Dragon XIV

2767 Words
Someone's POV It's Wednesday and we're here in our rented apartment. I'm just laying there in our small sala playing the Xbox that I just bought yesterday. I didn't know that staying here could be so damn boring. We skip our class for this day to wander around the area to gather some information and we found nothing. It's already 3 in the afternoon and it's late for us to attend school since ilang hours na lang ang natitira para magsilabasan na ang mga students. "How long we'll be staying here?" Inip na tanong niya while watching me playing. I sighed and put down the controller. "I wish I know the answer to that Via. The Masters are still unknown to us at wala namang ibinigay sa ating clue kung sino sila since they also don't know of who is who." I lazily answered. "Seriously Cen? It's almost 3 weeks and as of now ay wala pa rin tayong improvements! Gosh, this is so damn frustrating. Kamusta na kaya iyong dalawa? I wish pareho rin nating nahihirapan sila para fair." Iritang sagot niya na ikina-taas ng kilay ko. But well, I can't blame her for acting like that since our past missions only take 1 week for us to accomplish it. This is our first to last like this and I admit that it irritates me as well. No wonder kami ang na-atasan na gawin ang mission na ito since we're talking about The Masters. Dragon Masters to be exact. After all, that is the reason why we are born. We're not born to be free like a bird, because we're bound to protect and keep them safe at all cost. "I miss our school! I miss my so gorgeous uniform. I miss Dranair Academy." Sambit niya na ikina-tingin ko sa kaniya. I let out a sigh and picked up the controller again to continue my game. She said that 10x for this week already. I was about to drag the pin to move my character when I felt my phone vibrated on the top of the table. It's 1 meter away from me and Via's blocking the way and she's still pouting like a duck. I don't really like her doing like that so I put my palm on her face to cover it while I'm picking my phone. Tinampal niya lang ang kamay ko and gave me a glare. "Hello?" I answered without looking at the caller ID. I bet it's one of the two again. Asking information like we used to do every time we have the time. "Icen." I almost tripped on Via's leg when I heard the voice of the caller. I look at it and napa-tampal na lang sa noo. I slightly kick Via and show her my phone's screen. Her eyes grew big at 'agad na napa-tayo. "Damn, why is he calling at this day? We still don't have a thing to report!" She whispered and I just shrugged. As if I know why he called. Nilagay ko ito sa loud speaker para marinig rin niya. "Greetings to you, Headmaster Furukawa. What's with the sudden call? We don't have any reports yet, Headmaster." I honestly said that made me received a pinch from Via. "No, no. It's okay Icen and Levia. I personally called you because I want you two, to be here in our Academy as soon as possible." "What? Why Headmaster? Please give us another week and we promised to give you a good report Sir!" Sabat ni Via while panicking. "No worries kids. We already found them." Nagkatinginan kami ni Via and I can't help but be curious. "What? Are you serious Headmaster? Akala po namin wala kayong idea kung sino sila so how come nahanap ninyo na sila without us being informed?" 'Di ko mapigilang tanong. We should be the first ones to know where are they since we are the Master's Protector. "I am serious with my words. Just get back here as soon as possible para masalubong ninyo sila. I won't tell you who they are, I want to see you get surprised. So bye for now, Protectors." Seryosong sambit ni Headmaster at 'agad na ibinaba ang tawag. We both fell silent after the call. They found the Dragon Masters and it only means one thing, our responsibility will soon begin. The long wait is over. Our free time will soon be bonded with our responsibility. Rose Ann's POV *Grrr grrr grrr* Naalimpungatan ako dahil sa grunt na naririnig ko. I opened my eyes and I still feel it's heavyness. Damn. Anong oras ba ako nakatulog kagabi? We stayed up late dahil sa kakulitan ng mga pinsan ko. Masyadong ginampanan ang slumber party na ako naman ang nag-suggest. My eyes still a bit blurry kaya pinikit-pikit ko muna ang mga mata ko at naupo na lang. Doon ko lang napansin na sa lapag na pala ako nakatulog. The good thing is may comforter naman kaya medyo hindi masakit sa katawan. As soon as my eyes get back to normal ay tumayo na ako at nag-inat-inat ng katawan. I do jumping jacks three times para magising ang diwa ko. Nakita ko sila Ate Catherine at Cristina sa isang pan-dalawahang comforter habang 'yong dalawang lalaki naman ay nasa kama namin at tulo-laway pa rin. *Grrr! Grrr!* I immediately stopped stretching because of what I heard. That was the same sound that woke me up. I roamed my eyes around para malaman kung saan nanggaling ang tunog na iyon pero wala naman akong nakitang animal na pwedeng panggalingan niyon. My eyes landed on the crib of our Dragon Eggs kaya nilapitan ko ito to check their status. Inalis ko muna ang saksak n'ong lights sa crib dahil umaga na rin naman. Sayang rin kasi ang kuryente e. Dumungaw ako at isa-isang pinakatitigan ang mga Itlog. I touched my Dragon Egg and I can't help but to smile. Masama bang humiling na sana Dragon na lang rin ang laman n'ong akin? Masamang mainggit but I can't help it. Sa aming lahat ay ako ang mas naniniwala sa mga supernatural beings pero ako pa iyong hindi pinalad na makakuha ng isang mythical creature. Haaay. Sad life. *Grrr! Grrr!* Napa-angat ang kamay ko dahil sa muling pag-ungol na narinig ko. If I'm not mistaken, nanggagaling sa isa sa mga Itlog ang ungol na iyon so that my eyes automatically find Cristina's Dragon Egg since iyon pa lang naman ang may possibility na mapipisa na dahil sa mga crack na nakita namin last night. And there I saw a small piece of the Eggshell that comes from the color brown Dragon Egg. I touch it gently and a growl came out from the Egg. Nag-vibrate pa nga siya sa kamay ko kaya napangiti ako at 'agad na ring binitawan ito. Mabilis na nilapitan ko ang natutulog pa ring si Cristina. I pulled the mattress that was covering her face. Niyugyog ko na rin ang katawan niya para magising pero nakalimutan kong tulog mantika nga pala ang isang ito. "Cristina c'mon wake up! Your Dragon Egg will soon hatch!" Sigaw ko malapit sa tainga niya but she just shooed me away. Aish! This is the reason why I don't want to sleep with them dahil ang hirap nilang gisingin. Huminga muna ako nang malalim at lumapit sa nakadapang si Cristina, tinabig ko ang buhok niya para makita ko ang tainga niya. Let's see kung hindi ka pa magising sa gagawin kong ito. I saw this on YouTube. Para daw magising ang tulog ay hipan mo 'yong tainga because it tickles nga naman at talagang magigising ka lalo na kung may kiliti ang tao doon. I didn't waste any moment at 'agad nang hinipan ang tainga niya ng tatlong beses para maganda. "Damn it, ano ba!? Can't you see that I'm sleeping?!" Malakas na sigaw ni Cristina na ikina-tawa ko lang. I stop her hands from covering her ears. "O-oii ang ingay naman!" Rinig kong reklamo ni Rommel sa kama at padabog na napa-upo. "Hey you! Sober up! Mapipisa na ang Dragon Egg ni Cristina! Gisingin na natin sila bago pa man natin masayang ang pagkakataon na makita ang pag-pisa ng Itlog!" Sigaw ko sa kaniya. Since hindi naman LG si Rommel ay kaagad niyang na-gets ang sinasabi ko at walang pasabing sinipa ang katabi dahilan nang pagkahulog nito sa kama. Napa-iling na lang ako at itinuon na ang atensyon sa dalawang naalimpungatan na dahil sa ingay. "Bumangon na kayong dalawa diyan! Your Dragon Egg will hatch any moment now Cristina so get up!" Sigaw ko ulit sa kanila at pareho nang hinila ang mga braso nila Ate Catherine at Cristina pa-angat. "Tumigil ka nga Rose Ann! Sabi ni Mama hindi pa 'yan mapipisa ngayon, 'di ba?" Reklamo ni Cristina. Haay! Ramdam ko na kung paano mainis si Tita Minerva sa pag-gising sa isang ito. "Pwes nagkamali si Tita dahil lumabas na ang Dragon mo! Look oh, ang cuuuuute!" Sambit ko at kunwaring may inaabot sa crib that made her eyes wide open. "What?! 'Asan 'asaan!? Ba't 'di mo kaagad sinabi?!" Sabi niya at dali-daling tumayo at tumabi sa akin, tiningnan niya iyong Itlog niya na may nanlalaking mata. "Waaah!!! Lalabas na nga!!!" Malakas na sigaw niya at kaagad akong napatakip sa tainga ko. Damn it. Ang tinis na nga ng boses nagawa pang sumigaw malapit sa tainga ko. Mababasag yata 'yong ear drums ko! Nagsilapitan na rin 'yong tatlo habang kinukusot-kusot pa ang mga mata. Mga lutang pa sila kaya wala lang sa kanila 'yong sigaw ni Cristina. *BLAAAG!* "ANONG NANGYAYARI DITO?! SINO 'YONG SUMIGAW!!??" Napatingin kaming dalawa ni Cristina sa may pinto at nandoon sila Tito't Tita. Hawak ni Tito Jerry 'yong pintuan so meaning siya ang bumalibag ng pinto. "Papa! Lalabas na ang Dragon ko!" Excited na sagot ni Cristina sa Papa niya. Psh, parang kanina lang ay ayaw pang bumangon e. Nanlaki naman ang mata nila at 'agad na lumapit para makita kung totoo nga ang sinasabi niya. Napatakip naman ng bibig si Tita Marivic nang makitang may uka na nga ang Dragon Egg ni Cristina. Natahimik naman sila Tito Gerry at Tito Max dahil sa nakikita. Nakangiti lang rin si Tita Minerva habang nakatingin sa mga Itlog. *Grrr grrr* "Nag go-growl na ang Dragon! Cristina kunin mo ang Itlog." Excited na sabi ni Tita Minerva na 'agad namang sinunod ng anak niya. "Tuklapin mo na ang ibang shell para makalabas na siya dali!" Dagdag pa niya na 'agad kong ikina-kunot ng noo. Cristina's POV Nang sinabi ni Mama na alisin ko daw 'yong natitirang shell ay napatigil ang kamay ko sa paghimas sa Dragon Egg ko. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. As far as I know kusang sisirain ng Dragon na nasa loob ang shell niya para makalabas, just like what a normal eggs do. "Ano pang hinihintay mo? Alisin mo na!" Pa-sigaw na sabi ni Mama sa akin. Napatingin ako kay Papa dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Mama. Nakita kong nagtataka rin siya sa inaakto ni Mama. "Ma, ang alam ko po ay kusa na lang itong matatangal once na may natuklap na, 'di ba po Papa?" Sabi ko. Sumang-ayon naman sila sa akin at tiningnan si Mama. May mali dito eh. Ang alam ko talaga ay tutulungan mo lang na mabuksan ang shell kapag alam mong mahina iyong nasa loob at hindi kayang gawin iyon ng mag-isa. "Ayaw mo ba? Sige ako na lang ang aalis niyan! Akin na, ibigay mo sa akin ang Itlog ng Dragon!" Sigaw ni Mama at akmang aagawin na sa akin ang Itlog. Pero hindi pa naman lumalapat ang kamay niya sa Itlog ay 'agad na hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama at 'agad na pinilipit ito papunta sa likod niya. Malakas rin niya itong itinulak papunta sa higaan at tumama pa si Mama sa edge n'ong kama nila Lola. Gulat akong napatingin kay Papa dahil sa ginawa niya kay Mama. "Papa! What did you do?!" May halong galit na sigaw ni Kuya at akmang lalapitan na sana si Mama pero dagli siyang hinila ni Tita Marivic. Itinulak siya papunta sa tabi ko. "Huwag ninyong hahayaang makalapit siya sa inyo, lalo na sa Itlog na hawak mo Cristina. Maliwanag?!" Sigaw na sabi ni Papa sa amin–sa akin. Pinagsama-sama rin kaming lima ni Tita Marivic at hinarangan niya kami kina Papa. "A-ano pong nangyayari Tito? Tita?" Kinakabahang tanong ni Rose Ann. Inabangan naman namin kung ano ang sasabihin ni Papa, humarap muna siya kay Mama na nasa higaan at namimilipit sa sakit dahil sa pagkatulak sa kaniya at pagkakapilipit ng braso niya. Halata ring masama ang naging pagtama niya sa edge ng kama. Pinipigilan kong maiyak dahil sa nakikitang nangyayari kay Mama. Napahigpit rin ang hawak ko sa Dragon Egg ko nang maramdamang gumalaw ito. "Isa siyang Darknian at hindi siya si Minerva." Sabi ni Papa na halatang galit. D-darknian? Paanong napasok kami ng kalaban? "Anong ginagawa mo rito Darknian?! Nasaan ang Asawa ko?!" Galit na tanong ni Papa. Tiningnan namin ang Darknian na kamukha ni Mama. Nakangisi ito at dahan-dahang tumayo. "Ibigay ninyo sa akin ang Itlog kung gusto mo pang makitang humihinga ang asawa mo." Nakangising sabi niya kay Papa. Iniharang kaagad ni Papa ang kamay niya nang akmang lalapit siya ulit sa amin—sa akin. "Hindi ako tanga para sundin ang sinasabi mo Darknian. Nasaan ang asawa ko?!" Sigaw ulit ni Papa na halos rinig na sa buong bahay ni Lola. "She's just somewhere. Now give me that damn Dragon Egg!" Sigaw rin ng Darknian at tatakbo na sana papalapit sa akin nang bigla na lamang siyang tumilapon at napabalik sa pwesto niya kanina. Nakita kong naka-taas ang kamay ni Tita Marivic and I think siya ang may kagagawan niyon. "Ako muna ang makakalaban mo bago mo makuha ang Dragon ng anak ko." Ma-otoridad na sambit ni Papa at walang ano-ano'y bigla na lang umilaw ang kamay niya at may lumabas na isang mahabang bakal na may patalim sa dulo. It looks like a spear na gawa sa metal. "Laban ba gusto mo? Sige payag ako!" Pagkasabing-pagkasabi ng Darknian niyon ay biglang nag-iba ang itsura nito. Nakasuot na siya ng itim na cloak at nag-iba na ang mukha. Maihahalintulad mo ang mukha niya sa isang tuyong kahoy, kulu-kulubot na at napaka-itim ng palibot ng mukha at bibig, makikita rin ang mga itim na linya nito sa katawan. She looked like the Darknians that we defeated the other day. Bigla itong sumugod kay Papa at may lumitaw ring Scythe na maliit sa kanang kamay nito at kaagad na iwinasiwas papunta kay Papa. Naiwasan ito ni Papa at 'agad ring iniumang patusok ang sibat niya papunta sa Darknian. Nagtagpo ang mga sandata nila. Dalawang kamay ang pagkakahawak ni Papa sa sibat niya at 'agad na itinulak ito dahilan ng pagkaka-atras ng Darknian. Ngumisi ito at muling sumugod. Walang pakundangang iniunday ng Darknian ang armas niya at tanging iwas ang nagagawa ni Papa. Halata kong medyo nahihirapan si Papa dahil may kahabaan ang weapon niya kaysa sa kalaban. Nang maka-kuha ng tiyempo ay itinukod ni Papa ang uluhan ng weapon niya sa sahig at ginawa itong suporta para maingat ang sarili at makagawa ng round house kick na siyang tumama sa gilid ng leeg ng kalaban. Napailing-iling ang Darknian dahil sa natamo. Malakas niyang inihagis ang scythe niya na 'agad na sinalag ni Papa ng spear niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang sumabay ang Darknian sa weapon niya at pasalubong ring binigyan ng blow si Papa sa dibdib. Napa-atras si Papa at bahagyang napa-ubo dahil sa natanggap. Akmang lalapit na sana si Tito Max kay Papa nang i-angat niya ang kamay, tanda na pinapahinto niya ito at kaya niya na itong mag-isa. Napa-iling na lamang si Tito Max at bumalik na lang sa kinatatayuan niya kanina malapit sa crib ng mga Dragon Eggs namin. Habang abala silang lahat sa panonood sa labanan nila Papa ay bigla kong naramdaman ang pag-init ng Dragon Egg ko but hindi ito nakakapaso. Medyo gumaan rin ito kaya 'agad kong sinilip ang loob at laking gulat ko nang makitang wala nang laman ang Itlog na hawak ko. Shell na lang ito at wala nang bakas ng Dragon sa loob! Damn it! Nasaan ang Dragon ko?! Gusto kong sumigaw para sabihin iyon sa kanila pero hindi ko magawa dahil baka ma-distract si Papa kapag ginawa ko iyon. Napakagat ako sa labi ko nang makitang nakatanggap na naman si Papa ng side kick sa may binti niya dahilan ng pagbagsak niya sa sahig. Damn it. Ako na lang ang maghahanap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD