Dragon X

2497 Words
Cristina's POV "Good Morning Sunshine!" Malakas na bati ko sa bagong umaga. Umupo muna ako para magpa-salamat kay God para sa pag-gising ko ngayong araw. Pagkatapos ay 'agad ko nang inayos ang higaan ko at nag-stretching bago kinuha ang uniform ko at dinala na sa banyo para maligo. Habang nagsusuklay ay nagha-humming pa ako ng kanta. Today is Monday kaya maaga akong nagising. Usually kasi every Monday nagkakaroon ng Flag Ceremony sa quadrangle at kapag may nala-late ay maglilinis muna bago maka-pasok ng campus. Kaya hindi ako pwedeng ma-late. Panigurado din kasi na-i-iwan kaagad ako ni Rose Ann 'pag nalamang hindi pa ako naka-ayos. Nang matapos na ako ay bumaba na ako at tinungo ang kusina. Gutom na ako dahil hindi ako nakapag-dinner kagabi dahil sa ginagawang assignment na nakalimutan kong gawin noong Sabado. Saktong pag-baba ko ay nadatnan ko si Mama sa kusina na nagha-handa na ng almusal. I slowly tip-toed and run towards her and give her a surprise kiss on the cheeks. "Good morning, Mama!" Magiliw na bati ko sa kaniya. Bahagya rin siyang nagulat kaya muntik na niyang mabitawan ang hawak na mangkok. "Cristina! How many times do I have to tell you na huwag mo akong gugulatin?!" Bulyaw niya sa akin that made me giggle. "And how many times do I have to do this to you para masanay ka na po?" Balik na tanong ko rin sa kaniya. Inismiran na lang ako ni Mama at nagpa-tuloy na sa ginagawa. Napangiti na lang ako at nag-timpla na nang hot chocolate para sa akin dahil hindi naman nila gusto ito sa umaga. They prefer coffee, including kuya. BTW, I love surprising my Mother kasi magugulatin siya. Ang cute rin kasi 'lagi ng reaction ni Mama kaya hayon, nasanay na rin akong ginagawa iyon. Also, may kiliti si Mama sa tuhod kaya kapag nag-haharutan sila ni Papa ay iyon 'lagi ang pinupuntirya niya. 'Agad na akong umupo sa seat ko dahil nilalagay na ni Mama ang mga pagkain sa lamesa. Ang bango ng sinangag kaya sinundan ko ito ng tingin habang inilalagay ni Mama sa center. Pabilog din kasi ang lamesa namin at gawa sa kahoy. May limang upuan pero maba-bakante muna ang isa since umalis na kagabi si Ate at babalik na sa Taguig para sa work niya. She prepared fried rice, Ma Ling, a cheese dog, and a tinapa! Oww my goodness ang bango! Naglalaway na ako sa mga nakikita ko at dinis-tribute na ang mga plato at utensils. "Good morning mga babae ko." Sambit ng boses sa hagdan kaya napa-silip ako dito at napa-ngiti nang makitang si Papa pala 'yon. "Good morning too Papa! Tara kain na po tayo." Alok ko sa kaniya pero napangisi din 'agad nang maka-isip ng kalokohan. "Oops. Mamaya ka na lang po pala kumain Papa. Mau-ubusan mo na naman kami e." Biro ko sa kaniya at tinuro ang tiyan niyang tila nakalunok ng pakwan. "Hindi ko na kasalanan kung ang babagal ninyong ngumuya." Ngising sagot naman ni Papa kaya napa-tawa na lang ako. Naupo na rin siya sa tabi ko kaya ibinigay ko na sa kaniya ang kape niyang kakatimpla pa lang ni Mama. "Ano 'yong naririnig kong mau-ubusan ha? Papasok na naman ba akong walang laman ang tiyan?" Biglang singit ni Kuya na mabilis bumaba ng hagdan at padaskol na tumabi sa akin sa may kaliwa, bale sa right side ko umupo si Papa. Tumabi na rin si Mama sa tabi ni Papa. "Let's eat. Baka ma-late pa kayong dalawa." Sabi ni Mama matapos naming mag-pray. Nag-unahan naman kaming kumuha ng pagkain at nagsimula nang kumain. Habang kumakain kami ay panay lang ang kwentuhan nila Mama't Papa, kaya kain lang kami ng kain ni Kuya. Galit-galit muna. *BURRRP! * "Sarapppp. Thank you for the food!" Salita ko 'agad na tumayo na at dumiretso sa lababo para mag-toothbrush. After that ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para kuhanin ang bag ko at i-check na rin ang Dragon Egg sa ilalim ng higaan ko. Inusog ko lang ito sa mas sulok para hindi 'agad mapapansin if ever na pumasok dito si Mama at maglinis. Hindi naman siguro yuyuko si Mama para linisin iyong ilalim e. "Una na po ako Ma! Pa!" Paalam ko habang naglalakad na patungong pinto. Time check, it's 6:50 am. 7:50 ang sara ng gate ng University pero since medyo maaga pa naman at may kalayuan ang school ay aabot pa rin kami. "Hintayin mo na Kuya mo para sabay-sabay na kayo." Pigil sa 'kin ni Papa "Bilisan mo na diyan Jerald." Sabi naman niya kay Kuya na nagt-toothbrush na pala. Mabilis namang tinapos ni kuya ang pag-toothbrush niya kaya hindi naman ako masyadong nag-hintay nang matagal. "Oh sige umalis na kayo, baka malate pa kayo." sabi ni Mama nang makuha na ni Kuya ang bag niya. "Bye po!" Sabay naming paalam ni Kuya. Kumaway pa ako sa kanila bago binuksan ang pinto since ako ang naunang maka-abot sa pintuan. Nang saktong pagka-bukas ko ng pinto ay tumambad sa amin si Rose Ann na akmang sisigaw na para tawagin ako kaya inunahan ko na siya. "Hep hep! Huwag ka nang sumigaw! Nandito na ako." Pa-sigaw na pigil ko kaya napa-tikom ang bibig niya at napa-tango na lang. "Damn, ang aga-aga sumigaw ha." Iritang sambit ni Kuya habang hinihimas ang tainga niya. Akala mo naman ang lakas ng pagkaka-sigaw ko, duh. Pag-labas namin ay saktong naglalakad na rin ang mag-kapatid na Ate Catherine at Rommel, papalapit na sila sa amin kaya kinawayan ko sila. Ngayon na lang yata kami nagkasabay-sabay sa pag-pasok ah. "Tayo na, kay Kuya Jo na lang tayo sumakay since hindi na tayo magkakasya sa trike ni Kuya Nerfe." Sabi ni Ate Catherine pagka-lapit nila. Tumango na lang kami bilang sagot. May service kasi 'yang dalawang 'yan pero nasa kanila na rin 'yon kung sasakay sila o hindi. Lalo na ngayon sama-sama kaming lima. Nakita naman kami ni Kuya Jo kaya sinenyasan niya na kami kung sasakay ba. Sumenyas rin naman si Rose Ann na oo kaya lumapit na sa amin si Kuya Jo. Catherine's POV The five of us rode the trike. Two inside and one behind the driver and it was me, those boys chose to sit on the roof. That's really how boys rode a trike here, they'd rather sat on the roof even if it's still spacious inside. I guess they don't want to be called out as gays like hey? Hindi ba pwedeng they are just minding their own safety while riding inside? Even before Kuya Jo started the trike, I felt a bit uncomfortable. It was as if someone was watching or observing my every move so I immediately looked around. There are no other people around since it's too early for the chismosa't chismoso to hang out outside. My forehead also creased when that feeling suddenly disappeared, I tightened my grip on the handle of the trike above my head. Sheez, I don't want to assume bad so I just shook my head. When it started, I just looked at myself in the mirror of the trike. It was facing in my direction so I just adjusted my face and clothes so that I could still look presentable even though the wind hitting my face was too aggressive. Anyway, we're in senior high school – Jerald and I, Grade 10 are the two girls and Grade 9 is my brother Rommel. I was still busy fixing myself when the mirror had a reflection so I immediately peeked at the place we passed where I saw the said reflection that I saw but there was no one there. I frowned and remembered the struck reflection, it stood as if it was waiting for something but it's wearing some kind of a cloak? Like what Harry Potter used in Hogwarts. But it was plain black and was wearing its hood so I couldn't see the face. I turned my gaze back to the mirror. It feels weird, am I hallucinating or just imagining things because of how I felt before? I don't want to be scared but fear is starting to grow in my chest so I took a deep breath and patted it lightly. I just realized that we were here on a bumpy road so I stumbled twice. Oww pain! Somehow I lost my fear because of what happened. I also heard the two above complaining because their ass seems to be hitting the iron hahaha! *Boooogssh! * At the same time as the loud sound, the tricycle engine suddenly died so it stopped immediately and I almost sank behind Kuya Jo, fortunately, I was able to hold the handle above my head. "Anong problema nito?" Kuya Jo asked in surprise and went down to inspect his trike where it seemed to have exploded. "Ayy pota, bakit ngayon pa 'to nasira?" Kuya Jo said annoyed so I just went down to take a look. "Ano pong nasira Kuya Jo?" Jerald asked as the two of them got off the trike, as well as the two girls inside. "Nasira 'yong bearing tsaka sabog din ang dalawang gulong. 'Di ko na yata kayo mahahatid, sumakay na lang kayo sa iba o kaya maglakad na lang kayo tutal malapit naman na 'yong Cupid dito." He answered so I just nodded and was ready to give my fare but he just blocked his hand. "Huwag na kayong mag-bayad, pandagdag baon ninyo na lang 'yan." He said that made me smiled and said thank you. "Maglakad na lang tayo, malapit na naman tayo eh." Jerald said, we all agreed. We used to walk naman when we were in the lower year every uwian so it's okay. We picked up our belongings before we started walking. The five of us were quiet but I couldn't help but look around, maybe because the cloaked man will show up again and may do something to us, edi nalintikan na? Maybe it's not really my imagination, it's better to be ready than not. Sheez, I'm paranoid na tuloy. Narito na kami sa part where houses are so far from each other, actually there really isn't a single house to be seen here. This area is private property but I have never seen anyone inspect it or even clean it. There are even rumors that someone saw this malignant creature so even the owner doesn't want to come here like duh? What a waste of this property, it's so big kaya. Even before we were in the middle, I frowned when I saw people standing right in the middle of the road and they were in a row that almost covered the road. The nervousness that I had lost earlier suddenly came back when I noticed how they looked. They look like what I saw there in the mirror! They are wearing the same cloak! I looked at my companions, Rose Ann and Cristina talking, Jerald wearing a headset and Rommel on his cell phone — I think he was playing again. I looked back at the five cloaked men, which surprised me to see that we were only 10 meters away from each other. I also stopped walking but the four of them didn't seem to care about them even though I knew they could see what I see now. "Stop! Tumigil muna kayo!" I called them but they just raised an eyebrow at me and continued walking until we were only 3 meters away from them. I forcibly stopped them and looked at the five cloaked people. "You're too loud Ate." Rommel complained but I just looked at him and motioned to those in front of us. "Anong trip niyo't nakaharang kayo sa kalsada? Pag-aari ninyo?" Cristina raised an eyebrow at them, but she received no answer from them. "Ang lakas ng loob mag-suot ng talukbong, ang init-init naman sa Pilipinas." Jerald commented while removing the headset. "Parang nakita ko na sila kanina." Rose Ann said softly, not escaping my hearing since I was just next to her so I confronted her. "Where did you see them?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. "Kanina sa trike. Bago pa man masira 'yong trike ni Kuya Jo, nakita ko ang isa sa kanila hindi kalayuan mula sa atin." Sagot niya na ikina-kaba ko lang lalo. So it means what I saw was actually authentic since Rose Ann saw one of them too! "Me neither, nakita ko rin sila." Sang-ayon rin ni Rommel while looking at them seriously. "Hala! 'Di kaya sinusundan tayo ng mga yan?!" Hysterical na tanong ni Cristina. Napa-tingin naman kaming apat sa kaniya. "G-guy's? T-tingnan ninyo oh!" Utal-utal na dugtong niya habang naka-turo sa limang taong kaharap namin. Jerald's POV Napasinghap naman kami nang makitang nasa 1 meter na lang ang layo namin sa kanila. What the f**k? Hindi ko napansin ang paglapit nila sa amin ha! "Ahh hi po mga Kuya! Paraan po kami ah!" Lakas loob na sabi ni Cristina sa limang naka-cloak at humakbang pa-abante. Nang akmang dadaan na kami ay siya namang pagkilos ng isa at hinarang ang kamay niya sa dadaanan namin kung kaya't 'agad kaming napatigil. "Sumama kayo sa amin kung ayaw ninyong masaktan." Mahinahong sambit nang nasa kaliwa ng nasa gitna. Tumaas naman ang balahibo ko sa binti ng marinig ang boses niya, hindi siya nakakatakot pero nakakataas ng balahibo. "P-paano kung ayaw namin?" Lakas loob na tanong ni Ate Catherine. "Wala kayong magagawa kun'di sundin kami mga bata." Salita naman ng nasa kanan ng nasa gitna kaya sa kaniya naman kami napa-tingin. "Natatakot na ako Kuya." Mahinang bulong ni Cristina at bahagyang lumapit sa akin. Hinawakan ko na lang ang balikat niya at mas inilapit pa siya sa akin. "Bumalik na lang tayo kay Kuya Jo! Nandoon pa siya sigurado." Bulong rin ni Ate Catherine at pasimple naman kaming tumango. Humakbang kami patalikod at pagharap namin doon ay laking gulat namin nang makitang may lima pang naka-cloak ang naka-tayo sa likod namin. Binalik ko ang tingin sa kabila at nandoon pa rin ang lima. Damn, napapalibutan na kami! "What the heck do you want? Anong kailangan ninyo sa amin?" May halong inis na tanong ni Rose Ann sa kanila. "Sumama kayo nang malaman ninyo." Sagot ng nasa likod namin kaya inis ko itong binalingan ng tingin. "We are not stupid para sundin ang gusto ninyo." Seryosong sagot ko. "You will never escape from us." Sabi ng isa na nasa harap, "Hindi ninyo rin kami kaya." He added. "How can you be so sure? Hindi ninyo rin kilala kung sinong kaharap niyo." Ma-angas na sagot ni Rommel. There's a hidden meaning sa sinabi niya at hindi ko matukoy kung ano iyon. "Sino ba kayo?" Dagdag na tanong ni Ate Catherine na bakas pa rin ang kaba sa mukha at mahigpit na naka-hawak sa braso ni Rose Ann habang nasa likod nila si Rommel. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-tinginan nilang sampu at bahagya pang napatawa ang nasa harapan ko. "Kami?.....Well.....we are .....................The Darknians."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD