Chapter Nine
PAIN…
Kahit saan niya ibaling ang kanyang pansin ay tanging sakit lang ang kanyang nararamdaman at hindi niya alam kung saang bahagi ng kanyang katawan iyon. It’s too painful.
“Anong hindi niyo alam kung ano ang sakit ng anak ko?”
Dad? Daddy? Boses iyon ng daddy niya. Sino ang may sakit? May narinig siyang malakas na iyak at kilala niya ang may-ari ng hikbing iyon. Ang mommy niya.
“Her vital signs are dropping Mr. Lucas, she won’t make it.” Series of loud curses was heard every where. And she didn’t know her father can utter such colorful words.
“Call your best doctors, hindi ako papayag na may mangyayaring masama sa anak ko.”
“But Sir, tanging ang oxygen support nalang ang tanging bumubuhay sa kanya. May kaunting brain functions pa ang anak niyo pero hindi na gumagana ang respiratory system niya.”
“She’s still breathing, please save her.” Iyak ng kanyang mommy.
“Do your best or I’ll sue you.” banta iyon ng kanyang daddy.
Gusto niyang gumalaw pero hindi niya magawa, she can barely open her eyes and lift a finger. Gusto lang niyang matulog at magpahinga, pagod na pagod na siya. Hinayaan niya ang kanyang sariling magpakain sa madilim na bahagi ng kanyang kinalalagyan. Narinig niya ang kaluskos at ang ingay sa buong paligid pero hindi niya iyon pinakawalan.
---
“HANGGANG ngayon ay hindi ka pa rin bumabalik sa Pilipinas, Ulysses. May balak ka bang diyan na manirahan sa Malaysia?” boses iyon ni Hendrix. Nasa Malaysia siya dahil may inaayos pa siyang iilang bagay, pagkatapos magising at umayos ang lagay ng mga kapatid niya ay iniwan niya pansamantala ang mga ito.
“Uuwi din ako.”
“Dapat lang, sana naman ay naayos mo na ang dapat mong ayusin.”
“I did.” Ibinalik niya sa attache case ang mga files na kailangan niya. His main business ventures weren’t located in the Philippines. Dito sa Malaysia niya unang itinayo ang kanyang security agency at dahil gusto niya ng magbagong buhay ay kailangan niyang ibenta ang isang iyon. He doesn’t need it.
“You are taking your time.”
“I need time and I have a lot of time.” inis na piksi niya dito. “Ang pinapagawa ko?”
“I don’t have any information actually.”
“What?”
“Mas tamang hindi ko mahanap si Sahara, nandito ang buong pamilya niya sa Pilipinas. Nakausap ko na si Qianna ang kanyang ate. Si Sahara lang ang wala.”
“Saan siya nagpunta?”
“Ang sabi lang nila ay nagbabakasyon at sa tingin ko ay iyon nga ang ginawa niya. Alam mo naman si Sahara masyado siyang padalos-dalos at kung ano ang unang pumasok sa isip niya ay iyon agad ang gagawin niya. Hayaan mo muna siyang magbakasyon at hanapin ang sarili niya.”
Sumang-ayon siya sa sinabi nito pero may bahagi ng kanyang isip na hindi mapalagay lalo pa at ilang gabi na rin niyang napapanaginipan ang dalaga. She’s calling his name and asking his help. Pero kung okay naman ang pamilya nito malamang ay nagbabakasyon nga ito sa kung saan.
“Ako na ang maghahanap sa kanya, we have all the time in the world.”
“Ikaw ang bahala, puntahan mo ako sa opisina ko kapag nakarating ka na.”
“I will.” And he cut off the conversation.
Binuksan niya ang telebisyon at binuksan iyon sa isang Filipino channel na kasalukuyan na nagbabalita.
“Isang hindi matukoy na sakit ang lumalaganap ngayon sa bansa. Ayon sa department of health, hindi nila malaman kung saan nanggaling ang naturang viral infection na pinangalanan nilang Virus017. May dalawang kompirmadong tinamaan ng virus na ito at kasalukuyang tinitingnan ng mga espesyalista sa buong bansa. Ang mga simtomas ng naturang sakit---.”
Hindi na niya ipinagpatuloy ang panonood sa naturang balita dahil may tumatawag sa kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag dahil galing iyon kay Maurice, ang kapatid ng dating asawa ni Keegan. Sinagot niya ang tawag dahil alam niyang importante ang kung ano ang sasabihin nito.
---
DAPAT ba siyang kabahan? Dapat lang, dapat noon niya ito ginawa pero hindi siya nagkalakas ng loob. He is clean now, wala na siyang dapat ikahiya sa buhay niya. Itinigil na niya ang mga illegal transactions niya and he is starting a new.
“Good morning, pwede bang makausap si Mr. Rechmond Lucas?” bungad niya sa may-edad na kasambahay na bumukas ng pintuan para sa kanya.
“Sino ho sila?”
“Ulysses. Ulysses Andres.”
“Tatawagin ko muna si attorney at si madam, pwede bang dito ka muna maghintay?” naiintindihan niya kung bakit hindi siya agad pinapasok ng kasambahay. Alam niyang wala sa hitsura niya na kaduda-duda siya marahil ay talagang maingat lang ang pamilya. They are after all, one of the richest and most powerful in the country.
“What are you doing here?” isang malamig at matigas na boses ang nabungaran niya. Mukhang alam na nito ang tunay niyang pagkatao. Tiningnan niya si attorney Lucas at buong pagkamangha niya ng makitang tila hindi ito ang lalaking nakilala niya months ago. Ang laki ng itinanda nito at ipinayat na para bang nagkaroon ito ng napakalaking problema. Bakas sa mukha nito ang pagod at galit. “Umalis ka na kung ayaw mong ipapulis kita.” His voice is lace with venom.
“Sir, I am here to talk.”
“At anong pag-uusapan natin?” mas lalong tumindi ang galit sa mukha at mga mata nito. “Sa tingin ko wala na tayong dapat pag-usapan pa.”
“This is about Sahara-.” Kung akala niya ay galit na ito kanina mas lalong tumindi ang galit sa mga mata nito, nanginginig na ikinuyom ng matandang abogado ang kamao.
“For the sake of my daughter, Mr. Andres, umalis ka sa harap ko. Ikaw ang may kasalanan sa lahat ng nangyayaring ito sa aking anak. Huwag na huwag mong aasahan na matatanggap kita sa pamilya ko.”
Nasaktan siya sa sinabi nito but he’s expecting it. But he come this far. Hindi siya susuko, ipipilit niya ang sarili niya sa pamilyang ito.
“But Sir, I just want to-.”
“Ulysses.” Natigilan siya sa malungkot na boses na iyon, napatingin siya sa nanay ni Sahara. At kung ano ang naging hitsura ng abogado ay tila ganoon din ang asawa nito. Bakas na bakas ang sobrang lungkot at pagod sa mukha nito. “Pwede bang huwag mo ng guluhin ang pamilya namin. Nakikiusap ako sa iyo.” bahagyang nabasag ang boses ng babae.
Kumunot ang noo niya, parang may hindi tama sa nangyayari. Bigla siyang kinabahan, hindi kaya may masamang nangyari kay Sahara?
“Nasaan si Sahara?”
Nag-iwas ng tingin ang ginang habang ang asawa nito ay matigas na nakatingin sa kanya. “Hindi kami masamang tao Ulysses, may mga bagay lang na hindi namin pwedeg ibigay sa iyo. Binitiwan mo na ang anak namin sana hanggang doon nalang.”
“Get lost.” That was Rechmond’s final words to him before they close the door.
“Where the hell are you Sahara?” bulong niya. Sigurado na siyang may hindi magandang nangyari dito at hindi ito nagbakasyon.
---
“SABI mo nagbabakasyon siya? Bakit parang iba ang nangyayari Anderson?”
Napabuntong-hininga si Hendrix sa kabilang linya. “Ask Georgette, Ulysses. I think she knew what happened. Iba ang report na natatanggap ko.”
At iyon nga ang gagawin niya, may itinatago sa kanya ang mga ito.
“Gette, nasaan si Sahara?” bungad niya kay Georgette na pinapunta niya sa bahay ni Sydney.
“We need to return their memories.” Sagot nito but it didn’t answer his question.
“You are not answering my question.”
“Hindi ko sasagutin ang tanong mo kung hindi ka pumapayag sa gusto ko Ulysses. Trust me, kung gusto mong malaman kung nasaan si Sahara kailangan mong ibalik ang memorya nina Yvette.”
He scowled. “We need to return their memories.” Gette insisted, he can see desperation on her face. “Ulysses, listen to me. Hindi ikakabuti na hindi alam ang tunay na nangyari.”
“At ano ang nakakabuti Georgette? Ang mlaman nila na lumaki sila sa isang sindikato at gumagawa ng masama? They were given another chance, another life, let’s give them a normal life.” Agad niyang napansin si Maurice. Alam niyang tulad niya ay ayaw din nitong ibalik ang alaala ni Keegan.
“Paano kung ang nangyayari kay Keegan ngayon ay side effect ng mga gamut na isinaksak natin sa kanila? Paano kung mas lumala pa ang nararamdaman niyang sakit sa ulo at kung anu-ano ang kanyang naririnig. Erasing her memories won’t help her.”
Malakas siyang napabuntong-hininga. Why can’t Georgette get the logic? “We weren’t erasing her memories Gette, we are blocking all the memories. All their previous memories and yes, that tingling sound is a side effect of the drug.” They inject a brain inhibitory drug which blocks all the previous memories from re-surfacing. It was a very dangerous act for them dahil may side effect sa ginawa nila, pwedeg mapahamak ang mga taong naka-intake ng drugs. Pinapakialaman nila ang normal na function ng kanilang utak, ang p*******t ng ulo nito ay tanda na may gusto itong maalala at pinipilit nitong maalala iyon. It’s a defense mechanism. “And besides before we blocked their memories we had their approval.”
“The disease. We don’t know who created it, we don’t know who among the four owned it. Hangga’t hindi nakakabalik ang alaala nilang apat hindi natin malalaman kung ano ang antidote ng viral infection na lumalaganap ngayon sa hangin. Mas maraming buhay ang mapapahamak habang tumatagal Uly.”
Isa pa iyon sa dahilan kung bakit napasugod siya dito, nalaman niyang isa sa apat ang nagformulate ng naturang biological virus. It was created through in vitro process, void iyon, pero kapag kumapit na sa isang may buhay ay unti-unting sinasakop ng virus ang katawan ng host niya. Katulad lang ng normal na viral infection, pero mas Malala ito dahil galing sa isang hindi kilalang hayop ang strain ng naturang virus.
Isang sakit na sa hayop lang matatagpuan na pumasok sa katawan ng tao, it’s an actual suicide. Mabilis na inaatake ng virus ang respiratory system ng biktima nito. They are good as zombies.
“Ako na ang bahala sa viral infection, madali lang iyan.”
“At kailan mo mahahanapan ng antidote.”
Gusto sana niyang sabihin na hahanapin muna niya si Sahara, hindi siya makakapagtrabaho ng maayos kung hindi niya malalaman kung nasaan ito ngayon.
“Sa lalong madaling panahon.” Mukhang walang maitutulong si Georgette sa kanya. Kailangan niyang mahanap agad ang babae.
“And Ulysses.” Wala sana siyang balak na makinig pa kay Gette pero may kung ano sa boses nito ang nakatawag ng pansin sa kanya. “Kung gusto mo lang naman na malaman. Dalawang tao na ang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ngayon. Ang isa ay isang sibilyan na napadpad lang sa lugar na iyon, at ang pangalawa…” dumagundong ang dibdib niya habang nakikinig dito. Bakas sa mukha ni Georgette na kilala niya ang tinutukoy nito. He can feel his entire body turning cold, his breath skipping and his life turning dark. “Her.”
“You’re lying.” He snapped. That couldn’t be true.
“I don’t lie when it comes to this, nasa isang quarantined island siya ngayon. Kanina noong tumawag si Ramses he told me that her chance of survival is close to thirty percent. Her brain is functioning slowly, her heart stops very five minutes. Every time counts. Now it’s your choice, if you really care for her return the life she deserves.”
Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng lugar na iyon, bigla siyang nanghina.
“That can’t be true.” Naalala niya ang hitsura ng mga magulang nito habang kausap siya, ang nanlulumo at tila pagod na pagod na hitsura ng mga ito. Bigla siyang nawalan ng lakas sa napagtanto niya.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ramses, tulad nila ay isa din itong numbered child. Mabilis nitong sinagot ang tawag.
“Is it true?” bungad niya.
“True?”
“Sa-Sahara Lucas.”
“Ah, iyong isa sa mga biktima ng viral infection. I heard you knew her.”
“Damn it Ramses! Where the hell is that island?” he yelled. Hindi maaari, hindi maaaring may masamang nangyayari kay Sahara. Marami pa siyang hindi nasasabi dito, marami pa siyang gustong gawin. Itinama niya ang buhay niya para dito at handa siyang maghintay ng kahit gaano katagal upang matanggap lang siya nito sa buhay niya.
“Bawal ka dito.” Kung biro ang sinabi nito ay malamang tinawanan na niya ang kaibigan pero batid niyang hindi ito nagbibiro, he’s dead serious.
“Sabihin mo sa akin Ramses.” May halong pagbabanta sa boses niya. “Tell me where she is.”
“I am really sorry Ulysses but this case is very confidential. Nakialam na ang Philippine government at nag-issue na rin sila ng memorandum na hindi pwedeng pumasok sa isla ang mga--.”
Hindi na siya nakinig sa sinabi nito, kailangan niyang mahanap si Sahara. At kung nandoon si Ramses mahahanap niya ito, mahahanap niya kung saan tinago si Sahara. Crap! Wala na siyang oras para—natawa siyang bigla sa sarili niya. Ang lakas ng loob niyang sabihin na marami pa siyang oras pero heto siya at napaparanoid.
---
“CRAP! CRAP! CRAP!” kung anu-anong mura ang sinabi niya dahil hindi niya madetect ang location ni Ramses. Pinatay nito ang anumang communication device, sinubukan na niya ang lahat ng paraan maliban sa isa. Kinuha niya ang microchip na matagal ng nasa kamay niya. Muntik na iyong mawala sa kanyang isip at mabuti nalang hindi niya naibigay kay Hendrix ang chip. Tama siya may paggagamitan nga siya nito.
He inserted the micro chip on his laptop, sisirain niya kaagad ang laptop na iyon. It took him almost five minutes before he finally restored the data. Alam niyang sa gagawin niya ay malalaman ng Generation Syndicate na may kopya siya ng confidential information dahil sa bubuhayin uli niya ang satellite na pwedeng makapagturo kung nasaan si Ramses. Ito ang susi niya upang matunton ang isla.
Using a high-end locator software nagawa niyang isync ang information ng mga miyembro at automatic na lumitaw ang 3-D satellite map ng Pilipinas. He adjusted the locator and typed Ramses syndicate code number. May nagblink na kulay green na indicator at napapalatak siya ng makita iyon. Mukhang may gamit nga ang laman ng micro chip.
Hinanap din niya ang location ng mga kapatid niyang bigla nalang nawala, kung isa sa mga ito ang gumawa ng virus, kailangan nga niyang maibalik ang ala-ala ng mga ito. He is bending his own principles, who wouldn’t do that? Kailangan niyang iligtas si Sahara and he will do everything to save her life, his life.
---
“ATTORNEY LUCAS, makakatulong ako upang mapagaling si Sahara. Please trust me on this.” pakiusap niya sa ama ng dalaga. Bumisita siya sa law firm nito dahil doon niya ito nakikita.
“Huwag na huwag kang makalapit sa aking anak, Ulysses. Kapag nalaman kong lumapit ka sa kanya ipapapulis kita.” Nagbabaga ang mga mata nitong banta sa kanya.
“Sir, alam kong may ginawa akong hindi niyo gusto. O, ang buong pagkatao ko ang ayaw mo sana ay maniwala po kayo sa akin, kaya ko siyang pagalingin.” Kulang nalang ay lumuhod siya sa harap nito. Kung may nakakakita sa kanya ngayon, baka magdalawang isip na kilalanin siya. He is Ulysses Andres and he never begged. Wala sa bokabularyo niya ang magmakaawa, lahat ng gusto niyang gawin ay nagagawa niya at hindi siya bumabase ng desisyon sa ibang tao.
Kaya niyang puntahan si Sahara sa isla, kaya niya itong kuhanin at dalhin sa kung saan man niya gustuhin pero hindi niya ginawa. He needs to pay respect to her parents.
“Uulitin ko Ulysses, huwag kang lalapit kay Sahara. Huwag mong hayaan na tuluyan akong magalit sa iyo.
Nanigas ang katawan niya habang nakatingin sa ama ni Sahara. “Attorney.” Kalmadong simula niya. “Kahit hindi niyo ako mapatawad sa nagawa ko wala na akong pakialam doon isa lang ang gusto ko ngayon at iyon ay makita at matulungan siya.” Wala siyang makukuhang suporta sa pamilya ni Sahara kaya gagawin niya ang kailangan niyang gawin.
Agad niyang tinawagan ang tutulong sa kanya, napaka-imposible ng gagawin niya. Malalaking tao ang sasagasaan niya pero kailan ba siya natakot? Hindi siya natatakot na harapin ang mga malalaking tao sa bansa isa lang ang kinakatakutan niya ngayon at iyon ay ang mawala ang nag-iisang babaeng bumago sa kanya at sa kanyang paniniwala.
“Sahara hintayin mo ako.” Bulong niya sa kanyang sarili.
Agad niyang isinagawa ang kanyang plano, tinawagan niya ang kanyang mga tauhan at napag-alaman niyang nasa isla na ang mga ito. His detective agency hires the best people in the country, isa na nga doon si Sahara. Walang may alam na siya ang big boss ng kompanya niya, iyon ang bagay na tinayo niya dahil gusto niya at hindi lumalabag sa batas. Lahat ng operasyon nila ay mula sa mga legal na kliyente at lahat ng mga kilos nila ay aprobado at suportado ng mga pulis sa tulong na rin ni Hendrix.
Pero kung kailangan niyang lumabag sa batas para sa babaeng gusto niyang iligtas ay gagawin niya, magagaling ang mga tauhan niya at sigurado siyang hindi malalaman ng mga security na sila ang kumuha kay Sahara.
“Hello?” sagot niya sa cellphone na kanina pa tunog ng tunog.
“Ulysses, ano ang pinaplano mo?” bakas sa boses ni Georgette ang pag-aalala.
“Hindi mo na kailangan pang malaman Georgette at mas mabuti kung wala kang alam.”
“May masama ka ngang binabalak.”
“Kung masama man ang iligtas ang buhay niya wala akong pakialam. Isa lang ang gusto kong gawin mo, dalhin mo sa isla sina Keegan. I need their memories back. Sila ang makakatulong sa akin sa pagformulate ng antidote.”
He heard Gette snorting on the phone. “Akala ko ba kaya mo? Why don’t you formulate it on your own? Nagyayabang ka hindi ba na kaya mong gawin iyon ng mag-isa?”
He stops himself from cursing. “Georgette.” Nanghihinang tawag niya sa kaibigan. “I was wrong, I can’t do everything.” Nasa boses niya ang kanyang pagsuko. Narinig niya ang malakas na singhap nito sa kabilang linya.
“Did I heard it right? Inamin ng isang Ulysses Andres na mali siya at hindi niya kayang gawin ang lahat? That’s new.” Sarkastikong tugon nito sa kanya. “Why don’t you take your time? Hindi ba marami kang oras?”
Malakas siyang napabuntong-hininga. “Tama na Georgette, inaamin ko nang hindi ako perpekto. I don’t have more time, kung pwede ko lang ibalik ang oras sana--.” Nag-init ang talukap ng kanyang mga mata. “Sana hindi na nangyari ang lahat ng ito. I don’t want to lose her.” His voice is cracking. “Damn! Nakakabobo pala talaga kapag nagmamahal ka. Now I know why you acted this way before.” Walang lakas na tawa niya habang kausap ito. Nakakapanghina ang mga nangyayari pero wala siyang karapatang manghina sa mga oras na ito. He needs to be strong, he needs to do everything for her.
“I’m glad you learned Ulysses. Masaya akong malaman na hindi lang puro isip ang pinapairal mo. Wala sa siyensa ang pagmamahal, sabi nga sa mga libro feelings are mere products of our brain. No one can really define and explain it. I am happy because you finally listen to your heart.”
“Matagal na, matagal ko nang pinakinggan ang puso ko.”
“Bakit mo siya iniwan?”
“Dahil mahina ako, nagmahal ako kaya mahina ako. Noong nalaman kong mahal ko na siya saka ko lang nalaman na hindi pala ako sapat sa kanya. She’s too much for me, she’s too perfect for me. Wala akong maipagmalaki sa kanya at sa pamilya niya. Kapag nalaman ng mga magulang niya kung ano ako at ang pinanggalingan ko sa tingin mo ba kaya nila akong tanggapin? Alam mo kung ano ang takot na nararamdaman ko dahil naramdaman mo rin ito. You are just too lucky your husband’s family accepted you easily.”
Narinig niyang napabuntong-hininga din si Gette sa kabilang linya. “Malalampasan mo din ito Ulysses, mabait si Sahara siguradong may kabaitan din ang pamilya niya. Let’s cross our fingers and what you have in mind right now, let’s do it. Huwag mong itago sa akin, nandoon ka noong kailangan ko nang tulong ako naman ngayon ang tutulong sa iyo. Nandito lang kami ni Ashton at ang pamilya namin para sa iyo.”
Wala siyang balak na isali si Georgette sa plano niya pero ngayon kailangan niya ng tulong, kailangan niya ang lahat ng suportang pwede niyang makuha.
“Thank you Georgette.”
“Thank me again when we saved her. Sa ganoong paraan mo lang makukuha ang loob ng pamilya niya. Maaaring kamumuhian ka nila sa gagawin mo ngayon.”
Kahit papaano ay lumakas ang loob niya sa gagawin niya, kailangan niya ng tulong.
He finally accepted that he can’t do everthing and it feels so damn good!
---
“ILAGAY niyo ang oxygen sa kanila, siguraduhin niyong okay lang ang lagay nila.” utos niya sa mga doctors na tumulong sa kanya upang masiguradong ligtas si Sahara mula sa pinagkuhanan nila dito. Kasama ni Sahara ang isang lalaki na kailangan din ng tulong nila, kahit ayaw niyang isama ang isang ito ay hindi niya pwedeng pabayaan nalang ito. Sila pa rin ang may kasalanan kung bakit nahihirapan ito doon.
“Sir, hindi pa rin stable ang vitals nila.”
“Kulang ba ang oxygen?” agad niyang sinulyapan si Sahara. Maliit na babae lang ito at ilang buwan lang noong huli silang nagkita, pakiramdam niya ay tila nagbago ito.
Pumayat ito ng husto, ang dating tan na kulay nito ay naging maputla. Nanglalalim na rin ang mga mata nito, sa unang tingin aakalain mong wala na itong buhay. Marahil kung wala ang mga aparatong nakakabit sa buong katawan nito ay wala na talaga itong buhay. Hinawakan niya ang palad ni Sahara.
“Be strong.” Bulong niya dito. Nangingig ang kanyang mga palad lalo pa at ramdam niya ang lamig nito. Parang nagyeyelo sa lamig ang balat nito. “I’ll save you.”
Bumaling siya sa mga doktor na abala sa pag-aasikaso ng buong facilities. “Keep the temperature high.” Utos niya. Dinala na ang mga pasyente sa quarantined area. Nakuha na rin nila ang mga sample bloods ng mga pasyente, pati na rin ang mga laboratory results.
“Siguraduhin mo Ulysses na maliligtas mo sila. I don’t want to jeopardize my license because I connived with you.” banta ni Ramses sa kanya. Napilit niya itong sumama dahil ito ang head doctor ng nadapuan ng viral infection. At ito ang mas may alam kung ano ang nangyayari kay Sahara. Kahit ayaw niyang sumama ito ay wala siyang magawa he needs him.
“Explain the details Ramses.”
“Malakas ang pag-atake ng virus strain sa katawan niya at kompara sa ibang viral infection mas mabilis ang pagpaparami ng mga virus sa loob ng cells. Walang pinipiling cells ang ‘Unknown’, blood cells, lung cells, lahat ng cells ay sinisira nito. At kapag naubos na ang cells sa katawan ng isang tao alam mo na ang maaaring mangyari.”
“Kusang nag-gegenerate ang katawan ng tao ng mga bagong cells. Pati ba iyon ay naaapektuhan na rin ng virus.”
“Walang malay ang mga pasyente, hindi sapat ang mga vitamins at food supplements na ini-inject sa katawan nila. They need foods in order for them to survive. At kakaiba ang Unknown dahil hindi ang tinutupok nila ay ang proteins na kailangan ng katawan natin. Sorry, that comes wrong, ini-interupt nila ang pagtranslate ng DNA to RNA, hindi na nakakagawa ng amino acids ang katawan at dahil doon ay walang proteins na mabubuo. Kung napapansin mo nalalagas ang buhok ng mga pasyente, ang buhok ay yari sa protein na tinatawag na Keratin. Pati ang mga enzymes na kailangan ng katawan natin ay hindi na rin gumagana sa katawan nila.”
“May iba pa bang paraan? How about the ribosomes? It synthesized the proteins-.”
“Mas maliit ang virus keysa sa ribosomes ng cell kaya madali lang sa unknown na pasukin at sirain iyon. Wala rin tayong magagawa.”
“Parang sinasabi mo na rin na hayaan nalang sila.” Galit na turan niya.
“Kung ako ang tatanungin mo, wala na ngang cure. It’s a deadly virus, it’s an unknown strain. Hindi namin matukoy kung saan nanggaling, kung galing ba sa isang hayop o synthetic.”
“Bakit ka sumusuko agad Ramses? Hindi ba doktor ka? You were once a numbered child kaya matalino ka. Pero sa mga pinagsasabi mo ngayon saan na ang talinong madalas mong ipagmalaki?”
“I am just stating a fact here Ulysses. Kailangan mong tanggapin iyon.”
Umiling siya. “Bakit ko tatanggapin na wala na ngang pag-asa? Wala pa akong ginagawa tapos susuko na ako? Sana ito ang itanim mo sa isip mo Ramses, huwag na huwag kang susuko lalo na kung wala ka pang ginagawa. Pagpapakaduwag ang ginagawa mo ngayon. Huwag mong sabihin na wala ng pag-asa kung hindi mo pa nasusubukan. Huwag mong pangunahan ng salita ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa.” Iyon lang at iniwan na niya ito.
He really hates it when people say they can’t do things when they haven’t done anything yet. That’s a big crap! Sinasayang lang ang talinong ibinigay sa kanila. Hindi siya ganoon, hindi siya susuko, walang susuko dahil walang dapat sukuan.