CHAPTER 1

3354 Words
“… KUNG ako’y muling iibig sanay di maging katulad mo, katulad mo na may pusong bato… Rechmond beybey!” Ang nakakaligalig na boses ng mommy niya ang unang bumungad sa kanya pagkababa niya sa kanyang kotse. Mukhang napagtripan na naman nito ang magic sing na itinago nila ng kanyang ate Qianna upang hindi makuha nang mommy nila. Dahan-dahan siyang pumasok at natagpuan ang mga magulang na nasa sala. Ang mommy niya ay sumasayaw-sayaw na pangmacho dancer habang ang daddy naman niya ay tahimik nan aka-upo sa sofa at nagbabasa ng mga papeles sa susunod nitong kaso. Minsan ay nagtataka silang dalawa ng kapatid niya kung paano natagalan ng daddy nila ang ingay ng kanilang ina. Minsan kasi ay naiinis na rin sila pero mahal nila ito and her mom loves them very much. “Bey, samahan mo akong kumanta dito. Ang boring ng bahay kapag wala ang mga anak natin nakakainis.” Reklamo pa ng mommy nila. “I am busy.” Malamig na tugon ng ama nila. their father wasn’t the sweetest type of father. Hindi ito showy at mas lalong hindi ito palakibo. Nakikita lang nila itong may maraming sinasabi ay kapag nasa korte na ito. At hindi rin nila maarok kung paano nakasurvive ang mommy nila sa coldness nang kanilang ama. “Palagi ka namang busy.” Inayos ng ina niya ang magic sing at tahimik na pinatay ang TV. Nasanay na rin silang kapag hindi pinapansin nang ama ay nag-wawalk out lang ang mommy nila. “Magbabasa lang ako ng reports.” Paalam nito sa ama nila. Papasok na sana siya nang bahay upang isurprisa ang mommy nang biglang tumayo ang daddy nila at yakapin ang nag-walk out na asawa. “Alam mo namang hindi ako busy basta ikaw Sam.” Napanganga siya sa nasaksihan niya. Parang ibang tao ang nakikita niyang nakayakap sa mommy nila. Sanay silang nakikita na ang mommy nila ang naghahabol pero hindi ang daddy nila. “Sanay na ako at saka busy ka naman sa mga kaso mo kaya balik ka sa pagbabasa mo magbabasa din ako sa taas.” “I’m done reading.” Maging ang boses ng daddy nila ay iba din. Hindi iyon ang madalas nilang maririnig na walang ka-emo-emosyon. “I’ll help you with your readings.” “Ayoko, p**n ang babasahin ko hindi mo keri iyon.” Baliw talaga ang nanay niya at bago pa man mabahiran ng kung ano ang inosenting utak niya ay napagpasyahan niyang ipagpaliban muna ang pagbisita sa kanyang mga magulang. Saka na siguro kapag nandoon si Qianna. Isa pa iyong mana sa tatay nilang once in a blue moon lang kung ngumiti. Para yatang naging pre-requisite na sa pamilya nila ang no smile policy basta abogasya ang career. Mabuti nalang at siya ang normal sa pamilya nila. Malakas ang paniniwala niyang normal ang takbo ng utak at ugali niya, hindi siya nagmana sa kabaliwan ng ina at coldness ng ama—normal talaga siya, promise pa. “Where are you going Sahara?” parang binagsakan siya ng isang blokeng yelo nang marinig ang boses ng kapatid. She loves her sister she swears to God but she just can’t stand it when they are together. Malakas din kasi ang paniniwala niyang pinaglihi sa sama ng loob ang kanyang ate Qianna. At nagkaroon ng mali sa crossing over ng chromosomes nito noong nagbubuntis ang mommy niya dito. “Hey!” kasing taas ng ilang libong decibels ang boses niya while her smile reached up to ears. “Ate.” Bati niya dito. Mas matangkad sa kanya ang ate niya, sabi nga ng iba may pangsuper model na katawan ito very opposite ng sa kanya. Petite kasi siya kung hindi lang siguro sila magkamukha ay aakalain ng lahat na ampon siya. Mas kamukha ng kanyang ate ang daddy nila habang siya ay ang mommy niya, nagmana siya sa lola niyang hindi masyadong kahabaan ang biyas. “Tinawagan ako ng agency may new assignment ako.” Alibi niya but her sister won’t