Dragon XI

2418 Words
Rommel's POV Darknians? What the heck is Darknians? Is that a group? Organization? Frat? Damn it. Ibig sabihin napag-tripan lang kami ng mga putanginang 'to?! "Wala kaming oras para makipag-gagohan sa inyo. If this is part of your initiation, don't bring us with you. Leave us alone." Galit na singhal ko sa kanila. Mga tanginang 'to, kami pa talaga ang nagawang harangin. Mas lalong uminit ang ulo ko when they just laugh at me like I said something ridiculous. Which part of it was funny?! "Masyado nga talaga kayong inosente sa katotohanan mga bata, tsk tsk tsk. Hindi kami organization dahil mas higit pa kami doon. If you really want to know more about us then come with us... peacefully." Sagot nito habang natatawa sa huling salitang binitawan. "What the heck is wrong with your brain? Hindi nga kami sasama sa inyong mga animal kayo." Singhal na rin ni Rose Ann while giving them a glare. "Hey chill! Masyadong matalas 'yang dila mo bata, baka hindi ka na abutin ng gabi kapag pinag-patuloy mo pa 'yan." Bakas ang pang-aasar na sambit ng nasa gitna na nasa harap namin kanina. "Are you blackmailing us, huh?" Lakas loob na tanong ni Ate. "What if it's a yes? What are you gonna do, hmm?" Balik na tanong ng nasa likod ni Ate. "Tama na 'yan. Masyado nang nasasayang ang oras natin dito. Kailangan pa nating kumpirmahin kung sila nga ba talaga ang hinahanap natin." Seryosong sambit ng kaharap ni Cristina. "K-kumpirmahin ang alin?" Nagtatakang tanong ni Ate pero walang sumagot sa kaniya bagkus ay sabay-sabay na nagsikilos ang sampu at kaniya-kaniyang humawak sa amin. Hahawakan na sana ako ng dalawa when I immediately kick its leg that made him groan. I tried to punch the other one pero he managed to avoid it and captured my arm at mabilis na inikot ito papuntang likuran ko and he also kicks the back of my knee that made me kneel down. Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa akin but I received a hard punch on my jaw na nakapagpa-buwal sa akin. "Ang sakit niyon bata." Rinig kong salita niyong sumuntok sa akin which is the one I kicked. "Hey! Bitawan mo nga ako! Get your filthy hands off me!" Sigaw ni Rose Ann kaya napatingin ako sa kaniya at sa iba na rin. Nilalabanan rin ni Jerald ang humahawak sa kanila ng kapatid niya and my sister is also struggling to get free from her oppressor. Damn it! Wala akong magawa! "Gumawa na kayo ng portal para maka-alis na tayo dito, baka may makakita pa sa atin dito." Sabi n'ong humahawak kay Jerald, they also manage to stop him kaya lahat na kami ngayon ay hawak na nila. "Alright." Sagot n'ong may hawak kay Ate Catherine. He faced its back at naglakad nang limang hakbang, he raised his hands and mumbled something na ikina-kunot ng noo ko. What the heck is he doing? Minutes had passed ay may bigla na lang lumitaw na black smoke sa ere. It's growing bigger and bigger hanggang sa lumapat ito sa kalsada at bigla na lang nagkaroon ng umiikot na spiral with black particles sa paligid nito. My jaw dropped from what I saw. What the f**k was that?! Isn't that a portal that I always saw in the animé?! What the heck is happening here?! "Tara na." Sambit ng may hawak sa akin at hinila ako patayo. I can't feel my body because of shock at pakiramdam ko ay nanlalambot pa ito. Damn it! I'm not like this for Pete's sake! "T-teka saan ninyo kami dadalhin?!" Natatarantang sigaw ni Cristina habang may namumuong luha sa mga mata niya. "Secret. Malalaman ninyo rin iyon sa oras na makapasok na tayo sa portal, so let's go!" Sabi n'ong nakahawak sa kaniya and pulled her towards the portal. "Yahh! This is a kidnapping at makukulong kayo sa oras na ipasok ninyo kami sa bilog na 'yan!" Sigaw ni Ate sa kanila habang pilit na kumakawala sa naka-hawak sa kaniya. "Wala kaming pakialam sa batas ng mundong ito kaya manahimik ka! Ipasok ninyo na nga ang mga 'yan!" Sagot ng may hawak kay Ate at padaskol siyang pinalapit sa portal. "BITAWAN NIYO AKOOO—!!!" Naagaw ang atensyon namin dahil sa malakas na sigaw ni Rose Ann at huli na nang makita naming naipasok na siya sa portal. "ROSE ANN!! Mga walanghiya kayo! Ibalik ninyo siya rito!!" Nakakabinging sigaw ni Cristina kasabay ng pagyanig ng kinatatapakan naming lahat. When I looked at her, she was now surrounded by floating rocks and her right arm was also glowing. Those who were holding her immediately released her and were shocked to see her in that state. "C-cristina... A-anong nangyayari sa 'yo!?" Gulat na sigaw ni Jerald while looking at his sister unbelievably. Mas lalo rin kaming nagulantang when something is slowly appearing on her front. It is transparent first until seconds passed, a golden-brown light burst upon us and revealing a... What the heck? Is that a Dragon Egg?! "D-dragon E-egg?" Nau-utal na sambit niyong nakahawak sa akin. Naramdaman kong bahagyang lumawag ang pagkaka-hawak niya sa akin, so I grab this opportunity to kick his ass out and immediately freed myself from his grip. "Ate Catherine!" Sigaw ni Jerald. Kaagad akong napatingin sa direksyon ni Ate and I saw her lying on the road while holding her tummy. She looked in pain habang nakahawak dito. Bigla naman akong nakaramdam ng galit. "What the hell did you do to my sister?!" I angrily shouted while holding my right arm that is now aching. The inside of me is like burning with anger and damn! It's so satisfying. "I-i'm okay Rommel! Don't worry about me." Nanghihinang sagot ni Ate while looking at me meaningfully. "Your sister deserves the beat." Sagot naman ng nakabantay sa kaniya. It was as if my ears were ringing because of what the idiot had said. My arm hurts even more and I feel hotter and hotter, my vision became reddish and I feel like hyperventilating. "A-anong nangyayari sa kanila?!" Sigaw na tanong n'ong dating may hawak kay Jerald. They all loose their grip from us nang makita ang nangyayari sa amin ni Cristina. Napatingin ako kay Ate at nakita ko namang nakayuko pa rin siyang nakasalampak sa kalsada. Third Person's POV Nanatiling naka-salampak sa kalsada si Catherine dahil sa lakas ng pagkaka-suntok sa kaniya sa sikmura. Dahil sa pagpupumiglas niya kanina ay nakalmot niya ang braso ng may hawak sa kaniya dahilan nang pagka-inis nito sa kaniya at nasuntok siya sa sikmura. Hindi niya magawang maka-tayo dahil sa sakit na naramdaman, natatakot man sa nangyayari sa mga pinsan niya ay wala siyang magawa. She's the eldest among the five pero siya ang mukhang mas mahina and she doesn't want that to last kaya lihim siyang napa-dasal. Napadilat ang mata niya nang makaramdam ng bahagyang lamig sa katawan, her mouth gaped open when her aching abdomen went gone. Nawala ang sakit at tila ba ang lamig sa katawan niya ay lumalabas, hindi makapaniwalang nakatingin si Catherine sa katawan nang unti-unti siyang nababalutan ng tubig. Napansin rin niya ang pagkulim-lim ng kalangitan na tila ba nagbabadiya nang umulan kahit napaka-aliwalas ng panahon ilang minuto lamang ang nakakaraan. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang kanang braso kaya 'agad siyang napa-hawak dito at napatingin sa harap nang may unti-unting nabubuo na isang berdeng bilog sa harapan niya. Wala pang ilang segundo ay lumitaw ang nagliliwanag na Dragon Egg na ibinigay sa kaniya ni Waterina sa harapan niya. Kasabay ng pag-litaw nito ay ang malakas na pag-buhos ng ulan. Sa kabilang banda nakaramdam na rin nang pananakit ng kanang braso si Jerald. Napansin rin niya ang paglakas ng hangin na inaakala niyang dala nang malakas na buhos ng ulan. Naramdaman niya ang tila pag-angat ng sarili sa ere dahil sa malakas na hangin na pumapalibot sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari sa kaniya kung kaya't napatingin siya sa mga taong naka-cloak na halatang bakas na ang pangamba sa mga kilos nito. Wala pang ilang minuto ay tuluyan na ring lumabas ang Dragon Egg sa harap nito na mas lalong ikina-ngalit ng hangin sa paligid. Nagmumukha nang may bagyo dahil sa nangyayaring sanib pwersa ng tubig at hangin. Umiinit na rin sa isang parte dahil sa malakas na apoy na pumapalibot sa katawan ni Rommel na hindi pa rin alam ang nangyayari sa katawan niya. Parang wala ring epekto ang ulan at hangin sa apoy nito bagkus ay tila mas pinapalaki pa nito ang apoy. Si Cristina naman ay malayang naka-tayo lamang habang pinapalibutan ng naglalakihang bato sa paligid at nagsasayawang mga dahon sa likod nito. Naiwang naka-nganga ang mga Darknians na kani-kanina lamang ay minamaliit sila. Hindi nila akalaing masasaksihan nila nang sabay-sabay ang pag-labas ng mga pangunahing elemento ng mundo–lalo na ang paglabas ng mga Dragon Egg. Kung kanina ay nagdadalawang-isip pa sila sa pagkakakilanlan ng lima, ngayon ay nakumpirma na nilang sila na nga ang hinahanap nilang bagong mga Masters ng Dragon. Akala nila ay hindi pa lalabas ang mga charms nila dahil sa pagkaka-alam nila ay lalabas lamang ito kapag tuluyan nang nakalabas ang mga Dragon sa kani-kanilang itlog nito. Kung kanina ay ang mga Darknians ang nakapalibot sa apat, ngayon ay tila na-iba na ang entablado. Ang apat na ngayon ang nakapalibot sa mga Darknians habang pinapalibutan ng mga kani-kanilang mga elemento't Dragon Egg. "Nasaan ang pinsan namin?" Walang emosyong tanong ni Rommel sa mga Darknians habang literal na nag-aalab ang kalooban. "H-hindi namin p-pwedeng sabihin!" Nauutal na sagot ng isa sa mga Darknians. Nagmukha na ang mga itong bihag dahil sa itsura nilang nagkukumpulan sa gitna ng apat. "Sasabihin ninyo... or I'll drown you to death?" Salita ni Catherine habang pinapa-ikot ang kamay at kino-kontrol ang mga patak ng ulan. "Baka gusto ninyong... ipalamon ko kayo sa lupa?" Sambit naman ni Cristina habang hinihimas ang Dragon Egg sa harapan niya. "O kaya... alisin ko ang hangin sa katawan ninyo?" Gatong rin ni Jerald habang gumagawa ng maliliit na ipo-ipo sa hintuturo nito habang naka-lutang sa ere. "I'll burn you to ashes." Balewalang sambit ni Rommel habang matamang naka-tingin sa mga Darknians na hindi na alam ang gagawin. "H-hindi ninyo kami matatakot nang basta-basta mga bata." Lakas loob na sagot ng isa sa kanila na siyang nanakit kay Catherine. "Siyang tunay! Hindi ninyo pa gamay at kontrolado ang mga elementong hawak ninyo kaya huwag kayong paka-siguro na nasa inyo ang advantage!" Dagdag rin ng isa sa kanila na tila nagpa-buhay nang loob ng mga kasama. "Ganoon ba? Ano kaya kung bigyan namin kayo ng sample? What do you think guy's?" Naka-ngising tanong ni Jerald at mabilis na inangat ang kamay kasabay ng pag-buo ng mahigit sa sampung air spike. Imwinestra niya ang kamay niya papunta sa mga Darknians at mabilis naman itong tumama sa dalawang nasa malapit sa kaniya na kaagad na ikina-matay nito at nawala na lang na parang bula kasabay ng pag-saboy ng itim na alikabok. "Ooops?" Naka-ngising sambit ni Jerald na tila ba hindi sinasadya ang ginawa. "Ibalik ninyo na siya para wala nang mamatay at para matapos na ang kagaguhang ito." Sambit ni Cristina. "HINDI!!" Sigaw nila. Bigla namang uminit ang ulo ni Rommel kaya hindi sadyang nabitawan ang malaking Fire ball papunta sa isang Darknian. Kaagad naging abo ang natamaan, napa-awang naman ang bibig ng katabi nito dahil sa pagka-bigla. "O-oo na! Ibabalik na namin siya." Sabi ng kaharap ni Catherine. Kaagad naman itong tumakbo papunta sa portal na dinaanan n'ong mga kumuha kay Rose Ann. Kaagad naman itong sinundan ng isa pa, sumenyas si Jerald na susundan niya ang dalawa dahil baka maka-wala pa at hindi tumupad. Samantala'y naiinis na nag-hihintay sa loob ng portal ang dalawang may hawak sa walang malay na si Rose Ann. Twenty minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin sumusunod ang mga kasamahan nila. Nang akmang lalabas na ulit sila ay siya namang pagpasok ng dalawang Darknian na 'agad silang itinutulak papasok sa portal. "Anong bang ginagawa mo?! Nasaan na ang iba at ang tagal-tagal ninyo?" Iritang tanong ng isa sa dalawang may hawak kay Rose Ann. "Umalis na kayo rito! Dalhin ninyo na ang isang 'yan at huwag na kayong babalik dito------" "Hep! hep! Ano 'tong naririnig ko ha?!" Napatigil ang apat sa pag-uusap nang sumabat si Jerald at masamang tingin ang ipinukol nito sa kanila. Napadako ang tingin niya sa pinsang pasan-pasan ng isang Darknian. "Anong nangyari diyan at walang malay?!" Sigaw nito sa kanila at akmang lalapit sana nang ikinumpas ng isang Darknian ang kamay at kaagad na nabuo ang isang one layered barrier na naghahati sa kanila. "Sa tingin ninyo ba ay maiisahan ninyo kami? Mga bata lamang kayo! Mga inutil!" Matapang na sigaw ng isa sa apat at inilabas ang armas nito na naka-tago sa loob ng cloak. "Ang tigas din ng bungo mo ano?" Inis na sagot ni Jerald kasabay ng mabilis na pagtakbo at walang habas na pinagsusuntok ang barrier na ginawa ng Darknian. Napapalibutan ng hangin ang kamao nito at sa bawat suntok na pinapakawalan ni Jerald ay nagkakaroon ng malakas na impact at wala pang ilang segundo ay tuluyan na nga itong nawasak na tila ba salaming nabasag. He effortlessly creates an air sword at sinalubong ang Darknian na papasugod na rin sa kaniya. Sunod-sunod at mabilis ang kilos ni Jerald na hindi nasabayan ng Darknian kung kaya't kaagad niya itong natalo at sinunod na rin ang tatlo pang natira. Kamuntikan na ring mahulog si Rose Ann sa pagkakabuhat ng isang Darknian nang masaksak niya ito, mabuti na lamang at kusang pinalibutan ito ng hangin kung kaya't nanatiling naka-lutang sa ere ang katawan nito. Samantala ay nakikipaglaban na rin ang tatlo at ang mga natira pang Darknians sa labas. Halos sabay-sabay rin nilang natapos ang mga Darknians dahil sa pagkaka-isa nila. "Damn it. Nagsasara na ang portal!" Malakas na sigaw ni Catherine nang mapadako ang tingin sa portal na unti-unti nang lumiliit. Hindi pa rin nakakalabas ang dalawa kung kaya't sumalakay na ang kaba sa tatlo. Halos nasa dalawang dipa na lamang ang laki ng portal nang may biglang lumabas dito habang hawak ang isang katawan na naka-lutang sa ere. Sabay-sabay na naka-hinga nang maluwag ang tatlo nang makita ang dalawang pinsan na payapang naka-labas ng portal. Magsasalita na sana si Catherine nang bigla na lamang bumagsak si Cristina sa kalsada, kasunod nito si Rommel. Sumunod din dito si Jerald at maging siya ay nawalan na rin ng ulirat at bumagsak sa lubak-lubak na kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD