Chapter Ten
“ALAM mo ba kung ano ang ginagawa mo Andres? Kapag hindi mo ibinalik sa amin ang anak namin ipapakulong kita, ipapapatay kita.” Ramdam niya ng panggagalaiti ng ama ni Sahara habang naririnig ang boses sa telepono. Alam niyang galit na galit ito, kulang nalang ay ibroadcast sa buong mundo na nawawala si Sahara at ang kasama nitong naging biktima ng viral infection. Dapat ay hindi na rin niya ito tinawagan pa upang ipaalam na nasa kanya si Sahara pero hindi niya matiis lalo pa at alam niyang sobrang nag-aaalala ang mga ito sa kalagayan ng kanilang anak. Hindi niya maatim na hindi ipaalam ang tungkol sa kalagayan ni Sahara sa mga magulang nito.
Maaaring kapag gumaling na ang dalaga ay buburahin niya ang alaala nito, pwede niyang dalhin ito sa ibang bansa at ibahin ang identification. They can start a new but that wouldn’t make Sahara happy. That would leave a big hole in Sahara’s life and he can’t bear to see that.
“Attorney, tatangapin ko ang lahat ng ipapataw niyong parusa sa akin. Sa ngayon, hayaan niyo po muna akong gawin ang lahat upang mapagaling si Sahara.”
“I’d rather see my daughter dead than see her with you.” nasaktan siya sa sinabi nito pero hindi ngayon ang oras upang isipin niya ang nararamdaman niya.
“I’d rather see my self dead than see her dead, Sir. Pasensya na kung nagawa kong kunin si Sahara sa inyo, nagpaalam ako pero hindi kayo pumayag. Maniwala man kayo o hindi may kakayahan ako at ang mga kasama ko na pagalingin siya. I want her alive and I want to see her smile again attorney. Kung kaya niyong hindi na makita si Sahara habang buhay ako ho hindi. Hindi man ako bagay sa kanya dahil sa mga nagawa ko o dahil sa buhay na meron ako, hindi ko pa rin ipagpapalit sa pride ang katiting na pag-asang mabubuhay ang anak niyo. I shouldn’t be telling this to you but I love your daughter attorney Lucas. Handa akong ibigay ang lahat ng meron ako, handa akong isakripisyo kahit ang kalayaan at buhay ko para sa kanya. Alam kong nagmahal rin kayo at alam mo kung ano ang nararamdaman ko, kaya kahit hindi niyo ako tanggapin, tanggapin niyo po ang tulong namin. Masamang sindikato man kami para sa inyo, ang mga kamay namin na marami nang buhay na napatay ay kaya ding bumuhay. Nagmamakaawa ako attorney, kaunting panahon lang ho. Ibabalik ko po ang buhay na meron ang anak niyo.”
“Hindi ka Diyos Andres. Nasabi na ng doktor sa amin na kung mabubuhay man ang anak namin ay malaki ang posibilidad na hindi na niya maikikilos ang katawan niya. Maaring buhay ang katawan niya pero mas Malala pa siya sa patay na.”
“I don’t care. Kung hindi niyo siya kayang alagaan huwag kayong mag-alala, handa akong alagaan siya.” Hindi ito sumagot sa kanyang sinabi.
“Kahit anong gawin mo ay hindi kita matatanggap para sa anak ko.”
Mapaklang tumawa siya. “Huwag kayong mag-alala attorney, naiintindihan kita. The feeling is mutual dahil kahit ako, alam ko rin na hindi ako karapat-dapat para sa anak niyo.”
Napatingin siya kay Sahara na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ng senyales na magigising pa ito. Bawat Segundo ay tila balaraw na tumatarak sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Nahihirapan siya hindi para sa sarili niyo kundi para kay Sahara. Kung pwede lang niyang saluhin ang sakit at paghihirap nito ay matagal na niyang ginawa.
Ibinalik na nila ang alaala ng mga itinuturing na kapatid. Pero may nalaman sila, ang virus na pumapatay sa mga biktima nito ay hindi sa kanila. Hindi si Yvette o kaya naman ay si Sydney o sinuman ang may gawa ng bagay na iyon. Naretrieved nila ang viral strain na ginawa ni Sydney, hindi virus ang naformulate ni Sydney kundi isang bacterial infection, halos katulad ng symptoms ng Clostridium tetani ang effect ng bacterial infection ni Sydney. Kapag nahawaan ang isang tao ay naninigas ang mga muscles sa katawan nito hanggang sa hindi na ito makagalaw hindi katulad ng simtomas ni Sahara.
“Magpahinga ka muna Ulysses.” Suhestiyon ni Yvette sa kanya. “Mas mapapabilis tayo sa pag-iisip kung may nakakapagpahinga sa atin.”
“I don’t have time-.”
“Uly, maniwala ka. May oras para magpahinga, kung gusto mong maayos natin ang pagformulate ng antidote magpahinga ka.” Kahit ayaw ay sinunod niya si Yvette. Tama ito, kailangan niyang magpahinga. And there’s a place where he can rest very well.
Pumasok siya sa quarantined room ni Sahara, pagkatapos madisinfect at magsuot ng overall ay umupo siya sa silyang katabi ng hinihigaan nito. Nakatitig siya sa mukha ng babaeng gusto niyang iligtas.
“Kahit pumayat ka Sahara maganda ka pa rin.” Ayaw niyang umiyak pero hindi niya kayang pigilan ang sarili niya. Kusang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. “I am sorry babe, ang tanga-tanga ko. Kung hindi ako umalis, kung sana ay nanatili ako sa tabi mo. Kung sana ay hindi ako naduwag wala ka sana diyan. I am very sorry.” Hinawakan niya ang palad ng nakahigang dalaga at dinala iyon sa ibabaw ng kanyang labi. “I miss you babe, namimiss ko na ang maanghang mong mga salita.” Marahan siyang bumuntong-hininga. “You need to wake up very soon, there’s something I want to tell you.”
Natigilan siya ng biglang gumalaw ang mga daliri ng dalaga at agad na napatingin dito. “Sahara?” bigla ay nanginig ang katawan nito at unti-unting natatanggal ang mga tubong nakakabit sa buong katawan nito. Mabilis niya itong dinaluhan at niyakap. “I need doctors here!” napatingin siya sa katabing mirror room, ganoon din ang nangyayari sa isang pasyente na nandoon. He immediately pressed the emergency buttons and seconds later doctors are on his service. Pinalabas siya ni Ramses pero hindi siya lumabas, nahihirapan siyang nakikitang hirap na hirap si Sahara. Kung pwede lang siyang pumalit sa lugar nito ay ginawa na niya.
“Her temperature is rising, this is dangerous.” Narinig niyang sigaw ng mga doctor. Kilala niya ang mga ito at alam niya ang kapasidad ng mga doctor na iyon pero sa nakikita niyang tila hindi alam ng mga ito ang gagawin ay tila gusto niyang mawalan ng pag-asa.
“Get a lot of ice, we need to cool down their temperature ASAP.” Sigaw ni Ramses sa kanya pero natulos siya sa kanyang kinatatayuan. “Damn it Ulysses! Gumalaw ka diyan kung gusto mong mabuhay pa itong babaeng pinakamamahal mo.” Walang ibang salita ay agad siyang lumabas at kinuha ang gusto nitong ipakuha sa kanya. Napanood niya ang mga ginawa ng mga ito kay Sahara.
“Ulysses! Ulysses!”
“What are you doing here Yvette?” walang suot na protective suite si Yvette na nakapasok sa loob ng quarantined room. “Get out! Baka mahawa ka sa virus-.”
“We found it!”
“What?”
“We found the antidote.” Napatingin siya sa maliit na vial na bitbit nito. “We found the antidote, we can finally save them.” Ibinigay nito sa kanya ang vial.
“Is this true?” halos hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yes, I don’t know what happened. Dahan-dahang pinapatay ng formula ang mga virus, try it. There is no harm in trying let’s just use it.”
“Give me the antidote.” Ibinigay nila kay Ramses ang antidote na nakalapit na sa kanila. “This is not an assurance Ulysses don’t raise your hopes high.” Tumango lang siya, wala siyang magagawa sa ngayon kundi ang subukan ang lahat ng pwede niyang subukan. Sahara needs to be saved.
Lumabas siya siya kasama si Yvette. “What happened, Yvette? The formula?”
“I can’t answer your question Ulysses dahil kahit ako ay hindi rin alam ang nangyari. Kung ano ang nagawa natin kagabi ay hindi ko na pinakialaman.”
“Baka kailangan lang ng oras upang mag-set ang formula.”
Nagkibit-balikat si Yvette. “Sana nga iyon ang nangyari dahil may iba akong pakiramdam dito.”
“Anong ibig mong sabihin?” Tumahimik si Yvette na tila ba may malalim na iniisip. “Yvette…”
“Hindi kaya nandito siya?”
“Who?”
“The new grandpa, namatay na si tanda at hindi natin alam kung sino ang bago. Malaki ang posibilidad na isa sa mga nandito ang kapalit niya at plano niya ito. I don’t know, it’s just a Hunch.”
“Anong plano?”
“I don’t know what he is planning, sigurado akong hindi tayo ang may gawa ng antidote. Alam ko kung ano ang mga gawa ko at hindi ako ang may gawa ng chemical formula sigurado ako doon.”
“Ibig sabihin ay may nakapasok sa laboratory?”
“Yes. Whoever he is he must be cooking for something. We need to find out who he is.”
“Or she is. Pwede ding babae ang bagong head ng Generation Syndicate.” Naikuyom niya ang kanyang kamao. Akala niya ay tuluyan na nilang naitumba ang sindikato pero mukhang nagkakamali siya dahil hindi ito nawala, nawala lang ang katawan pero buhay pa ang utak. Kailangan nilang makilala kung sino ang bagong utak ng sindikato bago pa ito makapagregenerate at mabuong muli ang Generation Syndicate. “Pupunta ako sa security office, may CCTV camera doon.”
“Mabuti pa nga, babalik ako sa laboratory, I’ll turn on the infrared to check if there are unfamiliar traces left.”
“That’s good.” Umalis na si Yvette habang siya naman ay napagdesisyunang pumunta sa security office ng biglang bumukas ang pintuan ng silid at lumabas si Ramses. Ganoon din ang doctor sa kabilang silid at ilang mga nurses. “What happened?”
Tinanggal ng mga ito ang masks at ngumiti sa kanya. “It’s working Ulysses, the antidote si working.”
“Totoo ba iyan?”
“Kailangan lang ng ilang oras para tuluyang mapuksa ang mga virus.” Nahilamos niya ang palad sa mukha at malakas na napasigaw sa tuwa. “Puntahan mo muna si Sahara, the antidote formula is working. Nasa kanya na kung kakapit siya at tuluyang magigising. We need to check her vitals every now and then at mas mabuting may kasama siya para ma-observe ang changes.”
“I’ll be there.” Pinigilan siya nitong pumasok. “What?”
“Ang mabuti pa ay maligo ka muna at kumain, dito ka na magpahinga. Ayokong humina ang resistensya mo dahil malaki ang posibilidad na maghahanap ng bagong host ang mga virus.”
“But-.”
“There is no more but Ulysses, she will be saved that I promised you. She will be okay in due time kaya ayusin mo rin ang sarili mo. May mga nurses na magbabantay sa kanya habang wala ka.” Malakas siyang bumuntong-hininga at napilitang sumunod dito. Tuluyan na siyang umalis sa harap ng silid ni Sahara at napalingon, pumasok si Ramses sa silid at kinausap ang nurse na magbabantay marahil kay Sahara.
Isa nalang ang problema niya ngayon at iyon ay makilala ang bagong lider ng Generation Syndicate. Kung sinuman ang taong iyon sisiguraduhin niyang hindi ito makakalabas ng isla.
---
PAKIRAMDAM ni Sahara ay binugbog siya ng sampung elepante sa sakit ng kanyang katawan. Nanlalagkit din ang kanyang balat at nangangati ang kanyang ulo. Sinubukan niyang itaas ang kanyang braso pero tila ang bigat niyon at ngalay na ngalay pa.
“Hmn.” She tried speaking but instead of a word a funny croaked came out. “Thirs-ty.” Malakas siyang napaubo lalo na at tila may maalat na bagay na nakabara sa kanyang lalamunan.
“Sahara! Babe!” dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo at natagpuan ang sariling nakatingin sa boses na palagi niyang naririnig sa kanyang panaginip. “You are awake! Ramses, Sahara is awake.” Napatingin lang siya kay Ulysses na tila hindi alam ang gagawin. Kung hindi pa siya nakatulog ng matagal ay hindi pa niya makikitang nawawalan ng poise ang lalaki. “What to do? Are you thirsty?” tumango siya dahil totoo naman na nauuhaw siya, gusto niyang uminom ng maraming tubig hanggang sa mapunan ang uhaw na nararamdaman. Nagsalin ito sa baso ng tubig at akmang ibibigay sa kanya ng maabutan sila ng doctor.
“What are you doing Ulysses?”
“She’s thirsty and she needs water.” Kinuha ng doctor ang baso at tila siya naman ay gustong maiyak.
“Hindi pa niya kayang uminom ng ganyang karami, kumuha ka ng cotton balls at i-dip mo sa tubig. Dahan-dahan mo siyang painumin hanggang sa masanay ang kanyang sistema.”
“Oh.” Iyon lang ang naging sagot ni Ulysses na sumunod sa utos ng gwapong doctor. Tinulungan siya ng dalawa na umayos ng upo habang tsini-tsek ni Ramses ang kanyang vitals. Si Ulysses naman ay pinapainom siya ng tubig gamit ang cotton balls.
“Do you know me Sahara?” umiling siya dahil hindi naman talaga niya ito kilala. Kung hindi lang sinabi ni Ulysses ay hindi niya ito makikilala. “I am your doctor, my name is Ulysses. Ilang beses ka ng nagising sa coma mo.” Kumunot ang kanyang noo dahil wala siyang maalala na nagising siya at nakita ito. “I know you can’t remember, your brain works slowly for these past few days given na muntik ng magcease ang pagfunction niyan. At base sa mga tests ay unti-unting bumabalik ang vitals mo, your organs systems are on the healing process. Ang magiging problema nalang natin ay ang pagbalik ng motor functions ng muscles mo dahil sa tagal ng pagkakahiga mo.”
“H-ho-w m-a-ny da-ys?” kahit pala ang pagconstruct ng sentence ay sobrang hirap.
“Three months Sahara.” Naramdaman niyang hinahagod ni Ulysses ang kanyang likod. Kahit na nakipagchess na siya kay kamatayan ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nitong pag-iwas sa kanya. Nandoon pa rin ang sakit sa dibdib niya tuwing maiisip niya ang huling sinabi nito sa kanya.
“Sa-an a-ko?”
“Nasa isla kita.” Sagot ni Ulysses. “Dito kita dinala upang mas mapadali ang pagpapagaling mo.” Bumaling siya sa lalaki.
“Si-sino ka?” walang kakurap-kurap na tanong niya. Agad na bumakas sa mga mata nang lalaki ang sakit at pagkalito. “Ba-bakit k-a na-nd-ito?” tumingin si Ulysses kay Ramses.
“Baka epekto ng mga gamut iyan Ulysses.” Sagot ni Ramses sa tingin ni Uly. “Temporary effect lang siguro iyan, we need to further check her after all.” Pagkatapos ng mga tests ay iniwan na siya ng doctor pero hindi umalis si Ulysses.
“Sahara.” Hinawakan nito ang kanyang palad pero hinila niya iyon mula sa hawak nito.
“S-leep.” She groggily said. Hindi naman talaga siya inaantok gusto lang niyang umalis ito.
“Babe.” Muntik na siyang mapalingon dito pero hindi niya ginawa dahil ayaw niyang malaman nitong nakakaalala naman siya. “I missed you so much.” Nag-init ang kanyang mga mata ng marinig ang basag na boses nito. “I missed you Sahara. Kung alam mo lang kung gaano ako nagsisisi at hindi ako bumalik kaagad.” Dahan-dahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata, sinasabayan niya ang pag-iyak nito. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang umiiyak ito. “I will always be here for you.” Idinampi nito labi sa balikat niya.
---
“HANGGANG kalian mo siya balak parusahan?” napatingin siya kay Ramses na inaasikaso ang mga gamot niya.
“Hindi ko alam ang ibig mong sabihin.” Aniya habang pinipilit na itaas ang binti niya. Kaya ng gumalaw ang kanyang katawan pero hindi pa niya kayang ilakad ang kanyang mga binti. Sabi ng physical therapist niya ay baka abutin iyon ng kalahating taon o kaya naman ay isang taon.
“Huwag na tayong maglokohan Sahara dahil alam ko ang totoo. I am your doctor and I know what’s happening here. Hindi nawala ang alaala mo gusto mo lang parusahan si Ulysses.” Tinaasan niya ito ng kilay at hindi nagkomento. Wala rin namang silbe kung magsisinungaling pa siya dito dahil may palagay siyang alam nitong nagpapanggap lang siya sa simula pa lamang. “So?”
“I don’t know what you are talking about.”
“Selective amnesia, iyon ba ang gusto mong mangyari?” dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang wheelchair at kumapit sa iron bars na nagsisilbing kapitan niya kapag nag-eensayo siyang maglakad.
“Papunta na dito ang mga magulang at kapatid mo, paano kapag nagkaharap kayo huwag mong sabihin na magpapanggap ka rin na hindi sila kilala?” she pursed her lips. “Sahara dear, kung alam mo lang kung ano ang ginawa ni Ulysses para sa iyo sigurado akong hindi mo na maiisip ang dating nagawa niyang nakapanakit sa iyo.”
“Nagawa?” Sa duration ng pagpapagaling niya ay hindi siya iniwan at pinabayaan ni Ulysses. Kahit na sinusungitan niya ito at minsan ay tinutulak palayo ay hindi ito nagsawang alagaan siya.
“He bought you here, he kidn*pped us here, he returned her sisters memories despite of his strong refusal at first. Kahit kalian ay hindi siya umalis sa tabi mo at ginawa niya ang lahat mahanap lang ang antidote ng virus na kumapit sa iyo. Hindi madali ang ginawa niya at sa tingin ko sapat na iyong kabayaran sa lahat ng mga nagawa niya dati sa iyo.”
Mahina siyang tumawa sa sinabi nito. “Sinaktan ako ni Ulysses pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nagpapanggap ako na hindi siya maalala.”
Kumunot ang noo ng gwapong doktor sa kanyang sinabi. “What do you mean?”
“Sinasanay ko lang ang aking sarili baka kasi kapag gumaling na ako sabihin na naman niya na huwag ko siyang mahalin at hindi kami pwedeng magsama. Mas masakit iyon keysa sa iniwan ka dahil hindi ka mahal. Sinasanay ko lang ang sarili kong malayo sa kanya.”
“By pushing him away?”
“That’s none of your business.”
“Fiesty.” Biro nito sa kanya. “Bakit mo naman naisip na aalis pa siya sa tabi mo ngayon?”
“Dahil iyon si Ulysses, isa siyang malaking paasa. Papaibigin ka niya at kapag sa tingin niya ay fall na fall ka na saka niya sasabihin ang pamatay na linya niyan ‘don’t fall in love with me’ and ‘we can never be together’.” Inis na sambit niya kaya naapak niya ng mas mariin ang binti sa sahig. “Crap!” humandusay siya sa sahig sa matinding kirot na naramdaman sa kanyang binti. “Aw.” Mahinang hiyaw niya at hindi alam kung paano paaalisin ang sakit.
“Sahara!” agad siyang dinaluhan ni Ulysses. Hinawakan siya nito pero tinapik lang niya ang palad ng lalaki akala niya ay bibitaw na ito ngunit nagkamali siya dahil kinarga siya nito. “Keep still.”
“Bitiwan mo ako.” Banta niya dito. “I’ll kill you.”
“Kapag okay ka na at kaya mo ng maglakad hahayaan kitang patayin ako sa kung anumang paraan mo gusto. Huwag muna ngayon babe.” Maingat idiniposito siya nito sa sofa.
“Uly, I need to go now.” Paalam ni Ramses sa kanila pero hindi na nila ito pinansin. Abala siya sa pagtadtad sa katawan nito gamit ang invisible laser beam na lumabas sa kanyang mga mata. Habang ito naman ay abala sa pagstretch ng kanyang masakit na binti. Marahan din nito iyong minamasahe.
“Bitiwan mo ako.”
“No.”
“I said don’t touch me-.” Her shriek went off when he suddenly pushed her on the sofa and kissed her mouth roughly. Huli na nang mapagtanto niyang inaangkin na nito ang kanyang mga labi. She tried pushing him but she’s just too weak to do that. Ang marahas na pag-angkin nito sa kanyang labi ay unti-unting bumagal lalo nan g maramdaman nitong ibinabalik na niya ang mga halik niya. Huminto ang paghalik nito sa kanya pero mariin pa rin ang yakap ni Ulysses sa kanya na tila ba ayaw na siyang pakawalan. “Ulysses-.”
“I love you Sahara.” Ilang beses na ba niyang naririnig ang mga salitang iyon sa kanyang panaginip? Sa kanyang panaginip ay nakikita niya si Ulysses na nasa kanyang tabi at ibinubulong ang salitang mahal kita. Iyon ang naging lakas niya upang hindi bumitiw at patuloy na mabuhay. “Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako sa lahat ng kagaguhan na nagawa ko dati, hindi kita masisisi kung ayaw mo akong tanggapin sa buhay mo dahil sa mga nagawa ko pero sana bigyan mo ako ng chance. Willing akong magbago, sabihin mo lang ay gagawin ko. Nabuwag na ang sindikato at pwede na akong magsimulang muli na hindi natatakot na baka pagising ko ay kinuha ka nila sa akin. Natakot ako dati na may masamang mangyari sa iyo kapag nalaman ng sindikato na may alam ka tungkol sa amin. Mas gugustuhin kong mapalayo sa iyo keysa masaktan ka. Duwag ako pero sa iyo lang ako naduwag. Wala akong pakialam sa kaligtasan ko pero sa iyo meron. Ayokong may mangyaring masama sa iyo dahil mahal kita. Minahal na kita noong una akong pumasok sa unit mo.”
Pilit niya itong itinutulak dahil gusto niya itong makita pero sobrang higpit ng hawak nito sa kanya. “Alam mong delikadong tao ako pero tinulungan mo ako, ginamot mo ako ng walang pagdadalawang-isip. Akala ko noon baka isumbong mo ako sa pulis pero hindi mo ginawa. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng babaeng kasing tapang mo. You are small yet you are a big ball of fire and I admire you for that. Naisip ko kung sana ay sa ibang pagkakataon kitang nakilala kung sana ay hindi ako masamang tao, dadalhin kita sa altar at gagawin kitang asawa at nanay ng mga anak ko. Ilang beses kong niloko ang sarili ko na pwedeng maging tayo at pwedeng sumaya tayo kahit na miyembro pa rin ako ng GS pero ilang beses din na sumampal sa akin ang katotohanan na hindi ko pwedeng lokohin ng matagal ang sarili ko. We are living in different worlds, ikaw ay isang prinsesa habang ako ay isang hamak na alipin. I am so proud of my self because that’s the only way I can hide my insecurities. Kapag kasama kita naiinsecure ako dahil hindi magkatulad ang mundong ginagalawan natin.”
Sumuko na siya sa pagtulak ditto dahil siya rin naman ang nauubusan ng lakas. Mukhang naramdaman nito ang kanyang pagtigil kaya lumuwang ang yakap nito sa kanya.
“Hindi mo ba naisip minsan Ulysses na handa kong iwanan ang mundong meron ako at sumama sa iyo?” unti-unting pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. “Nakilala mo ako na hindi isang prinsesa kundi ang babaeng nagligtas sa buhay mo noong muntikan ka ng mamatay. Sana doon pa lang naisip mo na kaya kitang ipaglaban na kaya kong tumayo sa tabi mo pero hindi mo naisip iyon.” Tuluyan na siyang napahikbi habang ito ay nakatunghay sa kanyang mukha. Pinahid nito ang butil ng luhang tumutulo sa kayang pisngi. “Naiinsencure din ako Ulysses. Kapag ikaw ang kasama ko walang oras na hindi ko naiisip na hindi tayo bagay. Sino lang ba ako? Hindi ako matalino, wala akong special skills. Hindi ko kayang gumawa ng drugs at ng gamot. Wala akong alam sa pagawa ng mga armas at explosives. Kahit ang pagmemorized ng periodic table of elements ay kailangan ko pang paghirapan. Hindi ko kayang mag-identify ng organisms at gumawang viral and bacterial infection. Hindi ako espesyal, normal lang ako. Ang layo ko sa mga tulad ninyo pero pilit ko pa ring isiniksik ang sarili ko nagbabakasa-sakaling sana ay mahawaan man lang ako ng kaunting talino na meron kayo.” Suminok siya habang inaayos ang paghinga dahil sumisikip ang kanyang dibdib. “Ang tanging kaya kong gawin ay ang mahalin ka at suportahan ka sa kung anong sa tingin ko ay makakabuti sa iyo. Kahit na noong umalis ka at iniwan mo ako, naghintay lang ako. Kahit alam kong nakabalik ka na at pinagtataguan ako naghintay pa rin ako. Mukhang iyon yata ang special skills na meron ako, ang maghintay sa isang taong walang kasiguraduhan na babalikan ako.”
Tuluyan na siyang napaubo habang walang tigil sa pag-iyak at pagsinok. Ito naman ay panay ang hagod sa kanyang likod at punas sa kanyang pisngi.
“I am sorry babe.”
“You must be.” Parang batang ngumawa siya.
“I love you babe, I love you Sahara. Alam kong alam mo iyan.” Umiling siya sa sinabi nito.
“You don’t love me Ulysses.” Kumunot ang noo nito sa kanyang sinabi. “Dahil kung mahal mo ako ay hindi mo ako iniwan.”
“Binalikan kita.” Agad na sabi nito. “Binalikan kita.”
“Muntik ka ng mahuli.”
“Pero nandito ako.”
Muli siyang umiling. “Ilang taon na umikot sa iyo ang mundo ko Ulysses.” Ramdam niya ang takot sa mga mata ni Ulysses sa mga salitang maaaring lumabas sa kanyang mga labi. “Mahal kita alam mo iyon. Hindi ka bobo at alam kong sa simula pa lang ay alam mo na ang tunay kong nararamdaman.” Muli siyang humugot ng malalim na hininga habang nakatitig sa gwapong mukha nito. “Pwede bang ako naman? Pwede bang mahalin ko muna ang sarili ko? I want to love myself and treasure my second life.Hindi madali ang mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan. Akala ko mawawala na ako at hindi ko na makakasama ang pamilya ko. Mamahalin ko muna ng husto si daddy, si mommy at si ate Qianna at ang sarili ko. Ipinagkait ko sa kanila ang oras at pagmamahal ko dahil sa iyo, this time sila muna. Sila muna at ang sarili ko.”