believe it. Sa kung paanong paraaan nito nalalaman na nagsisinungaling siya ay hindi niya alam. “Are they inside?” tumingin-tingin ito sa loob ng bahay. “Ahm, yeah, they are upstairs tinutulungan ni daddy na magbasa si mommy ng mga reports.” Tumango ito. “Alis na rin ako.” Halos magkasabay silang tumakbo papunta sa kotse nila at halos sabay din na umalis. Natatawa nalang siya habang nasa daan siya at pinapanood ang likurang bahagi ng kotse ng kapatid niya. Weird nga sila, her entire family is weird but she loves them. Nagbeep ang phone niya at tiningnan niya ang text message. Dinner tonight at home. Iyon ang text ni Qianna. Hindi na rin siya nagreply dahil pupunta naman talaga siya kapag may dinner ang family nila. -- “TSK.” Yumuko si Ulysses nang marinig ang malakas na pag-ulan ng bala ng baril ng mga pulis na nakasagupa niya. Bobo ang mga ito, hindi marunong magtantiya ng distanya at nagsasayang lang ng bala. Mabilis siyang gumapang papalayo sa kanyang kinalalagyan. Alam niyang trap ang operasyon at dapat ay hindi na siya pumunta kaya lang naawa siya sa mga pulis kung wala naman pala silang madadatnan. Alam niyang pinagplanuhan ng mga ito ang plano at nakakadisappoint kung wala silang maabutan. Mabuti nalang at masyado siyang mabait at nagpakita, kaya lang mas matalino pa rin siya sa mga pulis na iyon. Napangisi siya ng may dumaan sa kanyang tabi pero hindi siya nakita dahil sobrang galing ng pagkakatago niya. Itinutok niya ang hawak na baril at kinasa ang gatilyo. Tumama ang bala ng baril niya sa binti nito, daplis lang pero sapat na upang hindi ito makatakbo sa sakit. Dahan-dahan siyang tumalikod at hinanap ang escape route niya, nakaplano na rin ang pagtakas niya. At mas nakakatawang isipin na kapag natapos ang operasyon ng mga pulis at malalaman nilang hindi illegal na armas at druga ang makikita nila, kundi mga laruang baril at sako-sakong asin. Gustong-gusto niya kapag pinaglalaruan ang mga ito, he’s bored and once in a while he is craving for an adventure too. Matagal na ring alam ng sindikato ang pinaggagawa niya, napagsabihan na rin siya pero kailan ba siya titigil? Kung may gusto siya ay gagawin niya at matalino siya kaya niyang takasan ang mga pulis kung gugustuhin niya. “Ikaw!” napatingin siya sa tumawag sa kanya. “Sino ka?” isang pulis. Tiningnan niya ang nakasulat sa nameplate nito. H. Anderson. “Napadaan lang ako dito chief.” Nakangising itinaas niya ang palad niya, nakalimutan niyang itago ang baril na ginamit niya upang bariliin ang pulis kanina at depensahan ang kanyang sarili kaya alam niyang hindi ito naniniwala. Nakatutok sa kanya ang baril nito. Calibre 635. He smirked, even the police officers are using a member’s products. He made it and sold it to them. He’s tagged as the jack of all trades since he can do other member’s specialties and unlike others he is good at it, he’s a genius after all. “Miyembro ka ba ng Generation Syndicate?” usisa nito. “Ako? Ano iyon?” “Sino ka?” “By standers.” “With a gun?” “This is a toy gun.” He lied and without a blink Anderson pulled the trigger and fired the gun. He steps backward three times, it would lessen the impact. May limitasyon ang baril na iyon at hindi siya gumagawa ng bagay na ikakamatay niya. Dumaplis ang bala sa bisig niya at agad na dumaloy ang dugo mula sa sugat niya. “Sumuko ka na alam kong miyembro ka ng Generation Syndicate.” Ang kaisa-isang pulis na nakatama ng bala sa katawan niya. He’ll give credit to the guy but he’s not as smart as his. “Do you know what it means to be a member of Generation syndicate Anderson?” Humakbang ito palapit sa kanya nakatutok pa rin ang baril sa kanya pero may kinakalikot sa likuran nito. He’s calling for his comrades. One reason why he hates police, they can never work on their own they always ask for backups. He can work alone because he’s good. “It means our intelligence doesn’t matched yours.” He grinned to ears when he waved his gun and when he thought he pulled out the trigger he used his reaction to escape. He run as fast as he can and when he looked back he saw him following his steps. He grinned again. This is the challenge he was looking for he even thinks he already found the right—playmate. Remembering his escape plan, he turned somewhere and jumped inside a manhole and immediately covered it. He heard footsteps above him. “I am way smarter than you Anderson.” He laughed silently and starts to walk inside the empty hole. It was indeed an empty hole and not a manhole. Nakakonekta iyon sa isang daan na makakatulong sa kanya palayo sa lugar na iyon. Kalmado siyang naglalakad ng makaramdam ng hapdi sa balikat niya. “Tsk.” Nakalimutan niyang may daplis nga siya ng bala sa kanyang balikat. Hindi iyon masyadong masakit kaya lang maraming dugo ang nawala sa kanya. “Masyado akong gwapo para mamatay dahil sa daplis ng bala ng baril.” He ripped his inner shirt and tied it around the wound to stop it from bleeding and he’s good to go. “Tsk.” He said feeling not right. Binilisan niya ang kanyang hakbang hanggang sa marating niya ang isa sa mga daan palabas ng tunnel. Hindi niya maalala kung saan patungo iyon basta natagpuan nalang niya ang sarili niyang papasok sa isang building. “Condo unit.” Aniya ng luminaw ang kanyang paningin. “My unit.” Naalala niyang may isang unit pala siyang binili dito. “99.” He’s really good, kahit hindi maganda ang pakiramdam niya ay nakaya pa rin niyang makarating sa unit niya ng parang walang nangyari. -- “OUCH!” Hiyaw ng lalaking bigla nalang pumasok sa loob ng kanyang condominium unit. Mas diniinan niya ang paglapat ng bulak na may alcohol sa sugat nito na mas lalo nitong ikinasigaw. “Manahimik ka nga Ulysses daig mo pa ang babaeng nanganganak,” “Ang bigat ng kamay mo para kang hindi babae.” Tiningnan nito ang dibdib niya. “Oh yeah, wala kang pagkabahid ng babae.” Anitong tinutukoy ang kanyang dibdib. Sanay na siya sa mga pasaring nito. “Sabi nila kung hindi ka nabiyayaan ng ganda ay nabiyayaan ka sa ibang bagay. Sa tingin ko sa iyo Sahara wala kang natanggap na biyayaww-ouch God damn it!” malakas na hiyaw nito ng ibuhos niya ang laman ng alcohol sa sugat nito. Napatayo at nagtatalon ito sa sahig na para bang napaso sa isang hindi nakikitang apoy. “What the hell!” galit na bumaling ito sa kanya. Isa-isa niyang inayos ang kanyang medicine kit. Hindi naman siya ang nakakaubos ng mga gamut at gasa niya, dapat yata ay humingi na siya ng medical allowance dito. “Nakikinig ka ba?” “Hindi po ako nabiyayaan ng kakayahang makarinig sa mga salita mula sa isang feeling perfect na tao.” “Feeling perfect? Dude, I am perfect.” Mukhang nakabawi na ito sa hapdi na dulot ng alcohol. “Perfect?” tinaasan niya ito ng kilay. “Uhuh---s**t!” muntik na siyang matawa ng mabilis na nakatalon ito sa kabilang panig ng ibato niya dito ang mga duguang bulak at gasa mula sa sugat nito. “May perfect bang takot sa sariling dugo?” nakataas ang kilay na tanong niya dito. Ewan ba niya kung bakit nagtitiis siya sa lalaking ito kung pwede naman niya itong dalhin sa pulis at isuplong. “Akala ko ba ay okay na kayo ni Anderson bakit natamaan ka na naman ng bala?” “We are in good terms hindi si Anderson ang may kagagawan nito. Isang beses lang akong nadaplisan ni Anderson at hindi na nasundan iyon because I am great.” Naalala pa niya ang unang pagkakataon na pumasok ito sa kanyang unit ilang taon na rin ang nakakalipas. Tulad ngayon ay may sugat ang balikat nito nang pumasok sa unit niya, kulang pa ang salitang gulat upang ipaliwanag ang naramdaman niya nang mga oras na iyon. It’s not everyday na may nakikita kang duguang lalaki na nakapasok sa bahay mo. tinulungan niya ito dati dahil nahimatay ito sa sarili nitong dugo and she wasn’t expecting to know he’s a criminal… or was? “I need to have a flaw, masyadong bad ang pagiging perfect alam mo na maraming haters at maraming bashers.” At kulang nalang rin ay liparin siya nito, sobrang yabang at hangin ni Ulysses. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kakapalan ng mukha nito. “Alam mo Garces sa susunod na mabaril ka o makaapak ka ng may kalawang na thumb tucks huwag kang punta ng punta sa unit ko dahil hindi ako doktor at mas lalong hindi ako nurse.” Nakapameywang na litanya niya sa lalaki na tila naman pagmamay-ari ang buong unit niya. Kampanteng-kampante itong naglakad papunta sa kanyang closet at kumuha ng isang large shirt na palagi niyang tinatabi. Iyon ang ginagamit niyang pantulog at iyon din ang madalas nitong gamitin kapag trip nitong tumambay sa bahay niya. “Bakit ang kaunti ng damit mo Sa?” “Crap you.” irap niya dito. “Crap you too, but you haven’t answered my question. Bakit kaunti ng damit mo? Akala ko ba mayaman ang pamilya mo hindi ba lawyer ang daddy mo at nasa isang publishing company ang mommy mo. Dapat ay mas malaki pa sa kapiranggot na unit mo ang closet mo.” “Wala kang pakialam sa closet ko.” totoo namang hindi siya mahilig sa damit. May mga damit siya but mostly dark colored o kaya naman ay panlalaki. Alam niya sa sarili niya na babae siya na mahilig magsuot ng panlalaking damit. “Pwede kitang ipagshopping mayaman ako.” “May pera ako.” “Pwede din kitang dalhin sa doktor na kilala ko. Magaling iyon.” “I don’t need a doctor.” Kunot-noong ani niya. “Mas kailangan moa ng doctor.” “Trust me you need a doctor para kahit papaano ay may hinaharap ka naman.” Kinuha niya ang unan at hinampas ito sa braso nitong nasugat. “Layas Ulysses!” taboy niya sa lalaki pero humiga ito sa kama niya at nagkumot pa. Nasapo nalang niya ang kanyang ulo dahil sa frustrations dito. “Ipagluto mo ako ng masarap na pagkain alipin.” At kinaway-kaway pa nito ang palad nitong parang nagpapaalis ng langaw. Pinulot niya at unan at inis na binato dito saka inis na naglakad palabas ng kanyang kwarto. Naiinis siya sa pang-aasar nito sa kanya pero mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil kahit na pwede niya itong iwanan, kahit pwede niya itong sakalin, pwede niyang mas pahirapan pa niya ito ng husto ay hindi niya magawa. At kahit na ayaw niyang sundin ang gusto nito ay heto siya at may hawak na kutsilyo at naghihiwa ng kung anu-anong pwedeng ipakain sa alaga niya. Itinali niya ang may kaiksiang buhok at ipinagpatuloy ang pagihihiwa niya ng gulay nang may maramdamang braso na pumulupot sa kanyang beywang at pumatong sa kanyang balikat. “Bumalik ka sa kwarto.” Utos niya dito. “I am hungry.” Parang batang anas nito sa kanya. Muntik na siyang mahiwa ang daliri niya dahil sa ginawa nito. “Huwag mo akong guluhin.” Pero hindi naman ito nakinig dahil nararamdaman na niya ang paghalik nito sa kanyang leeg papunta sa kanyang balikat. “Ulysses bumalik ka sa kwarto.” At this point kapag pinagpatuloy pa nito ang ginagawa nito ay sigurado siyang walang paglulutong mangyayari. “I am hungry.” Ang braso nitong nasa beywang niya kanina ay unti-unting gumagapang papasok sa suot niyang shirt hanggang sa dumako iyon sa ilalim na bahagi ng dibdib niya. Napaigtad siya dahil may kiliti siya sa bahaging iyon ng kanyang katawan at alam nito ang bagay na iyon. Paanong hindi nito malalaman kung paboritong past time yata nitong e-explore ang katawan niya? He was her first navigator. “Stop that!” she tried pushing him away when she remembered his gun shot. Baka bumuka ang sugat nito at magdugo na naman. “Kainin na kita.” “Crap you talaga Ulysses huwag mo akong landiin.” She heard him chuckling as he removed the knife from her hands and put it somewhere before he twisted her body to face him. Kusang ipinulupot niya ang braso sa leeg nito habang inaangat siya nito at inayos ang upo sa counter. He settled between her legs and start to devour her neck with his lips and his palms massaging her breast as he already reached there. She can’t stop herself from moaning, he knows how to please her and she loved being pleased by him. “Sahara?” wala sana siyang balak pansinin ang kung sino man ang tumatawag sa pangalan niya. “Sahara, are you there? Pasok na ako.” Mabilis niyang naitulak si Ulysses nang marealized na boses iyon ng kapatid niya. “Crap talaga Ulysses, magtago ka dali nandiyan si ate Qianna.” Aniyang itinutulak ito papasok sa silid niya. “Sa ilalim ng bed ka magtago and do not show your face here.” Mabilis itong napabuntong-hininga at sumunod sa kanya. Hindi pwedeng makita ng kapatid niya si Ulysses dahil delikado. Abogado na ang ate niya at hindi lang basta-bastang abogado, kapag nalaman nito ang tungkol kay Ulysses ay baka sa kulungan ito pulutin. Agad niyang inayos ang kanyang sarili at binuksan ang pintuan upang batiin ang kanyang kapatid. “What took you so long?” naiinis na tanong nito sa kanya. May hawak itong mga paperbag. “Nagluluto kasi ako while listening to uhm music, hindi ko agad narinig ang tawag mo.” and she knew she won’t believe it. “Whatever.” Inabot lang nito sa kanya ang paperbags. “Wear these.” “For?” “The charity ball, you need to be there.” Umingos siya, she really hates party, she hates dolling up, she just hate everything na associated sa pagharap sa maraming tao. Mas gusto kasi niyang nakatago lang siya at walang nakakapansin sa kanya dahil mas comfortable siya doon. “Nandiyan na rin ang invitation so you won’t be late for the event.” “Thanks sis.” Aniya. “Gusto mong pumasok?” yaya niya but her sister just rolled her eyes. “Saka na kapag wala na sa loob ang lover boy mo. Chow.” Kusang namula ang pisngi niya sa sinabi nito sabay lingon sa kanyang likuran pero wala naman si Ulysses doon. Pagbalik niya ng tingin sa kapatid ay nakaalis na rin ito. “Wow, your sister is really hot.” May kung anong kumagat sa teynga niya nang marinig ang boses ni Ulysses. “Kapatid mo iyon? Paanong naging magkapatid kayo? She’s the model type and you are the--.” Mabuti nalang at malapit sila sa pintuan dahil hindi mahirap sa kanyang itulak si Ulysses palabas ng kanyang unit. “Hey!” “f**k yourself Ulysses.” Inis na sinara niya ang pintuan niya at inilock pa iyon. She learned to double lock and add more lock sa door dahil nagagawa nitong buksan iyon. Akala niya ay aalis na ito pero malalakas na katok lang ang narinig niya. “Stop that.” “My things.” Sigaw nito mula sa kabila. Nabuwisit na talaga siya sa lalaking iyan. Kinuha niya ang mga gamit nito at pabara-barang binuksan ang pintuan, nakangisi pa ito ng buksan niya ang pinto akala yata nito ay papapasukin pa niya ito pero maling-maling ito dahil naiinis na siya at wala na siya sa mood. Malakas na hinampas niya ito ng mga gamit nito at muling sinara ang pintuan. Baliw nga yata siya dahil pumatol siya sa isang iyon. Pumatol siya but they don’t have any label. Friends with benefits? They weren’t even friends to start with. Neighbors with benefits? Probably. Baka iyon nga ang label nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD