CHAPTER 8

3317 Words
Chapter Eight “ANONG nangyari?” tiningnan ni Sahara ang mga screen na nakakabit sa dingding ng opisina ni Hendrix. “Bakit may sumabog?” kinakabahan niyang tanong. Kanina lang ay nawalan sila ng komunikasyon kay Keegan at Yvette at sa isang iglap lang ay may malakas na pagsabog silang narinig. “Sumabog ang gitnang bahagi ng compound.” Tiningnan nilang mabuti ang nasa screen. Ang mga pulis na nakaantabay ay binigyan na rin ng instruction ni Hendrix na pumasok ng sapilitan. “Pumasok ng compound si Sydney at si Clime.” “What?” dapat ay back-up lang ang dalawa pero talagang matigas ang ulo at pumasok pa rin. May sasabihin pa si Hendrix ng may marinig na naman silang malakas na pagsabog. Na kahit silang nakakapanood at nakikinig ay hindi makapaniwala sa nangyari. “They need to be save Hendrix.” Ani niya. Parang tinakasan siya ng hangin at hindi pwedeng wala siyang gawin. She is safe here while those girls risk their lives. Nakiplano siya sa mga ito kaya hindi pwedeng tumayo lang siya doon at walang gagawin. Kailangan na may gawin siya for goodness sake! “Saan ka pupunta?” habol ni Hendrix sa kanya. “Kailangan may gawin ako Hendrix. Hindi ako pwedeng nakatayo lang dito ng walang ginagawa.” “Hindi ka pwedeng lumabas, sibilyan ka pa rin Sahara.” “Sibilyan din ang mga taong nasa loob ng compound Anderson.” Nakataas ang boses niya. “At mga kaibigan ko sila.” Mga kapatid sila ni Ulysses kahit na hindi sa dugo. Itinuring na pamilya ni Ulysses ang mga babaeng iyon. “Wala ka rin namang magagawa sa nangyari, let’s wait until everything is cleared.” “Don’t expect me to stand here doing nothing. I need to save them.” Wala siyang pakialam sa sasabihin nito. Matigas na kung matigas ang ulo niya pero gagawin niya ang sa tingin niya ay tama at iyon ay iligtas ang mga naging kaibigan niya. Kasama dapat siya sa may ginagawa dahil kasama siya sa nagplano. Pero mukhang hindi siya hahayaan ng mga itong makaalis dahil may dalawang pulis na humarang sa kanya bago pa man siya makalabas ng opisina. “Palabasin niyo ako o kakasuhan ko kayo ng illegal detention.” Panghahamon pa niya. “Don’t let her pass malalagot tayong lahat kapag may nangyaring masama sa kanya.” Narinig niyang utos ni Hendrix sa mga tauhan nito. At dahil likas na matigas ang kanyang ulo kaya pinilit pa rin niyang makalampas, may kung anong sinenyas si Hendrix at may naramdaman siyang kaunting kirot sa braso niya. Only to find out that they injected her sedatives. “Crap.” Ang namutawi sa kanyang labi. Hindi siya tanga upang hindi malaman na wala na siyang pwedeng matakbuhan. These damn policemen sedate her. --- “CRAP.” Usal niya habang nilalagyan ng gasa ang galos niya ng tamaan siya ng bala ng baril ng isa sa mga expert snipers na nagsisilbing security guard ng pinasok niyang main headquarters ng Generation Syndicate. Hindi pa niya nagawang ideactivate ang satellite, kailangan pa niyang ilipat ang mga data na mula sa main computer server ng mga ito. At hindi pa one hundred percent ang pagtransfer ng napakaraming files. He needs more time, a little more time. Nawalan na rin siya ng contact kay Hendrix dahil nasira ang communication device niya kasabay ng pagpapaputok ng mga snipers sa kanya. Pwede niya iyong ayusin pero kailangan niya ng oras. Bakit ba pinagkakaisahan siya ng oras ngayon. “Find the culprit!” sigaw marahail ng pinakahead ng mga ito. Maigi siyang nakapagtago sa likod ng main computer server. Alam niyang hindi magtatangka ang mga itong pumunta doon dahil kapag nagkamali ang mga ito ng kahit isang putok lang siguradong malilintikan silang lahat sa big boss. Cluck. He smirks when he finally heard the sound he’s waiting for. Kinuha niya ang microbug na nagsisilbing external storage device. Itinago niya ito sa pinakaligtas na lugar sa kanyang katawan. Hindi iyon madedetect ng kahit na anumang metal detector dahil hindi iyon gawa sa metal. Kinuha niya mula sa bulsa ang isa pang microbug, kapag nalipat naman ang files mula sa microbug na may lamang virus at malwares sa main server siguradong walang magagawa ang heads ng generation syndicate kundi sirain ang satellite mismo. Iyon ang pinakamabisang paraan dahil oras na tuluyang malipat ang mga virus ay automatic na madedeactivate ang chip na nasa kanilang katawan. Ang dahilan kung bakit hindi siya matunton ng mga ito ay dahil may itinanim siyang isa pang device na katulad ng sa kanya sa isang tao. Hindi talaga itinanim pero sinigurado niyang malilito ang mga ito. Dahil hindi lang iisa kundi marami. Sinigurado din niya na may chip replicate sina Keegan at ang mga kapatid niya. ERROR! ERROR! ERROR! ERROR! ERROR! SYSTEM ERROR! SYSTEM ERROR! PLEASE REBOOT! PLEASE REBOOT! Iyon ang paulit-ulit na sigaw ng automatic error detector. Nasa kalahati na ang virus na natransfer ng bug at sa pagkakataong ito ay kailangan na niyang makaalis. Hindi siya nandito dahil makikipagpatayan siya. As much as possible ay umiiwas siyang gumamit ng baril dahil may isang taong nakapagsabi sa kanya na kung hindi kailangang pumatay at kung may paraan na hindi pumatay ay dapat iyon ang gamitin niya. Hindi siya ganito dati, kahit na wala pang ginagawa sa kanya kapag alam niyang may masamang plano laban sa kanya ay hindi na siya magdadalawag isip na unahan ito. Narinig niya ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid niya, halos lahat sila ay sa main computer nakatingin. Hindi malalaman ng mga ito ang tunay na dahilan kung bakit napasukan ng virus ang server, walang IP address na madedetect dahil sa mismong server nila nanggaling iyon. Kahit hindi one hundred percent ang pagsasalin ng virus mula sa microbug ay sira na ang lahat ng files ng mga ito. May copy pa siya but he will keep it until his death. Kailangan nalang niyang masira ang buong IT room at ang buong headquarters para wala ng ebidensya. SInigurado din niyang walang ibang files na naka-saved sa ibang hardware. Ang pinakaunang rule ng mga ito, walang pwedeng magsave ng information. Kung gusto mong ma-store iyon gamitin mo ang utak mo. They have brains that can store information as much as the biggest external hardware man can create. But they are not perfect, may limitasyon din sila. At alam niyang kung may nakakaalam man sa mga files ay magagawan na nila ng paraan iyon. He pressed a triggered button on his phone and everyone seems to be in panic. “There’s a traitor inside.” Sigaw ng mga ito. “A bomb is planted somewhere, our bomb detector detected it.” “But where?” of course, walang makaalam kung saan iyon dahil sinigurado niyang hindi maghihinala ang mga ito. YOU HAVE THREE MINUTES TO EVACUATE THE ENTIRE PREMISE! YOU HAVE THREE MINUTES TO EVACUATE THE ENTIRE PREMISE! YOU HAVE THREE MINUTES TO EVACUATE THE ENTIRE PREMISE! At katulad ng mga taong nandoon ay tila nawalan na sila ng pakialam sa nangyari sa computer system dahil mabilis pa sa kidlat na tumakbo din siya. Hinubad niya ang kanyang suot na bonnet at isinuot ang white overall na suot ng mga nagtatrabaho doon. Confident siyang halos hindi magkakilala ang mga tao sa buong paligid niya. They are working that way, kung may trabaho sila iyon ang pinagtutuunan nila ng pansin. Wala silang pakialam sa isa’t isa, sa halip tinutulungan pa nila ang isa’t isa na hilahin pababa. That’s their life as a numbered child, survival of the fittest. “Hey, we need to evacuate the compound as fast as we can. There’s a bomb planted here.” Tawag pansin ng isa sa kanya. “Where was it planted? Do we need to deactivate the bomb?” “I think that’s impossible for now. We only have more or less two minutes to leave the place.” It was actually a lie, hindi three minutes ang totoong oras ng pagsabog but five minutes. SInigurado niyang may sapat na oras upang makatakas ang mga nasa loob pero wala ng oras para madeactivate at mahanap ang bomba. But there’s a little surprise about that bomb he planted though. ONE MINUTE…. FIFTY SECONDS… THIRTY SECONDS… Kanya-kanya ng takbo ang mga ito at siya ay nakaalis na rin, malayo na siya sa compound. Hinanap niya ang bike niyang nakaparada at pinaandar. Kailangan niyang makaalis bago pa maisip ng mga ito na iba ang pakay niya doon. Nakapagtago pa siya upang hubarin ang over-all niya at itinago sa loob ng compartment ng kanyang bike. Hindi niya pwedeng itapon iyon sa kung saan dahil baka mahanap siya ng mga ito. He connected the communication device and a loud sound follows next. Napangisi lang siya, ngayong sira na ang main server nila, wala ng paraan para mahanap pa sila ng mga big bosses nila. Wala ng hold ang mga ito sa kanila, kahit na umalis sila sa sindikato ay walang patunay na miyembro sila. Sira na ang mga files at ang kailangan nalang masira ay ang taong nasa likod ng lahat ng ito… ang totoong ulo ng sindikato. “…yo… re… ss?” Inayos niya ang device. “Ulysses speaking.” “Finally, what happened to you?” may halong galit ang boses ni Hendrix. “Ilang araw ka naming hindi ma-contact.” “I need time.” iyon naman ang totoo, he really needs enough time. “Mission accomplished.” Ipinarada niya ang bike sa isang malawak na field kung saan nakaparada ang helicopter na ipinahiram sa kanya ng mga kapulisan upang makapuslit sa Cambodia. “Very good.” “How about them?” Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa ni Hendrix at may palagay siyang may hindi magandang nangyari sa mga kapatid niya. “Crap Anderson don’t tell me-.” “They are safe for now.” “What do you mean by safe for now?” inis na pakli niya. Inilagay niya ang isang maliit na microbug chip sa bike at ini-on ang remote na connected sa bombang nakalagay sa maliit na chip na iyon. After a few more seconds ay sumabog na ang bike at wala na rin ang microbug. “Nasira ang buong GS Compound dahil sa mga pagsabog pero muntik ng madamay ang mga kapatid mo.” “What the hell happened?” mabilis siyang sumampa sa helicopter at isinuot ang headset pero connected pa rin siya kay Hendrix. Kinalabit niya ang mga control hanggang sa unti-unting nabuhay ang bagay na iyon. “Don’t worry they are still alive but their lives won’t be as normal as before.” “Tell me.” “Ang mabuti pa ay umuwi ka muna.” “Crap you.” “And your words remind me of that little kitten we need to sedate for days.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “And no, we didn’t hurt her. We made sure she’s safe.” May itatanong pa sana siya pero pinatayan na siya ng gago ng telepono. Kailangan na nga niyang umuwi. --- “WOW.” Sambit ni Hendrix ng makita ang maliit na private island niya, doon niya dinala ang mga kapatid niyang may malaking pinsala dahil sa pagsabog. “You are filthy rich.” “Your wife’s family is filthy rich too.” Batid niya iyon. “Sa pamilya iyon ng asawa ko and as much as possible ayokong ma-associate sa yaman ng asawa ko.” isa iyon sa nagustuhan niya dito. Mayaman ang asawa nito pero hindi ito natakot na mahalin si Ainsley. Iba naman kasi ito, Hendrix holds a very noble profession while he doesn’t. Maliban sa talino niya ay wala siyang pwedeng maipagmalaki sa pamilya ng babaeng gusto niya. Ilang beses na ba niyang nakitang pabalik-balik ng hospital ang dalaga at nauuwi siya sa pagtatago. Takot? Siguro, natatakot siya. Natatakot siya sa pwedeng sabihin at gawin nito sa kanya. At sa malamang hindi nito alam kung nasaan siya. Hindi rin ito ang tamang oras para harapin niya ang dalaga may kailangan pa siyang gawin. Marami pa siyang kailangang gawin at iyon ay ayusin muna ang kanyang buhay at ang buhay ng mga kapatid niya. “Bakit dito mo dinala ang mga kapatid mo? Mas maaalagaan sila ng maayos sa hospital.” “I don’t trust that hospital.” Tumawa ito sa kanyang sinabi. “Palagi ka namang hindi nagtitiwala anong bago doon.” “We have private doctors and private nurses here, mas maaalagaan ng mga ito sina Keegan, Yvette, Sydney at Climentene keysa sa hospital na sinasabi mo. At ayoko rin na dumating ang point na malaman ng media na kasali sila sa nakaligtas sa pagsabog ng compound.” “They will never know, ang alam ng lahat ay nakaligtas sila sa isang malaking banggaan. We’ve already set it up kaya wala ng problema.” “I still don’t trust them.” Napabuntong-hininga si Hendrix, kasama nito ang ilang mga pulis na nagsilbing convoy nila. “Ano ngayon ang gagawin mo? Tuluyan ng nabuwag ang sindikato.” “Hindi pa.” Kumunot ang noo ni Hendrix. “What do you mean?” “Hindi ganoon kabobo ang Generation Syndicate para ganoon-ganoon nalang nating mapasuko ang mga ito. Nasira natin ang pakpak at ang katawan pero hindi pa natin tuluyang nasira ang utak at iyon ang kailangan nating sirain.” “Pero ang big boss na nasali sa pagsabog, hindi ba siya ang head?” Umiling siya. “Siya ang dating boss, kapag tuluyan ng tumanda ang big boss ng GS ay papalitan na ito. At sa kasamaang palad, huli ko ng nalaman na may abrupt transition of powers na nangyari kaya hindi ko nalaman kung sino ang bagong head ng GS.” “Who could that be?” “I don’t know yet.” Siya naman ang napabuntong-hininga. “Ang sigurado ako ngayon ay hindi siya makakagalaw dahil kulang siya ng tao. Halos lahat ng miyembro ay na-inform na sa pagkasira ng satellite at walang silbe ang microchip na nakatanim sa katawan namin. We are safe now, temporarily, sapat na iyon upang mahanap ang bagong big boss. Kailangan kong ireview ang files na nakuha ko.” “About the files, I need them. Come on Ulysses, you know you can trust me.” “I know but I don’t trust your people. Huwag muna ngayon Hendrix, kapag nalaman nilang nasa iyo ang chip sigurado akong malalagay sa delikado ang buhay mo at ng pamilya mo. Hayaan mo munang sa akin iyon, I am going to destroy it.” “Paano kung may makaalam at ikaw ang mapahamak?” “Tayong dalawa lang ang may alam ng tungkol sa chip, at kung mapahamak man ako sigurado akong ikaw ang dahilan.” “Fine.” Pagsuko nito sa kanya. “By the way nagkausap na ba kayo?” “Who?” “Sahara.” Hindi siya sumagot. “Ilang beses mo na siyang nakita sa hospital pero hindi ka man lang nag-abalang magpakita sa kanya. Don’t tell me nabahag ang buntot ng isang Ulysses Andres.” “Don’t you dare Anderson.” Banta niya dito. Tumawa lang ito. “Bilib na bilib ako sa control ni Sahara upang hindi ka sugurin.” Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “Matagal na niyang alam na nasa hospital ka, malakas talaga ang pakiramdam ng babaeng iyon. At sa halip na puntahan ka ang sabi lang niya, hindi na kailangan, take your time. Alam niyang hindi mo na siya lalapitan pa at masaya siyang malaman na buhay at ligtas ka.” “Hindi sa ayaw ko siyang lapitan kaya lang---.” “Gising na sila Ulysses!” tawag sa kanya ng isang doktor na tumitingin sa mga pasyente nila. Hindi na niya natuloy ang sasabihin, he still have time. Marami pa siyang oras upang makausap si Sahara. --- “SALAMAT ate.” Napangiti siya ng sa wakas ay nakuha na niya ang pinapagawa niya sa kanyang kapatid. “Nagresign ka na ba sa agency?” Tumango siya. “Yeah.” Nakita niya ang saya sa mukha nito kahit hindi ito nakangiti. It runs in the family, mana lang siguro sa daddy nila ang facial expression ng kanyang kapatid. “Kailan ka magpapa-enrol?” “Sa susunod na pasukan.” “Ang gusto ni daddy ay pumasok ka dito habag nag-aaral ka para alam mo ang pasikot-sikot ng firm.” Tumango uli siya at saka binuksan ang folder. Kompleto ang lahat ng dokumento na nandoon. “I will.” “May sakit ka ba Sahara?” nag-aalalang tanong ni Qianna sa kanya. “Mukhang lalagnatin yata ako, dala siguro ito ng stress,” matagal na niyang dinaramdam ang hindi magandang pakiramdam na iyon. Nagsimula iyon ng pumunta siya sa sumabog na compound. Tiningnan niya kung makikita ba niya doon si Ulysses pero wala ito doon. Pero nakita niya ito sa hospital at sa totoo lang ay nasaktan siya sa ginawa nitong pag-iwas sa kanya. Naiintindihan din naman niya ito dahil alam kasi niyang ayaw na nga siya nitong makita. Hindi niya ito pwedeng dagdagan ng stress lalo pa at nasa hospital ang mga kapatid nito at may kanya-kanyang pinsalang natamo dahil sa pagsabog. “’Yong lover mo.” “Hmn.” “Nalaman ni daddy kung sino si Ulysses Andres, matagal na pala niyang pinaiimbestigahan ang lalaki.” Biglang sumikdo ang dibdib niya. “Alam mo naman si daddy masyadong sigurista kaya nagresearch siya about him and guess what.” “I don’t want to listen.” “He hated that guy to the core.” Nakangiti ang kapatid niya pero alam niyang may hindi maganda sa ngiti nito. “Huwag na huwag mo raw siyang lalapitan at kapag nagpumilit ka pa ay bibigyan ka niya ng bodyguard.” Sabi na nga ba. “He doesn’t like that guy for you. At kahit buntis ka sa lalaking iyon ay hinding-hindi tatanggapin ni dad si Ulysses mo, papalakihin natin ang baby niyo pero Lucas ang gagamitin niyang family name. At mas masaya daw kung lalaki ang anak mo.” “Hindi ako buntis ate.” Inis na pakli niya. “Masama ang pakiramdam mo baka naglilihi ka.” Umiling siya dahil walang nangyari sa kanila ni Ulysses at nagkaroon pa siya ng monthly period noong huli silang magkita. “I am sure hindi ako buntis at sabihin mo kay daddy na hindi na uli kami magkikita ni Ulysses dahil inayawan na niya ako.” Kumunot ang noo ni Qianna. “Anong sabi mo? Hindi ikaw ang umayaw sa kanya?” mas matigas pa ang boses nito ngayon. Ngayon lang uli sila naging close ng kapatid niya. “Hindi pwede iyon! Hindi pwede! Wala sa lahi natin ang inaayawan.” She laughed at her sister. “Inayawan ni daddy si mommy dati remember.” “Baliw si daddy ng mga panahon na iyon at hindi baliw si Ulysses para ayawan ka niya. Or maybe he really is crazy. Malalaman ni mommy ito.” Nasapo niya ang kanyang ulo dahil tuluyan ng sumakit ang kanyang ulo. “Are you really okay?” linapitan siya ng kapatid. “Ate, kapag nakita mo si Ulysses ikaw na ang magbigay nito sa kanya. Alam kong hindi niya ako haharapin.” “Sahara your nose is bleeding.” Hinawakan niya ang ilong niya at totoong dumudugo nga iyon. “Dadalhin kita sa hospital, damn it! I can’t carry you.” nanlalabo na ang kanyang mga mata at tila nahihirapan na siyang huminga. Hinawakan niya ang sleeve ng suot ng kapatid niya pero tila hindi na rin niya maramdaman ang kanyang sariling katawan. “Sahara, huwag kang ganyan hindi bagay sa iyo.” She opened her lips but she can no longer say anything, hanggang sa tuluyan ng kinain ng dilim ang kanyang paningin. “Ulysses…” biglang nakita niya sa dilim ang mukha ng lalaking mahal niya. Gusto niya itong makita pero paano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD