“DAD!” patay malisyang binati niya ang kanyang ama. “What brings you here?” wala siyang nakitang reaksyon sa mukha ng ama niya ng yakapin at halikan niya ito sa pisngi. “Hindi mo kasama si mommy?” nakangiti lang siya dito.
“Uy bakla nandito na iyong sanitary napkin mo itago mo na hindi mo kailangang magpanggap na lalaki sa harapan ni daddy dahil tanggap niya ang mga bakla.” Doon lang niya nakitaan ng kakaibang reaksyon ang mukha ng ama niya.
“He’s gay?” sinulyapan niya ang mukha ni Ulysses na hindi na maipinta. Kailangan niyang gawin iyon, masyado ng mainstream ang mga eksenang naabutan niya. Para maiba naman at saka gusto rin niya itong asarin dahil sa pag-ubos nito sa yogurt niya kanina.
“ ‘Course, dad. Hindi ako nagpapasok ng totoong lalaki sa bahay ko gaya ng bilin niyo sa akin dati. Kasamahan ko siya sa trabaho.” Kung ang ate niya ay hindi niya kayang pagsinungalingan iba naman ang daddy niya. She’s not proud about it but there are times na nagagawa niyang magsinungaling sa ama.
“It was really you, I saw.”
“You saw me?”
“Nakasakay sa Harley na halos hubo’t hubad at yakap na yakap sa driver.” Naalala niyang nasa underground parking ang Harkey ni Ulysses kaya hindi iyon Nakita ng ama.
“Eh? Kotse ko po ang gamit ko daddy baka kamukha ko lang po.” Muling bumaling ang ama sa lalaking kasama niya.
“Hello po.” Muntik na siyang mawalan ng poise at gumulong sa sahig ng lumambot ang boses ni Ulysses. Crap! Hindi bagay dito. “It’s nice to meet you po Sir.” Ang sakit ng pisngi niya sa pagpipigil sa pagtawa. Tinanggap ng ama ang palad ni Ulysses.
“What’s your name?”
“Sa umaga ho ba? O sa gabi.”
Napakunot ng noo ang ama niya at napailing. “Time never changed.” Tumingin ito sa kanya. “Don’t forget about the charity ball Sahara and bring this ma—friend of yours as your date. He’ll past as a real man if your mom sees him. She’s planning to pair you with her friend’s sons.”
“Yes dad, I’ll be there.”
“And don’t be late.”
Nagpaalam na ang ama sa kanila pero bago pa ito umalis ay binilinan silang dalawa ni Ulysses na huwag uminom ng silang dalawa lang for some reason.
“Iyon lang iyon? Hindi man lang nagduda ang daddy mo? Masyado ko bang ginalingan ang pag-acting ko?” nagtatakang tanong ni Ulysses ng maisara na niya ang pintuan. Isang malakas na hampas sa balikat ang ginawad niya sa binata.
“I told you not to open the door!”
“I thought it was you.”
“Bobo ka ba? Kung ako iyon hindi na ako kakatok at derecho na akong papasok sa sarili kong pamamahay.” Inis na hinablot niya ang plastic bag na may lamang groceries. “Don’t eat my food buy your own.”
“Hindi pa kita napapatawad sa pagtawag sa akin ng bakla. At mas lalong hindi ako bobo.” Sinamaan lang niya ito ng tingin. “Seriously, he didn’t even doubt it?”
She sighed. “My father was used to it.”
“Was he gay?”
“Ga-NO!” At pinagkamalan pang bakla ang daddy niya. “My mom’s ex-boyfriend was gay who happened to marry my mom’s bestfriend. And my dad’s ever reliable secretary was a gay too and was in relationship to another gay man. Kaya hindi magtataka si daddy kung sasabihin kong bakla ka.”
Hindi siya nag-abalang yayain itong kumain ng binila niyang French bread dahil gutom na gutom na siya.
“Bagay pala sa iyo ang maging bakla--.” Napatili siya ng mabilis itong nakalapit sa kanya at sa isang iglap lang ay nakaupo na siya sa ibabaw ng sink. “Ang tinapay ko.” naiiyak na tiningnan niya ang French bread na kahit nasa paper bag pa nito ay nakahimlay sa sahig. “No!” madramang ani niya.
“Let me prove something babe.”
“Anong prove?” inis na pakli niya.
“I can never be gay.”
Iyon lang ang ipoprove nito at sinayang ang tinapay niya. “I want my bread.” Hinubad nito ang suot nitong shirt at dinala ang palad niya sa abs nito. Oh well, that’s another bread.
“Magpakasawa ka.” Sumimangot siya sa sinabi nito.
“Excuse me sawa na po ako-.” Mukhang wala itong balak na tantanan siya dahil mabilis nitong kinabig ang kanyang batok at mariin siyang hinalikan sa labi.
“Anong sabi mo?” nanunudyong tanong nito.
“Sawa na ako sa tinapay m-.” mas lalong diniinan nito ang paghalik sa labi niya. Sinigurado nitong hindi na siya makakapag-isip ng maayos. He found her tongue and played with it, he sucks her bottom lips and lick it the way he wanted to lick it.
“Ano nga uli ang sabi mo?”
Nainis siya ng itigil nito ang paghalik sa kanya dahil lang itanong ang walang kwentang bagay na iyon. “What the crap Ulysses just kiss me.” Utos niya dito which he gladly obliged. He wrapped her legs around his hips and carried her and place her above the kitchen table and as he did that he also managed to pull up her shirt and found out she wasn’t wearing anything underneath.
“You’re not wearing bra.”
“No need.” Damn him! She feels so hot.
“You. Are. Not. Wearing. A. Bra? And you went outside.”
“Ano ba magtatanong ka lang ba diyan o ano? Kanina mo pa sinasabi na gusto mo ito tapos salita ka ng salita.” She’s really impatient. Ewan ba niya simula ng maassociate siya sa lalaking ito ay nagiging mainipin na siya. Nagtagis ang mga bagang ni Ulysses. “Ulysses, don’t be weird.” Kumunot ang noo nito sa sinabi niya and without saying a word her eyes explains what she meant. “Just do me.”
Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki at itinuloy ang paghubad sa kanyang katawan. Mabuti nalang at nakapagshower na siya. Inangkin ng binata ang dibdib niya gamit ang bibig nito. Ramdam niya ang pagtama ng ngipin at dila nito sa pinakasensitibong bahagi ng kanyang katawan habang ang isang palad naman nito ay maingat na humihimas sa kabila. Nanunudyo ang bawat pagalaw nito sa kanyang katawan, at kahit anonbg madaanan ng labi nito ay tila nag-iiwan ng apoy na unti-unting tumutupok sa kanya.
Nagpalipat-lipat ang pagpapalang ginawa nito sa kanyang dibdib hanggang sa dumausdos iyon pababa sa kanyang tiyan. Agad niyang pinagsalikop ang kanyang mga binti.
“I’m too hot babe.” Tawag niya dito. “I don’t want any foreplay, I want you inside me.” She said rasping his name. And her wants and needs mirrored him as he parted her legs and position himself. Ulysses is fond of long foreplays and little games, may fetishes ang lalaki na agad naman niyang sinakyan. Pero iba ngayon, nag-iinit ang katawan niya at tila hindi niya iyon malabanan pa.
Umulos ito papasok sa kanyang katawan at malakas siyang napaungol. She can feel his steely maleness inside her, stirring her senses. He stops for awhile kissing her collar bone making her feel at ease. He was her first man and yes he taught her what she needs to know. Mariin nitong hinawakan ang beywang niya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Naiilang siya sa mga tingin nito, pakiramdam kasi niya ay may tila gusto itong sabihin pero hindi nito masabi. Kung ano man iyon hindi siguro iyon importante dahil hindi ito ang klase ng lalaking nagtatago ng kung anong gusto nitong sabihin. Kung may sasabihin ito ay sasabihin nito kahit na masaktan ka pa.
NAKAUNAN siya sa dibdib ni Ulysses habang nakatingin sa kabilang panig ng silid niya. Nauwi din sila sa kama, nagsimula sila sa kusina, napunta sila sa sofa, sa banyo at sa bandang huli ay nauwi sila sa ibabaw ng kanyang kama. May kaliitan ang kanyang condo unit kaya naikot talaga nila ang buong lugar niya. Wala sa sariling hinahaplos ni Uly ang buhok niya kaya hindi niya magawang kumalas dahil nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanyang buhok. She really loves it when he combs her hair with his fingers, it makes her feel more relax.
“Gising ka na?” tanong nito sa kanya.
“Hmn.”
“Ipagluto mo ako gutom na ako. Ginutom mo ako.”
Now, it’s time to go back to reality. Tapos na ang langit kailangan na niyang bumaba sa lupa at itapak ang kanyang mga paa doon. Itinukod niya ang palad sa tiyan nito na ikinasinghap ng lalaki. Magmula kanina ay hindi na siya nakatulog pa kaya medyo mabigat ang kanyang pakiramdam.
Hinablot niya ang t-shirt na nasa ibaba ng kanyang kama. It wasn’t the shirt she wore before, mukhang may isa sa kanila ang aksidenteng nakasipa sa closet niya at basta nalang iyong nahulog kasama ang iba pang mga bagay na nandoon. Pinulot niya ang mga iyon at walang tupi-tuping ipinasok sa loob ng closet at sinuot ang shirt. Tahimik na lumabas siya at maingat na sinara ang kwarto. Mukhang matutulog rin naman si Ulysses paglabas niya doon. Hahayaan muna niya itong matulog at kapag tapos na siyang magluto ay siya naman ay hihingi ng oras para matulog.
Kaya lang hindi nangyari ang kanyang plano dahil nasa kalagitnaan siya sa paghihintay ng kanyang niluluto ay napapikit siya sa may mesa dala ng matinding antok at tuluyang nakatulog.
“What the! Sahara!” napamulagat siya ng marinig ang boses na iyon. Wala siya sa sariling tumayo at napatingin kay Ulysses na pinapatay ang kalan na may weird species sa ibabaw. Kunot-noong napatingin ito sa kanya, nakatulala lang siya. Wala siyang alam sa nangyari.
“Bakit?” inosenting tanong niya. May sasabihin sana ito pero mukhang nagbago ang isip ng matitigan siya. Napakurap siya at napagtanto ang nangyari. “Holy crap, ang niluluto ko.” linapitan niya ito at akmang hahawakan ang kaserola ay maagap nitong nahawakan ang braso niya.
“Don’t touch it baka mapaso ka.” Inilayo siya nito sa kalan. “Let’s order. Wala ng pag-asang makakain ako ng matino dahil pati ang kaserola ay naluto mo. Unfortunately, hindi ako kumakain ng kaserola.” Biro nito pero malayo sa pagtawa ang gusto niyang gawin. She felt frustrated all of a sudden. Ganoon nga yata kapag bagong gising ka.
“Sahara.” Tawag nito sa kanya.
“Hmn?” nagtatakang bumaling ito sa kanya. “What?”
“Sleep.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “What?”
“I won’t argue with a half asleep woman.” Itinulak siya nito papasok sa silid niya. “Sleep, I’ll wake you up when the food arrives.” Nakapasok siya sa kanyang silid dahil sa katutulak nito. “Huwag mong painitin ang ulo ko sa katigasan ng ulo mo. Kapag hindi ka natulog susunugin mo na ang buong apartment building niyo.”
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito dahil inaantok na siya at hindi na niya kayang labanan ang pagbaba ng talukap ng kanyang mga mata.
“Will you be here when I woke up?”
“Let’s see.” Maiksing sagot nito. Pumasok siya sa kanyang silid na may malungkot na ngiti sa kanyang mga labi dahil alam niyang pagising niya ay wala na ito. He is like a raging wind, he comes like a tornado in the middle of the spring and go like a gentle wind that can’t even be felt. She closed the door and reminded herself never to expect something from anyone.
“SIGURADO ka ba talagang gusto mong kunin ang case na ito Sahara? This is not an easy case.” Tiningnan niya ang kanyang immediate boss habang hawak niya ang itim na folder na may nakatatak na salitang ‘CONFIDENTIAL’. Matagal na niyang gustong kunin ang kasong iyon pero ayaw ibigay sa kanya ni Darling.
“Darcey,” tawag niya sa tunay nitong pangalan.
“Alam kong magaling ka at wala akong doubt doon. Ayaw lang talagang ibigay ng CEO ng agency ang kasong ito sa iyo.”
Napasimangot siya sa sinabi ito. Simula noong tumungtong siya sa agency ay hindi pa niya kailanman nakilala ang may-ari. Palagi itong wala sa bansa, ang tanging nakakakita lang dito ay ang mga immediate supervisors nila kagaya ni Darcey at ng iba pa.
“Bigyan mo nga kasi ako ng access para makita si president, gusto ko siyang makausap.” Tinawanan lang siya ni Darcey.
“He’s not here. May tinatapos siyang case para sa isang client.”
“I don’t believe you. Ano ba kasi ang name niya? He’s too mysterious.” Nagkibit-balikat siya dahil nakakaramdam na siya ng inis sa kung sinumang pontio pilatong amo niya. “At napapansin ko lang talaga bakit hindi kasing intense ng ibang agent ang mga cases na natatanggap ko?”
“I don’t know.”
Ano bang nakakatawa sa mga cases na tulad ng paghahanap ng pusang nawawala, o kaya naman ay paghahanap ng mga nawawalang bagay. Gusto niya iyong iba naman, iyong mas challenging.
“Please give me this.” kinuha ni Darcey mula sa kanya ang folder pero mabilis niya iyong naiwas. “Okay let’s have a deal.” Tinaasan lang siya nito ng kilay. “Huwag mo munang sabihin na kinuha ko ang case na ito hanggang sa may improvement na. I’ll prove to you and the president that I am capable.” Pangungumbinse niya dito. “Please, darling.”
Malakas itong napabuntong-hininga. “Alright.” Pinigil muna niyang huwag mapangisi. “Pero kapag Nakita kong hindi mo kaya ay stop na sa ayaw at sa gusto mo, understand?” she raised her right hand. “Huwag ka munang magsaya dahil hindi pa ito tuluyang mapapasaiyo kung walang improvement sa loob ng dalawang linggo.”
“I’ll make the best report Darling I swear.”
“Whatever, huwag mong sabihin kahit na kanino ang tungkol diyan.”
“I promise.” Masayang kinipkip niya sa kanyang dibdib ang folder at nagmamadaling lumabas sa opisina. Hindi na niya binati ang mga kasamahan niyang agent dahil sa sobrang excitement niya.
“Masyado ka yatang masaya Sahara?”
“Oh? Hi, Loyd.” Tumabingi ang ngiti niya ng makilala ang bumati sa kanya.
“Aalis ka na? Gusto mong ihatid na kita?”
“No thank you, may car ako. I need to go may bagong assignment kasi ako.”
“How about-.”
“Bye, Loyd.” Mas mabilis pa sa overspeeding na motor ang naging takbo niya. Kahit kailan ay hindi niya nagugustuhan ang lalaking iyon. He wasn’t good looking and he wasn’t bad at all, hindi lang talaga niya ito type.
Naitago niya sa compartment ng kanyang sasakyan ang folder, masaya siya dahil sa wakas ay may magagawa na rin siya. Importante sa kanya ang assignment na iyon, sobrang importante.
Kampanteng nagmamaneho siya nang biglang may maliit na gumagalaw na bagay siyang nakita. Agad niyang naapakan ang brake mabuti nalang at umabot siya sa oras. Bumaba siya upang tingnan iyon and found out a very small kitten. Nangilabot siya sa pwedeng mangyari sa kuting na iyon.
“Hoy! Ano ba? Traffic na traffic tapos bigla ka nalang humihinto sa gitna ng kalsada.” May narinig siyang sumigaw pagkatapos ay sunod-sunod na mura na ang kanyang narinig. Maingat na inangat niya ang kuting at muling sumakay sa kanyang kotse.
“ANG tiny-tiny mo naman.” Hinaplos niya ang ulo ng kuting na kasalukuyang umiinom ng gatas. “Bakit nasa gitna ka ng kalsada? Alam mo bang pwede kang mamatay at magkagutay-gutay ang katawan mo kapag nasagasaan ka ng biseklita.” The tiny kitten just purr but didn’t even bother looking at her. “Pansinin mo naman ako. I am your life saver.” Tinusok-tusok niya ang matambok na tiyan ng kuting na kinagat lang ang daliri niya na mukhang naiinis sa kanya. Natawa siya dahil parang may naaalala siyang ugali sa kuting na iyon. “You remind me of someone.” She playfully pinched the kitten’s cute tail. Mukhang may aksidenteng nangyari na dito dahil hindi tumubo ng kasing haba sa normal na mga kuting ang buntot nito. “Let me name you.” nag-isip siya ng kung ano ang pwedeng ipangalan dito. “Right. Lily. That’s your name little kitty, from now on you are Lily.” And again the kitten didn’t even bother glancing at her.
Mukhang hindi na siya mag-iisa dahil may kasama na siya sa bahay niya. She already have reason to go home early instead of driving around with no specific place to go. Bibilhin niya ito ng mga gamit—.
“Ay, ano ba iyan.” Reklamo niya ng may kumatok sa pintuan ng unit niya. “Wait lang naman atat na atat lang.” inis na turan niya at binuksan ang pintuan. Agad na kumunot ang kanyang noo ng makilala ang nakatayo doon. At mas lalong nangunot ang kanyang noo nang mapansin niya ang hitsura nito.
“Uy, Ulysses. Saan ang burol mo?” dapat ay seryosong tanong iyon pero bigla nalang siyang natawa sa sariling tanong. “Crap.”
“I look good.”
“I know.” Linuwagan niya ang pintuan upang makapasok ito. “But, seriously. Anong meron at mukha ka ng ililibing?” takang-tanong niya.
Isang malakas at marahas na buntong-hininga ang pinakawalan nito. “Kailangan mo na yatang uminom ng memo-plus babe dahil pumapalya na ang pagfunction ng brain cells mo.” kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Charity Ball.”
“Kailan ka pa – holy crap!” napasigaw siya ng maalala ang sinabi nito kasabay ng malakas na sigaw. “Oh no, I forgot.” Bigla siyang nagpanic. Kinuha niya ang kanyang cellphone na ilang araw na rin na naka-off. Sunod-sunod na pagbeep ng sound ang kanyang narinig.
Don’t be late.
And it was from her mother. Napahawak siya sa kanyang noo dahil nagsink-in sa kanya ang pwedeng mangyari sa kanya kapag hindi siya dumating sa Charity Ball.
“Kailan ka pa may kuting?” kunot-noong tiningnan niya ito, nakahiga ang kuting sa lap nito habang sinusuklay-suklay ang buhok ng alaga niya. Bigla tuloy siyang naiinggit sa kuting—erase that.
“Kanina lang and her name is Lily.” Kumunot lang ang noo nito. “Sandali lang, give me half an hour to prepare.”
He chuckled. “Half an hour.”
“Sure akong half an hour lang.” alam niya ang ibig sabihin ng tawa nito.
“That’s a pretty realistic time, go on.” Nilaro-laro lang nito ang kuting habang siya ay agad na pumasok sa kanyang silid. Naalala niyang may dinala pala ang kapatid niyang paperbag noong isang linggo na may lamang isusuot niya. Hindi pa niya iyon nakikita o kaya naman ay nasusukat. Bahala na, ang importante ay makarating siya sa ball kahit na magmukha siyang clown.
Nakaligo na siya kanina at kasalukuyang tinutuyo ang buhok. Kinuha niya ang paper bag at inilatag sa bed ang isusuot niya. Mukhang ang ate niya ang pumili ng gown na iyon at hindi ito kailanman pumalya sa pagpili ng damit na isusuot niya o kaya ay bagay sa kanya. It’s a black formal evening dress na may pagka-military uniform ang design. May sheath column na v-neck at floor-length na chiffon. Sa tabi ay isang box na may label ng isang sikat at mamahaling brand ng sapatos. Kahit hindi siya mahilig sa pambabaeng damit hindi ibig sabihin ay wala na siyang alam sa mga damit. She’s still a woman afterall.
Isinuot niya ang damit at ang sapatos, bago humarap sa kanyang vanity mirror. She pulled her make-up kit which she rarely uses. Marunong siyang magmake-up, nakakapagod lang kaya hindi araw-araw. It’s a waste of time. Mabilis niyang nakulayan ang kanyang mukha and her only problem now is her hair. Using her flat iron she curled her hair on the side and applied some spray net on it.
Looking at the mirror she looks so different. A new person. Nope, definitely not new.
“Let’s go Ulysses, I don’t want to be late.” She rushed outside her room grabbing her keys. She doesn’t want to give Ulysses the time to look at her and throw her some insults. “Dito lang muna si Lily hindi naman siguro niya papasabugin ang--.” He suddenly grabbed her and steadied her by holding her shoulders. “What?” she asked.
“Who the hell are you?” and that’s her time to snapped at him and raise her on fleek perfect brow.
“Tayo na.”
“Sahara?” that was the time he called her by her name using an astonishing tone. Para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita nito. Napakurap pa ito ng ilang beses at tila nagfreeze ang utak nito. Napalunok siya sa nakikita niya sa mga mata nito dahil hindi makapaniwalang biglang lumakas ang t***k ng kanyang puso.
Agad niyang iniwas ang kanyang mga mata mula dito. “Let’s go.” She tried smiling. She tried hiding her feelings. She will bury her feelings to deepest pit of her heart. Dapat ay hindi na iyon nagreresurface pa.
“I know I look gorgeous you don’t have to rub it to my face. I woke up like this.” biro niya dito. His thick brows flinched and a sly smile appears on his face.
“Love yourself?”
She flipped her hair. “What not to love babe?” she asked showing her how she looks.
Tumawa lang ito sa sinabi niya. “Hindi bagay sa iyo ang maging sobrang mahangin Sahara.” Hinila siya nito at inikot ang mga braso sa beywang niya. Nagulat siya sa ginawa nito, kahit pa na sanay na siyang palagi itong nangyayakap. Ulysses is really sweet, sa sarili nitong paraan. “If only I can fall for you babe, that would be great.” She doesn’t know if he felt her body stiffening when she heard his words.
“Why not?” wala sa sariling tanong niya.
“Because… I cannot.” She smiled bitterly to herself when she heard his answer. Matagal na niyang alam na walang kapabilidad si Ulysses na magmahal. You can have his body and his time but he can never give you his heart. Kaya nga binaon na rin niya sa limot ang nararamdaman para sa lalaki. Dahil alam niyang hindi iyon marereciprocate. She’d rather be his neighbor with benefits than lose him forever.