“COPY.” Itinago ni Sahara ang maliit na headpiece sa likod ng kanyang buhok na maraming extensions. She’s working as an undercover detective and she’s currently working as a club’s waitress. It wasn’t a cheap club, it was more on an expensive and exclusive one. Kaya lahat ng mga customers doon ay desenteng tingnan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang club na iyon ay isang drug den. Ang mga desenteng taong nakaupo sa mga couch, iilan sa kanila ay drug lords. Pero hindi siya nandoon para manghuli ng mga drug lords, iba ang assignment na nakaatang sa kanya.
Napadaan siya sa isang malaking salamin at nakita ang kanyang repleksyon. Gusto niyang mapangiwi ng makita ang hitsura niya, hindi dahil pangit siya. Her mother would freak out if she heard her mentioning that word. Her mother would always tell them, wala sa genes nila ang pagiging pangit at naniniwala siya doon. Unfortunately, kung ang suot mo naman ay pulang sequenced tube na umabot lang sa ibabaw ng kanyang pusod ang ikli at ang leather shorts niya ay umabot sa ilalim ng kanyang pang-upo, mas sigurado siyang magwawala ang nanay niya kapag Nakita siya sa ganoong hitsura.
Labag na labag sa mommy nila ang propesyong napili nila. Ilang beses nang nanganib ang buhay ng kanilang ama dahil sa mga kalaban nito at sa mga taong napakulong nito. Noong nag-aral ng abogasya ang kapatid niya ay nagsleep strike at hunger strike ito ng isang araw hindi naman napigilan ang kapatid niya. At noong nalaman nitong naging isang detective siya sa isang detective agency ay umiyak ito. Pinayuhan pa nga siya nitong tumulong nalang sa publishing company ng tito Gleian niya at tulungan ang pinsan niyang si Zhandra sa pag-aasikaso. Kaya lang wala talaga sa hilig niya ang maupo sa opisina at paulit-ulit ang ginagawa. Sumuko rin ang ina sa pangungulit sa kanya lalo pa at alam nitong hindi na mababago ang kanyang isip. Pero hindi ganoon kadaling makalagpas sa galamay ng nanay niya dahil pinangako siya nitong kapag may masamang nangyari sa kanya kahit isang beses lang ay titigil na siya sa kanyang trabaho. And to make her mother at ease, she promised. Her mother is the reason why she’s always careful with her works. She doesn’t want her to worry that much.
“Agent.” That woke her up and reminded her that she’s in the middle of a very important mission. She’s working in a special elite detective force, konektado ang kompanya sa mga pulis at sa mga police work kaya well protected sila. “Senator Baldobia is out with his mistress.”
Dali-daling ibinaba niya ang tray na may lamang drinks. This is her work. She’s assigned to identify the mystery woman behind the notorious senator’s back. Their client, who still, remain a mystery to them, wants to know who was it. Hindi sa kanya ang assignment na iyon she’d rather do something more bloody than this kaya lang may sakit ang isang agent na dapat ay gumagawa nito kaya napilitan siya.
Pumanhik siya sa VIP floor. Doon nagaganap ang mga bagay na hindi pwedeng makita ng ibang mga elitista na customer ng club. Hindi rin lahat ng nasa club ay katulad ng iba, ang iba ay nandoon dahil gusto lang mag-unwind. Agad siyang napagtago ng bumukas ang isang pintuan at tumaas ang gilid ng kanyang labi nang makilala niya kung sino ang lumabas. Napangiwi siya ng makita ito, nakatapis ng tuwalya ang pang-ibabang katawan nito habang kitang-kita ang may kalakihan din nitong tiyan.
Si Senator Baldobia ang isa sa pinakaiilagang senator sa senate house, palagi itong nakakahanap ng away o kaya naman ay naghahanap ng away. Marami ang galit dito lalo pa at maliban sa masamang ugali nito ay walang makitang anumang butas na pwedeng ikapahamak dito. Ang assets and liabilities nito ay malinis din, walang mahanap na hidden wealth. Ang mga negosyo nito ay legal, ang mga bahay nito ay nasa pangalan nito at nakasulat din. Kahit ang asawa nito na gumagawa ng mga charity works ay hindi rin mahanapan ng butas. Walang kakayahang magkaanak ang mag-asawa kaya nakapag-ampon ito ng dalawang anak na babae, ang isang anak nito ay nasa ibang bansa at nag-aaral at ang bunso naman nito ay nasa Pilipinas at tumutulong sa mga negosyo ng pamilya.
Kung sinuman ang kliyente nila siguradong may malaking galit sa senador dahil kailangan pa nitong magbayad ng malaki para lang sa serbisyo ng ahensya nila. Matalino ang senador, malinis magtrabaho.
Hindi siya kumilos at inayos ang maliit na camera na naka-install sa suot niyang hikaw. Kanina pa iyon naka-record mode, e-edit lang niya mamaya kapag nakauwi na siya.
“Daddy, salamat sa perang ibinigay mo.” mas lalong idinikit niya ang katawan sa dingding upang hindi siya mapansin nito at ng kasama nito. “Iyong car naman huwag mong kalimutan.” May halong landi ang boses na iyon.
“Sigurado iyon basta pa paligayahin mo ako katulad ng ginawa mo ngayon.”
“Ay, kailan ba hindi? Invite mo ako sa birthday ng asawa mo.”
“Sure sugar.” Gusto niyang masuka sa landian ng dalawa. Kahit sabihin na hindi lahat ay nakakapanhik sa ikalawang palapag ay pwede namang mag-usap ang mga ito sa loob. Nakakadiri kasing pakinggan. “Ayusin mo ang hitsura mo baka may makahalata at makakilala sa iyo.”
“Okay.” Mula sa kinalalagyan niya ay hindi niya nakikita ang mukha ng kausap nito. Ilang saglit pa ay lumabas na iyon at ganoon na lang ang pagkakangiwi ng kanyang mukha ng maghalikan ang dalawa sa tapat ng pinto.
“s**t!” mahinang usal niya na may halong pandidiri. Sapat na ang eksenang iyon upang maeskandalo ang senador. Mabilis siyang umalis sa pinagtataguan niya ng hindi nakikita ng dalawa at agad na pumasok sa isang silid doon na nakabukas. Kung bababa ang kabit ng senador ay marami ang makakapansin kung bakit nauna siya, paunahin na muna niya ang mga itong bumaba at kailangan din niya ng oras para makapag-isip ng maayos.
“Kaya pala.” Mahinang usal niya. Ang dahilan kung bakit walang anak ang dalawa ay hindi dahil sa baog ang isa sa kanila. Iyon ay dahil bakla ang senador! At ang kabit nito ay hindi kung sinu-sinong babae kundi ang personal assistant nito. At hindi basta-bastang personal assistant lang. It all makes sense now, walang personal assistant ang senador na babae dahil faithful ito sa asawa nito, dahil mas gusto nito ang mga lalaki keysa sa babae. At malamang alam ng asawa nito iyon at pinagtatakpan ang sekreto ng asawa nito.
“Umphf-.” Napatili siya ng may brasong umikot sa beywang niya at tumakip sa kanyang bibig. Nagpupumiglas siya at sinubukang makawala kaya lang ay masyadong malakas ang lalaki, sigurado siyang lalaki iyon dahil walang babaeng makakabuhat sa kanya ng ganoon-ganoon unless bodybuilder.
“Sexy.” Malakas siyang napasinghap ng mapagtantong kilala niya ay may-ari ng boses na bumubulong sa kanyang teynga. Tumigil siya sa pagpupumiglas. “Tsk. I’d rather want to see you resisting babe.” The guy chuckled. Isang malakas na siko sa dibdib na siyang naabot ng siko niya ang kanyang pinakawalan at sinundan iyon ng isang mahabang mura. Nabitiwan nito ang pagkakatakip sa kanyang bibig pero hindi ang pagkakabuhat nito sa kanya.
“What the hell Ulysses!?” she cursed him loudly.
“Agent, are you okay?”
“Crap.” She cursed again. Masyado siyang naging distracted dahil sa ginawa ng lalaki at nakalimutan niyang nakakonekta pa rin siya sa kasama niyang agent na nagaguide sa kanya throughout the mission.
“Yes darling, I am fine.” Sinamaan niya ng tingin si Ulysses ng makita ang kakaibang ngisi sa labi nito. Hindi iyon ngising natutuwa, mas tamang sabihin na ngisi iyon na tila ba naaasar. “Mission accomplished.” She peered at the device and saw the red blinking light. “Video transmitted.” Awtomatikong nadedelete ang nakasave na video sa maliit na camera na natanggal niya habang naglalakad kanina sa kanyang teynga.
“Are you sure? Kaya mo bang lumabas sa club?” muli niyang sinulyapan si Ulysses, pwede niya itong magamit paglabas niya. Ayaw man niyang aminin but his timing is great.
“Yes, I am sure about that.”
“Great.” Nagpaalam na si Darling at pinatay na niya ang kung anumang communication device na nakakabit sa kanyang katawan. She squinted her eyes as she glared at the man still holding her on the waist.
“May darling ka na ngayong nalalaman, improving ang bata.” Tudyo nito sa kanya.
“Darling is a she.” Tumaas lang ang dalawang kilay nito. “She’s a woman.”
“Sabi ko na nga ba bisexual ka-.” Isang malakas na singhap ang ginawa nito ng malakas niya itong hampasin sa dibdib nito.
“I am not bisexual, she’s an agent too. Crap you.” kalmadong ani niya. There’s no used wasting her energy arguing with Ulysses.
“Don’t you know you are really sexy when you say that.”
“Say what?”
“Crap you.”
Nagtagis ang bagang niya sa narinig niya mula dito. “Minumura mo ba ako lalaki?” isang malakas na tawa ang pinakawalan nito at mahigpit siyang niyakap.
“I wouldn’t dare.” He said as he starts to shower her neck with small kisses making her feel hot. He really knows how to push the right button. “What’s with this outfit?” anitong hinila-hila ang buhok niya. “Red doesn’t suit you.” tukoy nito sa buhok niya.
“Aw crap it!” tinapik niya ang kamay nitong naghihila sa buhok niya. “It might be fake but those are extensions it still hurts.” Reklamo niya. Napatingin pa siya dito ng haplusin nito ang buhok niya. He really doesn’t know how to say sorry, he can’t say it, he just showed it through actions instead. “What are you doing here Ulysses?”
“Sleeping.”
“In the club’s VIP room? Alone?”
“May isang babae kasing pinaalis ako sa unit niya at hindi ako pinatulog ng maayos.”
“That was last week.”
“I haven’t slept for a week.” Inirapan lang niya ito. Alam niyang nagsisinungaling lang ang lalaki. Ulysses and his relationship with his bed is forever. Kahit sa unit niya ay palagi lang itong natutulog at nagigising lang kung gutom na. Nakakatulog ito kahit saan. “Hindi ka naniniwala sa akin.” Parang batang pagtatampo nito.
“Help me.” Kumunot lang uli ang noo nito. Kailangan na niyang makaalis sa club.
“Why would I do that? Kailangan ko ng kapalit.” She again rolled her eyes knowing he would say those contradicting sentences.
“I need to go out, you can sleep in my place.” Lumapad ang ngisi nito.
“Can we do it?” and she knew what he means.
“No, just sleep.”
“Then, I wouldn’t help you. And I’ll tell the freaking senator that you videod him-.”
“Paano mong nalaman iyan?”
Ngumisi lang ito. “Magaling ako at matalino.”
“You can’t tell that to him.” She hissed at him.
“Oh, I can. Now, can we do it?” he asked casually. Casual s*x, that’s what he wanted. “It’s not the first time.”
“Shut up.” Sinapo niya ang pisngi nito at mariing dinikit ang labi niya sa labi nito. He wasn’t surprised and he opened his lips to accept hers. Kissing him intensely wasn’t really her plan but how can she helped it when he is one hell damn kisser! He held her tighter and played her tongue with his. She slightly pussed him making him groaned in response. “Suck me here.” Turo niya sa may bandang leeg niya.
“What?”
“Faster Ulysses, sucked me here.” Nagtataka man ay sinunod siya nito. “Masyado kang maraming alam babe alam mo ba iyon?” he lazily played that part of her neck with his teeth and his tongue.
“Of course I am a well-experieced woman.” She said proudly but he just laughed his heart out. “What?” inis na tanong niya.
“Babe, a well-experienced woman? You don’t have any experiences.”
“Marami kaya.”
“I’m your only experience.” Tinaasan lang niya ito ng kilay. “No other man.”
“Magaling kang teacher.” She just said na ikinangisi nito.
“I am good, scratch that, I am the best.”
“Sige purihin mo pa ang sarili mo. Para mapakinabangan naman kita, i-take out mo ako.” Mas lalong lumapad ang ngisi nito, siya naman ay kanina pa gustong suntukin ang gwapong mukha ni Ulysses.
“Why would I spend a single cent when I can have you for free?”
Shit! Bakit may kakaiba siyang naramdaman sa dibdib niya sa sinabi nito. Matagal na niyang alam na hindi siya importante sa lalaking ito at kahit pagkakaibigan ay hindi nito magawang i-offer sa kanya. Alam rin niya kung ano siya dito. Nakaprogram na iyon sa isip niya pero bakit may nararamdaman pa rin siyang mumunting sakit sa puso niya? Matagal na iyong nakabaon sa hukay, hindi ba?
“You don’t have to spend your money Ulysses,” may hinugot siya red card sa likod ng suot niyang leather shorts. “Use this.” tinanggap nito ang card na dala niya. “There’s no name on it you can use your name, the bank will be notified about the transaction, after we leave the money will back to me.” Hindi siya nagtangkang muling tingnan ito sa mukha bagkos ay ginulo niya ang buhok nito at ang suot nitong black shirt. “That’s the help I am asking you to do.” Nang sa wakas ay satisfied na siya sa kanyang ginawa ay agad siya lumayo dito at naghanap ng salamin.
Ginulo niya ang buhok niya at kinalat ang nagkakalat na lipstick sa gilid ng kanyang labi at sa kanyang leeg. Bumaling siya kay Ulysses na tahimik na nakaupo sa tabi ng kama. Masking her emotions she displayed what she wanted him to see, irritation.
“Let’s go.” Agad itong kumilos at tumabi sa kanya. Nagtataka man siya sa katahimikan nito pinabayaan na niya ito. Habang naglalakad sila sa pasilyo ay naramdaman niyang bumalik ang palad nito sa beywang niya. May pagkabastos din ang lalaking ito dahil hinipo pa ang pang-upo niya bago ang beywang niya. Nasanay na rin siya and besides, wala siyang ibang hinahayaang gumawa sa kanya ng bagay na iyon kundi ito lang.
“Good morning Sir, bawal pong magtake out ng waitress.” Salubong sa kanila ng manager. The club still display decency, unless, provided with big amount of money. At lagpas ala una na rin ng madaling araw.
“I’ll pay.” Ibinigay ni Ulysses ang card na ibinigay niya dito. Medyo madilim ang buong paligid na napapaligiran ng iba’t ibang kulay. Kinuha ng manager ang card habang si Ulysses naman ay pinaglalaruan ang hibla ng buhok niya. Muling bumalik ang manager at ibinalik ang card dito, hindi muna niya iyon kinuha dahil baka may makahalata. “Let’s go.” Napapatingin sa kanila ang ibang customers doon, iyong iba ay tinatanguan si Ulysses, mukhang palagi nga doon ang lalaki dahil marami ang nakakakilala dito.
O kaya naman ay, miyembro din ang mga iyon sa sindikatong kinabibilangan ng lalaki. Matagal na niyang alam ang tungkol sa sindikato, tumulong pa nga siya noon bilang hired agent and spy para matagpuan nila ang hide out ng big boss. Unfortunately, nakatakas ang big boss na tinatawag nilang grandpa. Wala ni sinuman ang nakakakilala sa matandang iyon. Muling bumalik ang operasyon ng sindikato, mas maingat na sila ngayon. At tinutugis pa rin ng mga pulis ang mga ito.
“Paano tayo makakauwi?” tanong nito sa kanya. “Do you have your car?”
“Nope,” agad na sagot niya. “Nasa misyon ako bawal magdala ng mga bagay na nasa pangalan ko. The company van left me here maybe we can take a taxi.” Hindi na rin niya tinanong kung may kotse o sasakyan ito. Sumpa din sa lalaki na makishare sa mga bagay na pagmamay-ari nito.
“A taxi then.” Mabilis naman silang nakapara ng taxi. Mabuti nalang at makapal ang make-up niya or else baka makilala siya ng taxi driver kapag sumakay siya sa mga susunod na mga araw. p********e na p********e kasi ang hitsura niya. Gusto niyang tusukin ang mata ng taxi driver dahil hindi nito maalis ang tingin sa kanya. Masyadong revealing ang suot niya and can’t blame them but hell, me should show respect since they don’t know her story.
“Hindi na pala kami sasakya manong.” Sinara ni Ulysses ang pintuan ng taxi.
“Bakit mo pinaalis?” naiinis na tanong niya.
“You should at least change into something decent Sahara!” iyon ang unang pagkakataon na narinig niya ang pagtataas ng boses nito.
“Ano bang problema mo?”
“Ikaw at iyang suot mo.” tiningnan niya ang suot niya.
“Anong magagawa ko nasa trabaho ako.”
“You should bring a spare shirt.” Sinisigawan ba siya nito? “Or you should bring your own car.” He looks so mad. “Cover yourself.”
“You are being unreasonable Ulysses, I didn’t bring any shirt. Fine, it was my fault then. Hindi ko naman expected na makikita kita sa loob kaya nakalimutan kong sabihin kay Darling na sunduin ako.” Kumunot lang ang noo nito. Ang weird nito ngayon. “At saka hindi ba mas gusto mo naman na halos wala na akong suot?”
He scowled but didn’t say anything. Without a word he pulled her out from the street and went somewhere. Tumapat sila sa isang Harley na nakaparada sa tabi ng club. He owns it, she saw it once. “Wear this.” napatanga siya sa itim na helmet na ibinigay nito sa kanya. “Tumigil ba ang pagfunction ng utak mo at hindi mo na alam kung paano magsuot ng helmet?”
Tiningnan niya ito ng masama at kinuha ang helmet mula dito, kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. He is back to his normal self, nagagawa na nitong paulanan siya ng insult. Ayaw niya ng tahimik si Ulysses at nag-iisip dahil batid niyang matalino ito at hindi niya kayang pantayan ang talinong taglay nito pero hindi ibig sabihin ay papatalo siya dito.
Isinuot niya ang helmet nito habang sumampa ito sa Harley nito at pinagana ang makina. “Sakay na.”
“Papasakayin mo ako?”
“Hop in or I’ll strangle your pretty little neck!” she pouted. It wasn’t even a question, inuutusan siya nito.
MASAMANG-MASAMA ang tingin na ibinigay niya kay Ulysses nang hindi ito tumigil sa pagtawa sa kinasapitan niya. Mabilis silang nakarating sa unit niya at sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay may nararamdaman siyang hindi maganda. Nalamigan yata ang tiyan niya at nagreact iyon sa maraming hangin kaya pagpasok na pagpasok niya sa kanyang unit ay ang banyo agad ang una niyang pinasok. At ilang oras din siya doon. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klaseng hiya sa buong buhay niya kaya kinolekta muna niya ang kanyang sariling nagkawasak-wasak na pride.
“Sige pagtawanan mo pa ako.” She already showered and cleaned herself. Nagsuot siya ng large shirt at maiksing cotton short. She even removed her contact lens and changed it with her blacked rimmed glasses. Matagal nang hindi twenty-twenty ang vision niya kaya nagtitiis siya sa contact lenses at eye glasses.
Binuksan niya ang refrigerator at naghanap ng pwedeng makain doon. Pakiramdam kasi niya ay tumakas pati ang small and large intestine niya, she feels so empty inside and hungry too.
“Did you eat my yogurt?” baling niya kay Ulysses. Ngumisi lang ito sa kanya. She huffed. Walang laman ang refrigerator niya dahil hindi siya mahilig magrocery. Kung magrogrocery man siya ay kung anong gusto niyang kainin ng araw na iyon ang nabibili niya iyong tira ang kinakain niya sa susunod na mga araw.
“Nakakaiyak ang laman ng refrigerator mo parang love life mo ang boring.” Komento nito. Inis na pumasok siya sa kanyang kwarto at kumuha ng mga paperbills.
“Dito ka lang at huwag na huwag kang magpapasok ng kung sinu-sino kung may kakatok.” He warned him. May sasabihin yata ito pero naisara na niya ang pintuan. Mas mabuting hindi ito kasama upang makapag-isip siya ng maayos.
Pumunta siya sa pinakamalapit na convenience store at bumili na rin ng medyo marami-rami. Mukhang mananatili pa sa condo niya si Ulysses at kung anima ng sikmura niya sampu naman ang meron dito. Pagtulog, pagkain at s*x lang yata ang alam nito sa buhay. Habang naglalakad siya pabalik sa condominium building ay biglang kumabog ang dibdib niya ng makilala ang kotseng nakaparada sa parking lot.
“Crap! Oh crap!” tinakbo niya ang elevator upang makarating sa six floor kung nasaan ang kanyang unit. Nandito ang daddy niya! Kotse iyon ng daddy niya at hindi siya pwedeng magkamali. Pwedeng kasama din nito ang mommy niya. Anong ginagawa nito sa unit niya?
Naalala niyang sinabihan niya si Ulysses na huwag buksan ang unit niya at napagtanto niyang hindi pala marunong sumunod sa usapan ang lalaki dahil kaharap na nito ngayon ang daddy niya. “… I’m your daughter’s lover.” She’s really doomed!