EPILOGUE
SINULYAPAN ni Sahara si Ulysses na tulad niya ay inaabala ang sarili sa binabasang mga libro. Ipinagpatuloy nito ang pag-aaral habang siya ay nag-aaral din, mnkumukuha siya ng Masteral units sa Guidance and counselling every Saturday. She is working as a HR specialist in his uncle Gleian’s Publication company. At the moment she is very busy sorting out the new hires when Ulysses called her because he needs a study buddy which she actually thinks as very impossible. Knowing Ulysses he can study with or without her.
May atraso ito sa kanya kung bakit ito nagpapacute at kinukuha ang kanyang amor. Kaya nga kahit may binabasa ito ay batid niyang nakatingin ito sa kanya.
“I think I am no longer needed here.” Kinuha niya ang kanyang bag at mga gamit. Natatarantang pinigilan agad siya nito.
“Sandali lang babe.”
“Don’t babe me Ulysses.” She eyed him intently, telling her that she’s not in the mood to entertain him.
“I--.”
“What?” she barks at him.
“I did what I think was right?”
“At ang makipag-agawan kay Keegan ang sa tingin mo ang tama? Para kang bata Ulysses.” Mababa lang ang tono nang kanyang boses pero pareho nilang alam na galit na siya.
“What’s wrong with wanting Ainsley to organize our wedding? I am older than Keegan she needs to adjust.” She rolled her eyes wanting to strangle Ulysses’ neck.
“Hindi pa nga ako pumapayag na pakasalan ka.” Inis na sambit niya.
“Kailangan mo nga ako papakasalan?” he is rather frustrated than angry. Muli siyang umupo dahil ayaw niyang mas lalo itong mafrustrate. Umupo na rin ito. “Kapag ako tuluyang napagod maghahanap ako nang ibang babaeng pakakasalan.”
She rolled her eyes again. “Go on, I am waiting.” Pambabalewala niya sa banta nito. “Kapag nakahanap ka maghahanap na rin ako ng lalaking pakakasalan ko ako mismo ang magyayaya.” Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig nito sa sinabi niya. Of course hindi niya gagawin iyon.
“Ano ba ang kailangan kong gawin?”
Bumuntong-hininga siya. “Wait. Kung oras-oras na magkasama tayo ay kasal agad ang ibubungad mo sa akin maiinis talaga ako Ulysses. Matuto kang maghintay, i-enjoy muna natin ang meron tayo ngayon. Huwag muna tayong pumasok sa isang bagay na pareho tayong hindi pa handa.”
“I am ready.”
“I’m not yet ready.” Hinawakan niya ang palad nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Akala niya ay babawiin nito ang palad nito pero mariin nitong ginagap ang kanyang palad. “Kapag handa na ako Ulysses ako na mismo ang magsasabi sa iyong magpakasal na tayo.” Sana ay maintindihan nito na hindi lahat ng bagay ay kailangang madaliin, may mga sitwasyon na gaya nito na kailangang pag-isipang mabuti. Matanda na siya para magpadalos-dalos sa kanyang mga desisyon.
Naniniwala siyang hindi kasal ang ‘happy ever ending’ ng isang relasyon. Dapat pag-isipang mabuti at alamin kung pareho na ba silang handa. Now that she’s more focus on her studies mas marami siyang realization at mas marami siyang desisyon na nilalagay niya sa tama. “You know that I love you.” Lumamlam ang mga mata ng kasintahan sa kanyang sinabi. Ulysses has this fascination over her ‘I love yous’, it’s his weakness. Tumayo siya at lumipat sa katabing upuan ng kasintahan. “There’s always a perfect time for that babe.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Hindi pa ako nakakaranas na magkaboyfriend before you kaya gusto kong malaman kung paano magkaroon. I want to date you and to travel more with you. Gusto ko rin na manood ng movies at magstargazing with you.” Now it’s her turn to pacify his frustrations. “I love you.”
Hinalikan nito ang kanyang noo kaya alam niyang naiintindihan nito ang gusto niyang sabihin. “Where do you want to go?”
“Aalis tayo?”
Maaliwalas na ang mukha nito. “You want to date me and I love the idea of traveling with you. Where do you want to go for our next vacation?”
“Oh, in Satornini, I haven’t been there.”
“I’ve been to Satornini, pumunta tayo sa lugar kung saan hindi pa natin parehong napupuntahan.” Napaisip siya tapos ay biglang napangiti.
“I know a place.”
TWO YEARS…
“ANG cute ng baby mo Kee.” She shrieked as she held Keegan’s cute and cuddly baby boy. “He’s beautiful.”
“Mana sa mommy.” Anito na natatawa. Kausap ni Ulysses ang asawa nitong si Maurice. “Mabuti nalang at hindi mo iniwan si Ulysses. Hindi naging madali ang lahat sa kanya nitong nakalipas na dalawang taon.” Malungkot na sabi nito.
“Huwag na nating isipin ang mga nangyari Keegan alam kong hanggang ngayon ay malungkot ka pa rin. Kahit ako ay nalulungkot din sa mga nangyari, sino ba ang mag-aakala na siya pala ang traydor.”
Muling nabuo ang Generation Syndicate at dahil sa nangyari ay nagkaroon muli ng panibagong hunt sa pagitan ng mga alagad ng mga pulis kasama si Ulysses at ang ibang mga miyembro. Umalis si Keegan at ang asawa nito dahil ayaw ni Uysses na madamay ito at ang asawa ni Kee. Buntis ito sa panganay at napilitang mangibang bansa. Ang iba din ay ganoon ang ginawa.
Sa tulong ng mga miyembro ay nalusaw ang Microchip na naka-implant sa katawan ng bawat numbered child. Kung sana ay iyon ang una nilang ginawa noong unang beses na nabuwag ang grupo sana ay hindi na uli nabuo ang sindikato. Sabi nga nila ay nasa huli ang pagsisisi at napagbayaran na nila iyon.
Maging siya ay nagulat noong malaman niya kay Ulysses kung sino ang bagong grandpa. Wala ni sinuman ang makakahula, wala rin ang mag-iisip na siya iyon. Killing the new boss was a heart breaking scene she wouldn’t want to witness. Grabe ang iniyak niya noong namatay ito, naging kaibigan rin naman niya ito.
“Sana ay masaya na siya kung saan man siya ngayon.” Kung nasaktan siya ay alam niyang mas grabe ang sakit na naranasan ng mga ito lalo pa at halos sabay silang lumaki. And on Uly’s side for killing the culprit to save them. Sana nga ay masaya na ito ngayon dahil sigurado siyang may kabaitan din sa puso nito sapagkat nagawa pa nitong humingi ng tawad bago ito namatay.
“By the way Sahara, matutuloy ba ang party bukas?” napangiti siya sa tanong nito.
“Of course, naging good boy siya nitong mga nakaraang taon.” Aniyang sinulyapan ang lalaki na seryoso pa rin na kausap si Maurice.
“Hindi niya magugustuhan ang gagawin mo. Knowing Ulysses he doesn’t want to be dominated.” She just smirks.
“Let’s just see.”
ALAM niyang hindi madali ang kanyang gagawin. Alam niyang mahirap pero kailanngan niyang gawin ito. Hinintay siya ni Ulysses ng dalawang taon. At sa tingin niya ay sapat na ang dalawang taon na iyon para siya naman ang kumilos at magdesisyon.
Tumutol ang kanyang mga magulang noong sinabi niyang magsasama silang dalawa. Her mom told her that it wouldn’t be easy. Sinabi nitong naranasan na nito iyon sa ama at hindi naging maganda ang pagsasama nila. Mas maganda daw kung may basbas at legal. Pero hindi siya nakinig, she wanted to do things her way. Iyon kasi siya, madalas niyang ginagawa kung ano ang gustuhin niya, hindi siya tradisyonal na babae.
Kailan ba siya naging dalagang Pilipina? Siguro sa lahat ng mga nagawa niya walang mag-iisip na isa siyang mahinhin na binibini. Maisip lang niya ay nanayo na ang balahibo sa kanyang katawan. Bakit hindi siya pumayag sa alok ni Ulysses? Kung si ibang babae siguro ang nasa lugar niya ay siguradong hindi na magdadalawang-isip pa. Sigurado siya kay Ulysses alam niyang dito siya babagsak. Marami na silang pinagdaanan at sapat na iyon upang malaman na mahal siya nito. Ang gusto lang marahil niya ay ang makilala ito ng husto.
Marami ang nagsasabi na iba ang pag-uugaling ipinapakita ng tao kapag magboyfriend pa sila at kapag kasal na. Gusto lang niyang mas makilala ito ng husto, ayaw niyang sumabak sa kasal na sa bandang huli ay pagsisisihan lang nilang dalawa. May tendencies kasi na akala mo kilala mo na habang magboyfriend pa at noong nasa kasal na ay hindi nagkakaintindihan at nauuwi sa hiwalayan. Sigurista nga siguro siya, gusto kasi niya kapag pumayag na siya ay tanggap na nilang dalawa ang pangit sa isa’t isa.
So far kahit na madalas silang mag-away, as usual, gaya ng paghuhugas ng pinggan at pagsasampay ng mga underwear. Minsan ay nag-aaway pa sila dahil mali ang pagluto niya ng ramen dahil hindi daw niya binabasa ang instruction at etc. Tanggap din nitong hindi talaga siya malinis sa bahay at madalas kung anong tingin niyang malinis ay iyon na iyon. Ito naman masyadong obsessed sa kalinisan. Nagkakasundo naman sila, nakapag-adjust na ito sa kanyang ugali at siya rin sa ugali nito. Maraming araw silang hindi nagkakasundo pero mas maraming araw din ang nagkakasundo sila.
Marami siyang nalaman tungkol dito na noong una ay hindi niya alam gaya ng gustong-gusto nitong inaamoy ang kili-kili niya o kaya naman ay mabilis itong nakakatulog kapag nakasubsob sa leeg niya. She finds it weird at first but she’s used to it now. Nandoon pa rin ang takot na baka kulang pa ang getting to know each other stage nila. Baka may kailangan pa siyang malaman. At iyong mga naririnig niya sa mga tao sa opisina na mahirap at very rocky ang first five to six years ng marriage life.
Kaya lang naisip niya, hindi na sila teenagers. Matanda na silang dalawa ni Ulysses. Hindi na sila mga batang atat na atat na magkaroon ng forever at makakasama sa habang buhay. They are both stable, they are both mature, hindi perpekto pero natututo. Kung magwork ang kasal nila then much better, kung hindi naman, she will cross the road when she get there. But one thing is for sure, they are old enough to fight for their love and they really love each other.
Kaya ngayon ay handa na siya, marami pa siyang what if’s pero kapag nagpatalo na naman siya sa mga what if’s na iyan ay baka ubos na ang ngipin niya ay hindi pa rin sila naikakasal.
“Ready?” untag sa kanya ng organizer na tumulong sa kanya upang isakatuparan ang kanyang plano.
“Matagal na.” inayos niya ang kanyang suot na dress. She’s at her prettiest and she feels so confident. Handa na ang lahat at si Ulysses na lang ang kulang. Again, she refused to be traditional. Alam niyang mas sweet kapag ang lalaki ang gumawa nito at alam din niyang maiinis ito sa kanyang gagawin pero wala siyang pakialam.
“He’s here.” Everything is ready, nasa bulsa na rin niya ang pinaka-importanteng props ng gabing iyon.
“Am I late?” humalik ang kasintahan sa kanya. He looks so dashing on his three-piece suit. “You look pretty.”
“Pretty lang?”
“You look beautiful and gorgeous.” Ngumisi siya dito. Kung dati ay sarili nito ang pinupuri nito nitong dalawang taon ay natuto na itong purihin siya dahil kung hindi ay sa sala ito matutulog.
“And you look perfect, babe.” Muli siya nitong hinalikan. “Tama na muna ang kiss, sisirain mo ang lipstick ko.” She’s wearing a kiss proof lipstick.
“Sahara, may problema tayo.” Napabaling siya kay Zhandra. “Hindi namin makita si Winter mukhang nakatulog na naman iyon at magsisimula na ang auction.” Itinaon niyang sa annual auction s***h charity gala magaganap ang kanyang plano.
“Maghanap na lang tayo ng iba, pwede namang ako-.”
“No.” magkasabay na ani ni Zhandra at ni Ulysses.
“Dapat kasi ay lalaki, kahit saglit lang. May representative lang.” paliwanag ni Zhandra.
“Wala na bang iba?””
“Lahat ng hindi pa kasal ay nasa stage na, wala na akong mahanap pa.”
Kunwari ay nag-isip siya. “Babe, can I ask a favour?”
“I know what you are thinking and I am telling you-.”
“Please babe? Gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta pumayag ka lang.” panandaliang napaisip ito. “Don’t worry I’ll bid for you and I will make sure na sa akin ka babagsak.” May double meaning ang kanyang sinabi.
“Just make sure.” May halong babala sa boses ng kasintahan.
“Go now.” Wala itong nagawa kundi ang sumunod. Gusto niyang matawa sa gagawin niya. This is her day and this is her way of getting the man that she loves forever.
The bidding starts immediately, nauna ang mga single girls. Hindi na siya kasali dahil may legal na boyfriend na siya at saka ayaw ni Ulysses na sumali siya. Nauubos daw ang ipon nila. Lately ay nagiging praktikal na silang dalawa which is a good thing dahil natutuo na silang humawak ng pera. May ipinaglalaanan yata ito. Binitiwan na ni Ulysses ang mga illegal na negosyo nito at natira nalang ang mga legal. Alam naman ng lahat na kung ano ang illegal mas malaki ang kita.
“And now ladies and gentlemen, let me welcome the newest addition of the auction family.” Nagtawanan ang lahat ng mga nakarinig sa introduction ng kanilang lady of the ceremony. “The ever beloved Ulysses Andres, six feet and two inches. He is a certified lawyer who topped the recent bar examination. He finished his law in two years and he looks very handsome and dashing tonight. Alam kong marami dito ang intresadong makuha ang gwapong guest auctionee natin ngayong gabi.” May ilan sa mga bisita ang hindi alam ang plano, mga kasama ng mga main guests nila at mukhang interesado din ang mga it okay Ulysses kung pagbabasehan ang paraan ng pagtitig ng mga ito sa kasintahan. Tinaasan lang niya ng kilay ang mga nag-iisip na agawin sa kanya si Ulysses. Over her almost dead body!
Napatingin sa kanya si Ulysses, nagthumbs up lang siya dito. Her boyfriend just narrowed an eye at her and she just give him a sweet flying kiss.
“Let us start the bidding everyone?” and now it is her turn to narrow her eyes dahil sumisigaw na ng yes ang karamihan sa mga nandoon na hindi yata alam na sa kanya ang lalaking gusto nilang makuha. And as a player as he is, Ulysses smiled at his audience. “Ladies let us start the bidding at fifty thousand dollars.”
Maraming guests na lalaki ang nagulat dahil malaki ang starting amount. Pero ang mga babae doon ay wala yatang pakialam sa halaga dahil may nagtataas na ng mga number cards.
“Sixty thousand pesos.”
“Eighty thousand pesos.”
“One hundred ten thousand pesos.”
Iba-ibang halaga ang naririnig niya at iyong iba pa ay kulang nalang ay tumayo at lumapit sa kasintahan. Tumingin uli si Ulysses sa kanya na para bang tinatanong kung wala ba siyang gagawin. May gagawin siya pero mamaya na, nag-eenjoy kasi siyang makitang tila nagtitimpi lang ito sa na hindi kunin ang microphone ng host at sigawan siyang magbid. Ulysses said he hates auctions because it’s just a waste of money, masyadong kuripot ang irog niya kaya ganoon.
“Two million pesos, do we have another bid?” natahimik ang buong paligid. Napatingin siya sa nagbid at saka tinaasan ng kilay, mukhang mayaman ang bruha sa likod ng maskara. “Going once? Going twice?” wala nang kalaban pa. “And Ulysses Andres is sold to--.”
“Me!” And the spotlight goes to her.
“Ms. Lucas, what is your bid?”
Naglakad siya papunta sa stage na ikinakunot ng noo ng kasintahan. Mukhang naguguluhan ito sa nangyayari.d
“A small box.” Iyon ang sagot niya.
“But Ms. Lucas, the highest bid was two million pesos.” Kinuha niya ang isang itim na maliit na box at ibinigay sa host. Malakas na napasinghap ang mga tao doon maging si Ulysses ay mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo habang nakatingin sa kanya. “Ohhh. Is this?”
“Yes.” Kinuha niya ang velvet box at binuksan iyon sa harap ng nakatangang lalaki. Ngumiti siya dito. Ang pinakaayaw niya ay ang mapunta sa limelight. She loves working behind the camera and she prefers unrecognized. However, she needs to do this. Masyado ng malaki ang nagawang effort ni Ulysses sa kanya at sa relasyon nilang dalawa. Hindi pwedeng wala siyang gawin, hindi kayang tanggapin ng pride niya bilang babae.d
Lumuhod siya sa harap ng mga tao at sa harap ng lalaking gusto niyang alayan ng buong buhay niya.
“Ulysses Andres, you know how I hate being the center of attention but I am doing this because I want to show you, the world, and the universe how much I want you to be a part of my life. You’ve been asking me to marry you countless times and I always said no because I am not ready yet. Now, I want to start a family with you.” Pumailanlang ang isang instrumental music sa buong paligid habang nakaluhod siya at nagpopropose. “Will you marry me and become my partner in crime for the rest of my life?” hindi pa rin naaalis ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatitig sa kanya.
Tahimik ang buong paligid, nanlalamig na rin ang kanyang buong katawan sa maaaring isagot nito. She’s hoping for a ‘Yes’, sino ba ang tangang maghihintay ng NO?
“No.”
“What?” nagulat siya sa sagot nito. Maging ang mga tao ay ganoon din. Lumapit ito sa kanya at hinila siya patayo. Ramdam marahil nito ang panlalamig ng buong katawan niya dahil bahagya itong natigilan noong mahawakan siya. “But why?”
He sighed and grabbed the ring from her. Tinanggal nito ang singsing sa box at saka isinuot. “I will never say yes to your proposal babe.” Tiningnan nito ang daliring may suot na singsing. Ito naman ang lumuhod at may kinuhang puting velvet box. For the second time ay muling napasinghap ang mga tao.
“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang plano mo? Of course I know your plans and don’t ask why alam mong henyo ako. I can easily read you and you can never keep a secret from me.” Siya ang napakunot ang noo sa sinabi nito. Lumuhod si Ulysses sa kanyang harapan.
“Sahara Lucas, I am proposing to you for the last time. Kung ayaw mong magpakasal sa akin wala kang choice kundi pakasalan ako.” Babala nito, nagtawanan ang mga audience nila. Panis yata ang plano niya dahil may sarili din itong plano.
“I don’t have a choice?”
“Meron. Ang pumayag na magpakasal sa akin at ang pakasalan ako.” Natawa siya sa ibinigay nitong choices dahil wala siyang lusot alin man doon. “You want me to be your partner in crime for the rest of your life. Can you be my riding in tandem for a lifetime?”
Kahit na medyo hindi nagwork ang plano niya ay hindi na siya aayaw pa sa proposal nito. Masyado ng matagal ang paghihintay nito, now it’s the right time to say yes.”
“Yes?” and he is giving her an obvious answer. “Please say yes.”
“Say Yes! Say Yes! Say Yes! Say Yes!” Everyone is chanting for her to say YES.
“I’ll say yes.” Tumahimik muli ang lahat. “Kung sasagutin mo rin ako ng yes.” She heard him groan.
“Sahara...”
“Ako ang unang nagpropose ngayong gabi, hindi counted ang mga previous proposals mo. Kaya ako dapat ang una mong sagutin.” And then again everyone is chanting for a yes. Malakas itong napabuntong-hininga.
“Yes!” sobrang lapad ng ngisi niya sa sinagot nito. Kinain rin nito ang sinabing hindi siya nito sasagutin ng YES, dahil sa bandang huli ay siya din ang nagwagi. But come to think of it, wala nga palang talo sa munting laro nila dahil pareho silang nanalo. Kinuha niya ang singsing at siya na mismo ang nagsuot ng singsing sa kanyang mga daliri. Natawa pa nga siya dahil ang desinyo ng engagement ring na suot niya ay parehong-pareho ng engagement ring na suot din ni Ulysses. Mukhang alam na niya kung kanino nalaman ng fiancé ang kanyang plano. Oh well, pareho silang may engagement ring.
Hinila niya si Ulysses upang halikan sa labi na maagap naman nitong tinanggap. The kiss sealed her owner and his ownership to him and to her. Wala ng pwedeng mang-agaw sa lalaking papakasalan niya dahil kung may magtangka, muntik na siyang tumawid sa kabilang buhay at handa siyang muling suungin ang daan na iyon hindi lang ito maagaw sa kanya.
“Ladies and gentlemen.” Ulysses broke the kiss and face their awed audience. “I am formally announcing my engagement to Sahara Lucas. Gentlemen she’s taken so back off and ladies, I am sorry I only had an eye to my woman.” Sa halip na magalit kay Ulysses ay mas lalo yatang naging apple of the eye ito ng mga babae. “The wedding will be a month from now.”
Nagulat siya sa sinabi nito. “Hala, bakit hindi ako nainformed?”
“Ready na ang lahat, matagal na. Ang bride nalang ang kulang.” Bulong nito sa kanya, “Don’t worry I’ll let you change the details but rest assured everything is set according to your likes and dislikes.” Mahinang kinurot niya ito. Masigabong palakpakan ang namayani sa buong paligid. Sayang din ang two million pesos na pwedeng maibigay sa charity dahil hindi naman counted ang bid.
“Let’s go.” Yaya niya dito. She wants to celebrate the momentous event with her family and close friends.
“For a while.” Dahil mukhang may sasabihin pa itong speech kaya hinintay niya ito. “And eight months from now, I will be inviting you for another event.” Marami yatang event na alam si Ulysses na hindi niya alam. “And that is the christening of our first born. Yes, everyone my fiancé, my future wife and me are pregnant.” Napaawang ang kanyang labi sa ini-announce nito kasabay ng paghawak niya sa kanyang impis na tiyan.
Mas lalong lumakas ang hiyawan sa buong paligid. Everyone is very happy because of the news.
“What was that Ulysses? Sinong buntis?” maingat na inalalayan siya nito.
“You babe.”
“Hindi ako buntis.”
He silenced her by kissing her gently on the lips. “Trust me Sahara, I know. You are very pregnant right now.”
“Pero paano?” tumawa ito sa tanong niya at hindi sinagot pero makahulugan ang mga tingin nito sa kanya. It’s like telling her that he knows everything because he’s a freaking genius.
Muli siyang napahawak sa tiyan at hindi napigilan ang ang sariling mapangiti. She is pregnant and she’ll be married soon… with the man that she loves, her partner in crime and her riding in tandem. It looks like all bad things from the past do have a very happy ending.
She had beaten a beast and she’s having a little beast baby.