Someone's POV
"Mahal ko, anong ginagawa natin dito?" Masuyong tanong sa akin ng aking pinakamamahal na babae. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya at idinantay ang ulo sa kaniyang balikat.
Nandito kami ngayon sa tuktok ng isang mataas na bundok, kung saan kitang-kita ang buong lupain ng aming lahi. Ang lahing Whitenians.
"Hey I'm asking you, sagutin mo naman ako oh." Muling sambit ng babaeng nasa aking bisig kaya bahagya akong napatawa. Mainipin talaga ang isang 'to.
"Nakikita mo ba ang mga iyan?" Turo ko sa mga puno't halaman, mga kabahayan at mga pasyalan na kitang-kita mula dito sa aming kinatatayuan.
"Oo naman, hindi naman ako bulag para hindi ko iyan makita." May mapag-larong ngiting sagot niya.
"Iyang magandang tanawin na 'yan, 'yan lagi ang makikita mo kapag naging mag-asawa na tayo." Nakangiti ring sagot ko sa kaniya, nakita ko ang pag-liwanag ng mukha niya.
"Bakit naman lagi 'yan ang makikita ko? Eh sa Palasyo tayo maninirahan kapag nangyari nga iyon, right?"
"Hindi tayo sa Palasyo ninyo maninirahan, Mahal ko."
"What? Why is that?" May himig nang kalungkutan na tanong niya.
"Because here in this place, we will build our own Palace." Turo ko sa kabuuan ng bundok. Patag ang tuktok nito at napaka-lawak pa.
"T-talaga?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Oo naman!" masiglang sabi ko at iniharap siya sa akin. Inalis ko pa muna ang mapuputi niyang buhok na pilit humaharang sa maganda at maamo niyang mukha.
"Kung papayagan ako nina Ama't-Ina." malungkot na sabi niya. Kaya masuyo kong hinawakan ang kaniyang mukha.
"Walang makakapigil sa atin kung ano man ang nais nating gawin, Mahal ko. Kahit tutol ang lahat sa ating dalawa, ipaglalaban ko pa rin ang ating pagmamahalan. Kahit pa ang mismong iyong Amang Hari."
"I hope so." Huling sambit niya at kusa na akong niyakap. Isinubsob pa niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib kaya ginantihan ko na rin ito ng yakap.
"Mahal na hari....... Mahal na hari....."
Napabalikwas ako sa aking pagkakatulog nang may maramdaman akong tumatapik sa aking braso.
"Anong ginagawa mo dito?" 'agad na tanong ko sa lapastangang sumira ng aking tulog.
"Paumanhin po Kamahalan. Ngunit may mahalaga pong ibabalita sa inyo ang mga Oracles." sagot niya habang naka-yuko.
"Nahanap na ba nila?" Seryosong tanong ko at inayos ang sarili sa pag-tayo.
"Hindi ko pa po alam, Kamahalan. Nais nilang kayo mismo ang maka-usap." Sagot niya na siyang ikina-tango ko naman.
"Susunod na lang ako. Ayusin mo ang aking trono, makaka-alis ka na." Sambit ko at tinalikuran na siya. Narinig ko na lang ang pag-sara ng pinto ng aking silid.
Naglakad ako palapit sa malaking bintana at tiningnan ang madilim na kapaligiran. Isang panaginip......bakit parati ko na lang iyong napapanaginipan? Matagal ko nang binaon sa limot ang alaalang iyon na ayoko nang balikan. Ngunit bakit pilit na umaahon iyon? What is the meaning of this? Mariin kong ginulo ang aking buhok.
Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan kasabay ng pag-bukas nito. Napatingin ako doon at nakitang mga alipin ko ito. Inayos ng iba ang aking higaan at ang iba naman ay pumunta sa aking palikuran upang ihanda ang aking pampaligo. Matapos akong bihisan ng mga alipin ay nagtungo na 'agad ako sa aking trono.
Nadatnan ko doon ang mga Babaylang naka-upo sa ibaba ng aking trono.
"Magbigay galang sa Mahal na Hari!" Sigaw ng aking Punong Kawal. Diretso ang tinging naglakad ako sa gitna. Nagsiyukuan ang lahat ng nandito sa aking Trono habang naglalakad. Nang maka-upo na ako sa aking Trono ay umayos na ng tayo ang lahat at na-upo na ang ilan.
"Siguraduhin ninyong maganda ang ibabalita ninyo saakin. Huwag ninyong mas sirain pa lalo ang araw ko." Ma-otoridad na salita ko. 'Agad namang tumayo ang punong babaylan at naglakad papunta sa harapan ko.
Yumuko muna ito bago nagsimulang mag-salita.
"May magandang balita kami saiyo Mahal na Hari."
"Habang naghahanap ang mga kawal sa mundo ng mga tao ay may naramdaman ang Oracle na kasama nila na isang tagong enerhiya. Natagpuan nila ito sa isang subdivision."
"Anong maganda doon?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Napalunok naman ito at muling nagsalita.
"Umilaw po ang crystal tanda na may Dragon sa paligid." Diretsong sagot nito na nakapukaw ng atensyon ko.
"Umilaw ang bolang crystal? Ibig sabihin nahanap na ninyo kung nasaan ang mga Dragon. Tama ba?" Muling tanong ko.
Napatango naman 'agad ito na siyang ikina-ngisi ko.
"Ilang Dragon ang nahanap ninyo? Sinabi ninyo sa akin noon na apat ang Dragon na muling maisisilang. Ano?"
"Iisa lamang po ang pinakita ng crystal, Kamahalan. Nakakatiyak po kami na ito ay ang Earth Dragon." Sagot ng Babaylan.
Hmm. Hindi na rin masama. Nauna pa talaga ang Dragong iyon ha. Tingnan natin ang galing ng napili mong bagong tagapangalaga.
"Ipunin ang lahat ng magagaling na kawal at ipadala sa lugar na sinasabi ninyo. Kailangang sa pagbalik ninyo ay dala na ninyo ang ulo ng munting Dragon na iyon. Ngayon din!"
"Masusunod po, Mahal na Hari." huling sambit ng babaylan at kaagad nang umalis.
Humanda ka na sa iyong katapusan Earth Dragon. Sinisiguro ko sa iyong magsisisi ka kung bakit ka pa nabuhay sa mundong ito. Hindi na kayo nadala sa nangyari sa Dragong napatay ko noon.
Napangisi ako at napatingin sa sariling kamay. Gustuhin ko mang ako mismo ang pumatay sa iyo ay hindi na muna sa ngayon. Ikaw ay paslit pa lamang kung tutuusin at ayokong masayang ang oras ko sa isang paslit!
Catherine's POV
What else should I put in here? I brought two suitcases and one was full and the other was not. The full suitcase was filled with my clothes because of the quantity. The other ones are the shoes and other necessities.I feel like I forgot to put something but I don't know what that is and it's so frustrating! This is the hardest when packing. I didn't know what to put because of the things I wanted to bring that I didn't even know what. Geez.
Muntik na akong mapa-sigaw dahil sa gulat when my room door sprung open.
"Are you done? Pumunta ka sa bahay, may ipapagawa daw sa atin si Lola." I heard Rose Ann's voice kaya napatingin ako sa kaniya.
"Do you know how to knock? Ano daw bang gagawin? And why Cristina's Dragon with you?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"First of all, nasa kanila ang Dragon niya. Galing ako sa kanila para sabihin 'yong ipinunta ko rin dito. Nag-iimpake siya at masyado itong malikot kaya pinasama muna sa akin. And nakikita mo naman sigurong hindi ako makaka-katok." Sagot naman niya 'agad kaya napatango na lang ako.
Cristina's baby Dragon is already sleeping in her arms. Nakapulupot pa nga ang tail nito sa braso niya.
"Tapos ka na ba with your things?" Tanong ko sa kaniya.
"Hmm. Hindi naman ganoon karami ang gamit ko kaya isang maleta lang ang bitbit ko bukas. Puro kayo tigda-dalawang maleta oii." Sagot niya na ikina-tawa ko naman.
"Why? Is it our fault na hindi ka pala-porma that's why your clothes is so kaunti?" Tanong ko sa kaniya. Bumusangot naman siya at nalipat ang tingin sa maleta ko na nasa ibabaw ng higaan.
"May kulang ka pa? Ang dami nang lagay oh. Wala ng space." Puna niya doon. I just rolled my eyes.
"Feeling ko nga may kulang pa. Hindi ko lang ma-point out kung ano. What do you think?" Tanong ko sa kaniya. Napa-taas naman ang kilay niya.
"Napkin?" Sagot niya.
"Nah. May stocks pa ako niyon. Ano pa?" Tanong ko.
"Pagkain." Nakangising sagot niya. Napalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Yah! That's it! Snacks nga!" I clap my hands out of excitement.
"Oii umayos ka nga. Hindi tayo mag-a-outing kaya huwag kang magdala ng snacks. Baka sabihin patay gutom ka." Puna nanaman niya kaya napa-busangot ako.
"Ang killy joy mo rin e noh? Umalis kana nga dito. Susunod na lang ako." Sita ko sak aniya. Napangisi naman siya sa akin.
"Sabihan mo na lang 'yang kapatid mo. Ayaw akong papasukin sa kwarto niya, ang arte-arte. Akala mo naman bobosohan ko siya like ew? Daig pa si Maria Clara." Naka-ingos na sambit niya bago lumabas ng kwarto ko. Narinig ko pang sinipa niya ang pinto ni Rommel kaya napa-iling na lang ako.
When I was satisfied, I closed my suitcase. I picked it up and placed it by the window so it wouldn't get in the way. It's not that heavy since I lifted it so I'm satisfied with its contents. I looked out the window when I heard Rose Ann's voice outside.
I saw her walking towards their house. She's caressing the head of Cristina's Dragon. I can't help but wonder how she does that. Halos lahat kami ay hindi magawang hawakan ang Dragon at tanging sila lang dalawa ni Cristina ang nakakagawa niyon. But Cristina is an exception since she's the Master of that Dragon. Rose Ann is the odd one.
How is that possible that the Dragon seems so comfortable with her?
Lola doesn't have any idea on how Rose Ann did it. Kahit rin naman mismo si Rose Ann ay hindi alam kung paano niya nagagawa iyon. Ang sabi niya sa amin ay wala naman daw siyang ibang ginawa kun'di ang hawakan lang ang Dragon. Damn.
My head hurts just by thinking of the possible reason for it.
What's with her that we don't have?
"I can hear you, Master."
I almost jump out of shock because of the voice. 'Agad kong tiningnan ang tabi ko pero wala naman akong kasama dito. I roamed around the room at ako lang mag-isa. I'm sure that's not Rommel dahil naririnig ko ang ingay sa kabilang kwarto. Damn, minumulto na ba ako?!
"Master naman, I'm not a ghost. I'm your Dragon."
Muli na namang nanlaki ang mata ko dahil sa boses. Damn? Paano niya nalaman ang iniisip ko? And what? Dragon ko daw siya? No way!
"Yes way, Master. I can hear you kasi we're connected in every way. Kahit ilang milya pa ang layo natin sa isa't-isa, makakausap pa rin kita through our mind connection."
"What the heck?" Tanging nasambit ko. "You're not my Dragon! Nasa bahay ni Lola ang Dragon Egg na ibinigay sa akin ni Waterina. And it's not yet hatching! Don't fool me you damn ghost! Magpakita ka sa akin!" Sigaw ko.
"If I were you, Master, I won't shout. I only communicate with you through mind nga kasi. Believe it or not, I'm really your Dragon."
Napahawak ako sa buhok ko at inalog- alog ang ulo. I can hear the voice laughing at what I'm doing. "Shut up. I won't believe you so stop now."
"Okay okay. I'm sorry for surprising you, Master. Actually, hindi pa nga talaga dapat kita kinakausap but your thoughts are making me dizzy. I just wanted to tell you to calm your mind, I'll answer your questions but not now. Please wait for me to hatch, I'm excited to meet you! Goodbye for now."
I was about to tell something when I heard a knock on my door at bumukas rin kaagad iyon. I saw my mother looking for me and she smiled when her eyes landed on mine.
"Tapos ka na bang mag-ayos? Kumain ka na muna, dinner na."
"Ahmm sige po, susunod na po ako." Nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Okay, hihintayin ka namin." Sagot niya at lumabas na nga ng pinto.
I was left still staring. What the voice said never left my mind. I want to believe that voice that she's my Dragon but I'm not sure yet. Maybe I'll just ask Lola about this, after all, we'll go to them later. I just fix my looks before going down to eat. I caught up with them Papa who was already eating. I sat down and started eating. We just talked about how's our day going. They also knew that we were going to Lola's house so Mama said that she'll take care of the dishes.
I just brushed my teeth at hinila na si Rommel palabas ng bahay. He shrugged my hands off kaya binitawan ko na siya. Hindi ko alam kung kanino nagmana ang isang ito. Hindi naman ganito kaarte si Mama and well, Papa looks so scary dahil sa built niya and his eyes are intimidating too. Pero hindi pa rin maarte. Naku naku. Baka ampon ang isang ito ha. But still I doubt it since magkamukha kaming dalawa.
Wait—what if we're both adopted?!
"Para kang tanga. Hindi ka papasok?" I snapped myself out nang marinig ang boses ni Rommel. We were here in front of Lola's house and he was already inside so I followed him.
We reached their main door open so we entered without knocking. We saw the siblings sitting on the long sofa and Lola who was sitting on the single sofa in front of them. We stepped aside from the siblings so we caught Lola's attention.
"Nandito na pala kayo. Mag-umpisa na tayo." Nakangiti niyang sambit. Sakto namang lumabas si Rose Ann habang may bitbit na mga kandila.
"Para saan ba kasi ito Lola? Wala naman tayong pagtitirikan ng kandila, 'di ba? Wala namang namatay?" Tanong ni Rose Ann pagka-lapit niya.
"Hindi. Gagamitin ninyo ito para sa pagsubok ninyo." Sagot ni Lola na 'agad na ikina-kunot ng noo ko.
"What pagsubok are you talking about Lola?" I asked.
"Iyon po ba ang gusto ninyong ipagawa sa amin?" Dugtong naman 'agad ni Cristina.
"Oo, iyon nga ang ipapagawa ko sa inyo. Kailangan ninyong gawin ang pagsubok na ito upang tuluyan nang ma-activate ang mga charms ninyo." Sagot naman 'agad ni Lola.
"Pero 'di ba po sabi ninyo maa-activate lang ang charm namin kapag napisa na ang mga Dragons namin?" Takang tanong ni Jerald na sinang-ayunan namin.
"Oo sinabi ko iyon pero may isa pa akong hindi nasasabi sa inyo. Hindi kayo magiging isang ganap na Dragonian hanggat hindi ninyo nakukuha ang mga Yin ninyo. Ang Yin ay siyang kahati ng buhay ninyo. Ang Yin ang dahilan kung bakit nakakagamit tayo ng kapangyarihan. Sila ang nagsisilbing other half ng pagka-Dragonian natin." Wait that Yin sounds familiar. I think I heard it na sinabi ni Waterina sa akin. Baka ito na 'yong ibig sabibin niya.
"So ibig ninyo po bang sabihin ay hindi kami magiging ganap na Dragonian hangga't hindi namin nakukuha ang Yin namin, ganoon po ba?" Tanong ni Rose Ann. Napatango naman 'agad si Lola.
"Pero bakit po nagamit namin ang kapangyarihan namin noong nakaraan kahit hindi pa namin nakukuha ang Yin na sinasabi ninyo?" Takang tanong ni Jerald.
"Iyon ay dahil mismong mga Dragon ang nagbigay ng kapangyarihan nila sa inyo. Hindi ninyo pag-aari ang kapangyarihang nagamit ninyo nang mga oras na iyon. Nagawa lamang ng mga Dragon iyon dahil nasa kapahamakan kayo nang mga sandaling iyon." Paliwanag naman ni Lola.
"That makes sense. Last night, I was trying to use those powers again pero walang lumalabas sa kamay ko, like before." Biglang salita ni Rommel kaya napatingin kami sa kaniya.
"Ganoon na nga at isa pa. Kailangan na rin talaga ninyong ma-activate ang mga charms ninyo para pagdating ninyo sa Academy ay hindi na kayo mahihirapan makibagay sa mga estudyante doon. Baka pagkatuwaan pa kayo kapag nalaman nilang hindi pa ninyo nakukuha ang mga Yin ninyo." Dagdag ni Lola.
"Ohhhhh... kung ganoon simulan na po natin?" Excited na sabi ni Cristina.
"Oo sige, kumuha na kayo ng tig-iisang kandila. Iyang mga kandila na 'yan ay specially made for claiming your Yin. 'Galing pa iyan sa Dragonania at ako pa mismo—kasama ng mga Oracles ang gumawa niyan." Napa-woah naman kami dahil sa sinabi ni Lola.
"Nga pala, bago ninyo sindihan ang mga 'yan may ibibilin muna ako sa inyo, kaya makinig kayong mabuti." sabi ulit ni Lola. Tumango naman kami, I'm nervous!
"Mapupunta kayo sa ibang dimension kaya mag-iingat kayo sa lahat ng kilos ninyo, lalo na't hindi kayo magkakasama dahil ihihiwalay kayo sa isa't-isa sa oras na makapasok na kayo doon. Hayaan ninyong ang Puso't-Isip ang magdikta kung ano ang gagawin ninyo upang maka-alis at makapasa sa pagsubok na iyon. Iba-iba ang inyong kahaharaping pagsubok at naka-batay ito sa inyong mga kapangyarihan. At ang pinaka importante sa lahat.......kailangan ninyong makabalik dito bago maupos ang kandila dahil kung hindi........hindi na kayo kailanman makakaalis doon." Seryoso at madiing sambit ni Lola.
My heart beats rapidly that made me sigh. Napatitig ako sa hawak na kandila. Kailangan naming makabalik bago pa man maupos ito. What if hindi namin 'yon magawa? Masa-stock na ba talaga kami doon habambuhay? For real?!
"Nakakatakot naman po pala Lola!" kinakabahang sabi ni Cristina.
"Mas mabuti nang matakot na kayo ngayon pa lang kaysa doon pa kayo matakot dahil baka 'pag may nakaharap na kayo, mabahag ang mga buntot ninyo." seryoso pa ring turan ni Lola.
"Paano 'yan, wala po kaming buntot Lola." biglang sabi ni Jerald. 'Agad naman siyang nakatanggap ng batok mula sa kapatid.
"Oh sige na. Mag-simula na tayo....sindihan ninyo na ang mga kandila." Utos ni Lola.
Malakas akong nagpakawala ng buntong-hininga bago inilapit sa nakasinding kandila na hawak ni Lola. Matapos naming sindihan lahat ang kandila namin ay 'agad namin itong ipinatayo sa lamesang kaharap namin.
"Pumikit kayo at iharap ang sarili ninyo sa sarili ninyong mga kandila." Utos ulit ni lola, sinunod namin siya at naghintay sa susunod na gagawin.
Narinig namin siyang nagsalita ng hindi ko maintindihang salita. Narinig kong binanggit niya ang pangalan naming lima at tumigil siya. "Hayaan ninyong lamunin kayo ng antok at sa oras na makamulat kayo ay magsisimula na ang inyong mga....pagsubok." huling rinig kong sabi ni Lola kasabay nang paglamon sa akin ng kadiliman.
Melinda's POV
Napangiti ako nang makitang tuluyan nang makatulog ang aking mga apo. Tumayo ako at inayos ang lima sa pagkakahiga sa sofa. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mga mukha nila. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako dahil sa nangyayari sa kanila. Hindi ko akalaing sa iisang lahi lamang magmumula ang mga bagong Master ng mga Dragon. Ang buong akala namin ay mahahati-hati ito sa iba't-ibang Dragonian.
Nagpapa-salamat ako sa mga Diyos at Diyosa dahil napili nila ang aking mga apo. Ayaw ko man silang mapahamak ay wala na akong magagawa kung ito na ang kapalaran nila. Ang tangi na lamang naming magagawa ay tulungan at agapayanan na lamang sila. Minsan ko nang nakaharap ang Dragon at kahit papaano ay may alam na ako tungkol sa kanila.
Ngayong nasa pagsubok na ang mga bata ay nakatitiyak na akong mas mapapadali na para sa mga Dragon ang tanggapin sila bilang kanilang mga bagong Master. May tiwala ako sa aking mga apo na magagawa nilang mapagtagumpayan ito. Hindi man magiging madali ngunit alam kong kakayanin nila. Isa pa ay nagmula sila sa angkan ng mga Graspela. Ang angkan na siyang tinuturing na matatapang na mandirigma sa mundo ng Dragonania.
Matapos kong ayusin ang lima ay pinili ko na munang lumabas ng bahay upang magpahangin. Ilang taon na rin ang lumipas at unti-unti ko nang nararamdaman ang katandaan ko. Hindi ko pa ramdam ang nalalabi kong oras kung kaya't masaya ako dahil makikita ko pa kung paano lumakas at maging tanyag ang aking mga apo.
Napakunot ang aking noo nang makita ang aking anak na si Gerry. Humahangos itong papalapit sa aming bahay at bakas ang takot sa mukha nito. Dagli ko naman itong dinaluhan nang makalapit na siya. Bakit pa siya tumatakbo kung kaya naman niyang mag-teleport?
"Huminga ka nga muna. Ano bang nangyayari sa iyo at tumakbo ka pa talaga?"
"M-ma! Natunton na muli tayo ng mga Darknians!" 'Agad bumalatay ang kaba sa dibdib ko dahil sa katagang binitawan niya.
"A-ang mga bata....nasa pagsubok pa sila." Nanghihinang sambit ko at napatingin sa nakabukas na pinto kung saan kitang-kita ang mga apo kong tila natutulog lamang.
'Agad kaming pumasok sa loob ng bahay at isinarado ang pintuan. Nilapitan niya ang mga anak at pamangkin at sinuri ito.
"Paano tayo natunton ng mga Darknians?! Sigurado akong nilagyan ko ng barrier ang buong subdivision kaya paano nila tayo nahanap?!" Natatarantang tanong ko.
"Hindi ko alam Ma. Baka humina ang inilagay mong barrier kaya nagawa nila tayong mahanap?" Mabilis na sagot niya.
"Hindi, hindi. Hangga't nandito ako ay hindi hihina ang barrier na ginawa ko!"
"Ngunit ano ito Ma?! Nagawa na nila tayong mahanap at nanganganib na ang mga Dragon!" Sigaw ni Gerry habang naka-bantay sa likod ng pinto.
"Huminahon ka muna Gerry, pakiusap." Alalang sambit ko. Hindi ko siya magawang lapitan dahil binabantayan ko ang mga kandilang muntik nang mamatay.
"Maa, paano ho ako hihinahon kung pati ang mga anak ko ay nasa panganib na rin?!" Sigaw niya pa rin.
"Alam ko, alam ko. Sa ngayon ay wala tayong magagawa kun'di ang labanan sila at huwag hayaang makalapit dito." Tanging nasagot ko.
"Pero paano ang mga tao? Mas lalong magkaka-gulo kapag nakita nila ang mga Darknians. Maaari rin silang madamay!" Sambit niya na ikina-tigil ko. Oo nga pala.
"Gagawa ako ng isang engkantasyon upang patulugin ang lahat ng tao dito."
"Paano kung isa-isahin nila ang mga kabahayan dito at makita nila ang mga tao? Baka bihagin nila sila at hindi na ibalik dito! Lalong magkakagulo!"
"Alam ko! Ako nang bahala doon! Nasaan ba sila Maximo?"
"Nandoon sa main gate, hinaharangan na nila ang mga nagbabalak pumasok. Napakarami rin nila kaya alam kong nahihirapan na sila ngayon. Babalik na po ako doon at gawin ninyo na rin ang enchantment na sinasabi ninyo......kayo na po ang bahala sa mga bata, Ma." Sinserong sambit nito. Napatango naman 'agad ako hinawakan ang pisngi niya.
"Mag-iingat kayo, bumalik kayo sa akin nang buo at ligtas. Maliwanag?" Sambit ko, tumango-tango naman siya. "Opo, makaka-asa ka." Sagot niya.
Pinanood kong mag-teleport si Gerry bago inihanda ang sarili. Kasabay ng pagkumpas ko ay ang paglitaw ng aking nakatagong tungkod. Ito ang tungkod na tanda ng pagiging Orakulo ko.
Mahigpit na hinawakan ko ito at itinaas. Nararamdaman ko na ang enerhiya sa aking katawan at naipapasa na ito sa aking tungkod.
Aking ipinikit ang aking mga mata at bumigkas ng mga katagang tanging mga kapwa Orakulo lamang ang makaka-intindi. Sa aking pagdilat ay siya ring paglabas ng puting liwanag sa aking tungkod na siyang kumalat. Siniguro kong lahat nang nasa malapit sa pinangyayarihan ng kaguluhan ay maaabot nito upang masama sa ginagawa ko.
Hingal kong naibaba ang aking tungkod nang magawa ko na ang parte ko. Nasapo ko rin ang aking dibdib.
"Lola?" Nagitla ako nang marinig ko ang boses ng aking nag-iisang apo na kasa-kasama sa bahay na ito. Nakita ko siyang naka-upo at hinahabol ang hininga. Tagaktak rin ang pawis nito.
'Agad ko siyang dinaluhan at hinawakan ang balikat.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nagawa mo bang makuha ang Yin mo?" 'Agad na tanong ko.
"O-opo nagawa ko na po. Bakit po parang hinang-hina kayo? May nangyari po ba habang tulog kami?" Tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako at bahagyang tinapik ang balikat niya.
"Magpahinga ka na muna. Inumin mo ang tubig na ito para mahimasmasan ka." Sagot ko at inabot ang tubig na nakahanda na sa lamesa.
"Sige po." Sagot niya kaya umayos na ako ng tayo. Habang umiinom ay napatingin siya sa apat pa na hanggang ngayon ay mga tulog pa rin.
Tumayo siya at akmang pupunta sa nakasaradong pinto nang 'agad kong iniharang ang aking sarili.
"Lola? Magpapahangin lang po ako sa labas." Kunot-noong sagot niya pero umiling lamang ako.
"Huwag mong tatangkaing lumabas, Rose Ann."
"Bakit naman po? Hindi naman po ako tatakas——"
*booom!!!*
Pareho kaming napa-tumba dahil sa lakas nang pagsabog sa labas.
"Lola?! Ayos lang po ba kayo? Ano po ba talagang nangyayari?!" Tanong niya matapos akong tulungang tumayo.
"Natunton na tayo ng mga Darknians. Kasalukuyang hinaharap ng mga tito't-tita mo sila." Paliwanag ko. Nanlaki ang mata niya at bumahid ang gulat at takot sa mukha niya.
"A-ano pong gagawin natin?!" Tarantang tanong niya.
"Huminahon ka, sa ngayon ay kailangan nating bantayan ang mga pinsan mo. Kailangan na rin nilang makabalik dito bago pa nila tayo matunton dito!" Sagot ko.
"Sige po. Iyong mga Dragon Eggs po pala!? Tsaka 'yong Dragon ni Cristina?" dagdag na tanong niya. Napahilamos ako sa mukha ko nang maalala ko ang mga Dragon, nawala sila sa isip ko!
"Puntahan mo sila sa kwarto at dalhin mo rito." Dagling utos ko sa kaniya.
"Opo!" Maagap na sagot niya at kaagad na kumaripas nang takbo. Umalis na rin muna ako sa likod ng pinto at nilapitan ang mga bata.
*Tok! Tok! Tok!*
"Ma?! Buksan po ninyo ang pinto!" Rinig kong sigaw mula sa labas. Boses ito ni Marivic kaya 'agad akong lumapit at binuksan iyon.
Tumambad sa akin ang pagod na pagod na mukha ni Marivic kaya inalalayan ko siyang pumasok at sinarado ulit ang pinto.
"Ano nang nangyayari sa labas?" Nag-a-alalang tanong ko.
"Padami po sila nang padami! Nakapasok na rin sila sa gate kaya pinapunta nila ako rito para protektahan kayo." mabilis na sagot niya at lumapit sa mga anak niya.
"Hindi pa rin sila nakakabalik." Alalang sambit niya.
"Sila na lang apat dahil gising na si Rose Ann at nandoon pinapakuha ko ang mga Dragon Eggs at ang Dragon."
"Hindi sa pang-aano pero ang bilis naman yata niyang nakabalik?" Tanong nito. Tumango naman ako.
"Iyon din ang pinagtataka ko, siguro'y madali lang ang kaniya."
"Mabuti na rin siguro 'yon para makatulong siya sa atin ngayon. Ano daw pong charm niya?" Tanong nito.
"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa naitatanong." Sagot ko na ikina-tango niya. Sumilip siya sa bintana.
"Mukhang malayo pa sila rito. Mabuti naman." Sambit niya.
Naiwan kaming tahimik at parehong seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Kamusta na kaya ang tatlo? Sana maayos lang sila.
Hindi ko kakayanin kung pati sila ay mawala sa akin.