Rose Ann's POV
I was dazzled by the light when I was able to open my eyes. The green ceiling was exposed in front of me so I realized I was in our room here at home.I tried to sit up but I immediately moaned and went back to lying down while feeling the body pain, I immediately looked at myself and was surprised because of the small bruises on my arm and I also felt the searing pain in my stomach.
"Gising ka na pala." Naagaw ang atensyon ko sa boses na nag-salita at alam kong pagmamay-ari ito ni Lola. Napatingin ako sa gilid at nandoon nga siya, nakaupo malapit sa bintana ng kwarto while looking at me.
"Ano pong nangyari sa akin Lola? Where did I got these bruises?" Takang tanong ko sa kaniya habang dahan-dahan nang umupo, napapangiwi na lang ako dahil sa pag-sakit ng tiyan ko. I can't recall anything dahil na rin siguro sa kagigising ko pa lang.
"May nangyari sa inyong magpi-pinsan, nakasagupa ninyo ang mga Darknians at muntik ka nang makuha." Mahinahong sagot ni Lola which is very unusual sa kaniya dahil hindi siya nagtataas ng boses knowing na mukha akong nabug-bog.
"Darknians?" Mahinang sambit ko, it's kinda familiar kaya pinilit kong isipin ang mga nangyari.
Makalipas ang ilang minutong pag-iisip ay tila pelikulang bumalik sa alaala ko ang pangyayari.
Nasiraan ang trike ni Kuya Jo habang papunta kami sa school. Naglakad kaming lima hanggang sa may nakasalubong kaming mga weirdong naka-suot ng cloak sa gitna ng arawan. They called themselves Darknians at pilit nila kaming sinasama, nagkasagutan pa kami dahilan ng pagka-inis nila sa amin kaya sapilitan nila kaming hinawakan. Someone made a portal at nauna akong ipasok doon.
Nanlaban ako sa dalawang may hawak sa akin kaya nakatanggap ako ng suntok sa sikmura, nagawa ko pang sipain ang pagitan ng hita ng isa kaya nakatanggap ulit ako ng suntok sa braso ko at isa pa ulit sa sikmura na ikinawalan ko ng malay.
Damn. Hindi ko akalain na ganoon pala kasakit ang masuntok sa sikmura! Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin!
"Naalala ko na po ang nangyari sa amin." Sambit ko na ikina-tango lang ni Lola. "Pero ano po bang pinagsasabi nila? Sila daw ang Darknians? Ano po ba ang Darknian? And what they want from us?" Dugtong ko pa.
Napa-hinga nang malalim si Lola.
"Totoong sila nga ang Darknians. Mga kampon ng kasamaan, kampon ni Haring Draco." Seryosong sagot ni Lola na ikina-kunot ng noo ko.
"Kampon ng kasamaan? Draco? Who's that Draco Lola? Ano ba talagang nangyayari?" Naguguluhan na ako sa nangyayari. Pumasok rin sa utak ko ang pag-uusap nila Lola na hindi ko sadyang marinig. May kinalaman ba ito sa inililihim nila sa amin? Pati iyong matanda na nakausap namin ni Cristina.
"Mamaya ko na iku-kwento, kumain ka na muna. Kailangan mo ng lakas." She said, tumango na lang ako dahil nagugutom na rin naman talaga ako.
Dahan-dahan ang naging pag-tayo ko because of this damn pain. Nagmumukha akong baldado! Mabuti na lang at ito lang ang nakuha ko sa dalawang 'yon. If I only knew how to use that karate or any kinds of self-defense edi sana hindi ako nahihirapan ngayon, tsk.
Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at inilagay iyong mga pinag-kainan ko sa lababo at pumunta sa sala. Ito naman kasing si Lola, alam nang napuruhan ako hindi man lang ako dinalhan ng pagkain sa kwarto. Pinalakad pa talaga ako hanggang kusina, hmmp! Napaka-caring talaga at ngayon nga ay naka-upo na naman sa tumba-tumba niya dito sa sala.
"Oh tapos ka na pala, maupo ka." Salita ni Lola kaya na-upo na lang ako sa isang stool na malapit sa kaniya.
"Magku-kwento na po ba kayo Lola?" Tanong ko sa kaniya. Napa-iling naman 'agad siya at umayos ng upo.
"Hintayin na muna natin ang mga pinsan at mga Tita't Tito mo. Papunta na sila dito." Sagot niya. Ano naman kayang gagawin nila dito? Makikinig rin ba sa story telling ni Lola? Tumango na lang ako bilang sagot at ininspect na lang ang mga natamo kong sugat.
After ten minutes ay may kumatok na nga sa pinto at bumukas rin naman kaagad. Isa-isa silang nagsi-pasok at kaniya-kaniyang mano kay Lola at nagsi-upuan na rin sa mga bakanteng upuan sa sala.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Rose Ann?" Tanong ni Tita Marivic, tumango na lamang ako kahit sumasakit pa rin talaga. Napatingin naman ako sa mga pinsan ko at nginitian na lang sila. Sa aming lima ay ako lang ang mukhang baldado ah.
"Ikuwento ninyo na muna kung ano ba talagang nangyari... Catherine?" Utos ni Lola. Napatingin naman kaming lahat kay Ate Catherine na napa-buntong hininga lang bago kami tiningnang apat isa-isa. I mean, kaming apat nila Cristina, Jerald and Rommel.
"Ganito po kasi 'yon." Panimula ni Ate Catherine at ikinuwento na nga ang nangyari sa amin. Nagsa-salitan silang apat sa pagku-kwento simula noong part na nawalan ako ng malay. Akalain mong may mga kapangyarihan daw silang bigla na lang lumabas. Ngiting-ngiti pa nga si Jerald habang ikinu-kwento 'yon e. Nabanggit niya rin na siya pala ang nagligtas sa akin. Edi thanks to him.
"Darknians." Sambit ni Lola at nagka-tinginan silang matatanda. Lola heavily sighed again at tiningnan kaming lima isa-isa.
"We need to tell you something." Dugtong niya causing me to bite my lips. This is it, malalaman ko na kung ano ba talagang ibig sabihin nang mga narinig ko.
"Something about what po?" Takang tanong ni Cristina habang pinasadahan ng tingin ang mga matatanda. They look troubled kaya napa-taas ang kilay ko. Is it that hard to tell us the truth about our true existence or being?
"Tungkol sa totoong pagkatao natin---uhh no scratch that, the truth about our true identity." Sagot ni Tita Minerva kaya napatingin kaming lima sa kaniya.
"What? What do you mean Ma?" Naguguluhan nang tanong ni Jerald.
"You, we, us–doesn't belong in this world." Sagot ni Lola na mas lalong ikina-gulo ng utak namin.
"Kayo nang bahalang mag-paliwanag." Sambit ni Lola habang nakatingin sa dalawang mag-asawa. Napatango naman sila Tito at hinarap kami.
"Totoo ang sinabi ni Mama. Hindi tayo nabibilang sa mundong ito dahil hindi tayo normal na tao kagaya ng mga nandito. Aware naman siguro kayo na may kapangyarihan kayong nagamit habang kaharap ninyo ang mga Darknians 'di ba? Iyon pa lang ay tanda na nang pagkaka-iba natin sa mga tao dito." Panimula ni Tita Marivic.
"What? Ang gulooooo." Kumento ni Cristina kaya sinamaan siya nang tingin ng kapatid niya.
"Alam kong naguguluhan kayo pero totoo ang mga sinasabi namin at sasabihin pa lang. Ang mga taong may kapangyarihan, mahika o abililty ay tinatawag na Charmers. Ang mga charmers ay may sariling mundong ginagalawan. Iyon ay ang mundo ng Dragonania. Ang Dragonania ay ang mundo kung saan tayo nararapat, ang mundong iyon ay ibang-iba sa Earth dahil lahat nang pinapaniwalaang myths ay totoong nabubuhay sa mundong iyon." Sagot ni Tito Maximo.
"Woah! So meaning totoo ang mga werewolf?" Excited na tanong ni Jerald, tinampal naman siya ni Rommel kaya 'agad rin itong nanahimik.
"May kapangyarihan po ba kayo?" Tanong bigla ni Cristina na siyang ikina-tango ko rin.
"Oo and we are hiding it to avoid the humans misconceptions. Dahil panigurado, kukuyugin tayo ng mga iyon at pagsa-salitaan ng masasama at ang malala ay baka pag-eksperimentuhan tayo." Sagot naman 'agad ni Tita Minerva.
"Ano pong mga kapangyarihan ninyo?" Tanong ni Ate Catherine.
Nagkatinginan naman silang matatanda at nagtanguan pa.
"I once—once an Oracle, I can see someone's future." Paunang sabi ni Lola na ikina-woah naming lima.
"So it means lola na alam ninyo na po na mangyayari sa amin ang pagtambang ng mga Darknians?" Tanong ko, napabuntong hininga naman siya bago nagsalita.
"No, hindi ko alam. Dahil pagdating sa inyong lima ay tila ba nawawalan ng bisa ang kapangyarihan ko... lalo na sa iyo." Sagot ni Lola, I'm not sure kung tama ang pagkakarinig ko pero what does she mean about 'lalo na sayo?'
"I can do Telikenesis." Sambit naman ni Tita Marivic kaya sa kaniya naman nabaling ang atensyon naming Lima.
"Wow Ma! Sample nga!" Manghang sabi ni Ate Catherine.
"Sige ba." Sagot naman ni Tita. She roamed her eyes at mukhang naghahanap ng bagay na pwede niyang makontrol. Her eyes stopped on the vase who's placed on the top of the cabinet na nasa likod ng pinto. Itinapat niya ang kamay niya sa direksyon nito and I saw how the vase shake at bigla na lang itong lumutang, lumulutang ito papalapit sa amin hanggang sa payapang lumapag ito sa center table namin. Wala sa sariling napa-palakpak kaming lima. Damn. That was awesome!
"I can do Teleporting." Salita naman ni Tito Gerry.
"Sample nga Pa!" Excited na udyok ni Jerald. Magiliw na tumango naman 'agad si Tito Gerry.
He closed his eyes and suddenly a faint light enveloped his whole body at wala pang ilang segundo ay bigla na lang siyang nawala. Nag-iwan pa ng kaonting sparks ang kinatatayuan niya.
"Oh saan na napunta si Papa?" Takang tanong ni Cristina kaya parang tanga na nagpalinga-linga kami when the door suddenly opens at tumambad sa amin si Tito Gerry na nakangisi.
"Naks. Mateo Do lang ang peg?" Natatawang sabi ko while pertaining to the lead man sa korean drama na pinanood namin nila Ate Catherine sa kwarto ni Cristina noong nakaraan.
"My vision can pass through walls at pwede ring maging instant telescope." Sabi naman ni Tito Maximo habang naka-cross arms, showing his biceps. Did I mention na malaking tao si Tito Maximo? Kung hindi well nasabi ko na.
"Weh? Sige nga po, anong ginagawa ni Cedes sa labas?" Tanong ni Cristina. Cedes is their dog at napaka-lakwatsa ng asong 'yon. Good thing ay disiplinado iyon at hindi basta-basta nagtatae sa kalsada kaya hindi nahuhuli. Tiningnan naman 'agad ni Tito Max ang pader sa gilid ng pinto which is directly na nakatapat sa bahay nila Cristina since magkatapat nga lang kami ng bahay.
"He's eating the food in your kitchen—and oh! I thinks it's the meat? Nakaplastic pa." Sagot ni Tito Maximo na 'agad na ikinatayo ni Cristina at 'agad na tumakbo papunta sa kanila. Minutes passed ay hingal siyang napakapit sa pinto holding a plastic bag na butas-butas na at may karne nga sa loob. Napa-palakpak na naman kami.
"I can control blood!" May kalakasang sambit ni Tita Minerva na ikinalaki ng mata ko.
"Scary." Sabay sabay na sambit naming lima.
"Sample gusto ninyo?" Tanong ni Tita Minerva na 'agad na ikinamutla namin. "Oh ba't namumutla kayo? Wala na ba kayong dugo? Gusto ninyo padamihin ko?" Naka-ngiting tanong ni Tita Minerva. Tangna?
"'Wag mo nang takutin sila." Saway ng asawa niya. Napa-kunot lang ang noo ni Tita. Minsan talaga may pagka-LG rin ito eh.
"Nasaan pala ang mga Itlog ng Dragon?" Tanong ni Lola after ng ilang minutes na pagkakatulala dahil kay Tita Minerva.
"Nakatago po." Sabay-sabay na sagot namin. I want to raise my eyebrows nang lahat silang matatanda ay napatingin sa akin nang may nagtatakang tingin.
"Mayroon ka rin?" Takang tanong ni Tito Maximo na 'agad ko namang ikinatango. Bakit? Bawal ba kong magkaroon ng Dragon Egg?
"Akala ko ba apat lang ang Itlog? Bakit may isa pa?" Nagtataka ring tanong ni Tito Gerry. Napatingin sila kay Lola pero umiling lang rin ito.
"Dalhin ninyo na rito ang mga Itlog. Gusto naming makita." Utos na lamang ni Tita Marivic sa amin. Kaniya-kaniya naman kaming pulasang lima para kuhanin ang mga Itlog na ipinagkaloob sa amin.
Pagkarating ko sa kwarto namin ay 'agad kong pinuntahan ang higaan namin dahil doon ko lang naman iyon pinatong pero tumambad lang sa akin ang magulong higaan. Oo nga pala, kagagaling ko lang dito pero wala yata akong matandaan na inalis ko dito 'yong itlog? Halos halughugin ko na ang buong kwarto pero wala pa rin akong makitang itlog except sa itlog ng butiki na ang liit-liit naman.
Fudge. Where did it go?!
Halos lundagin ko na ang kwarto papuntang sala para sabihin kina Lola pero saktong pagdating ko ay sabay-sabay na ring pumasok ang mga pinsan ko. Bakas sa mukha nila ang takot at kaba. Damn. Mukhang hindi lang ako ang nawawalan ng itlog.
"Nawawala po ang mga Dragon Egg!"
Catherine's POV
I can't help but smile while remembering the scene we created earlier. We all thought that our Dragon Eggs vanished but it turns out they were just nagtatampo kasi we were insensitive sa feelings nila. Wondering why? Here's the flashback.
*flashback*
Shit. I'm nervous! What if Waterina suddenly came and searched for the Egg? What can I show her?! I can't make up a story or show her a fake one because I know it will lead me to nothing but shame! Who the heavens would eggnapped my Dragon Egg?! Wala akong sinabihang iba like what Waterina said. Damn it.
"Saan ninyo inilagay ang mga Itlog?" Mama asked anxiously to the five of us who were no longer comfortable in her seat. We also immediately told where we hid it.
"Sigurado ba kayo? Mas maniniwala pa sana ako na nawala ang kay Rose Ann kaysa sa inyo na tagong-tago." Sabi ni Tito Gerry kaya napakamot naman sa ulo si Rose Ann.
"Dapat sinabi ninyo kaagad sa amin ang tungkol sa kanila para hindi na umabot sa ganito." Papa followed and I just lower down my head. How can we tell if we are banned to do so?
"Paano na 'yan? Saan natin hahanapin ang mga Itlog ng Dragon ninyo?" Problemado na ring sambit ni Tita Minerva.
"Baka naman nasundan kayo ng mga Darknians papunta dito tapos nakita kung saan ninyo inilagay ang mga Itlog?" Tanong ni Mama.
The four of us shook our heads except for Rose Ann. I'm sure no one followed us because we killed all the Darknians we fought and there was not a single one left. I just woke up and I was already in our room.
"Nakakapagtaka." Naagaw ang atensyon namin dahil sa sinambit ni Lola.
"Ang alin po Ma?" Mama asked curiously.
"Hindi basta-basta mawawala ang mga Itlog ng Dragon dahil sa oras na mapunta na ito sa bago nilang Master ay hindi na ito maihihiwalay sa kaniya. Kaya bakit sila nawawala ngayon? Anong dahilan?" Lola seriously answered. We all fell silent and were drown in our thinking.
*swisshhh!*
We were alarmed by the white light that suddenly appeared in front of us. Is it an opponent again? Not now, please! We don't have the Dragon Eggs yet!The light quickly disappeared and an old woman was exposed to us. I guess they weren't that far apart in Lola's age. She was wearing a long white dress that reached her feet. There is a gold belt and holding a cane decorated with gold linings.Her face was gentle especially when she smiled when she saw us.
"Magandang hapon, Melinda." She said as we looked at Lola. Did they know each other? I saw Lola smile.
"Magandang hapon din Merlia, ano't naparito ka?" Sambit naman ni Lola at tumayo sa tumba-tumba niya at nilapitan ang matanda.
"Kamusta ka na Melinda? Mukhang ang tanda mo na ah." Lola Merlia said with a teasing melody, Lola slapped her arm lightly.
"Kung makapag-salita ka parang ikaw hindi." Lola laughed. I can't help but smile because of what I'm seeing. I think they used to hang out a lot when they're still young.
"May problema ba kayo rito? May na-sense kasi ang charm ko na magkaka-problema nga kayo dito." Tanong ni Lola Merlia.
"Hanggang ngayon ay maaasahan pa rin talaga ang iyong charm pagdating sa mga mis-fortunes." Sagot ni Lola.
"Oo, meron nga. But, do you know na ang mga Apo ko ang nakakuha ng mga Itlog?" Dag-dag niya na may halong pagka-proud sa boses.
"Oo naman. Nakalimutan mo na ba si Manda? Siya lang ang nakaka-alam kung kanino mapupunta ang mga Itlog ng Dragon." Sagot naman nito habang naka-ngiti.
"Ay oo nga pala, pasensiya na. Matanda na talaga kaya nagiging makakalimutin na." Naiiling na salita ni Lola.
"Ehem!" Tikhim ni Papa that made the two stopped.
"Sino sila?" Nakangiting tanong ni Lola Merlia habang tinitingnan kami isa-isa.
"Ahh 'yang dalawang lalaki na 'yan, anak ko sila at mga asawa't anak naman nila ang mga batang 'yan." Pakilala ni Lola sa amin.
"Ahh so sila na ba ang mga Master?" Tanong ni Lola Merlia na mabilis na ikina-tango ni Lola.
"Ikinagagalak ko kayong makilala mga bagong Masters." Nakangiting sambit nito at yumukod pa kaya nagkatinginan kaming apat at bumati na rin sa kaniya bilang pag-galang na rin even though we are clueless by her gesture.
"Maaari ko bang makita ang mga Itlog?" Nakangiti pa rin na tanong ni Lola Merlia. On the second time around, the five of us looked at each other.
"Ahh kasi Merlia, 'yon nga ang problema namin ngayon. Dahil nawawala ang mga Itlog." Hindi makatingin na sambit ni Lola.
"Ano? Bakit naman mawawala ang mga Itlog kung nasa pangangalaga na sila ng mga bago nilang Master?" Takang tanong ni Lola Merlia.
"Hindi ko nga rin alam kung bakit Merlia." Sagot na rin ni Lola.
"Ano bang ginawa ninyo sa kanila? O saan ninyo sila itinago?" Tanong sa amin ni Lola Merlia.
Sinabi naman 'agad namin kung saan namin itinago pansamantala ang mga Itlog. Nakita namin na nag-iba ang expression ni Lola Merlia.
"Bakit ninyo sila itinago kung saan-saan lang? Sensitive sa lahat ng bagay ang mga Itlog dahil hindi pa sila napipisa. Nagtatampo ang mga Itlog ng Dragon ninyo kaya sila nawawala ngayon." Sagot niya na ikina-tameme namin. Nagtatampo? WTF?
"Paano po namin sila maibabalik?" Tanong ni Rose Ann.
"Edi mag-sorry kayo, sabihin ninyo 'di na ulit ninyo gagawin iyon." Kibit balikat na sagot ni Lola Merlia. The five of us nodded, we just need to say sorry for them to come back.
"Oh sige aalis na ako, marami pa akong gagawin sa Dragonania." Paalam ni lola Merlia.
"Sige. Maraming salamat sa tulong mo Merlia." Lola sincerely said.
"Walang anuman iyon Melinda. Hanggang sa muli!" She said and tapped the cane she was holding on the floor at the same time as the light swallowed her and finally disappeared. Lola's attention turned to us after Lola Merlia left.
"Alam na ninyo ang gagawin." She said before she turned her back at us and went to her garden at the back of their house. Mama and the rest also leave us so the five of us were left alone here on the sala of Lola's house.
*flashback ends*
So that's what happened. We were able to talk to them easily so they are back again. We also made them a nest-like bed to make them more comfortable to look at. We just put them in an old crib of I don't know whose. It's still strong so it's okay. We also put light around this crib for a little design, especially at night.Here, we left the Eggs at Grandma's house for sure secure. Rose Ann is said to be the one to watch them when we are not here. We stayed here for a few more hours until late at night so we had to go home and we still have classes tomorrow. We're absent for today because of what happened to us.