Dragon XV

2969 Words
Jerald's POV Pansin kong naiinis na si Papa habang kalaban niya ang Darknian na gumaya kay Mama. I can say that she's good. Kahit ngayon ko lang nakita si Papa na makipag-laban ay alam ko at ramdam kong malakas siya. Kaya ng Darknian na ito makipag-sabayan sa kaniya. No wonder siya ang pinadala dito sa amin para kuhanin ang mga Dragons namin. Maybe she's one of the skilled warriors ng lahing Darknian. But damn. Nasaan si Mama? Anong ginawa ng panget na 'to sa Mama namin?! Sabi niya ay 'she's just somewhere' pero saan 'yong somewhere na tinutukoy niya? Kapag may nangyaring masama kay Mama ay ako mismo ang tatapos sa isang ito. I can control the air at isang pitik ko lang siguro ay mawawalan na nang hininga ang panget na ito. Napatingin ako sa likod nang maramdaman ko ang pagbunggo ng kung ano man sa likod ko. Nakita kong si Cristina pala ang nasa likod ko at hawak niya ang Dragon Egg niya at inilalapag ito sa loob ng crib. Hinila ko kaagad ang kamay niya bago pa man niya mailapag ito. "Anong ginagawa mo? Mas mabuti kung hawak mo lang iyan dahil ano mang oras ay baka lumabas na ang Dragon mo at hanapin ka!" Asik ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbalatay ng kaba sa mukha niya na ikina-kunot ng noo ko. "Anong mukha 'yan?" Tanong ko. "K-kuya." Tawag ni Cristina sa akin. Nag-aalangan pa niyang itinaas ang hawak na Dragon Egg at itinapat pa ito sa mukha ko. "Wala na itong laman kuya... nawawala ang Dragon ko." Naiiyak na sambit niya. 'Agad kong sinilip ang Dragon Egg niya at napa-mura na lang nang makitang wala na ngang laman ito. Tanging shell na lang ang hawak niya. "What the heck Cristina! Nasaan ang Dragon mo at bakit bigla na lang nawala diyan?!" Asik ko sa kaniya na ikina-agaw ng atensyon ng lahat. "Anong nangyayari diyan?!" Sigaw na tanong ni Papa sa amin. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakadapa na sa sahig ang Darknian habang apak-apak ni Papa ang likod nito at nakatutok sa leeg nito ang spear niya. "Napisa na po ang Itlog pero nawawala ang Dragon!" Sagot ko at kita kong bahagyang napangiti sila Papa at kita ko namang mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng Darknian na ito. "Ano?!" Galit na sigaw ng Darknian. "Napatay ko na sana ang Dragon kung hindi mo lamang ako pinigilan! Sana'y nagsasaya na ang Hari namin ngayon, mga letche kayo!" Nanggagalaiting sigaw niya kay Papa at pilit na itinutulak ang paa ni Papa pero mas lalo lamang niya itong idinikdik sa sahig. "Hindi ko hahayaang patayin mo ang Dragon ng anak ko Darknian! Ako muna bago ang Dragon!" Balik na sigaw rin dito ni Papa. I wanted to laugh because of his line that looks like an action star pero pinigilan ko na lang dahil this is not the right time for jokes. "Magmadali kayo at hanapin ang Dragon. Kami na ang bahala dito at ako na rin ang magbabantay sa mga natitira pang Dragon Egg. Bilis!" Salita ni Tita Marivic at itinutulak na kami papalabas. Wala na kaming nagawa kun'di ang kumaripas na nang takbo papalabas ng kwarto nila Rose Ann. Wait for a second... binalik ko ang tingin ko sa mga kasama ko at doon ko lang napansin na wala nga si Rose Ann sa grupo. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya, baka sakaling humiwalay lang. "Nasaan si Rose Ann?" Tanong ko sa mga kasama ko. Napahinto naman sila at nilibot rin ang paningin nila. "Hindi ko alam! Baka tumakbo palabas noong naglalaban na sila Papa at 'yong Darknian!" Sagot ni Cristina. I just shrugged my shoulders, baka nga na-una lang sa aming umalis kaya wala siya dito. "Wait, where should we find the Dragon? Maghihiwa-hiwalay pa ba tayo to make it faster?" Tanong bigla ni Ate Catherine. "We can't move on our own. Baka mamaya may kasama pala 'yang poser ni Tita Minerva at matambangan tayo kapag nag-solo." Mabilis na sagot ni Rommel na siyang ikina-tango ko. Mahirap na nga kung mangyari iyon. "So where should we go first?" Tanong ko. Napaisip naman 'agad si Cristina at kaagad na napangiti. She looks like an idiot while doing that. "Sa back garden ni Lola! You know my Dragon is connected to nature so malamang gugustuhin niyon na pumunta 'agad sa lugar na siguradong comfortable siya." Salita niya. She has a point kaya walang atubiling tinungo namin ang back garden ni Lola. Malawak ang back garden ni Lola na matagal ko nang pinagtatakhan dahil hindi naman ganoon kalaki ang property niyang ito. And now I know why. Maybe she used some charm to make it bigger than usual. Lola loves to grow different kinds of flower at ang iba pa nga ay 'galing pang abroad na sabi niya sa amin ay pasalubong lang daw sa kaniya. But I doubt it na galing talaga itong abroad since masyadong magical ang mga itsura nila. As far as I know may alaga siya ditong glowing flower na hindi ko na ulit nakita. Maybe itinago iyon ni Lola para hindi kami magtaka kung bakit may ganoon dito. Pagkarating namin ay 'agad naming nilibot ang back garden. Sa sobrang lawak nito ay kinailangan naming maghatian kung saan kami banda maghahanap. Ilang minuto na rin akong naghahanap pero wala pa rin akong nakikita, nakita ko pa si Cristina na medyo teary eyed na dahil maging siya ay wala pang nakikita. Nakita ko rin ang dalawang magkapatid and they also look tired kahit kaka-simula pa lang ng araw. Nilapitan ko si Cristina at marahang tinapik ang balikat niya. Napatingin naman siya sa akin at napanguso. I calmed myself to not put my palm on her face dahil nakakasuka ang ginagawa niya. "Baka mayroon pang lugar dito na hindi pa natin napupuntahan, don't lose hope yet." Sabi ko sa kaniya at inilibot ko ang paningin ko. Doon ko lang napansin na mataas na pala ang tirik ng araw and I think it's 7 am already. We're going to skip our class for today I guess. Mas importante ang mahanap ang Dragon ni Cristina sa ngayon. Habang nililibot ko ang buong lugar ay napadako naman ang paningin ko sa may statue. Yup, there's a statue here and nasa medyo gilid siya at tago dahil may small fountain sa center ng garden. Lumapit ako doon at sumunod naman si Cristina sa likod ko. "Hindi ko pa 'yan napupuntahan." Sambit niya na ikina-tango ko lang. Like what I said kanina, nasa galid nga itong statue at pader na gawa sa halaman ang likod nito. What I mean by halaman is iyong parang mga baging-like na halaman na naka-hang lang na nagmumukhang pader kapag maraming kumpol. Usually makikita 'yong mga ganoon sa mga gubat. Parang 'yong tinatakip rin sa entrance ng hidden cave para hindi makita. Damn. Ang hirap ipaliwanag basta ganon iyon. Namumulak-lak rin ito lalo na kapag ma-ulan. Nang makalapit na kami sa statue ay pinakatitigan ko ito. I even roamed around para makita ang every detail ng statue. It is a woman carrying a basket and I think mga prutas-prutas ang laman niyon since may parang apple na nakaukit. "Kuya try mo kayang pasukin iyong halamanan? Baka may secret garden pa diyan si Lola." Turo niya doon sa halaman na mahahaba sa likod nitong Statue. "Why would I? You go, ikaw nakaisip niyan." Sagot ko na ikina-busangot niya kaagad. "Seriously? Wala naman sigurong ahas diyan na nagliliwaliw e. Safe naman yata." Sagot niya pero umiling lang ako. By the looks of it ay malabong walang ahas na namamahay diyan. Napa-padyak naman siya sa inis at padabog na lumapit doon sa halamanan at nang akmang hahawakan na niya ito ay isang kalabog mula sa bahay ni Lola ang narinig namin. Kaagad akong napatingin doon and I saw a black light suddenly appeared inside. Dahil open lang itong back garden ni Lola ay kita kaagad namin ang sala. Wala sa sariling napatago ako sa likod ng statue na 'agad namang sinundan ni Cristina. "What was that?!" Mahinang tanong ni Cristina. I pursed my lips since wala naman akong alam kung ano ba 'iyon. Nagpalinga-linga na rin ako para hanapin iyong magkapatid pero wala akong makita. Damn it. Sabing 'wag maghiwa-hiwalay e! "We should get going. Alam kong kaya na nila Papa iyon. Pasukin na natin 'yan." Sambit ko pertaining to the plants behind us. Napatango naman 'agad siya at nauna na sa akin. Hinawi niya 'agad ito pagkalapit niya at humakbang na papasok, sumunod na rin ako. Hawi lang kami ng hawi ng mga halaman. Just as I thought, masyado ngang marami ang mga halaman na ito. Parang katulad lang ng sa movies na napapanood ko. Lalo na kapag adventure 'yong movie, laging may gubat scene. It took us 2 minutes to get away from those plants. "Success!" Siigaw ni Cristina as soon as makalabas kami sa halamanang iyon. "Hindi ko akalaing may hidden garden pala talaga si Lola dito. Hinulaan ko lang naman ito e." Nakangiting sagot niya. Inilibot ko ang paningin ko at bahagyang napa-ngiti nang makita ang kumpol ng bulaklak na nagliliwanag kahit tirik na tirik rin ang araw. This is the flower I'm talking about earlier. Nandito lang pala ito sa secret garden ni Lola. Napa-ohh rin ako nang makita ang mga bulaklak na hindi ko aakalaing nag-e-exist pala. All the flowers here are so enchanting. Hindi ito mga normal lang na mga bulaklak kaya nandito sila nakatago. "Hahahaha, hey stop it! Hindi iyan pagkain! Ito na lang ang kainin mo oh." Kaagad akong napa-tago sa isang malaking paso na may tanim na parang cactus like na halaman. Kahit nagtataka ay sumunod rin sa akin si Cristina at nakitago rin. "Bakit tayo nagtatago?" Malakas na tanong ni Cristina. I immediately covered her mouth at sinenyasang manahimik. "Sinong nandiyan?!" Sigaw ng boses babae. Napalaki naman ang mata ni Cristina at kaagad na mas sumiksik para makapagtago. Nakarinig kami ng yapak at palakas ito ng palakas tanda na malapit na sa amin ang may-ari niyon. I hold my breath to lessen the noise it gives dahil baka kalaban pala ito at yari kami nito. Napa-atras ako nang biglang dumaan sa harap ng paso ang babae kaya 'agad akong napayuko at humarap sa likod. Kakulay ng paso ang damit ko kaya I'm confident na hindi ako madaling makikita dito. Nakita kong nakatingla si Cristina at mukhang sinusundan ng tingin ang babae. Napakunot ang noo niya at kaagad na napatayo. Hahatakin ko pa lang sana siya nang bigla na lang siyang naglakad at hinabol ang papalayong yapak ng babae. "Hoy!" Rinig kong sigaw nito na siyang ikina-face palm ko. Kaagad akong sumilip at nakita ko ang likod ni Cristina habang kaharap rin ang likod ng babae. Umusog ako ng kaunti para sumilip na siyang ikinabusangot ko. "Oh? Ikaw pala. That's why familiar ang boses ng sumigaw kanina. Ikaw pala talaga iyan." Sagot ni Rose Ann habang patawa-tawa. Nakabusangot naman akong tumayo at naagaw ko naman ang pansin niya. "Ba't bigla kang nawala kanina?" Tanong ko sa kaniya habang pinapagpagan ang damit ko dahil may dumikit na tinik ng cactus. "Sorry ha, umalis ako nang walang pasabi kanina. Sinundan ko kasi 'yong liwanag na lumabas sa Dragon Egg ni Cristina. Akala ko kagagawan ng Darknian 'yon kaya kaagad ko na itong sinundan." Paliwanag niya naman. "Liwanag? Wala naman akong liwanag na nakita ah? Naramdaman ko lang na uminit saglit iyong Dragon Egg ko tapos pag-tingin ko, shell na lang pala hawak ko at wala nang laman." Sagot naman ni Cristina. "Paano mo naman makikita, naka-pako ang mata mo sa paglalaban ng Papa mo kanina. You're too occupied that time." Kibit-balikat na sagot ni Rose Ann. "But hey! Alam mo ba kung ano ang natuklasan ko sa pagsunod sa liwanag na 'yon?" Excited na dugtong nito. "A-ano?" Halatang kabadong tanong ng kapatid ko. May hunch na rin ako kung ano based on this girl's reaction. "Come on! Follow me and see for yourself, my dear cousin." Nakangising sambit ni Rose Ann. Sinundan namin siya at dinala niya kami sa isang flower bed malapit sa maliit na fountain ng secret garden. I gulped when I saw something between the flowers. Its color perfectly blended with the trunk of the trees. By merely placing it between the flowers ay mapagkakamalan mong trunk nga ito ng mga halaman. I think it noticed our presence that's why it faced us with its enchanting blue eyes. The mouth of it is releasing some juices of the guava that it's currently eating. I felt goosebumps when it looked at me hanggang sa ilipat niya ito sa katabi ko. Narinig ko ang impit na hikbi ni Cristina habang nakatingin doon. I saw how the eyes of the Dragon grow big nang matitigan nang matagal ang kapatid ko. Napatingin ito kay Rose Ann na nakangiti lang ring pinapanood ang dalawa. Tinanguan ito ni Rose Ann at walang ano-ano'y umungol ang Dragon at ibinuka pa ang pakpak niyang maliliit pa. Paika-ikang naglakad ito papunta kay Cristina at napangiti na lang ako nang salubungin na ito ni Cristina ng yakap. MASTER Cristina's POV I was left speechless dahil sa mixed emotion na nararamdaman ko. All I know is that yakap-yakap ko na ngayon ang Dragon ko. Kung dati ay Itlog lang ang nayayakap ko, ngayon ay Dragon na. Gosh! Para akong baliw dahil panay ang tulo ng luha ko. Feeling ko kakatapos ko lang manganak tapos pinahawak na sa akin for the first time ang anak ko. I caressed its small body and pat its head. Ang ganda ng mga mata niya! */See the picture in multimedia for imaginary purposes/* "Ano ipapangalan mo sa kaniya?" Biglang tanong ni Rose Ann na akala mo nurse na kinukuha ang name ng bagong panganak na sanggol. "Hmm. Wala pa akong naiisip na pangalan sa kaniya. Maybe later na lang 'pag tapos na iyong kaguluhan sa bahay ninyo." Sagot ko habang hindi inaalis ang mata sa Dragon ko. It's purring kaya napapatawa ako, akala mo naman pusa e. "Nandito lang pala kayo." Sabay-sabay kaming napatingin sa likod namin nang may magsalita. "Lola? Lolaaa!" Sambit ni Rose Ann at 'agad na tumakbo papalapit kay Lola. Ngumiti lang siya sa amin at pinat rin ang ulo ni Rose Ann. "Lola, saan po kayo galing?" Tanong ni Kuya. Hinimas ko naman ang ulo ng Dragon ko nang gumalaw ito. Natutulog na siya ngayon sa mga kamay ko kaya hindi ko napigilang mapangiti. "Tama ba itong nakikita ko?" Imbis na sagutin ni Lola ang tanong ni Kuya ay ibang salita ang lumabas sa bibig niya. Nakita kong nakapako ang paningin niya sa kalong-kalong kong himbing na ang pag-tulog. "Tama po kayo Lola. Iyan na nga po ang Dragon ni Cristina, ngayon lang po napisa 'yan. Pahirapan pa nga po kami sa paghanap diyan tapos makikita na lang namin na kasama pala ni Rose Ann 'yan dito sa secret garden mo po." Sagot ni Kuya. Napatigil sa akmang paghawak si Lola sa Dragon ko nang bigla itong magising at inanggilan si Lola. Nagulat naman kami dahil sa naging reaction niya kaya 'agad ko itong inilayo para pakalmahin. "Tama ba ang narinig ko Jerald? Kasama ni Rose Ann ang Dragon ni Cristina nang makita ninyo sila dito?" Tanong bigla ni Lola and we both nodded. "Sabihin mo sa akin Rose Ann. Hinawakan mo ba ang Dragon?" Seryosong tanong ni Lola. Nagtataka man ay dahan-dahan siyang napa-tango na bahagyang ikina-singhap ni Lola. "Lola? Okay ka lang po ba?" Tanong ko naman. Tumango naman kaagad siya at pinakatitigan si Rose Ann na palipat-lipat lang ang tingin sa amin. "Masama po bang hawakan ang Dragon ng iba Lola?" Inosenteng tanong nito. Inabangan naman namin ang isasagot ni Lola. "Nakita ninyo naman siguro ang reaction ng Dragon nang hahawakan ko siya, 'di ba? Ayaw ng Dragon na mahawakan sila ng iba lalo na kung hindi naman ito ang Master nila. Sigurado ka bang nahahawakan mo talaga ang Dragon? Pwede mo bang ulitin?" Tanong ni Lola. Wala namang alinlangang tumango si Rose Ann at 'agad na lumapit sa akin. Tiningnan pa muna niya ako, asking my permission kaya tumango na lang rin ako. Nakita kong napamulat ng mata ang Dragon ko at pinakatitigan lang si Rose Ann. Walang alinlangan ulit na inangat ni Rose Ann ang kamay niya at inilapat ito sa ulo ng Dragon ko at hinimas ito. Nakita ko pa ang pag-pikit nito habang hinihimas siya ni Rose Ann. "Paano nangyari ang ganitong bagay?" Rinig naming bulong ni Lola. Tahimik lang kaming nakatingin kay Lola dahil pansin naming malalim na ang iniisip nito. Maya-maya pa ay naglakad na ito papalapit doon sa statue na kamukha n'ong statue na nasa labas. "Doon na lang natin sa bahay pag-usapan ang tungkol diyan, tara dito." Sambit ni Lola, lumapit kami at nagtatakang nakatingin sa kaniya. "Ano pong gagawin natin dito? 'Di ba po doon ang daanan?" Tanong ni Kuya sabay turo doon sa dinaanan namin kanina. "Diyan pala kayo dumaan kanina. Ito ang ginagamit ko upang maglabas-pasok sa garden na ito." Sagot ni Lola at hinawakan ang isang parte ng basket ng statue. "Humawak kayo sa akin kung gusto ninyong huwag mahirapan sa paglabas dito." Salita ulit ni Lola kaya 'agad na kaming humawak sa kaniya. Wala pang ilang segundo ay namalayan na lang namin na nasa back garden na kami ni Lola. I think we teleported using that statue. Awesome! Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa nangyari at sabay-sabay na nagpunas ng pawis kunware. Nagkanda hirap pa kami na pasukin ang halamanan na iyon, may mas madali rin lang naman palang paraan para makapasok doon. Tiningnan kami ni Lola bago sumenyas na pumasok na sa loob ng bahay. Tumango naman kaagad kami. Nag-grr ang Dragon ko kaya 'agad kong inayos ang pagkaka-karga sa kaniya at sumunod na rin sa kanila papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD