“You don’t like parties but you go clubs and bars.”
“Nakakapag-isa at nakakapag-isip ako ng maayos sa bars and clubs.” Tiningnan lang siya ni Ulysses na para bang nababaliw na siya. “What? Iba-iba tayo ng trip sa buhay kaya walang basagan ng trip.” She stretched a little making him to his signature and sexy ‘tsk’. “Ano na naman ang problema mo?”
“You shouldn’t stretch that way babe, hindi mahaba ang legs mo pero mahaba ang slit ng suot mong damit. Kaunti nalang at pwede mo ng ipakita ang dapat ay ako lang ang nakakakita.”
Tinawanan lang niya ito hindi rin naman seryoso ang sinabi nito. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka kiligin siya sa pagiging possessive nito. Pero kilala din niya si Ulysses, he was never possessive. He wasn’t the jealous type. Ilang beses na ba siyang nakipagdate habang nasa ganito silang set-up. At kahit isang beses ay hindi kailanman ito nagsalita ng kung ano sa kanya. And he always jokes around. He always teased her with his words making her heart wild and yet he doesn’t have any intention taming it. Why would he exert an effort when he already did have her heart?
“As if you’d care.” Wala sa sariling naisatinig niya. “Babe.” She dramatically wounded her arms around his. “Kahit na maghubad ako sa harap ng mga lalaki hindi ka magagalit.” Binuntunan pa niya iyon ng tawa para itago ang kaunting sakit na nararamdaman sa puso niya. “You are only after my body, I am taking good care of what you want from me so don’t worry my boobs and that part in between my legs are for you.” hindi na niya ito hinayaan pang magsalita dahil baka hindi niya kayanin ang pwedeng isagot nito. Knowing him he would answer her with ‘Yeah’ or ‘I know’. And she doesn’t know of she’ll handle it.
Wearing make-up and dressing like a doll weakens her shield. The main reason why she hates dressing up, it allows a woman to be fragile and sensitive, it’s making a woman feel that she’s indeed a woman and she’s weak. That she needs to be protected. She hates that feeling. She hates the feeling of being protected but she hates the feeling when she wants to be protected and no one is there to protect her.
“She’s already here.” She plastered her perfectly practiced smile when her childhood friends called her attention. “Sarah!”
“Come on Kynzie.” She rolled her eyes and high-five her equally tomboyish friend Kynzie Libiran. “Nakulong ka lang sa probinsya niyo hindi mo na kayang ipronounce ng tama ang pangalan ko.”
Tumawa lang ito. Kynzie is like her. Petite din ito, magkasingkatawan at magkasing-tangkad lang sila. Mas maputi siya keysa dito dahil nasunog ang balat nito sa bukid, favorite past time kasi nito ang mangabayo at magbungkal ng lupa. Itinapon ito ni tita Gypsy sa bukid dahil sa isang eskadalo ilang taon na ang nakakalipas. Pero maganda si Kyn, she’s like an earth Goddess especially with her white Greek-inspired Gown.
“Hello there little one.” She squirmed when an arm hugs her from behind followed by irritating familiar laughter. Akala niya ay masasakal na siya pero may nagtanggal sa braso na nakaipit sa leeg niya at humila sa kanya palayo sa kung sinuman. “Who are you?”
Agad na nahagilap ng kanyang mga mata ang isa sa triplets ng kanyang tita Kissa at tito Pierce. “You are unfamiliar.” Hindi niya kilala kung sino ang nagsalita. Not when the three are wearing same grey suit.
“I am her date and if you may, please do refrain doing that. She’s a she.” Ulysses protective arms held her tight. The triplets exchange glances.
“Babae ka na pala ngayon Sahara? Successful yata ang pagpapaopera mo sa Thailand.” Ngumisi lang ang isa sa mga ito. Kung noon ay nasisiyahan siyang sakyan ang biro ng tatlo ngayon ay parang naiinis siya. She felt insulted. “Naloko ka rin ba niya dude? Hindi siya babae-.” Nahagip ng kanyang kamay ang braso ni Ulysses nang pitsirahan nito ang isa sa mga triplets.
“Don’t ever insult my lady in front of me.”
“Ulysses, stop.” She whispered since they are already attracting attention from the crowd and he must have sense it because he removed his grip from him.
“Apologize.” Utos pa ni Ulysses.
“Eh? Why-.”
“Apologize to her.” May diin at pagbabanta sa boses ni Ulysses. The triplets again exchange glances and held their palms up.
“Alright, we are sorry Sahara. Alam mo naman nagbibiro lang kami hindi ba?” she huffed, feeling a little safe. “But you look very beautiful today, lucky date.” One of the three kissed her on the cheeks and when he stared at the him there’s a smug grin on his face while Ulysses gripped her tighter. “And smoking hot, I won’t wonder if tita Summer will be so happy tonight she’ll marry you to one of us and seriously none of us won’t object.”
“Come Wyett, you’ll dig Sahara’s grave.” Tumawa lang si Wyett.
“See you around Sahara.”
Wala siyang nagawa kundi ang kamutin ang gilid ng pisngi niya, at nang balingan niya si Ulysses ay walang ekspresyon ang mukha nito. He looks fine and composed but she knew better, he’s far from calm.
“Are you okay?” he didn’t say any and she chose not to say anything. “Let’s find a table.” Inalis nito ang braso sa beywang niya at nang akma niyang hahawakan ang braso nito ay bigla itong umiwas. She was hurt but chose not to mind it, he’s Ulysses after all. Nakasunod lang ito sa kanya nang makasalubong niya ang mommy niya.
“My daughter!” salubong sa kanya ng mommy niya at yumakap sa kanya. “You look so lovely tonight. Kamukhang-kamukha na kita.” Natawa siya sa sinabi ng mommy niya. Not to brag, but her mother really looks so beautiful as she aged.
“I missed you to mommy.”
“And who we have here?” agad na kumalas ang mommy niya sa kanya. “Kanina ko pa nakikita itong date mo and daughter he’s smoking hot.” Namula siya sa sinabi ng mommy niya, narinig niya ang mahinang tawa ni Ulysses sa kanyang likuran.
“It’s nice to meet you madam.” Uly held her mother’s hand and kissed the back of her palms.
“Such a gentleman, chivalry is not dead. Bakit ngayon mo lang dinala ang gwapong lalaking ito daughter?”
“Mom, don’t interrogate Ulysses.”
“Naku ang anak kong selosa.” Tumawa lang ang mommy niya sa kanya. “Have you seen my daughter jealous young man?”
“Mom.”
“She’d just leave and hide alone until she’s okay. You should listen to my story when she hides inside her cabinet for two days because she’s jealous-.”
“Mommy, tama na po.” Pulang-pula na ang pisngi niya habang pinipigilan ang mama niya sa kung anu-anong sasabihin nito.
“Sahara, give your mom some time with your boyfriend. This is the first time dapat ay may interrogation time.”
“Samantha.” Boses iyon ng ama niya. “Don’t push your daughter’s luck baka hindi na iyan dumalo sa mga parties.” Nakahinga siya ng maluwang sa biglaang pagdating ng kanyang ama. Humalik ang ama niya sa kanyang noo.
“Thanks dad.” Bulong niya.
“How are you young man?” nakipagkamay si Ulysses sa ama niya.
“Fine sir.”
“Good,” bumaling sa kanya ang ama. “Asikasuhin moa ng bisita mo Sahara, the party will start soon and I need to get your mother.”
“Ang daya naman Rech, I still want to interrogate him.” Hinila na nito ang asawa.
“Ako dapat ang gumagawa niyan dahil ako ang ama at ako ang abogado.” Tuluyan nang nakalayo ang dalawa at nahila na niya si Ulysses.
“Sorry about my mother she’s really overly friendly.” Aniya dito at iginiya sa isang mesa na may pantatluhang upuan. Agad itong umupo at hindi na nagsalita. Kumunot lang ang noo niya. “Do you have any problem Ulysses?” inis na tanong niya dito. But he just scowled and glare at her. “Kung wala kang sasabihin paano ko malalaman kung may problema?” pero nagkibit-balikat lang ito. She huffed. “Fine.” Siya rin ay nagkibit-balikat at ibinaling sa ibang panig ang tingin. Mabuti nalang at mga kakilala niya ang nandoon kaya kahit papaano ay hindi na niya napapansin ang mood swings ni Ulysses. Kanina ay okay naman ang mood nito tapos ngayon nag-iba na.
“Hey,” huminto sa harap niya si Kendra na bitbit ang violin nito. And from the looks of it ay mukhang may pinagtataguan ang anak ng tita Kirra niya. Pinsan ito ng triplets, at ang daddy nito ay isang kinikilalang senador ng buong bansa. “How are you?”
“Hi, Ken. How’s Rome?”
Galing ito sa concert nito sa Roma, namana nito ang pagiging music genius ng nanay nito.
“It’s great, as well as the place.” Hindi man lang nito pinansin ang kasama niya, that’s normal actually, lumaki kasi silang napapaligiran ng mga gwapo at magaganda. Minsan nga ay pangit na ang mga ito sa kanilang paningin. Na-immune na siguro sila kaya hindi sila madaling maka-appreciate.
“Saan ka pupunta? Mukhang nagmamadali ka.” Takang usisa niya,
“I need to hide from my mother, she wanted me to join in the auction.”
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Paano niya nakalimutan ang bagay na iyon? Paano nawala sa isip niya ang tungkol sa pamulusong auction na nangyayari kapag may charity ball ang pamilya nila?
“Crap!”
“I know right.” May sasabihin pa sana ito ng kunot-noong napatingin ito sa kasama niya. “I think you are sweet my dear.”
“Safe?”
Itinuro nito si Ulysses. “You have a date, they’re going to spare you this time.” Anito at mabilis siyang iniwan. Naalala niya ang sinabi ng daddy niya noong bisitahin siya nito. She needs to bring a date and good thing she did kahit na bad mood ang date niya.
“What’s an auction?”
Tinaasan niya ng kilay si Ulysses. “Are you talking to me?” inis pa rin siya dito. He just dragged her seat closer to him and buried his nose to her neck and she can feel him calming. “Akala ko magsusulk ka lang diyan.” Lumapat ang likod ng palad nito sa pisngi niya na tila ba may pinupunasan ito doon.
“What’s an auction then?” paano ba niya mapapanatili ang galit niya dito kung ganoong madali rin nitong namemelt ang puso niya? This is really unfair!
“Hindi mo alam auction?”
“Of course I know what it means. Hindi ko alam kung ano ang auction na meron ang mga nasa high class family.”
“The usual auction, hindi lang pamilya namin ang nandito. This party is a charity ball afterall. Nandito ang lahat ng maykaya sa buhay, iyong mga nagpapanggap na may kaya at iyong iba naman ay gusto lang makahanap ng mapapangasawa mula sa mga anak ng mayayamang pamilya. They are all here. At iyong auction na tinutukoy namin ay.” Tumikhim muna siya. “All the singles in the family, including me, and them.” Turo niya sa mga lalaki na confident na umakyat sa makeshift stage. “Sila ang i-auuction, whoever give the highest bid shall have them for a week or two. Naging joke na rin kapag may charity ball sa kung sino ang may pinakamalaking bid ay sila ang pinakagwapo o kaya ay pinakamaganda.”
“Na-auction ka na rin ba?”
“You mean nabili na ba ang oras ko?” tumawa siya sa tanong nito. “Yes.” Dahil nasa likod niya ito kaya hindi niya nakita kung ano ang hitsura nito. “When I was twenty, my mother pushed me to join. And my father bid for me, kapag si daddy na ang nagsalita wala na dapat tumutol dahil siya ang batas sa amin.”
“But you fancy your father.”
“Because he is my father. I think there’s no reason for me not to fancy him. I love him at his worst and I love him at his best. Sa tingin mo ba hindi ako capable magmahal ng taong hindi perpekto? Heads up babe, I can.” And I’ve been loving him for so long now. It’s just that he can’t give me the same love I can provide.
“Hindi ba isa lang naman ang gusto ng mga prinsesa, iyon ay makahanap ng perpektong prinsipe? Women are meant to be saved.”
“I beg to disagree babe.” Hinaplos niya ang palad nito. “Moderno na ang panahon ngayon, kahit ang mga prinsesang tinutukoy mo marunong ng humawak ng baril at granada. We also have the rights to save our prince you know. And there’s no such thing as perfect prince, lahat ng lalaki ay prinsipe sa paningin ko, mahirap man o mayaman. Nagkataon lang na iba ang label nila.”
“Label? Do princes have labels too?”
“Of course.” Pinaglaruan niya ang mga daliri nito.
“There’s a loving prince, a sweet prince, a cold prince, a childish prince, an emo prince, name a few. And there’s also one I favor the most.”
“What is it then?”
“My prince… just my prince, mine alone.” A broken one.
HINANAP ng kanyang mga mata si Ulysses, she excused herself and went to the restroom. Pagbalik niya ay wala na ito sa mesang pinag-iwanan niya. She scanned the crowd once more and finally found him, she’s about to approach him but she realized he wasn’t alone. May kausap itong matangkad na babae—ang ate niya. At mukhang nag-eenjoy si Ulysses habang kausap ang kanyang kapatid.
Bigla siyang natigilan, hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa pero kilala niya ang kapatid nia. Hindi ito nakikipag-usap sa lalaking hindi pa nito kakilala. At hindi nito kilala si Ulysses, and Ulysses once saw her sister and remembered how he praise her sister’s look in front of her.
Tiningnan niya ang kapatid niya at mahinang napabuntong-hininga, mali ang makaramdam ng inggit sa kapatid niya. Her sister might not be the nicest one but she’s a family. Sinundan niya ng tingin si Ulysses. Hindi pa niya ito kailanman nakita na ganoon, na enjoy na enjoy sa pakikipag-usap sa isang babae. Not even with her.
“Don’t be hurt Sahara, this is not you.” bulong niya sa kanyang sarili. Kaya lang ay mas nangingibabaw ang selos na nararamdaman niya. Wala siyang habol kay Ulysses, oo at ilang beses na nitong naangkin ang katawan niya pero hanggang doon lang naman iyon.
“Sahara, please save me or else your mother will kill me thrice.” Nagpahila siya kay Zhandra. “Hindi dumating si Renz or dumating siya at nakapagtago kaya kulang ang mga ibibid. Ikaw nalang ang pumalit sa kanya.”
Mahina siyang tumango. Wala sa isip niyang umayaw, para kasing ayaw gumana ng kanyang katawan at isip. Ayaw mag-sync. Umupo siya sa backstage at hinihintay ang cue nila. kasama nila doon ang ibang mga anak na babae ng mga guests na sapilitang napasama sa auction.
“Naku, sorry Sahara. Hindi ko alam may date ka pala. I should have known, I should have!” nagkakandarapang hingi nito ng paumanhin.
“It’s okay Zhandra, calm down.” Pinilit niyang tumawa dito. “Its just an auction and besides si daddy lang naman ang magbibid para sa akin, you know the drill.” Nakahinga ito ng maluwang sa sinabi niya.
“Thank you talaga.” Sumilip ito sa labas. “Paano ba nagagawa ng mga lalaking iyan na magpabid sa malaking halaga kapalit ng isang linggong date sa kung saan?”
“They are boys, Zhan. And boys will always be boys.”
Napabuntong-hininga nalang ito. “Tinatawag na tayo. Nakakapressure naman ang bids sa mga boys, aabot talaga ng five to six digits eh.” Anito.
“Masaya na ako sa one thousand.” Naalala niya ang unang bid sa kanya. It was one thousand pesos and then her father but it, he bidded for fifty thousand pesos and no one followed. Sino ba ang maglalakas ng loob kung ang kalaban mo ay isang attorney Rechmond Lucas?
“Ano ang highest bid sa boys?” tanong ni Kassidy, ang pangalawang anak ng may-ari ng Royale restaurant at ni Doctor Wess.
“Eight-five thousand pesos, kay Winter---errr--- Wyett? Wyatt? I don’t know.”
“I think it’s our cue.”
Doon lang nagsink-in sa utak niya ang napasukan niya at napa-face palm nalang. Wala talaga siyang kadala-dala.
“Ladies and gentlemen, mostly gentlemen.” Boses iyon ng nanay niya. “Are you ready?” The men cheered preparing their numbers. “Let me see who’s the lucky one, oh here, yes, and she is.” Napasinghap ang nanay niya sa kanya and she just give her that I was forced to it look’ . “What we have here? A twenty-five year old young lady, she’s beautiful like me, she’s definitely smart, she can kick your ass. And she’s my daughter too.” Nasapo na niya ang mukha niya sa sinabi ng nanay niya. Lumabas na siya at naglakad papunta sa gitna ng stage.
“Oh wow, she’s hot.”
“She’s beautiful.”
“I know right.” Her mom laughs. “It runs in the genes boys and to add a few, she’s the youngest daughter of attorney Rechmond Lucas, my handsome husband.” Her mother smile sweetly at her father. Muling nahagip ng kanyang mga mata si Ulysses akala niya ay makukuha niya ang pansin nito pero nagkamali siya dahil nakikipag-usap pa rin ito sa kanyang kapatid. She knew she was always right, kahit maghubad siya sa harap ng mga taong ito he wouldn’t come and cover her.
“The bid starts at--.”
“Ten thousand pesos.” Her eyes landed to an unfamiliar face. He’s a young man too, kasing-edad lang siguro ni Ulysses at ng triplets, he’s handsome but there’s no attraction or something.
“Twenty-thousand pesos.” And that’s her father.
“Fifty-thousand pesos.” Another unfamiliar voice.
“This is getting interesting.” Bulong ni Kynzie sa kanya na nasa kanyang tabi. “Mukhang may lumalaban kay daddy stone.” Daddy stone ang tawag ng mga girls sa daddy niya dahil iyon ang utos ng mommy niya noong bata pa sila.
“A hundred thousand pesos.” Sumipol na ang mga tao doon, they are already catching everyone’s attention and she hates it.
“Hundred fifty-thousand pesos.” Ang daddy niya iyan. That’s the highest bid ever since the Auction began. Mukhang nag-eenjoy na rin ang dalawang hindi niya kilalang nagbid sa kanya.
“Two hundred thousand.” The first bidder bid. The bidding continues until it reaches, half-million. Nararamdaman na niya ang pressure ng mga nakasunod sa kanya at ang disappointment ng naunang mga boys. Inagaw niya ang microphone mula sa nanay niya.
“Can I buy myself?” natawa ang mga nakarinig sa kanya.
“Not counted ang sarili dahil iyon din ang gagawin ng mga girls.” Itinulak siya ng nanay niya pabalik sa center stage.
“Five hundred fifty thousand pesos and that’s final. Kapag may nagbid pa na isa sa inyong dalawa, hahanapan ko kayo ng butas at ipapakulong ko kayong dalawa.”
See? That’s her father.
“Three.” Napatingin siya sa lalaking dahan-dahan na naglakad papunta sa kanya. Nagtama ang mga mata nila ni Ulysses.
“Three?” balik na tanong ng mama niya. “Nasa five na tayo hijo.”
“Three million pesos ma’am. Can I have your daughter back?” umugong ang malakas na sigawan, tuksuhan at sipulan sa loob ng reception hall. And it feels like her entire being just exploded and she can no longer find her heart back. Her knees were trembling and she felt like she’s floating.
“Three million pesos anyone? Shocked pa rin sila, beh Rechmond, huwag ka ng umangal ha mauubos ang kayaman natin. Sold!” and she’s formally sold to her unlabeled lover. To someone who wouldn’t dare spending a single cent to anyone… hindi kaya pababayaran nito ang perang iyon sa kanya?