Dragon XIII

3268 Words
Cristina's POV Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock. Sinilip ko ang oras and it's only 5:00 A.M. Napuyat ako kagabi kaya feeling ko ang bigat pa rin ng mga mata ko kaya hinila ko ang kumot at itinakip sa mukha ko at umidlip ulit. 10 minutes. Just 10 more minutes. *alarm clock ringing....* Inis na inalis ko ang kumot sa mukha ko at padabog na umupo at padaskol na kinuha ang alarm clock sa side table ko. "Pusang-ina naman eh-----WTF?!" Nawala ang antok ko nang makita ko ang oras. It's already 7:00 A.M for petes sake! What the heck?! Alas-singko pa lang kanina bakit naging alas-siyete na?! Damn s**t. Late na ako! I acted quickly. I didn't make my bed and went straight to the bathroom with my uniform. I only spent 15 minutes there and immediately grabbed my bag after I got dressed. I don't do makeup so I just put on the right powder and lip balm to avoid dry lips. Pagkarating ko ng kusina ay kaagad ko nang sinunggaban ang pagkaing tinira para sa akin. It's just a fried rice and two pieces of spam. Naubusan na naman ako ng pagkain, tsk. Wala talagang pigil sila Papa sa pagkain ng marami. Kaya lumalaki ang tiyan e. After I ate, I drank the water in a 500 ml tumbler that was in the refrigerator. I don't have time to drink hot chocolate anymore, the heat is unbearable for me to absorb quickly as possible. Pagkalabas ko ng bahay ay naabutan ko si Mama na nagdidilig ng mga alagang halaman niya. She noticed me that's why she stopped and faced me. "Late ka na naman. Dumaan dito si Rose Ann kanina at pinauna ko na kasi tulog ka pa. May reporting rin daw sila kaya umalis na nga. Nakuha mo na ba baon mo doon sa lamesa?" Tanong ni Mama na ikinatango ko lang at nag-kiss na lang sa cheeks niya. Nagpa-alam na ako sa kaniya bago lumabas ng bahay at dumiretso na sa sakayan ng trike. Good thing that Kuya Jo was on standby so nakaalis kaagad ako. Naalala ko tuloy nangyari sa amin kahapon. Mabuti na lang pala nasiraan si Kuya Jo, if not he will get involved to the scene. Pagdating namin sa school ay napansin kong maraming tao sa may gate kaya 'agad na akong bumaba at nagbayad bago lumapit sa kanila. Ano na naman kaya 'to? Baka may guest na naman na dadalaw or what. "Okay students, listen. We have a visitor today and it's not just a simple visitor dahil 'galing sila sa Dranair Academy. Baka rin kasama ang Headmaster ng Academy kaya please 'wag kayong magulo." Sambit ni Ms. Glenda, ang Guidance Counselor ng Cupid University. "Hindi namin alam kung anong kailangan nila rito and we don't want to assume for something na hindi kasiguraduhan. So kindly stay in your respective rooms and huwag mag-iingay. Let's try to empress the Headmaster of the most prominent school in Asia, understand?" Dugtong niya pa na ikina-yes naming lahat na nandito. If you were wondering of what Dranair Academy she's talking about, let me tell you. It's an elite school that only chosen students can enter. Sila mismo ang kumukuha or naghahanap ng pwedeng ipasok doon, sobrang laki daw rin niyon at private pa ang mga information kaya wala akong masyadong alam tungkol sa Academy na iyon. May site sila sa internet pero hindi ko naman ma-visit kasi kailangan ng pass daw at masyadong mahirap kumuha ng pass na 'yon. Masyadong pa-mystery ang school na 'yon. Pero ano nga kayang gagawin nila rito? Posibleng baka naghahanap na sila ng mga bagong students na ipapasok doon. Ang alam ko ay every 2 years sila bago tumanggap ng bago and they already did that last year. So what's the catch? *fast forward* "Guy's! Nandito na raw ang mga taga-Dranair Academy!" Balita ng classmate ko na hinihingal pa sa pagtakbo yata papunta dito. Maya-maya ay dumating na rin si Sir Oliver, ang advisory teacher namin na siya ring first lecturer namin ngayong umaga. "Class, the visitors are here so please be quiet, kayo pa naman ang pinaka-maingay sa building natin." Bungad 'agad ni Sir na ikina-tawa ko nang mahina. Well, that's true. Naturingang section 1 pero ang iingay. "For now, let's proceed to our discussion for today." Dugtong ni Sir at nagsimula na nga siyang mag-lecture. By the way, Math Teacher 'yan. Kaya batak kaagad kami sa umaga. Magandang pampa-tanggal ng antok. *tok! tok! tok!* Natigil sa pagsusulat ng formula si Sir sa white board dahil sa tatlong katok na narinig mula sa pinto. Kaagad na nilapitan niya ito at binuksan. Hindi ko 'kita ang mukha ni Sir but he looked surprised dahil sa pagtaas ng balikat niya at 'agad na pinagpag ang damit at mas niluwagan ang pagkaka-bukas ng pinto. "Ano pong kailangan ninyo?" rinig namin na tanong ni Sir sa taong nasa labas. "May I come in?" Anang baritonong tanong ng boses na 'galing sa labas. "Yes yes! You may." Sagot naman kaagad ni Sir at wala pang ilang segundo ay may pumasok na nga. Isang lalaki na naka-formal wear at may hawak na brown folder. May sinabi siya kay Sir na hindi ko narinig, tumango naman si Sir at tumayo lamang sa gilid at pasimpleng sinenyas ang kamay para maging pormal kami. Para kaming tanga na sinusundan ng tingin ang lalaki sa paglalakad pa-ikot ng buong room. He keeps on glancing to the folder at titingin sa mukha ng mga kaklase ko. "May hinahanap 'to." bulong ko. Nang sakto namang nasa harapan ko na siya ay bigla siyang tumigil at pinakatitigan ang mukha ko bago muling ibinaling ang paningin sa folder na hawak. 'Di ko naman maiwasang mapakunot-noo, anong ginagawa niya? "You're Cristina Graspela, right? Daughter of Gerardo and Minerva Graspela." Sambit niya na mas lalong ikina-kunot ng noo ko. How did he know that? Gerardo is the real name of my father by the way. Too old right? "Ako nga po. Bakit po?" Takang tanong ko at napatingin kay Sir na naka-masid lang sa amin habang pangiti-ngiti. "Come with me please." Salita niya. Inilibot ko naman ang tingin ko at napansin ang bulungan ng mga kaklase ko, may nagtataka rin at ang iba ay nakangiti sa akin. "Can I excuse her, Mister Oliver?" Tanong niya kay Sir. "Ah yes! Sure, Mr. Hwang." Sagot naman 'agad ni Sir sabay tango sa akin, gesturing me to follow the guy who he called Mr. Hwang. Hindi naman kasi nagpakilala 'to kanina e. Tumayo na lang ako at 'agad na binitbit ang bag ko, incase lang naman hindi na ako pabalikin, edi diretso uwi na. Chaar. Sinusundan ko lang 'yong si Mr. Hwang daw, mukhang papunta kaming Principal's Office. Pagkarating namin sa tapat nga ng Office ay kumatok muna siya bago pinihit ang door knob at pumasok. Nakita ko 'agad 'yong Principal namin na may kausap na medyo may katandaang lalaki. I think mga nasa late 60's na. May balbas at 'gaya ni Mr. Hwang ay naka-formal attire din ito, color white nga lang. Model yata siya ng Tide. "Headmaster Furukawa." Tawag ni Mr. Hwang doon sa matanda, napatingin naman 'agad ito sa amin-I mean sa akin pala iyong matanda. Nginitian ko naman ito nang bahagya dahil hindi ko alam kung paanong greet ang gagawin ko. Sheez. "Glad you're here, take a seat please." Sabi n'ong matanda. Naupo naman 'agad ako sa five seater na sofa dito sa parang sala ng Office ni Principal. "Hello po... uhmm ano pong kailangan ninyo sa akin?" Magalang kong tanong habang hindi inaalis ang paningin sa matanda. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero may something sa kaniya na hindi ko matukoy kung ano. "I think I'll answer your questions after your cousins are already here. Okay lang ba sa iyo?" Tanong niya at wala sa sariling napa-tango naman ako. Tama ba yong pagkakarinig ko? Cousins daw. Anong kinalaman ng mga pinsan ko rito? Wala pang ilang minuto ay may kumatok ulit sa pinto at bumukas na rin ka kaagad ito. Sunod-sunod ang pag-pasok ng apat pa na lalaki na tingin ko'y kasamahan ni Mr. Hwang at kasunod rin ng mga ito sila Ate Catherine and three others. Headmaster Furukawa got their attention, napangiti siya at kaagad na tumayo. "Cristina?" Tawag n'ong apat sa akin nang makita akong naka-upo sa may sofa. Kaagad ko naman silang pinalapit at pinaupo sa tabi ko. "Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ni Rose Ann habang nililibot ang paningin sa office ni Principal. "Ewan ko rin e. That guy just entered our room and looked for me and said that I need to follow him." Sagot naman ni Ate Catherine. Naagaw ang atensyon namin nang magsalita na si Headmaster Furukawa. "So now that you are all here, sasabihin ko na kung anong pakay namin sa inyo." Sabi niya sabay ngiti. Nagkatinginan naman 'agad kaming lima. "Ano po iyon?" I voluntarily asked. "Nandito kami dahil gusto namin kayong kunin para mag-aral sa Dranair Academy. We found out about your high grades and you all have the potential that we are looking for---for our school." Nakangiting sambit nito. Kaagad namang sumilay ang ngiti sa mukha ni Principal. What.the.heck? Am I imagining things or tama talaga 'yong pagkakarinig ko? Gusto niya kaming mag-aral sa Dranair Academy?! As in? Kaming lima?! Mag-aaral sa napaka-laking Academy at napakasikat na School na iyon?! Jerald's POV Hindi na ako nagulat nang sabihin ng matandang 'to ang pakay nila. Noong sabihin pa lang na dadating ang mga taga-Dranair ay may hunch na ako na maghahanap sila ng mga bagong students na ipapasok nila sa School nila. What I'm suspicious about is that, bakit kasali ako? High grades? Is he out of his mind? High grades ba ang 75?! I know in myself na hindi ako matalino. Almost pasang-awa lahat ng grades ko dahil una pa lang ay wala talaga akong balak mag-aral. Napilitan lang ako dahil iniiyakan ako ni Mama kapag sinasabi kong titigil na ako. I had no choice kun'di ang mag-aral. Tapos ngayon sasabihin ng matandang 'to na mataas ang grades ko?! Tanga lang maniniwala sa kaniya, 'no! "Why do you want us to your Academy? I don't think we're that capable to enter that kind of school." Salita ni Ate Catherine habang nakataas pa ng kaunti ang kilay. Hmm, mukhang hindi lang ako ang nagtataka dito ah. "Yes you are Catherine, I saw your grades and the rest of you at well matataas naman sila." Mahinahong sambit ni Principal pero halatang 'di sigurado sa sinasabi niya especially when he laid his eyes on me. Tss. "Oh c'mon Principal, ako? May mataas na grades? Sinong niloko ninyo?" Inis na sambit ko rin. Nakita ko ang pagbago ng hilatsa ni Principal at mukhang nainis dahil sa mga sinabi ko. "Manners Mr. Graspela, you're talking to your Principal in a disrespectful way!" May inis na sambit ni Principal kaya inirapan ko na lang siya. Manners mo mukha mo. Akala yata nito na hindi ko halatang paminta siya. Kung makatingin sa akin dati akala mo predator na nakakita ng kakainin niya. Eww lang. Ayoko ng wampipti ano! Nakatanggap naman ako ng malakas na siko 'galing sa kapatid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Sorry po sa inasal ng Kuya ko, Principal." Paghingi niya ng pasensiya. Napa-tss lang si Principal at kinausap siya n'ong matanda. Tumango-tango ito at kaagad na naglakad papuntang pinto. Inirapan pa nga ako bago lumabas e. Buset na baklang 'yon. I don't have problems with gays, sa mga katulad niyang bakla lamang mayroon. "Natividad, give them the folders." Utos n'ong matanda sa lalaking sumundo sa akin sa room kanina. Lumapit naman kaagad siya sa amin at binigyan kami ng tig-iisang white folder at pag-bukas ko ay form pala ito para makapag-enroll sa Dranair Academy. "Kindly fill-up the form, please." Sabi sa amin ni Mr. Natividad. Nag-tinginan iyong tatlong babae. "Oii ngayon na ba talaga?" Rinig kong pabulong na tanong ni Rose Ann sa dalawa. "I don't know?" Pabulong ring sagot ni Ate Catherine. "Paano 'yan? Hindi pa nga natin nasasabi kina Lola ang tungkol dito. Ano pipirma tayo dito tapos hindi pala tayo papayagan?" Sabi ni Rose Ann na ikinatingin ko sa kanila. "Pwede naman yatang i-uwi 'to?" Sagot ni Cristina. "Tanungin ninyo na lang para sigurado." Sabat ko sa kanila. Napatango-tango naman 'agad sila at nagturuan pa kung sino ang magtatanong. Seriously girls? "Ahh Excuse me po? Can we ask a question?" Tanong ni Ate Catherine doon sa matanda. Nagtatanong ka na boang. "Of course, what is it?" Sagot naman n'ong matanda. "Pwede po ba naming i-uwi ito? */sabay taas nong folder niya/* We think we need to get our parent's permission first before we sign this up. Hindi naman po kasi kami ang nagpapa-aral sa mga sarili namin, hehehe." Sabi ulit ni Cristina. "Yes, pwede ninyo namang i-uwi 'yan. But don't forget to bring that and give us the folder tomorrow morning. Understand?" Sagot niya. Nag-okay naman 'agad kami at umalis na rin kaagad dahil bukas na lang daw nila sasabihin ang iba pang information. Kaniya-kaniya na rin kaming punta papuntang rooms namin. Pagkapasok ko sa room ay sangkatutak 'agad na tanong ang sumalubong sa akin. Pinakita ko lang ang folder sa kanila at hindi na lang nagsalita. Inis pa rin ako sa baklang Principal na 'yon. Ang lame man pero naiinis talaga ako. Alam kong alam niya na mababa lang ang grades ko pero sinabi niyang mataas naman. Ano, para magpa-impress sa mga taga-Dranair na iyon? Tss. Kalokohan. Rommel's POV After so many hours ay uwian na. I went home alone since hindi naman kami nagsasabay ni Ate kada uwian. Mostly naman kasi ay iyong tatlo ang laging magkakasama. That's a relief for me though since ang iingay ng tatlong iyon kapag magkakasama. Akala mo ilang taon hindi nagkita-kita and it's so damn irritating. Mabilis naman akong nakauwi. Pagpasok ko ng bahay ay 'agad na bumungad sa akin si Papa na nanonood ng wrestling sa TV 5. "Pa, mano po." Sambit ko pagkalapit ko sa kaniya. "Aga mo yata ngayon? 6 pa labasan mo at 5 pa lang ng hapon ngayon." Sagot ni Papa habang hindi inaalis ang tingin sa pinapanood. Naupo naman ako sa single seater na sofa at 'agad na hinubad ang sapatos at nag-suot ng panloob na tsinelas. "Wala po kaming lesson sa last subject, naka-leave daw po si Sir." Sagot ko at binuksan ang bag ko para kunin ang folder. Inabot ko sa kaniya iyon kaya napatingin naman siya doon at tumingin sa 'kin nang may pagtatanong. "Folder." Kaagad na sagot ko na ikinasimangot niya kaya napakunot ang noo ko. "Alam kong folder 'to! What I mean is para saan itong folder na 'to?" Salita niya na ikina-ahh ko 'agad. "Buksan mo na lang po." Tamad na sagot ko at sumandal na lang. Kahit nagtataka ay binuksan niya na nga iyong folder. Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mata when he saw something on the upper part of the folder. I think that's the logo of Dranair Academy. Hindi ko lang natingnan ng maayos kaya hindi ko alam kung anong ikinabigla niya. "Paano ka nagkaroon nito?!" Bakas ang gulat na tanong ni Papa. "Pumunta po sila sa School kanina para maghanap ng bagong ie-enroll sa Academy nila and yeah, we're chosen." Sagot ko habang nakatingin sa TV. Tangna ang lalaki naman ng mga katawan ng mga wrestler na 'to. Sana all. "We're? Sino pang kasama mo?" Tanong ulit ni Papa habang napapa-himas sa batok niya. "Si Ate, 'yong magkapatid at si Rose Ann." sagot ko ulit. Napansin kong napalunok si Papa and I don't know why but he looked troubled. Narinig kong bumukas ang gate sa labas at nasilip ko naman sa bintana na si Ate pala iyon. Hawak ang folder, hindi 'ata nagkasiya sa bag niyang dalawang notebook lang ang laman since catleya notebook gamit niya. "Pa tingnan niyo po-" Salita 'agad ni Ate pagka-pasok pa lang ng pinto. "Alam ko na." Sagot naman 'agad ni Papa at pinakita ang folder ko. Napatango-tango naman kaagad si Ate at nag-mano na lang. Naupo na rin siya para harapin kami ni Papa. "Ahmm, papayag po ba kayo?" Tanong ni Ate habang napapa-ngiwi pa. "Kakausapin ko muna si Mama, sumunod kayo." Sagot ni Papa makalipas ang ilang minuto. He'll talk to Lola? Why is that? 'Di ba dapat si Mama ang kausapin niya regarding this since silang dalawa ang nagpapa-aral sa amin ni Ate? Pagkarating namin sa bahay ni Lola ay nadatnan namin sa sala si Rose Ann na mukhang may binabasa sa hawak na mukhang sticky note. "Oh? Mano po, Tito Max." Salita niya nang mapansin kaming tatlo sa likod niya. "Nasaan si Mama?" Tanong ni Papa sa kaniya. "Umalis po Tito. Heto nga po oh, may iniwang note." Sabay pakita n'ong papel sa amin. Kinuha naman ito ni Papa at binasa and I take a glimpse of it rin. "Magluto ka na lang ng kakainin mo sa gabi. May pupuntahan lang ako, bukas rin ang balik ko." Iyon ang nakalagay sa note. "Saan naman kaya pupunta si Lola?" Takang tanong ni Ate. "Mukhang alam ko na kung saan siya pumunta." Sambit ni Papa at napabuntong-hininga. Napatingin naman kami sa kaniya. "Saan naman po?" Tanong ni Rose Ann. "Basta. Doon ka na lang sa bahay kumain ngayong dinner, 'wag ka nang mag-luto." Sagot ni Papa at walang pasabing lumabas na ng bahay ni Lola. Napatango na lang si Rose Ann kahit hindi na nakita ni Papa. "Rose Ann, how's the Dragon Eggs?" Baling kong tanong sa kaniya makalipas ang ilang minuto. "So far okay lang naman sila. Tara tingnan natin." Aya niya sa amin. Sumunod naman 'agad kami sa kaniya. Pagkarating namin sa kwarto nila ay nakita kaagad namin iyong crib kung saan nakalagay yung mga Itlog. Open na iyong mga christmas lights na nilagay namin sa gilid nito. "Kailan kaya sila mapipisa?" Tanong ni Ate habang inaayos ang pagkakalagay ng Dragon Egg niya. "Dunno. Excited na akong makita ang mga Dragons ninyo, sayang kasi iyong akin hindi naman Dragon ang laman." Naka-busangot na sabi ni Rose Ann. I just stay silent while staring at my own Dragon Egg. Its color is like shining dahil sa reflection ng mga ilaw. Mas tumitingkad pa lalo ang pagka-red niya. I've never imagined that red could be this beautiful in my eyes. Damn it. I sound gay! "Guy's look at Cristina's Dragon Egg! May crack na siya!" Biglang sigaw ni Rose Ann habang naka-turo sa direction ng kay Cristina. Totoo nga. May crack na ang ilang parts ng itlog and I can see it moving a little too or not? "I'll call them." Suggest ni Ate at 'agad na kumaripas ng takbo papa-alis. Wala pang ilang minuto ay umingay na nga dahil nandito rin ang parents ng magkapatid. "Where's my Dragon?!" Sigaw 'agad ni Cristina pagkalapit niya sa amin. I moved aside dahil natutulak ako ng minion na ito. "May crack pa lang ang Itlog Cristina, wala pang Dragon okay?" Natatawang sambit ng kapatid ko. "Hindi pa iyan tuluyang mapipisa Cristina. We need to wait a little longer dahil may kakapalan ang shell ng itlog." Sambit ni Tito Gerry. "Ma, Pa, dito po muna ako matutulog ah? Gusto kong bantayan ang Dragon ko." Sambit ni Cristina. "We can go have a slumber party here! Wala si Lola kaya solo ko ang bahay ngayon." Nakangising sambit ni Rose Ann at nag-apir pa ang tatlo. "Huwag kayo masyadong mag-ingay dito ah. Baka makabulabog kayo sa mga kapit-bahay." Paalala ni Tita Minerva. Tumango-tango naman 'agad 'yong apat kaya napa-sigh na lang ako. This will be a looong night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD