Chapter Eleven
PAGKATAPOS i-dissmiss si Sahara nang kanyang Labor Law and Social Legislation ay mabilis siyang tumayo bitbit ang kanyang mga gamit. Kanina pa nagngingitngit ang kalooban niya at gusto niyang ilabas ang inis na kanina pa niya tinitimpi. Sino ba ang hindi maiinis—damn it!
Walang lingon-lingon na nagtungo siya sa parking lot, may klase pa siya pero mag-i-skip muna siya dahil may mas importante pa siyang kailangang puntahan.
“Sahara! Sandali lang.”
“Holy crap.” Inis na bulong niya ng marinig ang pagtawag ni Justin sa kanyang pangalan. Classmate niya ito sa Labor Law. “Yes?” Ngumiti naman si Justin sa kanya. Mas bata sa kanya ang lalaki pero hindi halata dahil masyado siyang baby face sabi ng nanay niyang adik sa papuri sa sarili. Mabait ang lalaki kaya hindi niya magawang tarayan kahit na inis na inis na siya sa mundo.
“Gusto mo bang mag-coffee?” yaya nito. “I mean absent ako kahapon at wala ako sa class ni Attorney Lara, gusto ko sanang magpatutor sa iyo sa mga lessons and readings natin kahapon.”
“Lessons kahapon? Kinds of employee ang topic natin yesterday. May notes ako pero nasa locker gusto mong kunin ko tapos iphotocopy mo nalang-.” Natigilan siya ng makilala ang kalalabas lang ng university. At kung kanina ay sobrang asar niya dahil hindi naman ito nakikinig sa klase at panay at pag-entertain sa malalanding babaeng classmates nila ngayon ay mas lalong nadagdagan ang asar niya ng hindi man lang nito nilubayan ang mga babaeng iyon. “Sure, let’s have some coffee. I-discuss na rin natin ang assignment natin.” Sinadya niyang pasiglahin ang boses upang marinig ni Ulysses iyon. “Let’s use my car.”
“May car din ako, nakakahiya naman kung sasakyan mo ang gagamitin natin.” Napasulyap siya kay Ulysses na kausap pa rin ang babae. Naningkit ang kanyang mga mata at nagtagis ang kanyang bagang. “Ihahatid kita sa inyo mamaya at susunduin bukas.”
“I think that’s a very good idea. Let’s go?” yaya niya. Kinuha ni Justin ang kanyang mga gamit and like the usual gentleman, pinagbuksan rin siya nito ng pintuan at maingat na pinasakay sa sasakyan nito. A thing Ulysses can never do. Akala niya ay makakalaya na siya sa presensya nito noong nagsimula na siyang mag-aral pero mali siya dahil nag-enroll din ito at hindi lang iyon lahat yata ng subjects na kinuha niya ay kinuha din nito. At base sa nalaman niya ay nag-extra classes din ang binata.
At kahit na hindi ito nakikinig sa klase ay halos iperfect nito ang mga tests nila ng ganoon nalang. Kaya nga nagging instant celebrity ang lalaki at nagging teacher’s favourite student. Halos hindi na siya natutulog dahil sa pag-aaral at sa dami ng kailangang basahin ay kulang ang buong magdamag pero ito ni hindi man lang nahihirapan. May gana pang mambabae.
What do you expect? Umaasa ka bang hihintayin ka niya? Asa pa girl!
Kung pwede lang niyang sabunutan ang invisible voice na nasa kanyang utak ay kanina pa niya ginawa. Siya ang humingi ng space at siya itong nag-iinarte ng ganito. At ang hudyo hindi man lang siya pinigilan. Halos hindi na nga sila nag-uusap kapag nasa school sila, they were acting like they don’t know each other. Hindi rin ito nagtangka na lapitan at kausapin siya, kahit na sa mga group activities na magkasama sila ay madalang ang usapan nilang dalawa. Kung mayroon man ay tungkol sa topic.
Kaya nga minsan ay umaalis siya sa klase kapag hindi na niya kayang i-contain ang kanyang mga emosyon. Ayaw niyang biglang maiyak sa harap ng klase o kaya naman ay magalit. Hindi naging madali sa kanya ang kanyang pagpapagaling. Hindi lang ang katawan niya ang kailangan ng therapy. Ang buong katawan niya ay apektado ng kanyang sakit. Kung dati ay madali lang sa kanya ang mag-aral ngayon ay kailangan pa niyang kumayod ng todo at kapag nasosobrahan ay nagnonosebleed siya at sumasakit ang kanyang ulo. Si Ramses lang ang may alam ng kalagayan niya.
Halos ilang buwan din siyang hindi dinatnan na akala niya ay normal lang pero iyon pala hindi nagreregulate ng maayos ang kanyang hormones. Nagkaroon siya ng malalang hormonal imbalance kaya medyo off ang takbo ng kanyang emosyon. Hanggang ngayon ay naghohormone therapy pa rin siya. Sabi ni Ramses kung gusto niyang magkaanak kailangan ay maayos ang hormonal count sa kanyang katawan. Hindi niya sinabi sa kanyang pamilya ang tungkol doon at sinarili niya iyon. Masyado na niyang inabala ang mga ito sa nangyari sa kanya at ayaw niyang mangyari pa uli iyon sa mga ito.
Ang desisyon niyang mag-aral ang labis na nakapagpasaya sa kanyang mga magulang. Gusto niyang tapusin ang abogasya para sa mga ito, kung siya ang papipiliin ay ayaw na talaga niyang mag-aral pero sinabi niyang ayaw na niyang maging selfish sa kanyang pamilya. Nagtatrabaho na rin siya, part-time works lang naman, nag-o-online English teacher siya ng apat na oras gabi-gabi at minsan ay buong sabado for the mean time.
“Sahara, may sakit ka ba?” nag-aalalang tanong ni Justin sa kanya. “Kanina ka pa kasi maputla.”
“Ganito talaga ako.” Aniya dito. “Baka gutom lang.” ang totoo niyan ay nahihilo siya at alam niya kung bakit. Gusto rin niyang maiyak pero pinipigilan lang niya.
“Pwedeng magtanong?”
“Kanina ka pa nagtatanong.”
“Ano kasi, boyfriend mo ba si Andres?” kumunot ang noo niya sa tanong nito.
“Paano mo naman nasabi iyan hindi nga kami nag-uusap.”
“Marami na kaming nakakapansin sa titig niya sa iyo kapag hindi ka nakatingin. Masama din ang titig niya sa mga classmates na lalaki natin na lumalapit sa iyo upang magpatulong. At kung saan ka magpunta ay nandoon din niya.”
“Baka nagkataon lang, sa pagkakaalam ko ay classmates yata kami sa lahat ng subjects.” Pagdadahilan niya. “At saka hindi ako type ng taong iyon, nakita mo naman ang mga babaeng nakapulupot sa kanya hindi ba?”
Mahinang tumawa si Justin. “Mas maganda ka naman ng hindi hamak sa kanila Sahara.”
“Bolero ka rin Justin.” Nasapo niya ang kanyang ulo ng biglang kumirot iyon at hindi lang iyon, umiikot na rin ang kanyang pakiramdam.
“Hey, okay ka lang ba?” Umiling siya. “Mukhang hindi na maganda ang lagay mo Sahara, kailangan na kitang dalhin sa hospital.”
“Sa clinic ni Ramses.”
“S-saan iyon?” itinuro niya ang address ng klinika ni Ramses na agad naman nitong natagpuan. Tinulungan siya ni Justin na makapasok sa clinic.
“Sino si Doctor Ramses?”
“That would be – Sahara!” agad siyang kumapit sa doktor upang humingi ng suporta.”This is bad.” Tinawag nito ang assistant nitong si Luis upang asikasuhin siya at dalhin siya sa private room. Hindi na niya alam ang sunod na nangyari dahil pawang puting ilaw lang ang kanyang nakikita. Ilang beses siya nitong tinurukan ng kung anu-ano sa braso na naging dahilan kung bakit iyon namamanhid.
“Doc, iyong kasama ko. Hindi niya pwedeng malaman na nagpunta ako dito.”
“Don’t worry ako na ang bahala sa kanya. Magpahinga ka muna, maya-maya ay eepekto na ang mga hormonal medications na ininject ko sa katawan mo. Nandito rin si Maika para alalayan ka, she already knew the drill.”
Napangiwi siya habang inaalala ang drill na sinasabi nito. Kung siya ang papipiliin ay ayaw niyang maalala ang ‘drill’ na nangyayari sa kanya kapag umepekto na ang gamot sa kanyang katawan. Nahihilo siya at nasusuka, talo pa niya ang sobrang OA na buntis, kaya nga ina-advice palagi ni Ramses na magfasting siya ang nangyayari ay parang lantang gulay naman siya pagkatapos ng session nila.
“Late ka ng isang araw Sahara. Bakit hindi ka nagpunta dito kahapon?” pagalit na tanong nito sa kanya.
“May test kasi ako kaya hindi ko nagawang makapunta dito.”
“Tingnan mo ang nangyari sa iyo, muntik ka ng magbreak sa harap ng ibang tao.” Pangaral pa nito. Bakit ang mga doktor mahilig manermon ng mga pasyente? Kahit na magalit siya dito ay hindi niya pwedeng sabihin iyon because she is at his mercy. “Bukas ka pa pwedeng umuwi.”
“Huh? Hindi pwede-.”
“Na-late ka ng isang araw, first time na nangyari ito since nagstart ang hormonal therapy mo. Kailangan kitang i-observe twenty-four hours para malaman kung kailangan bang taasan o bawasan ang dosage ng gamot na ibinigay ko sa iyo. Kapag sinabi ng doktor na bumalik ka sa araw na gusto niyang pabalikin ka ay kailangan mong sundin iyon dahil may sinusunod din kaming cycle ng gamutan ninyong mga pasyente. Ang titigas ng mga ulo ninyo at kung lumala ang lagay ninyo ay kami ang sisisihin ninyo. At kapag pinapagalitan kayo ay naiinis kayo samantalang kasalanan niyo naman.”
“Doc, you are making me dizzy.” May inilagay itong malamig na bagay sa kanyang ulo na nakapagrelax sa kanya.
“Feel better?”
“Yeah.” The ice pack somehow cools down her temperature. “Hanggang kalian ang session natin doc?”
“May apat na session pa tayo Sahara and hopefully hindi ka na uli magmiss kahit isang araw dahil baka ma-alternate ang schedule natin. Four more months and two months observation and you are good to go.”
May anim na buwan pa. “Malaki na rin ang utang ko sa iyo. Hayaan mo kapag naging abogada na ako ay babayaran na kita.”
“Silly. May ibang tao akong sisingilin sa therapy mo.” Totoo ang sinabi niyang utang. Hindi pa niya nababayaran si Ramses sa lahat ng naitulong nito sa kanya. Kulang na kulang ang kinikita niya sa pagpapagamot niya, hindi naman niya pwedeng ubusin ang laman ng kanyang bank account dahil malalaman iyon ng kanyang mga magulang. She is really at his mercy.
“Huwag mong singilin si Ulysses, hindi na kami friends.”
“Palagi siyang nagpupunta sa bahay ninyo.”
“Dahil apprentice siya ni daddy.” Isa pa nga pala iyon. Hindi nga sila nag-uusap sa school kahit na palagi niya itong nakikita, pero hindi pa rin siya ligtas sa bahay nila. Palagi itong nakabisita sa kanila hindi sa kanya kundi sa ama niya. Naging instant favourite person ng isang Rechmond Lucas si Ulysses Andres. Kapag wala ang binata ay palaging hinahanap ng ama sa kanya ito. Minsan ay napapaisip siya kung anong gayuma ang ibinigay ni Uly sa kanyang ama at sobrang napaamo nito. Maging ang kanyang ina ay sobra-sobra ang amore dito samantalang dati ay kulang nalang ay gilitan ng leeg ng mga ito ang lalaki. Ulysses is the son that her parents never had.
“Singilin mo siya sa utang niya sa iyo.”
She snorted. Ang utang na tinutukoy nito sa kanya ay ang perang ginamit niya upang bilhin ang lumang property ng mga magulang ni Ulysses. Noong nawawala si Ulysses ay ang pag-aasikaso sa lupang iyon ang pinagkaaabalahan niya. Kinausap niya ang kanyang ate na tulungan siya nito. Wala na ang mga magulang ni Uly at napag-alaman din niyang hindi ibinenta si Ulysses ng mga magulang nito. Namatay ang tunay na parents ng lalaki sa isang car accident at kinupkop nang kapatid ng nanay nito ang noon ay walong taong gulang na batang lalaki. Lulong sa masamang bisyo ang tiyuhin ni Ulysses at kahit ang asawa nito ay walang nagawa sa bisyo ng asawa. Walang nagawa ang batang si Uly ng ibenta ito ng tiyuhin sa sindikato and the rest is history. Pagkatapos niyang mafinalized ang mga papeles ay sa tulong ng isang abogado na kakilala ay ibinigay ang mga papeles at ipinalabas nilang namana nito iyon sa tunay nitong mga magulang. At least sa ganoong paraan ay maramdaman ni Ulysses na hindi ito nag-iisa at hindi ito pinabayaan ng mga namatay nitong mga magulang,
“Malaki ang utang ko kay Ulysses.”
“Ang buhay mo? Dapat lang-”
Umiling siya. “Hindi iyon. Dalawang beses na naglabas ng malaking halaga si Ulysses sa akin. Noong una ay sa bar noong may mission ako at sa charity ball, hindi pera ko ang ginamit niya kundi totoong pera niya. Alam mo naman na kuripot si Uly hindi ba? Akala ko noong una ay pera ko ang nagamit pero noong alamin ko ay hindi nabawasan ni piso ang laman ng bank account ko kaya sigurado akong pera niya ang nagamit.”
“Mabait naman talaga si Ulysses.”
Ngumiti siya. “Alam ko at friendly pa.” sarkastikong ani niya. “Mahilig nga siyang makipagfriend sa mga babae.”
“Selos lang iyan.”
“Of course I am jealous. Mahal ko pa rin ang lalaking iyon.”
“Sana ay hindi mo siya pinalayo sa iyo o hindi ka lumayo sa kanya.”
Napabuntong-hininga siya. “Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko Ramses. Ayokong masaksihan ni Ulysses na ganito ang kalagayan ko, sigurado akong sisisihin niya lang ang sarili niya. At ayokong mahalin niya ako dahil naaawa lang siya sa akin o kaya naman ay responsibilidad niya ako.”
“Hindi ganoon si Ulysses.”
“Alam ko. Nagseselos ako dahil mahal ko siya at tanggap ko iyon, gusto kong mahanap niya talaga ang tunay niyang gusto. Iyong gusto niyang mangyari sa buhay niya, iyong babaeng tunay na makakapagpasaya sa kanya. Ayokong nandoon ako sa tabi niya dahil baka mabulagan siya sa presensya ko. Kung mahal niya ako gaya ng sinasabi niya ay gagawa siya ng paraan para makuha akong muli at kung pagod na siya hindi niya ako tunay na mahal at kahit na masakit tatanggapin ko iyon.”
“Sahara-.”
“Pwede na ba akong umalis?”
“Nahihilo ka pa.”
“Kaya ko na, nasasanay na rin ang sistema ko sa mga hormones.”
“Are you sure?” mahina siyang tumawa.
“Bakit ka ba natatakot sa kalagayan ko? Nakipagbeso-beso na ako kay kamatayan dati muntik na nga niya akong matalo sa chess na nilalaro namin.”
“That’s not a good joke Sahara.”
Nahihirapan nga siyang magdrive pero nakaya naman niya, pagpasok niya ay nadatnan niya ang kotse ni Ulysses sa garahe.
“Nandito na naman ang mokong.” Mahilo-hilo pa siya ng pumasok at parang mas lalo siyang nahilo ng makitang abala sa pag-uusap si Uly at ang kapatid niya. Mukhang hindi napansin ng mga ito na nakarating na siya which is good. Muling sinulyapan niya ang lalaking mahal niya at ang kapatid. Marami ang nakakapagsabi na bagay ang dalawa kahit siya ay sang-ayon doon. Nasabi niya rin sa ate niya na kung gugustuhin nito si Ulysses ay boto siya kahit na masakit. For his happiness.
Panay ang tulo ng kanyang luha habang dahan-dahan na inihiga ang kanyang sarili sa malambot na kama. Sana pala ay sa clinic nalang siya ni Ramses nagpahinga.
“Sahara! Sahara!” boses ng ina ang pumukaw sa kanya. Masakit ang kanyang ulo at ayaw niyang magmulat ng mata. “Kailangan mong kumain.” Hindi siya umimik. “Wake up baby.” Ayaw niya pang magising. “Bakit ang init-init mo?” ang lamig ng kamay ng mommy niya. Heto na epekto ng hormones therapy. Dapat talaga ay hindi siya umalis sa clinic.
“Mommy, I am okay. Napagod lang ako sa school.”
“Paanong hindi ka mapapagod hindi ka na halos nagpapahinga.”
“Matutulog lang ako mommy huwag ka ng mag-alala healthy na ako.”
“Anong healthy? Kung healthy ka hindi ka magkakalagnat.” Alam niyang sesermunan na naman siya nito.
“Uminom na ako ng gamot at kumain na rin ako sa labas. Bukas ay magaling na ako kapag hindi pa ako magaling magpapahospital ako ‘my.” She assured her mom. “Huwag ka ng mag-alala sa akin normal lang ang lagnat ko. Magpahinga ka na lang muna mommy at huwag mong sabihin kay daddy o kay ate na may lagnat ako ayokong magfreak out na naman sila. Bukas nalang kapag hindi pa ako gumaling.”
“Siguraduhin mo lang na normal iyan or else papupuntahin ko si Ulysses dito.” Banta ng ina sa kanya.
“Mom, huwag mo ng isali si Ulysses dito. Hindi na kami kaya wala ng pakialaman.”
“Ang mabuti pa ay huwag mo ng ituloy iyang pag-aabogasya mo. Hindi ka naman namin pinipilit na mag-aral muli Sahara.”
“Gusto ko po.” Mahinang sambit niya.
“Ito ba talaga ang gusto mo para sa sarili mo o para sa amin?” hindi siya sumagot. “Kung para sa sarili mo ay tatanggapin namin iyan ng tatay mo pero kung ginagawa mo lang ito para sa amin nang daddy mo huwag na anak. Masaya kami sa kung anuman ang narating mo dahil pinaghirapan mo iyon ayaw namin na ipilit ang gusto namin kahit nahihirapan ka. Kapag nagkaanak ka ay malalaman mo rin kung ano ang ibig kong sabihin Sahara.”
Mahinang humikbi siya sa sinabi ng kanyang mommy. “Mom, can I tell you a secret?”
“What secret?”
“Mommy, please don’t tell them about this.” Nanginginig ang kanyang boses.
“Ano ang ibig mong sabihin Sahara?”
“’My, baka hindi ko na kayo mabigyan ng apo.” Kumunot ang noo nito. “Dahil sa viral infection ay naapektuhan pati ang tamang daloy ng hormones sa katawan ko. Kaya ako nilalagnat ngayon dahil epekto iyon ng hormonal therapy na ginagawa ni Doc Ramses sa katawan ko para bumalik sa normal ang hormones ko. Pero hindi iyon assurance na gagaling ako one hundred percent.” Pag-amin niya.
Hindi siya makatingin sa ina, natatakot siya sa magiging reaksyon nito sa kanyang ipinagtapat. Akala niya ay kaya niyang itago pero sobrang bigat na ng kanyang pakiramdam.
“Bakit hindi mo ito sinasabi sa amin ng daddy mo?” Nanginginig ang boses ng ina niya.
“Dahil ayokong mag-alala pa po kayo sa akin. Mommy please don’t tell them.” Pakiusap ni Sahara sa ina na tulad niya ay lumuluha din. “Wala sana akong balak sabihin sa inyo. I want to keep it a secret pero ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ‘My. I’m sorry.”
“I won’t tell them. I’m sorry anak, I’m sorry you have to go through this alone.” tumabi sa kanya ang mommy niya at mahigpit siyang yumakap dito. Sumubsob siya sa dibdib nito at parang batang umiyak. Ramdam niya ang haplos nito sa kanyang likod na tila ba ina-assure siya nitong okay lang ang lahat. “I love you baby.”
“I love you too mommy.”
“Gusto ko bukas magdrop ka na sa law school. Gusto kong gawin mo ang gusto mo Sahara at hindi iyong gusto mo para sa amin ng daddy mo.”
“Si daddy…”
“Maiintindihan iyon nang ama mo ako ang bahala sa kanya, alam mo naman na under iyon sa akin.”
Mahina siyang tumawa. “Pwede kaya akong makahanap ng katulad ni daddy?”
“Huwag mo ng pangarapin anak, masyadong complicated ang daddy mo. At ipinagdasal ko na sana ay wala ng maging katulad niya. Bato-batong luha ang inabot ko sa ama mo kaya iba nalang ang pangarapin mo. Si Ulysses nalang ang pangarapin mo.”
“Bala-balang luha naman ang inabot ko sa kanya mommy kaya huwag nalang at saka mukhang mas bagay sila ni ate Qianna.”
“Nagseselos yata ang bunso ko.”
“Hindi po ah.” Defensive na sagot niya.
“Anak, gusto mo bang magbakasyon?”
“Ho? Saan naman?”
“Bukas sasamahan kita sa school mo tapos ihahatid kita sa isang napakagandang lugar. Makakapagpahinga ka doon at ako ang bahala sa iyo.” Sa lugar na makakapagpahinga siya? Gusto niya doon kung saan man iyon. “Ayaw mo na ba talaga kay Ulysses?”
“Iba na ang gusto niya mommy.”
“Feeling ko anak may gusto sa akin si Ulysses, dapat bang matakot na ako? Sabagay gwapo naman si Uly at mas bata pa.”
“Mommy!” malakas na tumawa ang ina sa reaksyon niya.
“Biro lang. Sleep ka na, hindi kita iiwanan ngayon. May pakiramdam kasi akong ito na ang huling pagkakataon na mayayakap kita ng ganito sa pagtulog dahil baka may ibang yumakap na sa iyo.” Hindi na niya nasagot ang ina dahil napapapikit na rin siya. Unti-unti na siyang kinakain ng antok. Magaan ang pakiramdam niya dahil nasabi na niya ang lahat sa ina.