CHAPTER 6

3184 Words
Chapter Six “Delikado ang plano niyo Yvette.” Sinulyapan niya si Sahara na natutulog ng mga oras na iyon. “Mahirap kalaban ang big boss.” “Kailan ka pa natakot kay Big Boss, Ulysses?” bulalas nito. “Sa aming lahat ikaw ang pinakahindi takot sa kanya. Maliban nalang kung may kinatatakutan kang masangkot sa lahat ng gulo natin?” And Yvette hits the target. “That woman Sydney was talking about.” “Walang kinalaman si Sahara dito Yvette leave her alone.” “Kung wala ba siya Ulysses ay papayag ka ba sa plano namin?” hindi siya sumagot. “Tama hindi ba?” “She has nothing to do with me.” “Anong she has nothing to do with me? Ulysses hindi ka ganyan! Pinapahina ka ng babae mo alam mo ba iyon?” “Stop it.” Pigil ang galit sa tinig niya. “You can never fool me Ulysses alam iyan. Hindi lang ako ang may gusto nito, we can’t afford our freedom pero ikaw kayang-kaya mong makawala sa grupo. Baka naman isang araw ay malaman nalang namin na tuluyan mo nang binili ang kalayaan mo or you are no longer a part of us anymore?” He pressed the bridge of his nose to stop his irritation. “We are going to stop this nonsense-.” “With or without you Ulysses we are going to pursue this plan. Nakahanay na ang plano at wala ni sinong pwedeng magpatigil dito.” “Naiisip niyo bang kahit na manalo kayo sa laban na iyan ay pwedeng mamatay kayo? Why not live as it is?” “We want our freedom, that’s the only thing we wanted from the start. Kung masaya ka ngayon paano naman kami? Gusto din namin na sumaya at kung mahuhuli si big boss pwede namin na makuha iyon kung mamamatay man kami hindi kami nagsisisi dahil sinubukan namin. Freedom or not, dead or alive, with or without you we are going to win this battle.” Yvette turned off the call and he was left with a head ache. Tinawagan niya si Anderson, it took him few rings before he picked up the phone. “Andres?” “Did they call you?” “Who?” “Don’t fool me Anderson you know what I mean. I knew their plans.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. “They are fearless alam mo ba iyon?” “Stop them from doing whatever they planned.” “Tsk.” Iyon lang ang sagot nito. “Alam kong hindi ito ang plano natin Andres pero hindi ko pakakawalan ang plano nila. They planned it really well at hindi lang sila ang handang tumulong, iyong ibang miyembro isa-isa ng nagpakilala sa amin. But don’t worry they are all well-protected, they are considered as assets.” “Assets your ass, alam mong hindi ako naniniwala sa mga salita ng mga pulis. Pwede niyong sabihin na asset sila pero kapag nagkalabo-labo na pwede niyo silang ikulong.” Asik niya. “Kung iyon ang plano ko matagal kana sanang nakakulong.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Ikaw ang pinakadelikadong miyembro ng grupo Ulysses, you trust no one and no one can trust you too but I am putting my bet on you. Don’t worry hindi ko pababayaan ang mga inosenting miyembro ng GS, gusto lang namin na mahuli ang big boss niyo at makulong. He committed crimes and that includes human trafficking and k********g. Hindi ba isa ka sa mga batang nakidnap at dinala sa warehouse?” wala itong sagot na nakuha mula sa kanya. “Trust me this time I’ll give you your freedom.” “I still don’t trust you. Kung may mangyayaring masama sa kanila at kung may isa sa kanila ang mamamatay, papatayin din kita.” At marahas na binato niya ang cellphone niya sa sofa. Mainit ang ulo niya at gusto niyang manuntok pero hindi niya magawa, nagpupuyos ang dibdib niya dahil sa plano ng mga tinuturing na kapatid niya. “Uly?” mahinang tawag ni Sahara sa kanya. “What are you doing there? Come here babe.” Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya habang naririnig ang boses nito. Agad siyang lumapit sa dalagang nakahiga sa kama at tumabi dito. She’s still half-asleep. “It’s still dark outside, dapat ay natutulog ka pa.” anito na hinimas-himas ang pisngi niya. Hindi niya maalis ang tingin sa mukha nito. “May problem ba?” “None.” Maiksing sagot niya. “Are you sure? You look worried.” Alam niyang hindi nababakas sa mukha niya ang sinasabi nitong pag-aaalala kaya nagtataka siya kung bakit alam nito ang tunay niyang nararamdaman. “I am not worried.” Sahara chuckled. “Nakikita kita Ulysses, I can see through you and I know when you are worried or not.” Hinuli niya ang palad nito at mahigpit iyong hinawakan. “You can tell?” nakapikit ito habang tumatango. “You make me weak Sahara.” A small smile appeared on her lips. “I am glad I can make you weak babe.” And fell asleep once more. He doesn’t have any intention staying in any relationship with a woman, sa simula pa lang ay alam niyang hindi siya bagay sa babaeng ito. This woman is a legit daredevil, a princess in a prince suit. She’s not afraid of any danger and that attracks him the most. She loves the thrill and danger kaya siya ang natatakot para dito. He doesn’t want her to get hurt, she has something she got from him and no matter what he does it can never be returned to him again. -- “IT’S nice to be back.” She stretched her arms and feel the numbing of her arms turn into a painful yet soothing feeling. Ilang araw din siya sa bakasyon. “Magsho-shower lang ako Ulysses.” Paalam niya sa lalaking kanina pa ay sobrang tahimik. Hindi rin siya nagtanong kung bakit sobrang tahimik nito, kahit noong ilang araw nalang ang natitira nila sa resort ay ganoon din ito. Kumikibo lang ito kapag may itatanong siya, nakakapanibago lang ito. Kahit na iprovoke niya ito ay hindi ito nagrereact. Agad naman siyang natapos sa pagligo at nakapagbihis, balak sana niyang kausapin ng masinsinan si Ulysses tungkol sa kung anuman ang nasa isip nito. Paglabas niya ng kanyang silid ay natilihan siya ng may biglang humawak sa kanyang braso at ipitin iyon patalikod, sinubukan niyang makawala at handa na siyang gamitin ang lahat ng natutunan niyang martial arts sa training kung hindi lang may dumiin na malamig na bagay sa gilid ng kanyang ulo. “What the hell!?” bulalas niya at pilit niyang kinalma ang sarili. “Anong ibig sabihin nito Ulysses?” pilit niyang nilalabanan ang takot kahit na ang totoo ay kanina pa tinatambol ng kaba ang kanyang dibdib. “Hindi ba dapat ako ang magtanong ng bagay na iyan Sahara?” malamig na balik nitong tanong sa kanya. “Anong ibig sabihin niyan?” itinuro nito ang black na envelope at ang mga nakakalat na laman na puro mga dokumentong may kinalaman dito at sa sindikatong kinabibilangan ng lalaking mahal niya. “Iniimbestigahan mo ba ako? Am I just a mere job to you?” may kalakip nag alit ang boses nito at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kanya. “Ano ba? Nasasaktan ako.” Mahinang daing niya dahil pakiramdam niya ay nahihiwalay na ang kanyang braso sa kanyang katawan. Tumigil naman ito sa paghila pero mahigpit pa rin ang hawak nito sa kanya. “Answer me damn it!” mas idiniin nito ang bakal na bagay sa kanyang sentido. Hindi siya tanga upang hindi malaman kung ano ang bagay na iyon. “Kaya mo talaga akong patayin Ulysses?” “You don’t know me Sahara, kung hindi mo ako sasagutin isang hila ko lang sa gatilyo ng baril na ito sigurado akong mawawala ka sa mundo. And this is your own gun.” Naalala niyang may nakatago nga pala siyang baril para proteksyon niya at nakakatawang sa kanya pa talaga iyong unang matututok. “Go on and kill me.” Baliw ba siya? Hindi siya baliw talagang malakas lang ang loob niya dahil alam niyang hindi siya papatayin ni Ulysses. “I am still a numbered child and I am worst than you think.” Tumutulo na ang pawis sa kanyang noo. “Now, answer me.” “Ano ba ang gusto mong malaman? Na iniimbistigahan kita?” malakas siyang napabuntong-hininga. “Masama bang gawin iyon?” “I told you to keep away from my personal life.” “It’s not your personal life I am dealing with Ulysses, it’s the syndicate.” “Sa tingin mo ba ay makakahanap ka ng butas tungkol sa Generation Syndicate? Maraming nagtangka pero ni isa sa kanila ay walang nanatiling buhay. They are dead.” May halong pagbabanta sa boses nito. “And I killed some of them.” Naghahanap lang siya ng tiyempo na makawala dito, she can’t fight back when he is holding her tight. “Ano ba talaga ang kinakagalit mo sa akin Ulysses? ANg ideyang pinapakialam ko ang tungkol sa sindikato, o ang gusto kong alamin ang tungkol sa inyo, ang kagustuhan kong makalaya ka sa sindikatong iyon, o ang paglilihim ko ng tungkol ng bagay na ito sa iyo?” bahagyang lumuwag ang hawak nito sa kanya at ginamit niya iyong tansya para makawala sa hawak nito, sinagi niya ang braso nitong may hawak ng baril at ng lumipad iyon sa ere ay mabilis niya iyong nasalo. She won’t be an elite detective for nothing. Mukhang nagulat ito pero agad din na nakahuma at galit na tumitig sa kanya. She stepped back giving her some distance dahil kapag nalingat siya pwede nitong gawin sa kanya ang ginawa nito sa kanya kanina. Itinutok niya ang baril dito, wala siyang balak ipaputok iyon gusto lang niya itong takutin. “Alin sa sinabi ko ang totoong sagot mo sa tanong ko?” she narrowed her eyes on him. “Let’s stop this Sahara.” “Stop?” “This is the reason why I can’t be in relationship with you. You shouldn’t have done this.” may panghihinayang sa boses nito. Napalunok siya, Ulysses won’t say those words kung wala itong ibang balak. May kakaiba sa pinagsasabi nito sa kanya. “Kung gusto mong matuloy ang kung anong meron tayo stop investigating the syndicate. It’s not your job pwede mong ikapahamak kapag may nakaalam.” She can’t fathom if he’s just worried about her sake or he’s just using what they have to fool her. “Paano mong naiisip na mababalik pa ang dati ngayong nalaman mo na ito? You will never trust me again Ulysses and as much as I hate to think about it… I don’t want you to be the reason for my death.” Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “You might hate me now, okay lang, wala na akong magagawa sa bagay na iyon. Itinago ko nga ang tungkol diyan dahil alam kung papatigilin mo ako. Pero isa lang ang gusto kong malaman mo ginagawa ko ang lahat ng ito dahil gusto kong lumaya ka.” “We want freedom Sahara, pero alam mong hindi madali sa amin ang bagay na iyon. Kung sobrang dali siguro baka noon pa ay Malaya na kami pero hindi simpleng kalaban ang sindikato. Kahit mawala ang big boss namin maaaring may pumalit sa kanya, hindi namin kilala ang lahat ng miyembro ng sindikato. Maaring ang mga nakaharap mo na at napagtanungan ay nakamasid lang sa iyo ngayon. You will be killed.” “Then be it.” Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. “Kinuha ko ang kasong ito na alam sa loob ko na pwede akong mapahamak at maaaring mamatay. Pero may pagsisishan ba ako? Wala Ulysses, wala akong pagsisisihan dahil kahit hindi ako kasing talino ninyo, kahit hindi ako kasing wais niya, hindi ako kasing galing niyo at kahit na hindi ako katulad niyo ay may nagawa ako, may ginawa ako.” “Why are you doing this?” “Because I love you.” ganting sigaw niya dito. “Because I damn love you at hindi ko kayang habang buhay kang nakakulong sa sindikatong iyan. Hindi ko kayang bilhin ang kalayaan mo kaya ginawa ko ito dahil iyon lang ang kaya ko.” Wala siyang nakitang ekspresyon mula dito, wala siyang sagot na nakuha mula sa lalaki at hindi na siya naghihintay pa. “I don’t do love.” “I know.” “Stop doing this.” his voice might be void with any emotion but deep inside she knew he was begging for her to stop. “I won’t.” “Don’t be crazy Sahara and you’ll be hurt.” “Matagal na akong baliw Ulysses simula ng makilala kita, simula ng papasukin kita sa buhay ko. Matagal na akong nasasaktan dahil hindi mo akong kayang mahalin.” Umiling siya. “Mali. Kahit na mahal mo ay ayaw mo pa rin na hayaan ang sarili mong mahalin ako.” “Then I’ll stop hurting you let’s end this, hindi mo na ako makikita kahit kailan.” Kinuha nito jacket nito. “Won’t you regret Ulysses? Leaving me?” Tumalikod ito sa kanya. “Alam mo kung ano lang tayo, kung ano ka lang sa buhay ko.” “Liar.” She murmured but enough for him to hear. “Isipin mo na ang gusto mong isipin. Simula ngayon ay pinuputol ko na ang kung anong meron tayong dalawa.” “Wala ka namang puputulin dahil sinigurado mong walang tayong dalawa, makakaasa kang kahit magkita pa tayo ay iisipin kong hindi kita kilala. Pero huwag na huwag mong isipin na titigil ako sa kung anumang imbestigasyon na ginagawa ko.” “I am not your hero Sahara, I won’t protect you anymore.” “I am not expecting you to do that as well.” Unti-unting nawala sa kanyang paningin ang lalaking una at malamang ay huli niyang mamahalin. Wala na si Ulysses sa condo niya at tuluyan ng tumulo ang ilang butil ng luhang kanina pa nagbabadyang trumaydor sa kanya. Agad niya iyong pinunasan. “Hindi ako iiyak para sa iyo Ulysses, sa bandang huli sa akin ka pa rin babagsak. I won’t be my mother’s daughter kung susukuan lang kita ng ganoon lang. I know you love me, you’re just too scared to accept that fact.” Hindi niya alam kung bakit nasabi niya iyon gayong wala na ito sa loob ng unit niya. Malakas ang paniniwala niyang nasa labas lang ito. At gagawin niya ang lahat at ibibigay niya kung ano ang meron siya. -- “BAKIT?” kunot-noong tiningnan niya ang team lead niya na si Darlin. “Anong ibig mong sabihin na suspended ako?” “Nalaman ni boss na ikaw ang kumuha ng GS case na hindi dapat para sa iyo. I am sorry agent sinubukan kong magpaliwanag pero galit na galit talaga si boss, ayaw niyang may kumausap sa kanya kaninang umaga.” “Paano niyang nalaman?” “Hindi ko rin alam pero ang sabi niya ay under suspension ka, three months.” “Three months?!” napatingin sa kanya ang ibang agents dahil sa biglaang pagtaas ng boses niya. “That’s crazy! Three months is too long.” “GS case is a very important case, I am sorry agent, sinabi ni boss na kapag hindi ko sasabihin sa iyo ito ay tatanggalin niya ako dito.” Natigilan siya sa sinabi ni Darling. Balak sana niyang magreklamo pero kung ganitong pati ito ay malilintikan ay natahimik siyang bigla. “I understand.” Hindi naman siya mahirap kausap. Kinuha niya ang black envelope sa loob ng dala niyang bagpack at kinuha ang mga files na siya mismo ang nakahanap. Kung ganitong suspended siya kailangan niya ang mga papel na iyon, ang mga ebidensya. Mabuti nalang ay nakapag-photocopy na siya. “Isasauli ko ito.” Agad naman iyong tinanggap ni Darling. “Anong nangyari sa braso mo?” tanong nito sa kanya ng mapansin ang nakabendang braso braso niya at naka-sling. “Some people broke into my house last night while I was asleep. Nasaksak lang.” malakas itong napasinghap. “Nasaksak lang?” “Hindi masakit.” Pagsisinungaling niya. “Mas masakit itong nasuspend ako sa trabaho.” Biro pa niya. “Malalim ba ang sugat? Ilang stictches?” “Sixteen stitches, kakainom ko lang ng pain reliever kaya hindi ko na mameasure ang sakit.” Pagsisinungaling niya. “I’ll be changing my address by the way, I am selling my condominium unit. Hindi na ako safe doon.” “Saan ka lilipat?” Ngumiti lang siya dito. “Kapag nakabalik na ako sa serbisyo ay saka ko sasabihin, right now I trust no one and won’t trust anyone.” Mukhang naintindihan naman nito ang sinabi niya kaya nagpaalam siya. Isinurender na rin niya ang kanyang mga identification cards. “I need to go now may kailangan rin akong kausapin.” Mabilis siyang nakalabas sa agency, hindi siya lumingon pa, mas mabuti nga sigurong walang taong humahawak sa kanya habang ginagawa niya ang pag-iimbestiga niya. Nagmaneho siya papunta sa opisina ng kanyang kapatid, gusto niya itong kausapin. Mukhang nagulat ito ng makita siya doon at maging ang daddy niya ay ganoon din pero hindi ito ang kanyang pakay. “What brings you here?” “Gusto kong turuan mo ako ng pasikot-sikot sa mga batas, ate Qianna.” Dahil sa sinabi niya ay bumakas ang pagtataka sa mukha nito. “Hindi ba ayaw mong mag-law?” Tumango siya. “I am a mission and I need your specialites.” “Alam mo naman sigurong hindi ganoon kadali iyon hindi ba? It will take much of your time and you hate being restricted-.” “I have a lot of time, suspended ako sa work ko.” Tinitigan siya nitong mabuti. “Very well.” Wala pa rin itong facial expression. “Anong makukuha ko pagkatapos kitang turuan? At bakit sa akin at hindi kay daddy?” “I can’t trust daddy with the information I have right now, magagalit siya, at ayokong mangyari iyon.” “And you are trusting me?” “No, kaya nga ako ang gagawa nito. Gusto kong turuan mo ako at ako na ang bahala sa lahat. You can’t touch with this case unless I said so.” “That made me so curious.” Tumikhim siya. “Sasabihin ko rin naman sa iyo kung ano ang pinagkakaabalahan ko basta ang mahalaga ay may alam ako, mahirap ang hindi ka sigurado sa mga pinagagawa mo.” “You should have continued your law, Sahara.” Isang maliit na ngiti ang ibinigay niya sa kapatid. “Kapag nanalo ako sa laban na ito ate, ako na mismo ang pupunta sa university at tatapusin ko ang pag-aabogasya ko.” “What made you changed your mind?” curious na tanong nito. “I fell in love.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD