Dragon XVII

4297 Words
Catherine's POV "Can I take the folders now please?" Salita ni Mr. Natividad. He introduced himself kanina dahil hindi namin alam kung ano ang itatawag sa kaniya and since siya naman ang 'laging inuutusan ng Headmaster. If I know, this man was the one who fetches Rose Ann in her classroom before. Like what he asked, ibinigay na nga namin ang kaniya-kaniya naming folder na hawak-hawak kanina pa. Anyway, the five of us are here in the Principal's Office because we were called earlier to handed them those folders and also to inform us to fix our belongings because we are supposed to leave tomorrow. Everything's all set and we don't have any more problems. Our papers are all set even before they came here since they know that we will agree to transfer to them. Well, it was all because of Lola. Hindi nga pala kami pumasok yesterday because of what happened. Lola sent a message to Headmaster to inform him about what happened to us to he let us rest for a day and ngayon na lamang nila kinuha ang folders. They let us go home na rin para daw makapag-ayos na kami ng mga gamit na dadalhin namin for tomorrow. We haven't talked to the Headmaster because they are still talking to the Principal for some che-che buretches. We also found out that nagka-free ride pala si Rose Ann papunta dito dahil nadaanan raw siya ng convoy ng Headmaster. We bid our goodbyes first sa mga classmates and teachers namin bago umuwi. I'll miss them for sure, especially my friends here since junior high. "What do you guys think about Dranair Academy?" Rommel broke the silence habang naglalakad kami sa hallway ng C.U pa-labas ng campus. "Maganda 'yon for sure!" Cristina answer while smiling from ear to ear. "Sana walang bullies doon 'no." Out of nowhere na sambit ni Rose Ann. Bullies? I doubt it, hindi na mawawala sa isang school ang mga bullies. "Hah! Himala na lang kung walang bullies sa isang school, lalo na't Academy pa ang Dranair." Jerald spoke my mind so I nodded as well. "Let's just be careful there since it's not just an ordinary school as what we think," I said. "Ingat naman saan?" Taas kilay na tanong ni Cristina. "Sa kung ano man ang meron doon, duh?" Maarteng sabi ni Jerald and he even rolled his eyes! "Ang arte nito, bakla ka ba?!" Inis na sigaw ni Cristina sa kaniya. "Of cource not, masyado lang talaga akong gwapo to the point na halos magmukha na akong babae." "Wow Kuya! Saan banda? Eh ni wala ka pa nga sa kalingkingan ni Jungkook namin eh!" "Wala talaga sa kalingkingan kasi nasa hintuturo na niya ako." "Hindiiii! Ingrown ka lang niya!!!" "Yuck ka ah!" Inis na sigaw ni Jerald at akmang aambaan ang kapatid. "Yuck mo mukha mo! Totoo naman kasi!" Singhal pa rin ni Cristina. I tried to cover my ears just to suppress their high pitch voices. Damn, wala na talagang pag-asa ang dalawang ito. "Ano naman ang sasakyan natin? Masyado pang maaga kaya walang dadaang sasakyan dito." Biglang tanong ni Rommel nang makarating na kami sa tapat ng gate. "Kotse, gusto ninyo?" Rose Ann replied while wiggling her eyebrows. "Bakit, mayroon ka?" Cristina immediately asked. "Wala. Pero may alam akong pwedeng masakyan!" She replied smiling so I couldn't help but be shaken when I guessed what she was thinking. "Kanino naman?" Tanong ni Jerald. "Sa kanila!" Sagot ni Rose Ann, sabay turo sa likuran namin. We all looked back as we saw the car of the Headmaster's convoy. "Pinasakay ka lang kanina, makikisakay na tayo 'agad?" I reasoned out. "There's nothing wrong with it naman ah. Makikisakay lang naman tayo." She innocently said. "Wala ka talagang kahiya-hiya sa katawan mo ano?" Kumento naman ng kapatid kong si Rommel. Rose Ann just nodded as she raised her hands to stop the car from getting out of the school's gate. It stopped and the driver's window rolled down as he looked at us curiously. "Bakit?" Aniya. "Pwede po ba kaming maki-sakay? Mukhang may pupuntahan rin po kasi kayo eh." Magalang na tanong nito sa Driver kahit halatang bata pa naman ito. "Bakit, wala ba kayong ibang masakyan?" Takang tanong nito sa amin at sumilip pa sa nakasarado pa ring gate. "Wala po eh. Maaga pa po kasi kaya wala pang dumadaan ditong masasakyan namin." Paliwanag naman ni Rose Ann. We scratched our necks when the Driver glared at us. "Hmm, ganoon ba? Oh sige, magpapa-alam muna ako kay Natividad." Ngiting tagumpay naman kaming tiningnan ni Rose Ann nang mag-labas na nga ng cellphone ang Driver. "Hello?.....Natividad, maaari ko ba munang ihatid itong mga bagong estudyante ng Dranair?.....Ahh oo, wala raw kasi silang masakyan.....Oo sige, bibilisan ko na lang.....Sige sige." After the conversation between the Driver and Mr. Natividad, we were prompted by the Driver to enter the car. The car doors also clicked to open. Smiling, Rose Ann got into the car and sat down. We were just shaken by our cousin's antics and entered too. Baka this Driver will change his mind and leave us suddenly. Rose Ann's effort will be wasted. "I told you guy's." Mahinang bulong nito sa amin nang maka-pasok na kami. "Saan ba dito ang bahay ninyo?" Tanong sa amin ni Mang Driver. "Ikaw na mag-turo sa kaniya Cristina, since nandiyan ka sa passenger seat." Rose Ann said to Cristina who was already sitting in the passenger seat. This is our arrangement inside. Driver—Cristina Rommel—Ako—Jerald—RoseAnn "Parang kasalanan ko pang dito ako naupo ah." Nakangiwing sagot ni Cristina. "Ahh Kuyang Driver, sa left side po tayo. Diretso ninyo lang po iyan hanggang sa makalagpas po tayo doon sa private property. Tapos liko po tayo sa kanan and—" Cristina's words were cut short when Kuyang Driver suddenly braked hard. "Awwwit. Kuya uso po ang mag-ingat." Salita ni Jerald while he sighed when he hit Cristina's chair. "Pasensiya na kayo, may bigla kasing dumaan." Kuyang Driver apologized immediately. "Po? Wala naman akong nakitang dumaan ah?" Cristina asked in surprise as she looked outside. "Hindi, may dumaan nga." Kuyang Driver insisted. "Paano mo naman makikita eh panay ang talak mo tapos kay Manong Driver ka pa nakatingin." Jerald's eyebrows rose. "Duh? Alangan namang sa inyo ako tumingin, hindi naman kayo 'yong Driver." Cristina answered with a raised eyebrow. "Oh eh ba't ka pa nagrereklamong wala kang nakita?" "Eh wala naman kasi talaga akong nakitang dumaan!" "Asuuus. Kasi nga hindi ka nakatingin sa daan! Kay Mang Driver ka nakatingin." Pagdidiin pa rin ni Jerald. We looked like a fool watching the siblings shout. Jerald is obviously holding back his annoyance and I know what's the reason for it. Only now did I notice that Kuyang Driver is really quite young and he has a good appearance. This man was too right to suspect his brother, oh my gosh. "Diretso na po tayo Kuya, wala akong nakitang tao sa labas. Well, aso, oo." Rose Ann suddenly spoke, so we looked at her as we closed the door next to her. Wait – did she come out? "Lumabas ka?" I asked. "Hmm, puro kasi dada ang dalawang 'yan. Hindi na lang chineck ang labas tss." Sagot niya na ikina-tikom ng bibig ng magkapatid. "Aso pala, hala sige. Larga!" Sambit ni Kuyang Driver at 'agad nang pina-andar ang kotse. "Ituro mo na lang ang daan nang klaro para maayos." "Okay po." Cristina just answered. Kuyang Driver quickly tracked down our subdivision and now we are getting out of the car. "Manong Driver! Thank you for the ride po ulit. Pasensiya na po sa istorbo." Pa-salamat ni Rose Ann. "Walang anuman iyon." Kuyang Driver said while smiling. "Ingat po kayo pabalik." Sambit ni Rommel. 'Agad napatingin ang dalawa maliban sa amin ni Rose Ann kay Rommel. "Nandiyan ka pa pala?" Cristina asked curiously. It starts to get annoying again. "No. It's just my apparition." Blankong sagot ni Rommel. "Ang tahimik mo kanina sa kotse kaya akala ko hindi ka namin kasama, ha ha ha ha." "Hindi lang talaga maisara 'yang bibig mo." "Naka-alis na ang kotse."Jerald replied as he looked annoyed at the receding bulk of what we had ridden earlier. "Oh? Hindi ko yata napansin?" Cristina asked curiously. Silly, it was all because of your mouth. "Una na 'ko!" Rose Ann said goodbye before running into their house. "Ako rin!" I said and left as well. I'm going to put away my belongings. Hmm, what will greet us there kaya? Dranair Academy. We'll soon meet. MASTER Cristina's POV Nauna nang umalis 'yong dalawa kaya tiningnan ko 'yong dalawa pang natira. "Wala ba kayong balak umalis?" Tanong ko. "Bakit?" Taas kilay na tanong ni Kuya sa akin. "What do you think?" Balik ko sa kaniya. "Dunno." "Ewan ko sa 'yo, maka-alis na nga." Sabi ko na lang at pumasok na ng bahay. Bahala silang dalawa doon sa labas. Pagka-pasok ko ay nakita ko kaagad si Mama na nagtutupi ng mga damit kaya lumapit na ako sakaniya. "Mano po!" Bungad ko. Kaagad siyang napatingin sa akin at ngumiti. "Oh! Nasaan ang kapatid mo? Hindi mo kasama?" Tanong niya matapos kong mag-mano. "Nasa labas pa po, kausap si Rommel." sagot ko naman 'agad. "Oh sige. Bakit ang aga ninyo yatang naka-uwi?" Tanong ni Mama nang makita ang oras sa wall clock namin. Actually, it's only 2 o'clock in the afternoon. Kakatapos lang namin mag-lunch noong ipinatawag na kami sa Office kanina. "Bukas na raw po kasi ang alis namin. They want us to prepare our things para maayos na bukas." Sagot ko naman 'agad habang inaalis ang sapatos na suot. "Ahhh ganon ba. Oh sige ayusin mo na gamit mo sa itaas. Tawagin mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong." Sambit ni Mama kaya dagli naman akong tumango. Nasa hagdan na ako nang may maamoy akong pamilyar na amoy. "Nagluto ka po ng pancake?" Tanong ko kay Mama. "Ahh oo, para sa meryenda." Sagot naman 'agad ni Mama. 'Agad naman akong napangisi. "Ahem. Ahem. Pahingi-ahem!" Natatawa naman si Mama dahil sa ginawa ko kaya sinenyasan niya na lang ako. Ngiting tagumpay naman akong pumunta sa kusina at 'agad na binungkal ang kung ano mang nakatakip sa lamesa. Ngunit gayon na lamang ang pagbusangot ng mukha ko nang tumambad sa akin ang isang platong walang kalaman-laman. "Maaa! Nasaan po 'yong Pancake?!" Sigaw ko habang hindi inaalis ang tingin sa platong walang laman. "Nandiyan lang sa lamesa, natatakpan!" Rinig kong sigaw rin ni Mama sa sala. "Wala naman po e! Plato na lang ang nandito." Sagot ko naman kaagad. "Ano?! Teka nga!" Huling sigaw ni Mama at narinig ko na lamang ang yabag niya papalapit sa akin. "Wala ba talaga diyan?" "Wala naman po oh!" Sagot ko at pinakita iyong platong malinis. "Hala, nasaan na 'yon? Baka kinain ng Tatay ninyo." Kamot-ulong tanong ni Mama. "Wala naman po si Papa sa bahay, 'di ba po? Nasa poultry siya ngayon." Sagot ko. "Aba'y oo nga pala. Ngunit nasaan na iyon." Takang tanong ni Mama at chineck ang iba pang pwedeng paglagyan ng pancakes. *grrrr grrrr* Nagkatinginan kami ni Mama at 'agad na hinanap ang kung ano mang animal ang nakapasok sa bahay. Napatigil ako sa paghahanap nang may mahagilap ang mata ko sa may gilid ng refrigerator. It looks like a tail pero sigurado akong hindi ito sa pusa dahil may mga spike ito. Tae naman, baka tuko na ito! Sinikap kong pagaanin ang yapak ko habang nilalapitan ito at akmang susunggaban na nang makita ang kabuuan nito. Napatikom ang bibig ko at hindi naalis ang tingin doon. Nga naman! Sarap na sarap ah! "Ma, dito." tawag ko kay Mama. "Bakit?" sagot ni Mama habang papalapit sa akin. "Oh bakit nga?" Nagtatakang tanong niya. "Kailan pa 'to nandito?" Naiiling at pinipigilang mapa-ngiti ay itinuro ko ang buntot na nasa gilid ng ref. "Ano ba 'yan?" Kunot-noong tanong ni Mama kaya walang nagawang yumukod ako at binuhat ang nagmamay-ari ng buntot. "Oh 'kita mo nga naman. Ang Dragon mo pala ang kumain ng mga pancakes." natatawang sambit ni Mama habang nakatingin sa karga-karga ko. "Kailan pa po siya nandito?" Tanong ko habang hinihimas ang ulo niya. Umungol siya nang mahina at iniikot ang buntot niya sa kanang braso ko. Panay pa rin ang nguya niya. "Hindi ko alam, ni hindi ko nga rin namalayang nandito pala 'yan eh." Sagot rin naman 'agad ni Mama. Natatawa na lang ako sa kalokohan ng Dragon ko at napapa-iling. "Oh sige po. Akyat na po kami sa kwarto ko." Nakangiti kong sambit. "Hala sige. Magluluto na lang ulit ako ng para sa atin." sabi pa niya at tumango na lamang ako. Umakyat na kami sa kwarto at isinabit sa gilid ang bag ko bago na-upo sa kama. "Ikaw ha, pumupuslit ka na sa bahay ni Lola. Kinain mo pa 'yong pang meryenda sana namin ngayon. Favorite ko pa naman 'yong pancake na gawa ni Mama." Kausap ko sa baby Dragon ko. Nag-grrr naman siya kaya napangiti na lang ako. "Oh siya, diyaan ka muna sa higaan ko ah. Magliligpit lang muna ako ng mga dadalhin ko bukas sa Dranair Academy! Lilipat na kami bukas doon kasama ng mga pinsan ko." Salita ko at inilapag na siya sa higaan ko. Nagpa-roll-roll pa muna siya doon kaya napatawa ulit ako. Iniwan ko na siya doon at inilabas ang dalawang malaking maleta ko. Pinagpagan ko pa muna ito dahil may mumuting alikabok ang nandoon kahit nakabalot naman ito ng plastic at nakatago sa kabinet. Inisa-isa ko nang kinuha ang mga damit ko at itinupi iyon para magkasya sa maleta. Inilagay ko sa isang purse ang mga undergaments ko. Ang isa pa ay para naman sa mga essentials ko and girly stuff. Kinuha ko muna ang phone ko at pumunta sa Spotify. It's time for some music! Mas nakakaganang kumilos kapag may music e. Mahaba-habang oras ang gugulin ko sa pagtutupi kaya need ko ng energy. Ano na kayang ginagawa ng iba? Rose Ann's POV Pagkapasok ko sa bahay ay hindi ko nakita si Lola sa sala, nasaan na naman kaya iyon? Napatingin ako sa wall clock at 1 na pala ng hapon. Hinubad ko lang sapatos ko at pumasok na. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at para na rin syempre tingnan kung nandoon si Lola. Pero wala, hmmm. Nang makainom na ako ay pumunta na ako sa kwarto. Naghu-humming pa akong pumasok pero napatigil rin nang makita ko si Lola na nakadungaw sa crib, tinitingnan yata ang mga Itlog at 'yong Dragon ni Cristina. "Lola nandito po pala kayo. Mano po?" Tawag pansin ko kay Lola. Napatingin siya sa akin at ini-angat 'yong kamay kaya lumapit na ako at nagmano. Pagkatapos kong magmano ay inilapag ko muna ang gamit ko at dumungaw rin sa crib, pero wala doon ang Dragon ni Cristina! "Lola! Nasaan po 'yong baby Dragon ni Cristina?" 'Agad na tanong ko sa kaniya. Kaya ba siya nakadugaw doon dahil nawawala ang Dragon?! "Nandoon sa bahay nila. Ang likot-likot kasi kanina at mukhang hinahanap ang Master niya." Kalmadong sagot ni Lola kaya napa-hinga naman ako nang maluwag. Akala ko nakuha na ng mga Darknian. "Baka po may nakakita doon Lola?" Nag-aalalang tanong ko, baka kasi may kumuha doon tapos dalhin sa Zoo! "Hindi visible sa paningin ng mga normal na tao ang itsura ng Dragon." sagot niya habang nakatingin sa akin. Napatikom naman ang bibig ko. "Ahh e mabuti po 'yon!" Tatawa-tawang sagot ko. "Kailan po kaya mapipisa ang mga Dragon Egg nila Jerald? Pati na rin 'yong akin?" Nakangusong sabi ko. "Huwag kang mag-alala dahil malapit nang mapisa ang lahat na Itlog na 'yan." Nakangiting sagot niya. Nanlaki agad ang mga mata ko. "Talaga po? Hala excited na po ako! Pero paano ninyo po nalaman?" "I can see someone's future, 'di ba?" Taas-kilay na sagot ni Lola. "Ang galing po talaga ng Charm mo Lola! Pati po pala sa Dragon nakikita ninyo rin po?" "Hindi, may limitasyon rin ang Charm ko, Rose Ann. Nakikita ko lang kung kailan sila mapipisa habang nasa Itlog pa sila. Pero kapag napisa na at malaki na sila ay hindi na dahil parang bina-block nila ang Charm ko." "Ahhh okay, so gaano po ka-lapit na silang mapisa?" Tanong ko pa rin. "Siguro'y pagpunta ninyo na sa Academy." Sagot ni Lola. "Ay oo nga po pala, aalis na po pala kami bukas kaya pinauwi kami ngayon nang maaga para ayusin na ang mga gamit namin." Pag-iiba ko. "Ang bilis naman yata?" Tanong ni Lola. "Hindi ko nga rin po alam eh, baka po nagmamadali po silang makabalik?" Kibit-balikat na sagot ko. "Hmm kung sabagay, mabuti na rin 'yon para mahirapan ang mga kalabang mahanap kayo at ang mga Dragon." Tatango-tangong sagot ni Lola. "Lola matanong ko lang po. Bakit po parang atat na atat ang mga Darknians na patayin ang mga Dragon habang nasa Itlog pa lang po sila?" Tanong ko. "Dahil mas madaling patayin ang isang nilalang habang mahina pa ito." Makahulugang sagot ni Lola na nakuha ko naman agad. "Kaya pala. Mabuti po at hindi na naulit 'yong pagpunta ng mga Darknian dito, ano Lola?" "Nilagyan ko ng pananggalang ang buong subdivision para hindi na tayo matunton ng mga kalaban kung nasaan tayo." "Woah, ang astig mo Lola! Pero nakikita pa rin po nila ang subdivision natin?" "Oo, itinago ko lang ang presence ng mga Dragon para hindi sila maengganyong pumunta dito." "Ganoon po ba 'yon? Nakikita po ba 'yong barrier?" "Oo naman. Pero nasa gumawa ng barrier kung hahayaan niyang maging visible ito o hindi." "Hindi po namin nakikita, ibig sabihin nakatago po iyon. Tama po ba?" Natawa si Lola kaya napakunot ang noo ko. "Nakatago kasi iyon at kahit visible pa iyon sa paningin ay hindi ninyo iyon makikita ng mga pinsan at mga tao dito sa mundong ito. Hangga't hindi na-a-activate ang charm ninyo ay mananatiling sarado ang mata ninyo sa ganitong bagay." "Ganern? Okay. Pero 'yong mga Darknians—" "Hindi nila makikita ang barrier kasi nga nakatago at isa pa ay may anti-Darknian ang barrier na inilagay ko." "Ahh okay okay. Pero kay Cristina po, napisa na po ang Dragon niya. Activate na po ba ang charm niya?" "Siguro mga 1/8 ng charm ni Cristina ay activated na. Kaya na niyang malaman ang direksyon ng kahit na anong lugar basta alam niya ang lugar na iyon o napuntahan niya na." "So living navigation map na pala siya ngayon. Excited na rin tuloy akong magka-dragon!" "Rose Ann, 'di ba sabi mo hindi Dragon ang laman ng Itlog na 'yan?" Sabay turo sa nag-iisang normal na kulay ng itlog. Nawala ang excitement na nararamdaman ko at napa-tango. "Oo nga po pala, nakalimutan ko." Tinapik ni Lola ang balikat ko. "Malay mo naman, kung ano ang meron diyan sa loob ay may kinalaman para mahanap mo ang sarili mong Dragon." Ngumiti naman ako. "Sana nga po Lola." "Oh sige. Maiwan na muna kita diyan." "Opo. Aayusin ko na rin po ang mga gamit na dadalhin ko bukas." "Sige, bantayan mo rin 'yang mga Itlog." "Opo." sabi ko na lang at lumabas na si Lola. Ang dami kong nalaman ngayon ah. Sinulyapan ko pa muna ang Dragon—No ang White Egg ko bago tumalima sa pag-aayos. Ginugol ko ang buong hapon ko sa pag-aayos ng mga gamit ko. Napapa-iling na lang ako nang makitang halos hindi man lang napuno ang maleta ko. Wala naman kasi akong masyadong damit e. Bihira lang akong bilhan ng damit ni Lola at hindi naman ako madalas lumabas ng bahay para pumorma. Halos pambahay nga ito na ginagawa ko rin namang panlabas basta maayos pa. Doon na lang siguro ako bibili kung sakaling bigyan ako ng pambili ni Lola. Dapit-hapon na nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ko. Pinatay ko na ang music sa phone ko bago i-charge ito at bumaba para tumulong sa pag-luluto. Pero nadatnan ko si Lola na kalalabas lang ng kusina at amoy ko na ang niluto niyang ulam namin sa gabi. Ayos! Wala na pala akong gagawin. "Tapos mo na bang ayusin ang mga dadalhin mo?" tanong ni Lola nang makita ako. Tumango naman ako at mabilis na pumunta sa kusina para uminom ng tubig at tingnan kung anong niluto niya. Pinilit kong huwag bumusangot nang makitang gulay ito. Hindi ako mahilig sa gulay pero kumakain naman ako basta ba masarap ang pagkakaluto at maraming sahog. "Wala ka na bang kulang? Baka pag nandoon ka na, doon ka pa lang maghahagilap ng mga kailangan mo." Sambit ni Lola nang makabalik na ako galing kusina. "Actually po Lola wala pa akong pang-basic necessities at mga pang-buwanang gamit. Mga damit pa lang po ang nandoon." Sagot ko naman 'agad. "Namili na ako kahapon ng mga kailangan mo. Nandoon sa kabilang kwarto ko nailagay. Kuhain mo na lang doon, kumpleto na 'yon." Ani ni Lola. 'Agad naman akong napangiti at napatango-tango. "Anong oras raw ba kayo susunduin dito?" Tanong ni Lola habang nagpapatumba-tumba sa upuan niya. "Mga 9 daw po ng umaga para maaga." "Oh sige. Hoy Rose Ann, mag-iingat kayo doon. Ayusin mo ugali mo doon dahil iba na 'yon dito. Hindi na mga normal na estudyante ang makakasalamuha ninyo doon." Aniya. "Lola naman, anong akala mo sa akin magaslaw? Kulang na nga lang maging invisible ako sa harap ng mga tao e." "Kahit na, mag-iingat pa rin kayo doon." "Oo na po. Pero ano po bang itsura ng Dranair Academy? Maganda ba doon? May dorm?" "Talagang maganda doon, malawak at maaliwalas pa. Malamang may dorm rin doon, pagdadalhin ba kayo ng mga gamit kung wala? Utak mo." "Aray naman Lola, nagtatanong lang naman e." Sagot ko at nanahimik na lang. Dumaan na ang dinner at katatapos ko lang mag-hugas. Kinuha ko na rin iyong mga pinamili sa akin ni Lola at kumpleto na nga iyon. Mabilis ko nalang inilagay sa zip lock 'yong iba at isiniksik na lang sa maleta 'yong iba. Bale isang maleta at isang backpack ang dala ko, mga damit at dalawang sapatos sa maleta at ibang necessities naman sa backpack. "Kung tapos ka na diyan, puntahan mo mga pinsan mo. Papuntahin mo dito dahil may ipapagawa ako sa inyo. Bilisan mo." Utos ni Lola nang silipin ako dito sa kwarto. Mabilis naman akong tumango. Inuna ko nang puntahan sila Cristina. Naabutan ko si Tita Minerva na nagbabasa ng magazine sa sala. Nakabukas kasi ang main door kaya kahit sa labas ay kitang-kita. "Tita, sila Cristina po?" Bungad ko. "Nasa itaas pa ang dalawa, hindi pa rin tapos mag-ayos. Puntahan mo na lang." Sagot naman niya kaya inakyat ko na ang kwarto ng dalawa. Inuna ko ang kay Jerald since sa kaniya ang nasa bungaran ng hagdan. Walang katok-katok na binuksan ko ang pintuan at naabutan ko siyang busy sa cellphone niya. Nakita ko naman ang nakabukas pang maleta sa kama niya at ayos na ito. "Hoy pumunta ka sa bahay sabi ni Lola." "Bakit daw?" Tanong niya at 'agad na isinara ang maleta niya. Taena? Dalawang maleta ang bitbit niya?! "Aba'y ewan ko. Inubos mo na ba lahat ng gamit mo dito at ganiyan kadami ang dadalhin mo?" Taas kilay na tanong ko. Napangisi naman siya at tinulak na lang ako palabas ng kwarto niya. Napa-ismid na lang ako. Walang katok-katok ulit na pumasok ako sa katabing kwarto. Magsasalita na sana ako nang isang lumilipad na sapatos ang nabungaran ko. 'Agad akong napayuko at pagtayo ko ay nasapul naman ako sa noo ng isa pang sapatos. "What the fudge?!" "Hala sorry Rose Ann! Ang baby Dragon ko kasi ang likot-likot! Pinagtatapon ang mga gamit na inilalagay ko sa maleta. Ang gulo na tuloy ng kwarto ko." Nakangusong salita ni Cristina. Nilibot ko naman ang paningin ko at para ngang dinaanan ng bagyo ang kwarto niya. Hinanap ng mata ko ang baby Dragon niya at nakita ko naman ito sa loob ng pink na maleta na wala nang laman. May kagat-kagat itong damit at akmang itatapon na nang agawin na ni Cristina ito. Nag-grr pa nga ito kaya natampal ni Cristina ang bibig. Napatawa naman ako dahil sa gulo ng dalawa. I think inakala ng Dragon na aalis si Cristina at hindi siya isasama kaya pinag-aalis ang mga damit na inilalagay ni Cristina. May nakita naman akong isa pang maleta na mukhang natapos nang ayusin. Ikinulong ni Cristina ang baby Dragon niya sa braso niya pero nagpapasag-pasag naman ang huli. Tiningnan naman ako ng una at nanghingi ng tulong. Napapa-iling naman akong lumapit sa kaniya at inagaw ang Dragon. 'Agad na nalipat ang atensyon sa akin ng Dragon. Bahagyang nanlaki ang mata nito at kaagad na pumulupot sa braso ko ang buntot niya. Nag-grr pa ito nang himasin ko ang ulo niya. Napabuga naman ng hangin si Cristina dahil sa nakita. "Ikaw lang naman pala makakapag-patigil diyan pinahirapan pa ako." Salita nito na ikina-tawa ko na lang. "Ang amo pa pagdating sa'yo." "Maamo rin naman siya sa iyo ah. Pero hindi nga rin ako makapaniwala na kahit hindi ako ang Master niya ay lumalapit siya sa akin." Naiiling kong sagot. "Mabuti pa'y hawakan mo na muna siya at tatapusin ko lang 'to." Suggest niya na ikina-iling ko naman. "Pupuntahan ko pa 'yong magkapatid. Pinapapunta nga pala kayo ni Lola sa bahay. May ipapagawa daw siya sa atin na hindi ko alam." Sagot ko. "Nahh, dalhin mo na lang siya papunta roon. Tulog na sa braso mo oh. Ikaw na muna bahala sa kaniya, susunod na lang ako." Nakangising sagot niya na ikina-busangot ko naman. "Edi wow ka po." Tanging nasagot ko na lang at napatingin sa hawak kong Dragon. Walang nagawang umalis na ako sa bahay nila. Hindi naman daw nakikita ng mga tao ang Dragon kaya okay lang siyang ilabas. Okay, next stop. Kina Ate Catherine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD