CHAPTER 7

3676 Words
Chapter Seven “KUNG hinahanap mo si Ulysses dito wala siya, hindi namin alam kung nasaan siya at ayaw niyang magpa-contact sa amin.” Iyon agad ang salubong ng magandang babae na nasa kanyang harapan. Actually, nakakapanliit ang ganda ng mga babaeng nakatingin sa kanya. Kilala niya ang isa sa mga ito, ito iyong kausap ni Ulysses sa beach noong nagbakasyon silang dalawa. Hindi niya alam na miyembro din pala ito ng sindikato. Sila iyong masasabi mong literal na beauty and brains, kahit na si Georgette na asawa ni Ashton na kababata niya ay sobrang ganda din. “Kayo talaga ang pinunta ko dito.” Nagtinginan ang apat sa kanya. Mula sa kanyang pag-iimbestiga ay nalaman niyang ang mga babaeng ito ay tinuturing na kapatid ni Ulysses. Hindi sila magka-ano-ano o ni isa sa kanila ay hindi magkadugo. They shared the same last name because they belong to the same code lines, ang alam niya sa code lines ay, iyong mga batang natagpuan o kaya ay na-recruit s***h nakidnap ng sindikato sa magkaparehang taon at buwan ay pare-pareho ng last name. Kaya silang lahat ay Andres ang apelyido. “And what brings you here? Totoo palang alam mo na ang tungkol sa amin?” nakatikwas ang tanong ng sa tingin niya ay nagtataglay ng may pinakaseryosong mukha. Base sa kanyang records, Keegan ang pangalan nito. She looks like a super model straight from the runaway eve with her ripped hanging shirt and ripped denim shorts. “Alam ko ang lahat ng may kinalaman kay Ulysses.” Walang paligoy-ligoy sa boses niya. There is no need for that, she’s here for one one thing and that is these girls approval. “Stalker much?” One of the ladies snickers, the one with the lightest complexion. She has this angelic face with her big brown expressive eyes, sasabihin din niyang ito ang pinakamaganda sa lahat ng mga kaharap niya. Although, they have different type of beauty, but Yvette stood up. She’s a bit bigger than the other girls, big bone, ika nila. Kung magiging lalaki siya ay ito ang magugustuhan niya. “So Ms. Stalker, what brngs you’re here?” ulit nito sa tanong ni Keegan kanina. Sydney and Clime just stare at her like she’s an alive specimen under the objectives of a electronic microscope. She took and deep breath and sigh heavily. “I am here to help.” Napapitlag ang apat. Inilabas niya ang folder na kanina pa niya hawak. “I am ex-spy s***h agent, I know how to handle guns and throw bombs.” “Aren’t you afraid to die?” Clime broke her silence. “Sino ba ang hindi? But I am willing to take the risk, I want to save him from the syndicate. I want to help you earn your freedom.” Nagkatingin ang apat sa sinabi niya. “Princess, I think your making the wrong decision here-.” “Walang desisyong mali kung marunong mong pangatawanan iyon.” Angil niya sa mga ito. Alam din niyang mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga ito na patulungin siya. “He had the same expression.” Malungkot na sabi niya sa mga ito. “Noong nalaman niya ang plano ko he told be to back out.” “Which was the right thing!” hindi nakatiis na bulalas ni Keegan. “You are a civilian for Pete’s sake. Of course ayaw niyang mapahamak ka, princess.” Mapang-uyam na nakapameywang na turan nito sa kanya. “Don’t call me princess, Keegan.” She narrowed her eyes at them. “Matagal ko ng tinapon ang titulong iyon.” “Once a princess, will always be a princess. Hubaran man ng korona ang prinsesa, prinsesa ka pa rin. That runs in the blood.” Tila wala lang na sabi ni Yvette. “And princesses are damsels in distress, they don’t do the saving. They need to be saved.” Pagak siyang tumawa sa sinabi nito. “Maybe I am different, maybe I am the princess. But not all princesses want to be saved by their prince at aminin natin o hindi, hindi si Ulysses ang ideal prince ng mga babae. Yes, he is handsome, smart, an ass, an arrogant bastard, cynical and stupid, he’s every woman’s desire. I don’t consider myself as a princess but a woman.” “You desire him.” GUlat na turo ni Yvette sa kanya na para bang may narinig itong kakaiba making her chuckle, their surprised reactions make her feel a little lighter than minutes ago. “I bedded him.” The ladies whistled. “Hindi ka nga prinsesa. Princesses are the epitome of prim and proper ladies, they don’t swear and they don’t used vulgar words.” She huffed. “Kung alam niyo lang, I was an epitome of prim and proper.” She almost shivered when she remembers her boring life before she decided to be agent. “Ulysses was a bad influence.” “And yet you are not condemning him.” “May dahilan ba?” tumawa siya. “I love him, I knew from the start that he was a member of this damn syndicate. Pero hindi ko magawang matakot o magalit sa kanya, dahan-dahan ang pagkahulog ko sa letseng lalaking iyon. Minahal ko siya dahil sa lahat ng lalaking nakita ko siya ang pinaka-honest, minahal ko siya dahil hindi niya ako tinuring na mahinang prinsesa, nirespeto niya ang kakayahan ko bilang babae. He treated me as his equal. He trusted me.” Kung napansin ng mga ito ang biglaang pagkawala ng buhay sa mga mata niya ay hindi na nagsalita ang mga ito. “Alam kong matigas lang ang bungo ni Ulysses pero he’s one of the sweetest person I knew. Mayabang siya pero marunong siyang making ng suhestiyon ng iba at hindi siya nagsisinungaling sa mga ipinagmamayabang niya. Nagustuhan ko rin ang pagiging brutal niyang magsalita, I just find him so cute. And he might look uncaring but he cares a lot, ayaw niyang ipakita iyon dahil ayaw niyang malaman ng mga tao ang weakness niyang iyon. He is sweet and caring.” “And you make him sound like a saint darling.” Tumawa si Keegan sa sinabi niya. “Don’t get me wrong Sahara pero iba ang kilalang Ulysses na kasama naming lumaki sa lalaking dine-describe mo. Parehong tao ba ang pinag-uusapan natin?” Alam niyang alam ng mga ito na tuna yang sinasabi niya kaya hindi siya nagpatinag. “I want to die.” “What?” sunod-sunod na bulalas ng apat na para bang mababaliw siya. “When he left me I wanted to die. Noong una sinabi kong hindi ako iiyak but damn it hurts, masakit lalo pa at alam kong hindi siya nagbibiro noong sabihin niyang tapos na sa amin ang lahat. But I picked up my shattered pieces and build my self together. Naisip ko, walang mangyayari kung iiyak ako, kung magtatago ako, kung magmumukmok ako at kung wala akong gagawin. If I love someone I need to fight for him kahit na hindi niya na ako tatanggapin sa buhay niya.” She gives them a small smile. “I learned it from my mother. She told me never to give up on love because love will never give up on me.” “You are fight for a man who wouldn’t fight for you or with you.” singit ni Clime. “Ang mahalaga ay sinubukan kong lumaban, matalo man ako sa laban hindi ako magsisisi. Right now, bumalik man o hindi si Ulysses, tutulungan ko kayo. Kahit na anong mangyari ay tutulungan ko kayo. I will give you all my resources, I will provide you with every I have. Ang gusto ko lang ay hayaan niyo akong tumulong. I might love Ulysses and I am doing this for him, before. But now, I am doing this to uphold my principles in life. I want this to be my last mission before I decided to be normal again. I want to help in my own little way when I know I have something I can give.” Tumayo siya at yumuko sa mga ito. “Please, allow me to help.” “Even if you die?” “I won’t die.” Ngumiti siya sa mga ito dahil sa tingin niya ay napapayag na niya ang mga ito. “I won’t die doing nothing.” --- “YOUR GIRL is fierce, no wonder you can’t leave her alone.” Tinapik siya ni Anderson sa balikat. Sumama ito sa kanya upang makausap ang mga kapatid niya sa sindikato pero nang marinig niya ang boses ni Sahara ay bigla siyang natigilan at nagtago sa labas. Dinig na dinig niya ang mga sinabi nito. “Shut up.” He hissed trying not to curl the side of his lips up. “And you look happy.” Tukso nito sa kanya. He just glared at him. “Ganyan na ganyan din ako noong nagliligawan pa kami ng asawa ko.” He sneered. “Hindi mo niligawan si Ainsley, Anderson. Ginamitan mo siya ng taktika.” Anderson proudly nodded his head. “And I am happily married.” Hindi niya maamin dito na minsan ay ginusto niyang sulutin si Ainsley dito. Hindi pa niya masyadong kilala si Sahara noong mga panahong iyon. Nagkita sila noong aksidenteng mapasok niya ang unit nito dahil nabaril siya ni Anderson sa balikat. Ginamot nito ang sugat niya at hindi nagtanong ng kung ano tungkol sa kanya, mabilis din siyang umalis. Noong sunod na nagkita sila ay nakasama niya ito sa isang misyon na may kinalaman sa Generation syndicate, noong unang sinugod at trinaydor niya ang grupo. Ilang beses din silang nag-angilan, ilang beses silang nag-away. But they have one thing in common and that is their wavelength. Kahit na hindi sila nag-uusap ay naiintindihan nila ang isa’t isa. And since then she became a part of his normal routine. Kapag hindi niya ito nakikita ng ilang linggo ay napapanaginipan na niya ito and most of the time ay pinagagalitan siya nito sa panaginip niya and he wakes up grinning from ear to ear. Iyon ang palatandaan niya na low battery na siya at kailangan na niyang mag-charge. Sahara is his human charger, his life force. But he can’t have her. There is no obvious choice for him. Unti-unti at hindi niya namamalayan ay parang virus itong kinakain ang buong Sistema niya. At hindi iyon pwedeng mangyari, may isang goal siya at iyon ay mabuwag ang sindikato. His plan was slow and unmoving, but it was working. Ilang taon na rin ang nakakaraan simula noong simulan nila ni Anderson ang plano niya. That first attack was for a show, maraming nasaktan, tinanggihan siya ng kasama niya pero nagpumilit siya. It was all planned. Iisipin ng mga big bosses ng sindikato na iyon na ang pinakamalakas na atake meron ang mga pulis pero nagkakamali sila. Isang malaking dome ang kailangan nilang patumbahin at hindi ang pagwasak sa buong dome ang plano nila. Gumawa lang sila ng isang maliit na bitak sa domang iyon. Small attacks, directing the small sectors that serves as the foundation of the syndicate. Hindi niya sinabi sa mga kinikilalang kapatid ang plano niyang iyon dahil ayaw niyang mapahamak ang mga ito. Tama si Sahara, he looks like uncaring but he cares. Kahit gaano pa katalino ng isang tao, kung may mas matalino sa kanya ay talo pa rin siya. “She’s gone.” Panic attacked her insides when he saw her leaving. Gusto niya itong sundan pero napigilan niya ang sarili. Gusto niyang kamayan ang sarili dahil nagawa niyang kontrolin ang kanyang emosyon. “Follow?” “May mas importanteng bagay na kailangang gawin at tapusin Anderson.” Angil niya dito. His eyes were following her, she seems to be too ambiguous of her surrounding she can’t even feel him around. He gritted his teeth, kaya ba nitong protektahan ang sarili laban sa mga taong babanggain nito? “Baka pagsisihan mo iyan Ulysses. I think mas tamang kausapin at klaruhin mo muna ang lahat sa kanya bago ka sumabak sa laban-.” He snarled at him. “Don’t tell me what to do.” Anderson raised her palms as if he’s surrendering. “Take it from me Ulysses. Nangyari na sa akin ito dati, hindi ko kinausap ng maayos si Ainsley.” Naalala niya ang sinabi nito. “And when I tried to reach her she became unreachable, and I almost lost her.” “You still have her.” “Good thing I still have her, but if I were a second late, malamang wala akong asawa at anak ngayon.” “Wala akong panahon mag-asawa.” Iyon ang sabi niya pero pakiramdam niya ay nagsisinungaling siya sa kanyang sarili. Right, he’s lying, dahil ilang beses na rin niyang hiniling na sana ay magising siya araw-araw na ito ang nakikita. But she’s just too good for him. Impossibleng makuha niya si Sahara lalo na kapag nalaman ng buong pamilya nito kung ano siya. Sa kulungan ang bagsak niya maliban nalang kung lasunin niya ang buong pamilya nito na impossobling mangyari dahil hindi niya iyon kayang gawin. “Bahala ka, basta huwag kang lalapit sa akin isang araw na nagmamakaaawang tulungan ka para lang kay Sahara. I won’t lend a hand and won’t protect you anymore. Tandaan mo hindi ka nakakulong dahil asset ka ng mga pulis pero kapag may nilabag kang isang rule alam mo na ang kahihinatnan mo.” “Right.” he is still insane not to do anything against these police officials. “Let’s go back to business.” Umalis sila sa pagtatago nila. “Ayaw nila akong kausapin dahil alam nilang ayokong sumali sa plano nila. Ikaw ang kumausap sa kanila, makipagtulungan ka sa mga kapatid ko. Ito na siguro ang tamang oras para gawin ang plan C, lagyan natin ng malaking butas ang Generation Syndicate. Those girls are better than the entire Philippine navy, they might look fragile and weak but they are more than what you can ask for. Sa tulong ni Sahara--.” Natigilan siya. Talaga bang isasali niya si Sahara sa plano? Dahil iyon ang gusto nito at naniniwala siyang malaki ang maitutulong nito. “Pwede nating magamit ang lahat ng mga resources na meron siya, she offered for it. Basta huwag na huwag mo siyang palapitin sa compound, naiintindihan mo ba?” matalas ang mga matang utos niya dito. “I don’t take orders-.” “Huwag na huwag mong pasamahin si Sahara sa kanila, she might be equipped but she lacks the training. Naniniwala ako sa kakayahan niya pero--.” “Pero ayaw mong mapahamak siya.” The guy can read him. “May pamilya siya.” Dahilan niya. “Huwag na huwag kang papalpak, dahil kapag may nangyaring masama sa mga kapatid ko sisiguraduhin kong lalabas ang lahat ng baho ang buong sandatahang lakas ng Pilipinas.” He threatened and wasn’t joking. May access siya sa main server ng mga ito, hindi mahirap sa kanyang i-decode iyon. “Basta siguraduhin mo lang na magagawa mo ang misyon mo sa Cambodia.” “I won’t.” he said with conviction. Nasa Cambodia ang main head quarters ng Generation Syndicate. Nalaman niya iyon sa ilang buwang pagmamatyag niya. Nandoon ang satellite control ng CAMEL Mission na satellite na pagmamay-ari ng buong sindikato. Dahil sa satellite na iyon kaya kahit saan magpunta ang mga numbered child ay nasusundan at nasusundan sila. They have chipped planted on their body. Napahawak siya sa braso niyang may peklat ng numbero niya. Lahat ng batang tumuntong sa edad na labing-dalawa ay dumadaan sa isang seremonya o initiation. Papasuin ang balikat ng nagbabagong metal na may tatak ng numero nila, ididikit sa balat nila ang isang microtransmitter chip. May kakayahan ang chip na iyon na hanapin at malaman ang lokasyon nila. Kaya wala ni isang nagtangkang tumakas sa sindikato dahil nahuhuli at mas lalong nahihirapan lang. Kapag nasira niya iyon ay pwede ng makatakas ang mga ‘numbered child’ at hindi na sila matutunton. Pwede din nilang inumin ang bagong gawang melting serum upang mawala ang chip. Hindi pwedeng inumin ang melting serum at tanggalin ang chip habang naka-on pa ang satellite dahil malalaman pa rin ng mga big boss nila dahil mawawala ito sa tracker. Kapag nag-eestay sa isang lugar ang tracker ay agad na pinapahanap lalo na kung unmoving ito. Kapag may pulso pa ang miyembro ay nagbiblink ng kulay pula at transmitter na makikita sa screen pero kapag patay na ay kulay asul naman. Hindi basta-basta ang mga programmer ng generation, they are the brains of the brains. Kaya kailangan niyang sirain iyon, painumin ng melting serum ang mga miyembro, at sirain ang main server ng mga ito. And they need a decoy para makapagfocus siya sa gagawin niya. And them, attacking would be a good façade for them. It runs according to plan. His plan. And hopefully it works this time. Kung hindi man nila tuluyang masugpo ang sindikato at least makagawa sila ng mas malaking butas. Hindi siya titigil hangga’t hindi sila makawala at isa lang ang ibig sabihin ng bagay na iyon, wala siyang karapatang magmahal at lumagay sa tahimik dahil ilalagay lang niya sa kapahamakan ang magiging pamilya niya. --- “WHY can’t I go?” inis na pakli niya kay Anderson na kulang nalang ay itali siya sa loob ng campo na kinaroroonan nila ngayon. “Nandoon sina Keegan at Yvette sa compound.” Kanina pa niya ito kinukulit at wala siyang pakialam kung makulitan man ito sa kanya. Nasa harap nila ang iba’t ibang communication device, ang mga trackers, ang malalaking screen at kung anu-ano pang nakakonekta sa mga babaeng naging malapit na sa kanya nitong mga nakaraang araw dahil sa pagpaplano nila. “They have accessed.” “I can also go-.” Mukhang nainis na si Hendrix Anderson at tinanggal ang headset nitong nasa teynga at humarap sa kanya. “You don’t have access Sahara. Makakapasok sina Keegan at Yvette doon dahil miyembro sila ng sindikato. Hindi sila mapaghihinalaan unlike you, they don’t know you. Hindi ka makakatulong sa kanila, makakabigat ka lang.” Napakibot ang labi niya dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, pero totoo naman iyon lahat. Wala siyang maitutulong doon, hindi nga siguro siya makakapasok dahil sa tindi ng security system ng compound. Matigas ang ulo niya pero marunong din naman siyang tumanggap ng pagkakamali. Sibilyan pa rin siya at ayaw ng mga itong madamay siya sa anumang gulo. Walang alam ang pamilya niya sa kanyang ginagawa, right now, her sister is doing everything she can for her. Alam din niyang masyadong malaki ang pabor na hinihingi niya dito at kailangan niyang bayaran ito kapag tapos na ang lahat. At ang pinakiusap niya sa kapatid niya… naalala niya si Ulysses. Namimiss na niya ito. Pakiramdam niya ay may malaking butas sa puso niya na ito lang ang makakapagpuno. “Alam mo ba kung nasaan si Ulysses?” mahinang tanong niya sa lalaki. “Matagal na akong walang balita sa kanya.” Sinulyapan niya si Anderson, walang emosyon ang mukha nito. He was hiding something from her and he is hiding Ulysses from her. “Is he safe?” “I don’t know-.” “Is he safe? Is he well? Is he eating on the right time?” “I don’t really know.” “Will I see him again?” nag-init ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen. “Kapag nagkita kayo pwedeng magpasabi ng message.” She tried lifting her emotions. “Hindi ko alam kung magkikita pa kami.” “Kapag nagkataon at nagkrus ang landas niyong dalawa pakisabi naman sa kanya, na hindi ako galit, na namimiss ko na siya, na mahal ko siya.” “Bakit hindi mo iyon sabihin sa kanya?” tila nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. “I doubt it, the universe is conspiring us not to meet again. Para kaming soulmate na hindi magkita-kita. Maybe because there’s one big force pulling us together. Theory ko lang naman iyon.” “Force? Anong force?” “Mali ka, dapat ang tanong mo, sinong force.” Kumunot ang noo nito. “Your family? The syndicate?” Umiling siya sa sinagot nito na parang tanong lang rin. “Him. He is the force that preventing us to happen, Anderson.” She tried to playfully punch him on his shoulder. “Babae din ang asawa mo kaya alam mo kung paano masaktan ang isang babae. I am hurting right now Anderson but I am trying my best not to weaken my system. At alam kung minsan ay nagulo ko rin ang love life mo pero sana nakalimutan mo na iyon at pwede mo akong matulungan. Sasabihin mo lang naman iyon sa kanya, iyon lang.” Malakas itong napabuntong-hininga at napapailing, pero may nakakatawang reaksyon ang mukha nito. “Say Sahara, kapag hindi na talaga nagpakita si Ulysses sa iyo ano ang gagawin mo?” Ulysses, are you listening? She’s actually hoping that Anderson’s signals are true. “Magpapakasal ka ba sa iba? Magkakapamilya?” “Yes, I’ll move on.” Nailing nalang siya sa ginawa ng kausap niya. “I’ll marry someone, I will fall in love with that someone, magkakaanak kami at ang panganay namin ipapagalan ko kay Ulysses. O, magpapatayo ako ng sarili kong detective agency, kukuha ako nga kaso outside of the country at hindi na ako uuwi dito sa Pilipinas upang hindi ko na siya maalala pa. Sisiguraduhin kong hindi ako mahahanap kahit ng pamilya ko o kahit na sino hangga’t hindi ako magsisixty years old.” “Damn!” narinig niyang mahinang napamura si Anderson habang nakahawak sa teynga nito at malakas na tumatawa. Malungkot na tumawa din siya. Narinig mo ba iyon Ulysses, sisiguraduhin kong magsisisi ka dahil hindi mo ako ipinaglaban. Pahihirapan kita ng husto at sisiguraduhin kong iiyak ka ng balde-balde para lang makausap ako. Sisiguraduhin kong hindi ka makakatulog sa pag-iisip sa akin. At hindi ka makakapag-isip ng matino mahawakan lang ako. You’ll be crazy for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD