Dragon XVI

2232 Words
Master Cristina's POV Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin na nasa sala na pala kami. Ini-angat ko ang paningin ko at halos mapa-atras rin nang makitang lahat sila ay nakatingin na sa akin—I mean sa yakap-yakap ko. All of them has a smile of relief that is plastered on their faces, ang mga pinsan ko naman ay binigyan ako ng thumbs-up so I gave my most genuine smile at them. Nalipat ang tingin ko nang makitang naka-upo na si Mama sa tabi ni Papa at may maliliit na sugat sa mukha at braso niya. Nakangiti lang rin siya sa akin while looking so proud inspite of those bruises. Tumikhim naman si Lola kaya na-agaw niya ang atensyon ng lahat. "Nandito tayong lahat para pag-usapan ang mga nangyari habang wala ako rito." Seryosong salita ni Lola habang pormal na naka-upo. "Simulan mo sa nangyari sa iyo Minerva." Utos niya kay Mama na siyang ikina-tango naman kaagad ni Mama at umayos na nang pagkaka-upo. She cleared her throat bago nag-simulang magsalita. *flashback* Minerva's POV Nagising ako nang tumunog na ang alarm clock na nasa side table ng kama. Kinailangan kong mag-alarm clock 'lagi dahil tulog mantika rin ako. At kawawa naman ang mga anak ko kung hindi ko sila maipagluluto ng almusal nila bago pumasok ng school. Inayos ko na ang sarili ko at bahagyang binuksan ang bintana para sana pumasok ang kaunting liwanag pero dahil alas-singko pa lamang ng umaga ay medyo madilim at mahamog pa ang paligid. Tulog na tulog pa ang asawa ko kung kaya't inayos ko muna ang kumot niya bago dumiretso sa ibaba para simulan ang pagluluto. Ini-on ko muna ang radio para naman ganado ako sa pagluluto. Kahit parang tuod ang katawan ko ay hindi ko pa rin mapigilang mapa-indak sa saliw ng kanta. Iyon nga lamang ay hindi ko maintindihan ang lyrics dahil parang korean ito. Abala na ako sa paghihiwa ng mga spices nang makarinig ako ng lagabog mula sa sala. Sa pagkakatanda ko ay wala naman sa loob ang alaga naming aso at hindi ko pa binubuksan ang pintuan. Pinili ko munang huwag pansinin iyon dahil baka kung ano lang. Ngunit na-ulit pa iyon ng dalawang beses at ang panghuli ay may kalakasan na. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib dahil sa nangyayari. Hindi ako naniniwala sa multo ngunit iyon ang naiisip kong dahilan ngayon. Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyong ginagamit ko sa paghihiwa. Pasimple ko na ring pinatay ang apoy sa kalan. Pinakiramdaman ko ang paligid pero 'agad akong napa-singhap nang isang humahagibis na patalim ang kamuntikan nang tumama sa ulo ko. 'Agad akong napa-harap sa likuran ko at nagulat sa nakita. Isang nilalang ang nakatayo sa mismong likuran ko. Nakasuot siya ng itim na talukbong at nakadikit ang katakot-takot na ngisi sa mukha nitong tila tuyong puno ng kahoy. Nangingitim rin ang paligid ng bibig at mata nito na hindi ikinawala ng mga itim na linya sa katawan. "Darknian." Mahinang sambit ko nang makilala ang wangis nito. "Magandang umaga." Sagot nito at walang ano-ano'y mabilis na sumugod sa akin. I managed to turn around kaya ang natamaan ng palakol niya ay ang lababo. Mabilis na tinalon ko ang pagitan namin ng Darknian. Kumakabog ng malakas ang puso ko dahil sa kaba. Alam ko sa sarili ko na hindi ako marunong makipaglaban. Tinuturuan naman ako ni Gerry pero hindi iyon sapat lalo na't isang Darknian ang kaharap ko. Base pa sa kilos niya ay skilled ang isang ito. Mas tinuon ko kasi ang atensyon ko sa medisina dahil doon mas angkop ang charm kong blood controlling. Mahigpit kong hinawakan ang kitchen knife na magsisilbing armas ko. Hindi ito magtatagal sa dagger na armas ng babaeng ito. Wala akong alam sa mga armas pero sa tingin ko ay specialized ang dagger niya. Sumugod ito at ginawa pang foot hold ang maliit na upuan sa isang tabi para makatalon papalapit sa akin. Nag-step back ako ng dalawang beses at pinanangsangga ang kitchen knife sa dagger niya. Napangiwi ako nang marinig kong nag-crack ang kitchen knife dahil sa lakas at pwersang ibinigay ng Darknian sa akin. Buong lakas kong tinulak ang Darknian papalayo sa akin at nang maka-layo na sa kaniya ay tumakbo ako papunta sa knife rack namin. Kaagad kong hinablot ang butcher knife at mahigpit itong binitawan. Kaysa naman sa isang simpleng kitchen knife ay mas matibay ang isang ito. Gawa ito sa metal para madaling maputol ang buto. "Sigurado ka na ba diyan sa armas mo?" Natatawang tanong ng Darknian pero inismiran ko na lamang siya. "Ano bang kailangan mo? Bakit ka nandito sa pamamahay ko at nanggugulo?!" Kontroladong sigaw ko dahil baka marinig ng mga tao naming kapit-bahay. "Ang mga Dragon ang kailangan ko. Kung makikipagtulungan ka sa akin ay hindi ka na mahihirapan pa." Sagot naman nito kaagad na ikina-kagat ko ng madiin. Sinasabi ko na nga ba, wala namang ibang dahilan ang mga Darknians para pumunta dito kun'di para sa mga Dragon lang. Lihim naman akong naka-hinga nang maluwag dahil nasa bahay ni Mama ang mga bata at ang mga Dragon. Mabuti iyon dahil hindi sila madadamay dito. "Hinding-hindi ako makikipagtulungan sa inyong mga Darknians!" Sigaw ko sa kaniya. Napangisi naman ito at napatango-tango. "Alam ko naman iyon, nagbabaka-sakali lang naman ako." Sagot nito at walang sabi-sabing sumugod ulit sa akin. Tanging iwas at pag-sangga lamang ang nagagawa ko. Pa-atras rin ako ng pa-atras at ilang metro na lamang ang layo ko sa lababo at masusukol na niya ako. Kung mahahawakan ko lamang siya ay makakaya kong kontrolin ang dugo niya. "Ahh!" Napadaing ako nang magawa niya akong mahiwa sa braso. Napa-hawak ako sa sugat at diniinan iyon upang maibsan ang pagdurugo. Pinilit kong i-angat ang binti ko at buong lakas na sinipa ang tuhod niya. Nagawa ko naman iyon kung kaya't napalayo ito sa akin at sinapo ang nasaktang tuhod. Mabilis kong pinagana ang charm ko at kinontrol ang sariling dugong lumalabas sa sugat ko. May kalaliman ito kung kaya't marami-rami rin ang lumabas na dugo. Nagawa kong pigilan ang pagdaloy ng dugo ko sa bandang may sugat. Ngunit kapag nagtagal na hindi nakaka-circulate ang dugo ko ay mamanhid naman ang kamay ko. "Ugh!" Daing ko na naman nang isang sipa ang tumama sa tiyan ko. Hindi ko namalayang nakabawi na pala ang Darknian at sinugod na ako nang hindi ko namamalayan. Isa nga pala sa itinuro sa akin ni Gerry, huwag na huwag mong ia-alis ang atensyon mo sa kalaban mo. Sunod-sunod na sipa na ang natatanggap ko at nabitawan ko na rin pala ang butcher knife na hindi ko man lamang nagamit. Napa-daing muli ako nang isang sipa na naman ang tumama sa panga ko. Napapilig pa-kanan ang ulo ko dahil sa lakas niyon at naramdaman kong kaagad nangalay ang leeg ko. Ramdam ko na rin sa likod ko ang lababo, na-corner na niya ako, damn. "Ano? Suko ka na ba Whitenian?" Ngising tanong ng Darknian na kumukuha na ng bwelo upang muli akong sugurin. Hindi ako maka-apuhap ng salita dahil sa mga pinsalang natamo ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong sugat dahil hindi ko naman ito madalas natatanggap. Isa lang, kahit isang dampi lang ng balat ko sa katawan ng Darknian na ito ay kaya ko nang makontrol ang dugo niya. Kahit isa la—— Tila nabuhay ang dugo ko nang maramdaman ko ang kamay ng Darknian sa balikat ko. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa akin habang ang kanang kamay naman ay bumubwelo upang isaksak sa akin ang dagger niya. Isang ngisi ang naka-ukit sa labi niya na sinuklian ko naman ng isa ring ngisi. Otomatikong na-activate ang charm ko at kaagad itong dumaloy sa katawan ng Darknian. Pansin kong napahinto ito sa ginagawa niya at na-iwan sa ere ang kamay na may hawak na patalim. Umayos ako ng tayo at inalis ang pagkakawak ng kamay niya sa balikat ko. Hindi ko na binitawan pa ang braso niya at mariin itong hinigpitan. Tila nag-iba ang paningin ko at tanging mga ugat at internal ograns na lamang ang nakikita ko sa katawan ng Darknians. Napapilig ang ulo ko nang magawa kong hawakan ang puso niya gamit ang aking mahika. Nakita kong may umangat na dugo papunta sa bibig ng Darknian, nagsuka yata ng dugo. "Wala man akong panama sa galing mong makipaglaban, magaling naman ako sa aking larangan." Sambit ko at walang pasabing kinontrol ang dugo niyang nilalabas ng kaniyang puso. Ang puso ang may kontrol sa dugo. Hindi ko maaaring kontrolin ang puso niya, tanging ang pagdaloy lamang ng dugo. Pansin kong bumaluktot ang katawan ng Darknian at naririnig ko rin ang pagdaing nito. Nakikita kong patuloy sa pag-pump ang puso pero walang lumalabas na dugo dito. Kapag nagtagal ito ay tiyak na ang kamatayan niya dahil hindi na gumagalaw pa ang mga dugo niya sa katawan. "A-anong gi-gina-gawa mo sa a-akin?!" Sigaw nito na ikinatawa ko ng mahina. "Kinontrol ko lang naman ang dugo mo sa katawan." Tapat na sagot ko ngunit tanging daing lamang ang natanggap kong sagot mula sa kaniya. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa mga ugat niyang tila puputok na. Hinila ko ang mga dugo niya paitaas at dinala ang mga iyon sa kaniyang baga. Kaagad nawalan ng balanse ang Darknian at bumagsak ito sa sahig. Napasabay ako dito dahil hindi ko maaaring bitawan ang braso niya dahil mawawala ako sa pagkaka-kontrol sa kaniya. Pansin kong unti-unti nang humihina ang pagtibok ng puso niya, tanda na hindi na nito kayang mag-pump nang mag-pump na walang dugong lumalabas. Tila kasi nasaraduhan ang daluyan ng dugo kung kaya't nasa-stock ito sa loob. "B-bitaw....bitawan...mo a-ako..!!!" Pilit na salita ng Darknian at pilit na pumipiksi sa pagkakahawak ko kahit pa hinang-hina na ito. "Ayaw ko nga——Ugh!" Kaagad akong bumagsak sa sahig nang may kung anong matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Ramdam ko ang hilo at ramdam ko rin ang paglabas ng dugo dito. Pinilit kong kinontrol ang mga dugong iyon at pina-agos ang iba bago pinatigil. "Ang s-sabi ko bitawan mo a-ako e." Muling salita ng Darknian at kaagad na kumawala sa pagkakahawak ko. Hilo namang inangat ko ang katawan ko upang makaupo. Nakita kong pinapalo ng Darknian ang mga binti niyang tiyak kong namanhid. Nakita ko rin sa tabi niya ang potato masher na may bahid ng dugo. Gawa iyon sa metal kung kaya't talagang matigas iyon. Iyon yata ang pinampalo niya sa akin. Nanginginig itong tumayo at sinamaan ako ng tingin. Nanlalabo ang paningin ko ngunit nakita ko pa rin ang pamumuo ng isang itim na bolang liwanag sa kamay niya. Napalunok ako at sumalakay rin ang kaba sa puso ko. Napatingin ako sa direksyon ng hagdan. Tulog na tulog pa rin ba ang asawa ko?! Napaka-tulog mantika ng bwisit na 'to ah. Mamatay na ko't lahat tulog pa rin sa itaas. "Any last words?" Ngising tanong ng Darknian na ikinatingin ko pabalik sa kaniya. "God bless you." Sagot ko na ikina-lukot ng mukha niya at walang pasabing itinapon sa akin ang mahikang hawak niya. Kaagad akong nawalan ng malay nang pumasok sa akin ang mahikang iyon at tila may kung anong sumakop sa buong katawan ko. *flashback ends* "Kamusta naman ang mga sugat mo?" Tanong ni Lola matapos mag-kwento ni Mama. "Okay na po Ma. Nagamot ko na po, maayos na po." Sagot naman ni Mama na ikinatango rin naman ni Lola. "Eh dito? Ano namang nangyari dito at ang gulo-gulo ng pamamahay ko?" Tanong ulit ni Lola. Nagkatinginan kaming lima nina Rose Ann at sinenyasan namin siya. She pointed at herself and the four of us nodded. "Ahh well, ganito po kasi 'yon Lola...." Panimula niya at kinuwento nga ang nangyari dito simula kahapon hanggang ngayon. Walang labis, walang kulang. "Kung ganoon ay hindi na nga ligtas ang mga bata dito lalo na ang mga Dragon. Hindi pa man sila napipisa ay gumagawa na ng hakbang ang mga kalaban upang tuluyan na silang burahin sa mundo." Seryosong sambit ni Lola na nagdulot ng takot sa akin kung kaya't napahigpit ang pagkakayakap ko sa natutulog kong Dragon. "Ano pong gagawin natin Ma?" Nag-aalalang tanong ni Tita Marivic at hinawakan ang mga kamay ng dalawa niyang anak. "Huwag kayong mag-alala, gumawa na ako ng paraan." Ngiting sagot ni Lola na ikina-tingin naming lahat sa kaniya. "Ang ipasok sila sa Dranair Academy." Salita naman ni Tito Maximo. Narinig naming napatawa si Lola na ikinataka naming lima. "Kahit kailan talaga ay ang dali mong mabasa ang gusto kong gawin." Naiiling na sambit pa niya. "Kaya nga ako nawala kahapon ay dahil pumunta ako sa Academy upang sabihin ang tungkol sa inyo kay Headmaster Furukawa. Hindi naman na ako nahirapan dahil alam naman na pala nila ang tungkol sa inyo, hindi nga lang nila alam na sa pamilya natin manggagaling ang mga Masters." Dagdag pa ni Lola. "Ano, may pumunta na ba sa inyong taga-Dranair Academy?" Tanong ni Lola sa aming mga apo niya. "Meron na nga po Lola. Actually, may form pa nga pong binigay sa amin and kailangang fill-up-an. Babalik po sila sa C.U ngayon para kuhanin ito." Sagot naman ni Rose Ann at inabot ang folder niya na nasa ilalim pala ng center table ng sala. Napatango-tango naman si Lola nang basahin nito ang laman niyon. So, hindi na pala namin kailangan hingin ang approval nila sa pag-lipat namin dahil sila rin naman pala ang may pakana nito. Ahh okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD